View Full Version : Ilang lapad??
mukomae
02-14-2007, 01:19 PM
hello mga ka -tf ask ko lang kung mag kano ba ang pinapadala/tulong na pera sa Pilipinas? Responsibilidad/Obligasyon nyo ba ito every month? Bakit?
Ako po may 3man na naka tago every month bukod pa dun sa sweldo ko na padala din ako ng 2man...kaso ngayon wala ako Job kaya 3man nalang muna...
Minsan pala nakaka-stress po pala kapag maliit ang napapadala tulong natin sa Pinas...:( Apat po lahat sila sa bahay my father, bro, my pamangkin and maid po... Matanda na po ang father ko kaya halos lahat ng pera napupunta sa vitamins at gamot nya for diabetis... tapos ako na ang bayad sa maid/nurse niya.. nakaka-lungkot lang sumosobra ang mahal ng bilihin sa pinas...
Sana mapag kasya na muna nila ang 3man this month:(
docomo
02-14-2007, 01:31 PM
wag kang mag muri kung yun lang ang padala mo, walang magagawa kung hanggang dun lang ang kaya mo diba, marami sa atin na katulad mo gustong makapag bigay ng tamang kaginhawaan para sa pamilya natin sa pilipinas,sino bang hindi ... pero kung hanggang duon pa lang ang kaya mo sa ngayon walang magagawa ..i'm sure maiintindihan yan ng pamilya mo...muri shinai hoga ii :)
wildflower
02-14-2007, 01:46 PM

hello sayo mukomae san ..ako 3 lapad lang pinapadala ko yan lang kasi kaya ko ibigay wala ako work sa bahay lang. yan na yong alowance ko. sa bahay medyo madami sila 7 lahat kasali n nanay ko s bahay at ang tatay ko may work kaso maliit na alng sweldo nya marami kasi binabawas mula ng ma operahan sya s prostate nya tapos my diabetes din sya may mga gamot sya mini mentain pati nanay ko. my dalawa estudyante sa elementary sa public skul sila pumapasok.ng binabawasan p yan bayad s bahay 1,000 a month pinagkakasya na nila yan medyo nagkasya yon pera kasi sa probinsya kami nakatira..ewan ko lng sa susunod kung magkasya pa kaya ang 3 kung mag ha high school na yong 2 estudyante..ng wo worried din ako pagdumating na yon time na wala na work tatay ko kasi matanda na..hirap na talaga buhay ngayon...
mukomae
02-14-2007, 02:38 PM

salamat sa sagot mo wildflower ... oo nga sinabi mo pa mahirap na talaga ang buhay, kaya naman ako di tumitigil sa pag hanap ng part time job... ang mahal pa ng bayad ko sa maid/nurse 2,800/m plus kuryente, pag kain, at gamot:( di ko talaga malubos maisip kung paano nila mapag kakasya ang 3man sa isang buwan.:( nag simula lang naman ito nung na hospital din ang father ko...noon okay naman kapag 3man ang napapadala ko...pero ngayon mukang malabo nga mag kasya:(
sa kalagayan ng family mo sa pinas buti napag kakasya nila ang napapadala mo tulong sa kanila...
mukomae
02-14-2007, 02:44 PM
wag kang mag muri kung yun lang ang padala mo, walang magagawa kung hanggang dun lang ang kaya mo diba, marami sa atin na katulad mo gustong makapag bigay ng tamang kaginhawaan para sa pamilya natin sa pilipinas,sino bang hindi ... pero kung hanggang duon pa lang ang kaya mo sa ngayon walang magagawa ..i'm sure maiintindihan yan ng pamilya mo...muri shinai hoga ii :)
docomo san salamat po sa advice...medyo na stress lang ako at napaisip na kulang pala yun 3man sa pinas, na compute ko lang po:(
pero sa ngayon atleast nag karon ako ng inspiration kailangan ko kumayod at maibigay ang kaginhawahan ng family ko sa pinas:) matanda na ang father ko parang its time for me na ibigay ko na ang kaginhawan sa buhay niya... wala me mother kaya father lang ...:)
ako depende 3 lapad din sa pangangailangan kasi yon mother ko simula nong naoperahan sa kidney ,kelangan laging may gamot buwan-buwan.pero mga kapatid ako na pinag-aaral ng college matatapos na rin sa wakas,pero ngayon lalo na at bumababa ang palitan nagiging 5 lapad ang naiipadala ko.hay naku, ang hirap ng buhay no!
