View Full Version : curious lang hindi ba nagagalit husband nyo? if magpapadala kayu ng pera?
yasashi
02-14-2007, 04:11 PM
gusto ko lang yung mga comments nyo about sa pagpapadala ng pera sa pinas hindi ba nagagalit o madaming tanong yung habibi nyo if sa tuwing nagpapadala ng pera sa pinas? kasi hindi ko alam if okey lang ba sa magiging husband ko yung ganung set up kahit na maysarili na kaming pamilya iba kasi yung pananaw nya eh..curious lang po...
any comments will greatly appreaciated.
mukomae
02-14-2007, 04:28 PM
hello sayo yasashi san...ako at si hubby usapan na 3man a month...di pwede sumobra di pwede mag kulang...kaya nasa usapan nyo kung mag kano papadala mo sa pinas..:) goodluck sayo:)
palangga
02-14-2007, 04:30 PM
gusto ko lang yung mga comments nyo about sa pagpapadala ng pera sa pinas hindi ba nagagalit o madaming tanong yung habibi nyo if sa tuwing nagpapadala ng pera sa pinas? kasi hindi ko alam if okey lang ba sa magiging husband ko yung ganung set up kahit na maysarili na kaming pamilya iba kasi yung pananaw nya eh..curious lang po...
any comments will greatly appreaciated.
depende na man yan sa usapan ninyong mag asawa bago kayo nagpakasal..:)
tokyoboi2
02-14-2007, 04:38 PM
Nasa tamang pag uusap lang yan. Explain lang natin mabuti sa kanila ang sitwasyon sa Pinas at siguro naman d mahirap intindihin yon. Basta walang lihim at napagkasunduan nyo.
tisay
02-14-2007, 04:38 PM
gusto ko lang yung mga comments nyo about sa pagpapadala ng pera sa pinas hindi ba nagagalit o madaming tanong yung habibi nyo if sa tuwing nagpapadala ng pera sa pinas? kasi hindi ko alam if okey lang ba sa magiging husband ko yung ganung set up kahit na maysarili na kaming pamilya iba kasi yung pananaw nya eh..curious lang po...
any comments will greatly appreaciated.
....hello,yasashi:) ..about sa question mo,,ang hubby ko kahit kelan never nagalit or nag-iingay about money allowance sa mother ko na ipinapadala namin sa 'pinas monthly..six years na kami pero kahit minsan wala pa akong narinig na reklamo from him:rolleyes: ..i have my eldest son na mother ko ang tumataguyod kaya bukod pa don allowance ng anak ko na nasa grade school pa lang at kapag pasukan naman laging full payment ang bayad ng hubby ko kahit nasa private school ang anak ko,pinapadala niya agad april pa lang para ma-enroll agad..and para di na daw problemahin ni mama ko ang school ng anak ko..actually,,bukod sa allowance iba pa yong mga hinihingi ng mother ko extra money like for business daw pero 3times ng pumalpak at 3beses na ring bulilyaso ang mga perang pinadadala namin..kaya minsan ako na rin ang naiinis kasi parang di nila pinahahalagahan ang perang pinapadala:(
kausapin mo ang husband to be mo kung ano ba nais mong mangyari lalo na money matters yan :rolleyes: ..para wala kayong pagtalunan o pag-awayan kapag mag-asawa na kayo..mas mainam yong prangkahin mo siya kesa naman pag mag-asawa na kayo ay ma-stress ka kung pano at saan ka kukuha ng ipapadala mo family mo sa 'pinas di bah:) ...goodluck at sana makatulong :D :D
miyuki
02-14-2007, 04:50 PM
pareho kami ng sitwasyon ni tisay san...nung pinakasalan nya ako bale...... buy 1 take 2 at may bonus pa syang 2... ako , ung 2 anak ko at ung nanay at tatay ko. una pa lang bwan bwan na sya nagpapadala kahit nun d pa kami kasal ..hanggang sa umuwi na ako d2 ganoon pa din . kasi ung obligasyon ko sa family ko inobligasyon na nya. kaya lang una pa lang kasi pinag usapan na namin un . at sadyang mabait nga sya minsan ako na nagpapabawas ng padala kasi nahihiya ako . dahil may negosyo namang pinagkukunan pa sila sa pinas na naiwanan ko. nasa usapan lang yan at tantyahin mo din kung hanggang magkano ang bukal sa loob na ibigay ng hubby mo . kung kulangin man ang family mo .. mag work ka at ikaw na ang magdagdag....:)
neneng
02-14-2007, 05:31 PM
sali din ako sa inyo....