mukomae
02-14-2007, 02:55 PM

oo nga bell san hirap na nga po ang buhay ngayon, ang baba kasi ng palitan... sana tumaas naman...:( :(
tokyoboi2
02-14-2007, 03:07 PM
malaki talaga ang naging effect ng pag depreciate ng yen sa padala natin sa Pinas. Yong dating 52 down to 39 na lang ata ngaun napakalaking bagay yon. Ano naman kaya ang effect ng pag appreciate ng peso sa buhay ng mga pamilya natin sa Pinas? Bumaba rin kaya ang presyo ng mga bilihin don? Or ang nakinabang lang ay ang mga malalaking negosyante?
wildflower
02-14-2007, 03:28 PM
hello sayo mokumae san..wala talaga magawa kasi yan lang talaga 3 ang binibigay sa akin ng asawa ko.kaya pinagkakasya na lang nila mabuti na nga yan kahit papano may 3 sila buwan2x samantala yong ibang tao sa pinas wala makain at tirahan.kaya lang pag may nagkakasakit kulang talaga yan 3 para doon sa gamot pa lang ang mahal na.minsan di rin me makatulog kasi iniisip ko rin paano paglumala na ang sakit ng tatay ko may diabetes sya at sakit sa prostate buti na lang sa ngyon may work pa sya at nakakatulong yong phil health nya.darating ang araw gra grabe yan sakit ng tatay ko iniisip ko saan kaya ako kukuha ng panggastos eh wala ako work may baby pa ako.gusto ko rin pagiponan ng pera ang tatay ko para sa sakit nya pag medyo malaki na ang baby ko maghahanap din me work..hay di bale mahirap lang basta walang nagkakasakit sa pamilya kasi ang pera madali naman hanapin yan basta masipag lang mag trabaho.
mukomae
02-14-2007, 03:46 PM
malaki talaga ang naging effect ng pag depreciate ng yen sa padala natin sa Pinas. Yong dating 52 down to 39 na lang ata ngaun napakalaking bagay yon. Ano naman kaya ang effect ng pag appreciate ng peso sa buhay ng mga pamilya natin sa Pinas? Bumaba rin kaya ang presyo ng mga bilihin don? Or ang nakinabang lang ay ang mga malalaking negosyante?
tokyo boi san Thanks sa reply, malaki talaga ang effect, sa katunayan mas lalo nag mahal ang gasolina, pagkain at kuryente sa pilipinas... according sa family ko mas lalo daw nag hirap ang pinas:( :(
Hindi ko nga alam paano nabubuhay ang mga kababayan natin doon na minimum wage lang ang sweldo, paano nila napag kakasya ang sweldo sa pamilya... ang pag kaka alam ko ang minimum wage ngayon 300 pesos a day... hindi pa aabot ng 10 thousand pesos a month...di ko lang alam yun mga manager, secretary, mga office worker kung mag kano ang sweldo nila a month...
tokyoboi2
02-14-2007, 03:54 PM

Shouganai ne..kelangan talagang doble kayod siguro ang gagawin natin para matustusan natin ang pang araw araw na gastusin ng mga family natin sa pinas. Wala kasing maasahan sa govt natin kaya shouganai..
tokyoboi2
02-14-2007, 03:58 PM
may tatlo pa kaming ampon din kasi from Smokey Mountain at high school pa lang din sila. My Father died a couple of years back kaya ako na rin nagpapa aral sa kanila.
mukomae
02-14-2007, 04:02 PM
hello sayo mokumae san..wala talaga magawa kasi yan lang talaga 3 ang binibigay sa akin ng asawa ko.kaya pinagkakasya na lang nila mabuti na nga yan kahit papano may 3 sila buwan2x samantala yong ibang tao sa pinas wala makain at tirahan.kaya lang pag may nagkakasakit kulang talaga yan 3 para doon sa gamot pa lang ang mahal na.minsan di rin me makatulog kasi iniisip ko rin paano paglumala na ang sakit ng tatay ko may diabetes sya at sakit sa prostate buti na lang sa ngyon may work pa sya at nakakatulong yong phil health nya.darating ang araw gra grabe yan sakit ng tatay ko iniisip ko saan kaya ako kukuha ng panggastos eh wala ako work may baby pa ako.gusto ko rin pagiponan ng pera ang tatay ko para sa sakit nya pag medyo malaki na ang baby ko maghahanap din me work..hay di bale mahirap lang basta walang nagkakasakit sa pamilya kasi ang pera madali naman hanapin yan basta masipag lang mag trabaho.
hi wildflower san.... swerte pa rin po ang pamilya natin kasi may nakakapag padala tayo ng pera...paano na kung wala..kaya tama ka swerte pa rin :)
mukomae
02-14-2007, 04:13 PM
may tatlo pa kaming ampon din kasi from Smokey Mountain at high school pa lang din sila. My Father died a couple of years back kaya ako na rin nagpapa aral sa kanila.
wow tokyo boi san ang galing mo naman... ganbatte kaya mo yan...
wala na pala ang father mo sorry to hear that...:(
tokyoboi2
02-14-2007, 04:18 PM
wow tokyo boi san ang galing mo naman... ganbatte kaya mo yan...
wala na pala ang father mo sorry to hear that...:(
Mukomae san;
Oo, kinuha namin sila nong maliliit pa sila, anak sila ng labandera namin. Pina ampon nya na yong 3 kasi nakulong yong husband nya at d na raw nya talaga kayang buhayin sila. 7 yrs old pa lang yong panganay non, 5 yong 2nd then 3 yong bunso. Ngaun malalaki na sila at high school na. I love them and im so proud of them.
mukomae
02-14-2007, 04:43 PM

tokyo boi2 san im proud of you kasi may natitira pa pala katulad mo...ganbatte:) malaki ang gastusin pag dating ng college...
tokyoboi2
02-14-2007, 04:55 PM
Mukomae san;
Sa awa ng Dios d naman sila nagkukulang sa pangangailangan nila araw araw. Nakita ko rin talaga ang blessing ng Panginoon simula kunin namin yong mga bata na yon. He provide all our needs.
Soo ne, gambaru shikanai ne..
Thanks for your encouragement..
Splendid
02-14-2007, 05:55 PM
Hanga ako sa inyong lahat na nagpapadala sa Pinas. Ako kasi hindi nagpapadala. Noon nagpapadala ako 5 man every month. Pero napansin ko mga kapatid ko di na naghahanap ng trabaho at umaasa na lang sa pinapadala ko buwan-buwan. Na- realized ko rin na bakit noong di pa ako nag Japan kayang pagkasyahin kung anong meron, P5,000 malaking halaga na yon pero noong nandito na ako sa Japan, 5lapad kukulangin na. Kailangan na ng aircon at katulong samantalang lumaki naman kami na walang aircon at katulong. Di na makuntento sa landline phone dahil kailangan na ng cellphone, text dito text doon kahit hindi importante. Meron pang mag bday na pwede naman magsimba ka na lang katulad ng ginagawa karamihan sa atin dito sa Japan at kakain lang kayong pamilya sa labas pero gusto talaga may lechon at party, ano yon? Kahit masakit sa kalooban ko na di magpadala, tiniis ko para bigyan sila ng leksyon na di naman ako namumulot ng pera dito sa Japan at ang asawa ko halos wala ng pahinga sa trabaho para sa amin. Tsaka may asawa't anak na ako, di ko na sila responsibilidad. Galit silang lahat sa akin hanggang ngayon pero masaya ako dahil natuto silang magbanat ng buto at nabalitaan kong may mga trabaho na silang lahat. Balang-araw maintindihan din nila kung bakit di ako nagpapadala ng pera. At kahit di nila maintidihan ok lang sa akin at least natuto silang magsumikap at di na aasa sa akin.
tokyoboi2
02-14-2007, 06:09 PM

sa case mo Splendid san tama ka, kung nasa right age na sila para magtrabaho d na talaga kelangan isubo sa kanila lahat. Ang kelangan lang natin i support talaga is yong mga kapatid na nag aaral pa at yong olds natin kung d na nila kayang magtrabaho pa. Yaan mong magalit sila at least natuto silang maging independent. Yon ang problema sa atin minsan, kung may kapatid sa abroad parang pasan nya na lahat ang responsibilidad.