tama silang lahat nasa pag-uusap ninyong mag-asawa iyan. Make sure kung ano yong usapan nyo na amount yon lang ang dapat na malaman nyang pinapadala mo. There are times na hihirit or maraming paggagatusan, nasa iyo na rin iyan how to cope up that thing.
Ako rin, almost 20 years na akong nagpapadala sa amin, walang humpay na padala pero almost all of that with the consent ng aking asawa so walang gulo. Aside sa monthly na fix (4lapad) di rin maiwasan yong may magkasakit, may namatay na relatives, may uutang, may donation, etc, itong mga expenses na ito pag kaya ko ako na lng ang nagpupuno, hindi ko na sinasabi sa kanya lahat. May pundo na kasi ako na di nya alam so binabawas na lng ng sister ko. Pag malakihan na lahat sinasabi ko sa kanya and he understands it naman.Nasa pag-uusap ninyo yan.....and of course nasa ugali din ng husband natin. May mga japanese talaga who refuses to accept that they understand our practice(yong pagtulong) kaya nauuwi minsan sa gulo ng mag-asawa. One thing also check nyo ring maayos hanggang saan or hanggang "how much" ang kaya ninyo:)
Splendid
02-14-2007, 06:07 PM
Husband ko sinasabi sa akin ako ng bahala kung magpapadala ako sa Pinas. Pero di ako nagpapadala by choice.
louvette_15
02-14-2007, 06:28 PM
bago kami ikinasal, sinabi ko na sa asawa ko na kelangan kong magpadala kada buwan sa pinas kaya ngaun, hindi naman sya nagagalit.saka minsan lang ako nakahingi sa kanya ng ipadala dahil wala pa po akong work that time.mula noon, sarili kong pera pinapadala ko kaya wala syang pakialam.
yasashi
02-14-2007, 09:00 PM
thanksss sa mga nagreply ha,galing naman ninyo at ang babait talaga ng mga pilipino nuh,yung bf bf ko naman awa ng diyos lagpas 3years na nya akong sinusupurtahan until now..yun nga hindi ko pa maiopen sa kanya if by the time na kasal na kami at tumira na dyan sa japan eh kung okey lang ba sa kanya o hindi na magpapadala ako ng pera dito.
ewan parang hesitate talaga ako kasi ayaw ko pag usapan tungkol sa pera ayoko rin mag away kami.. siguru magtratrabaho nalang ako pagdating dyan para maipadala ko sa kanila eversince kasi ako ang nagsusupurta dito sa family ko na medyo marami marami din kami grabe..
Nung bf ko palang si habibi ko nag-papadala na talaga sya monthly. Tapos nung kasal na kami at nandito na ako, inako ko na ang pag-papadala sa pinas. Nag work na ako, kasi syempre ayoko iasa sa kanya lahat naawa naman kasi ako. Kaya kahit magkano ipadala ko okay lang sa kanya.:)
yukio_cris
02-14-2007, 11:18 PM
based on my experience, yung husband ko ay first timer sa filipina, dat's why he
don't even have a knowledge about the tulong sa pamilya etc...
at first, kahit anung explanation mo, he's angry talaga and dumating pa yung
time na matindi yung sagutan namin... i have a baby kasi sa pagkadalaga...anyway , during our sagutan event, nasabi ko lang na kung ayaw mong maniwala magresearch research ka sa internet about the philippine family
and japanese-philippine marriage...nang lumaon naintindihan nman:rolleyes:
case by case din siguro.