In my case kelangan talaga kasi nag aaral yong mga ampon namin.
louvette_15
02-14-2007, 06:24 PM
ako naman hanggang 4man lang din maliban pag december na umaabot ng 7man dahil sa hinging pamasko. 4 po ang nasa bahay namin pero pati yong mga lolo and lola kong nasa probinsya kasali sa allowance nila.pati po yong mga nagkakasakit sa mga extended family sa amin din humihingi. dati po lagi reklamo bro ko dahil kulang nga daw po un dahil my nag aaral n rent ng haus,pagkain,mga bills and katulong. na-stress po ako dahil kada buwan po yong reklamong yon ang laging laman ng email nila sa akin. hindi na po ako nakapagpigil kaya napagsabihan ko sila na budgetin yong perang kaya kong ipadala dahil mabuti nga sila laging kasama sa budget ko tuwing sweldo ko. ako nga dito kahit nag tatrabaho eh wala sa budget ko yong pangkape ko kada araw sa factory.kung hindi ako nkakapagluto, biscuits lang baon ko sa lunch. ngayon, wala na pong ganung reklamo akong natatanggap mula pinas.saka natutunan ko na rin po na kahit anong bigay mo, hindi pa rin sapat. kahit nakapagbigay ka, meron ka pa ring naririnig na masama.
ganda_ko
02-15-2007, 12:55 AM
Hi sa inyong lahat!!
Hanga ako sa pamilya niyo kahit papano napagkakasya nila ung pera at pati na rin sa inyo syempre hanga din ako, kasi responsible pa din kayo sa pamilya niyo kahit nasa malayong lugar na kayo.. :p
Share ko lang po yung sakin, mostly po 7 man ang ipinapadala ko monthly kasi po wala po ni isa samin ang nagtatrabaho. Si mama may sakit na diabetics, sa puso at high blood, si dady mahina na rin ang katawan kaya konting trabaho pagod agad, si ate pinag papaaral ko ng HRM sobra po ang gastos kaya po pag mga tutuition siya gagawin kong 8 man ang ipinapadala ko, wala po talaga akong naiipon dahil halos lahat ng pera ko ibinibigay ko sa kanila.Minsan dumadating din yung times na napapagod ako, minsan naiisip ko "bakit ako ang kailangang magsustento samantalang ako ang bunso" pero naiisip ko din na siguro kung malalakas pa ang mga magulang ko at may kakayahan pa silang magtrabaho di nila hahayaan na mahirapan ako at mawalay sa kanila para lang kumita... I love my family kaya kahit anong pagod anong sakit titiisin ko na lang para sa aknila, ayaw ko na rin kasing makita silang nahihirapan....:)
Sa ating lahat Gambate ne!!:)
emyken1423
02-15-2007, 10:15 AM
pasali ako.......5man padala ni habibi sa pinas....basta allowance nila is twenty thou kaya dati apat lang kaso bumaba ang yen kaya naging lima.....tapos sister ko naman padala nya rin is 5man yen.....nagtatrabaho sya sa araw at gabi para nga daw makatulong sa mga kapatid namin na nasa pilipinas.....bali sya kasi ang nagpapaaral sa bunso namin.....pati yung mga kapatid ko na may asawa na tinutulungan pa rin nya.......yung padala ko na goman is para sa mga expenses sa bahay .........bali 10 ang natatanggap ng nanay ko......kaso sabi niya kulang pa rin daw............
poohbear
02-15-2007, 07:54 PM
Share lang po ako ! Ako po di nagpapadala monthly, paminsan minsan lang! Din sariling pera ko po ang pinapadala ko di po ako humihingi kay hubby but pag minsan short ako sa pera pampadala sa pinas humihiram po ako tapos babalik ko din sa kanya pagnagkapera na ako. Like
last month padala ko sa amin mahigit 7man kasi exact 30,000 pesos po iyon sa atin.Then makakapagpadala uli ako by April na .Gustuhin ko man magpadala sa family ko every month di ko naman kaya, ayoko naman humingi kay hubby kasi alam kong di namin kakayanin kong magpapadala pa kami sa pinas every month !
Tarena314
02-19-2007, 03:31 PM
Mukomae san;
Oo, kinuha namin sila nong maliliit pa sila, anak sila ng labandera namin. Pina ampon nya na yong 3 kasi nakulong yong husband nya at d na raw nya talaga kayang buhayin sila. 7 yrs old pa lang yong panganay non, 5 yong 2nd then 3 yong bunso. Ngaun malalaki na sila at high school na. I love them and im so proud of them. hello @tokyoboi..,
Na touch na naman ako dito sa kwento mo..,ngayon ko lang nabuksan tong thread na to..,ang bait naman ng pamilya mo..,sana umulan ng blessings sa mga taong katulad nyo..,imagine tatlong buhay yong natutulungan nyo..,sana maging masuwerte din yong mga batang ampon nyo..,
para hindi ako Ma OT..,ako patuloy pa rin akong nagpapadala sa pinas..,marami rin akong bayarin eh..,kaya ngayon higpit senturon talaga ako para makatipid at ang labis ay para maipon naman ..,:(
tokyoboi2
02-19-2007, 03:59 PM
hello @tokyoboi..,

Actually apat silang magkakapatid at gusto ng nanay ibigay sa amin yong apat, ang problema that time dumidede pa yong pinakamaliit kaya sabi namin yong 3 na lang. So bale naiwan sa knya ang isa at 3 yong napunta sa amin. Ngaun mga binata na sila. High school na nga sila at malaki nga rin ang gastos para sa kanila. But i know God will provide everything we need. Inako namin yong responsibility kaya Ganbarimasu...
Yong panganay mejo mahirap ituwid kasi nakamulatan nya ang buhay sa Smokey Mountain, pero unti unti nagbago rin.
Through God's grace nakakaraos dn naman kami and I'm so thankful to Him..
Ngaun sila ang nag aasikaso sa Farm namin at may ibinigay na rin parte ng lupa ang Papa ko sa kanila.
mOtt_erU
02-19-2007, 04:33 PM
hi mukomae san....paShare ha...
kame ng habibi ko 6 na lapad ang ipinapadala....pero pag may bday / enrollment O summer lessons ang imotto ko eh dinadagdagan namen...nagiging 8 o 10 lapad..:)
@ tokyoboi..
saLudo ako sa inyo....
Godbless.
Tarena314
02-19-2007, 04:40 PM
Actually apat silang magkakapatid at gusto ng nanay ibigay sa amin yong apat, ang problema that time dumidede pa yong pinakamaliit kaya sabi namin yong 3 na lang. So bale naiwan sa knya ang isa at 3 yong napunta sa amin. Ngaun mga binata na sila. High school na nga sila at malaki nga rin ang gastos para sa kanila. But i know God will provide everything we need. Inako namin yong responsibility kaya Ganbarimasu...
Yong panganay mejo mahirap ituwid kasi nakamulatan nya ang buhay sa Smokey Mountain, pero unti unti nagbago rin.
Through God's grace nakakaraos dn naman kami and I'm so thankful to Him..
Ngaun sila ang nag aasikaso sa Farm namin at may ibinigay na rin parte ng lupa ang Papa ko sa kanila.
Alam mo hindi naman natutulog ang panginoon..,iyon ang pinaka mahalaga sa buhay natin yong tayo ay hindi pinababayaan sa lahat ng oras..,Siguro sa inyo inilaan ng Panginoon ang 3 buhay na yon ,para masagip at maipag patuloy yong buhay nila..,Napalaki nyo ng maayos at napa aralan at ngayon nakakatulong pang mangalaga ng ari-arian nyo..,Kaya palagay ko hindi nasasayang yong mga perang ipinadadala mo sa kanila..,mahalaga kita mo at alam mo kung saan napupunta..,mabuti pa sila may mana na..,ako kaya sino kaya ang magbibigay ng mana:p ..,Siguro may plano pa kayo na papasukin ng college di ba? kaya palagay ko madadagdagan pa ang ilang lapad na ipinadadala mo..,:D
tokyoboi2
02-19-2007, 05:41 PM

Kung gusto nilang mag college gagawin ko ang lahat para sa kanila. Nakakatulong na rin kasi yong farm para sa pag aaral nila at yong computer shop na put up ko 3 yrs ago. Minsan kulang pa rin pero at least maski papano d na galing dito lahat ang allowance nila.
katty0531
02-21-2007, 01:59 PM
HI!
Ako naman po, walang palya din ang buwan buwan padala sa Pinas, kaya lang tumaas o bumaba man ang palitan ng yen ganon pa din padala ko, maliban kung may okasyon at gusto ko silang mag handa yon, lalo na christmas, dinadagdagan ko po.
mr.kuripot
02-21-2007, 02:15 PM
malaki talaga ang naging effect ng pag depreciate ng yen sa padala natin sa Pinas. Yong dating 52 down to 39 na lang ata ngaun napakalaking bagay yon. Ano naman kaya ang effect ng pag appreciate ng peso sa buhay ng mga pamilya natin sa Pinas? Bumaba rin kaya ang presyo ng mga bilihin don? Or ang nakinabang lang ay ang mga malalaking negosyante?
Naku tokyoboi2 kakagaling ko lang po sa pinas..Susme napakataas ng bilihin,may 12%vat p..Ang pamasahe mataas na din etc..etc..ewan ko ba, nasakit lang ang ulo ko pag nagkukwenta:(
tokyoboi2
02-21-2007, 02:38 PM
Naku tokyoboi2 kakagaling ko lang po sa pinas..Susme napakataas ng bilihin,may 12%vat p..Ang pamasahe mataas na din etc..etc..ewan ko ba, nasakit lang ang ulo ko pag nagkukwenta:(
Wala sa ayos talaga ang mga nasa Govt natin. Busy na kasi sila lahat sa election campaign. Ang masaklap halos recycled politician yong mga kandidato at halos walang mapili na matino...
honey
02-21-2007, 02:53 PM
hello mga ka -tf ask ko lang kung mag kano ba ang pinapadala/tulong na pera sa Pilipinas? Responsibilidad/Obligasyon nyo ba ito every month? Bakit?
Ako po may 3man na naka tago every month bukod pa dun sa sweldo ko na padala din ako ng 2man...kaso ngayon wala ako Job kaya 3man nalang muna...
Minsan pala nakaka-stress po pala kapag maliit ang napapadala tulong natin sa Pinas...:( Apat po lahat sila sa bahay my father, bro, my pamangkin and maid po... Matanda na po ang father ko kaya halos lahat ng pera napupunta sa vitamins at gamot nya for diabetis... tapos ako na ang bayad sa maid/nurse niya.. nakaka-lungkot lang sumosobra ang mahal ng bilihin sa pinas...
Sana mapag kasya na muna nila ang 3man this month:(
Kawawa ka naman:( Ang hirap naman ng situation mo.
Hindi ko inu-obligasyon mga magulang ko sa pinas kapag may nagkasakit yon magpapadala o kapag kailangan na kailangan talaga 3lapad minsan 2 lang yun lang kaya ko e!.Every month di ko kaya yan maliit sweldo ng asawa ko wala pa akong trabaho may maliit pang chikiting:p .
Tarena314
02-21-2007, 03:08 PM
Naku tokyoboi2 kakagaling ko lang po sa pinas..Susme napakataas ng bilihin,may 12%vat p..Ang pamasahe mataas na din etc..etc..ewan ko ba, nasakit lang ang ulo ko pag nagkukwenta:( naku..,!sinabi mo pa..,alam mo pag nauwi ako satin hindi ako pumapasok sa department store para don mag grocery, sa palengke mismo ako pumupunta at sa madaling araw pa para hindi mainit at sariwa pa ang mga bilihin..,at yong mga kailangan lang talaga ang binibili ko..,grabe pag hindi naging wise sa pag gastos kahit pa isang sakong lapad ang dala natin pauwi kulang pa rin yon..,kaya ako monthly ang padala pero para lang yon sa mga bills..,samin may kanya -kanya kaming toka para sa gastusan..,hindi pwedeng isa lang ang mag sho shoulder..,damay-damay na para mas maagan..,:)
ICHIBAN08
02-22-2007, 02:00 PM
Ako naman mga sis e asawa ko ang nagpapadala buwan buwan sa pamilya ko sa pinas...sa liit ng exchange rate ngayon e nadadagdagan tuloy ng hubby ko ang padala kaya nagiging 4man yen gorai at minsan e lumalampas pa lalo na pag nagpa general check up pa ang tatay ko...kaya nga pag nag work na ako e babawi ako sa hubby ko ako na ang aako ng sekkinin ko dapat sa pamilya ko...totoo pong napakasarap ng pakiramdam kapag nakakatulong ka sa pamilya mo sa pinas...kahit malayo tayo sa kanila e kampante ka dahil may nagagastos sila...masakit lang pag may biglaang emergency tapos wala kang bala, dyan ako na iiyak pag dumating ang ganitong problema...kaya ngayon nag iipon din ako hindi lang para sa pinas pati sa amin ng asawa't magiging anak ko...:)
lalen16loves
02-28-2007, 08:07 AM
naku...........ayoko na nga sanang isipin ang pagpapadala sa pinas kung maaari lang , at nananakit din ang ulo ko........kaso hindi pwede at may college pakong kapatid..........mon thly ako nagpapadala,, 7 man ......minsan nagkukulang pa raw....10 man pag may occasion...ang gusto ko lang naman sa nanay ko , hindi talaga nagsasabi ng kulang o namimilit na magpadala agad....ako nalang ang nagkukusa....dahil alam ko rin naman ang seikatsu sa pinas....yan na nga lang ang pinagpapasalamat ko sa DIYOS at tanggap ng asawa ko ang obligasyong yan...kaya gusto ko na ring magwork para ako narin ang umako ng pagpapadala at nakakahiya naman tlagang isipin na sinoshoulder pa ng mga asaw natin ang pagpapadala sa pamilya natin....sana makatapos na rin ang kapati dko , at least menos padala ............haaayyyy yyyyy, buhhhaaayyyy!!!!!!!! !!!!!nakaka stress
geminiaries
03-02-2007, 05:00 PM
:tiphat: :tiphat: :tiphat: Hi mga TF,kamusta kayong lahat,
Ako naman gusto ko e-share yong pag-papadala.Ako ang minimun ay 3 lapad,pero ang 1lapad,
ay pinulalagay ko sa savings ko sa Pinas,dahil ang Parent's ko ay sa bahay namin nakatira
sa Probinsya.bale 8,000.00 ang allow.nila every month,kaya pag Dec.ay ginagawa kong,
4na lapad,kasi Dec.ang Fiesta sa amin.Bale yung kapatid kong lalaki ang kasama ng magulang
ko,kaya lang binilhan din namin ng Tricycle,kaya sabe ko sa knila kahit pambele,
man lang ng ulam ay mag bigay siya.
At yong dalawang anak ko sa maynila nag-aaral.maybahay din kami doon.
at may ilan boarders,kaya bale,yung allowance nila ay nanggaga-ling don, at
boundery ng jeep namin kaya hindi na namin masyadong ini-intindi.
bale tuition fee na lang ang binibigay namin every sim-mester,bale.
20,000.00 siilang dalawa.at yung isa,HRM ang course kaya medyo,
magastos.Pero malaking bagay yung may pam-pasahero,na jeep.
kasi araw-araw my bale 800.00 pesos ang boundery kasi,parti sa gabi
ay lumalabas.kaya lang pag may sira, miinus incvome,Shouganai,de s ne.!!
pero kalahati parin ang natitira don,sa income ng jeep,kaya O.K. na rin,
na pang business.
lalen16loves
03-02-2007, 09:10 PM
ganda ganda naman ng picture nyong mag-asawa.............pa rang ang sweet sweet nyo..............san a araw-araw nalang bagong kasal ano,,,,...naalala ko lang.......
memyself&i
03-22-2008, 01:18 PM
nag papadala ko ng pera every month sa pinas... minsan 5man minsan 7man... kapag kailnagan sa hospital umaabot pa ng 9man:(
nhidz20
03-22-2008, 03:10 PM
ako naman di ako ubligadong magpadala sa pinas ng pera kung kailangang kailangan lang talaga kasi may pensyon naman si papa every month at may sari sari store si mother meron pa silang paupahan at may jeep na may boundery ng 7-800 pesos. Kung tutuusin mas mapera pa sila kaysa sa akin dito, ako maraming anak at nagtatrabaho pa para magkapera sila naghihintay nalang ng boundery sa jeep at bayad ng nangungupahan sa kanila. Yung lang pag may biglaang ma bayarang malalaki ako na may sagot.:D
tadashi
03-22-2008, 03:28 PM
ako nung may trabaho pa monthly 9 to 10 ka lapad..3 kasi pinag aaral ko puro private school pa yung 2 elementary at yung 1 college..may binabayaran pa akong sasakyan at katulong sa bahay..walang nagtatrabaho sa amin dahil matatanda na ang mga magulang ko ...lahat lahat ako ang gastos,gaas,bigas tubig,cable,ilaw,dsl ,ulam,gamot ng papa ko,at konting hulog sa savings at hulog sa utang sa credit card ko.. Nung umuwi ako nung january kinausap ko magulang ko na gusto ko ng magbuntis kaya sabi ko mababawasan na ang padala ko..nagtayo ako ng maliit na grocery ,yung kapatid ko naman na college magtatapos na ngayon taon kaya makakaluwag na siguro..next month 5 lapad na lang ipapadala ko.. Napakababa kasi ng yen,,,okay sana kung tumataas ekonomiya ng pilipinas pero okashii talaga kung kelan humihirap ang pilipinas tumataas ang value ng pera ..
japhil
03-24-2008, 02:54 PM
up ko lang po!
me gusto po sana akong itanong sa palagay nyo po ba magkano po ang dapat na gastusin sa pagkain lang po para sa 4 person bawat araw:confused: 3 estudyante po at isang matanda po. yung sa ulam lang po sa bigas ehhh bukod na po :)sa ulam lang po ang gusto kong malaman kung nasa magkano sa isang araw ang 4 person.
me sakit po kasi ang mother ko so... yung kapatid ko na babae ang pinapahawak ko ng pera... ehhh ngayon palang po sya mag bubudget ng pera at nagsabi sya sa akin na di sya marunong kaya po dito ako nagtatanong kasi diko rin po alam ang mga halaga ng bilihin ngayon sa pilipinas.
sa hirap po kasi ng buhay sa pilipinas at dito sa japan kailangan po talaga na magkaisa at magtulungan ang bawat pamilya sana po me makapag turo sa amin. salamat po:)
memyself&i
03-24-2008, 06:42 PM

sabihin na natin 5-600 a day... depende po kasi sa lifestyle nyo? meron po kasi na ang ulam sa gabi ay yun ulam sa tanghali...
atsaka depende din po kung pihikan sila at kung malakas kumain...
6-700pesos po ang gastusin a day...
napapamahal daw dun sa umaga na tapa at tocino na binibili...
pero depende pa din daw po eh sabi ng tatay ko, minsan mura minsan daw po napapamahal...
ang isang kilo na daw ng baboy ngayon ay 200pesos.. wow! ang mahal diba... ang isang kilo sa atin pwede ubusin ng 5-6na tao ulam like adobo? sa tingin ko lang po ha...
japhil
03-24-2008, 07:40 PM

sis maraming salamat sa reply mo sumakit nga ulo ko kasi katatapos lang namin nag-usap ng sister ko grabe halos same napala ang gastusin dito sa japan at pinas. papano pa kaya yung mga walang hanap buhay sa pinas. sige sis thanks again.
tadashi
03-24-2008, 08:19 PM
makisingit lang...aabutin po talaga ng 500 per day sa ulam bukod pa yung ibang gastos...(yan na yung nakakain ng baboy at manok o baka paminsan minsan)..kaya yung ibang pilipino nagkakasya na lang sa tuyo,daing,tinapa o tumpok na isda...kawawang pilipinas..
vBulletin® v3.8.1, Copyright ©2000-2010, Jelsoft Enterprises Ltd.