emyken1423
02-15-2007, 09:40 AM
Pasali ako.....sa amin ng asawa ko sya ang nagkusa na mag bigay suporta sa pamilya ko......kasi before ko sya nakilala na meet muna nya ang parents ko sa pilipinas.....mag kaibigan muna kami nung time na yun....kaya nga ako na-inlove sa kanya dahil may puso sya.....alam nya kasi nung time na nag tatrabaho ako never akong nag papadala sa amin.....maka sarili ba.....na touch ako nung sya na ang nag kusa na padalhan ang mother ko sa pinas.....mas una nyang niligawan pamilya ko bago ako.....and sa awa naman ng diyos di sya nagsasawa sa pag suporta sa pamilya ko.....kahit sino man mag kasakit sa pamilya ko lagi syang andyan nag bibigay ng suporta.....at ang gusto ko pa sa kanya....di sya nahintay ng kahit na anong kapalit..........sig uro yung asawa ko nagulat lang sya sa akin dahil karamihan sa mga kasama kong filipina sa trabaho halos pinapadala nila yung sweldo nila sa pinas....samantalang ako ine-enjoy ko yung pera ko... imbes na sya ang mag date sa akin ako ang nag da-date sa kanya......tapos lagi na ako ang nabigay ng regalo sa kanya...ako pa nga ang bumili ng engagement ring namin e.............kaya sabi nya kaiba daw ako................. nung pina hinto nya ako sa pag t-trabaho syempre nakipag compromiso ako kung hihinto ako dapat give nya yung monthly salary ko e 15man yun ala pa ang bonus na nakukuha ko 10man....sabi nya di daw nya kaya ang 25man kaya 15 man na lang ....tinupad naman nya...pero habang tumatagal pag sasama namin napansin ko rin pakonti ng pakonti.....although di naman ako nag rereklamo sa kanya........napa haba na yata ...nasarapan kasi ako sa pag ku-kwento.....
naniniwala kasi ako na kapag nag iingay ka di ka nariringgan, sa dami ng sinasabi mo ala ng natatandaan....pero kung tahimik ka siguradong nararamdaman.....yan ang natutuhan ko sa mga hapon......mas nag wo-worried pag tahimik ka.........
yukio_cris
02-15-2007, 10:36 AM
naniniwala kasi ako na kapag nag iingay ka di ka nariringgan, sa dami ng sinasabi mo ala ng natatandaan....pero kung tahimik ka siguradong nararamdaman.....yan ang natutuhan ko sa mga hapon......mas nag wo-worried pag tahimik ka.........[/quote]
na experience ko yan until now, it works... even better...shy din kase ako kung minsan:(
yasashi
02-15-2007, 07:47 PM
oo nga tama emyken1423 kasi ako din minsan natry ko na pag meron kaming pinagatatalunan tatahimik talaga ako hindi na ako nagsasalita diyan na sya mag start na maworried at dun din sya mag gi give way kaya parati in the end ako yung nasusunud kahit na nga parang napipilitan lang sya...heheheh
parehos din tayo yukio first time din sa filipina yung bf ko kaya nga minsan nahihirapan ako mag explain sa kanya about yung nakasanayan na nating tulungan sa pamilya.. kung pwede lang sana pabasahin ko sya nitong forum natin eh para maka intindi hehehe..
emyken1423
02-16-2007, 09:22 AM
yukiochris, yasashi san, buti pa kayo first sa filipina habibi nyo ako asawa pangalawa na....girlfriend na filipina di na daw mabilang ng asawa ko.......pero sabi nya ako daw ang pinaka kakaiba di daw maingay pag dating sa pera di rin ako maluho .......sa totoo lang daw napaka kuripot nya before kaya nga sya iniwan ng dati nyang asawa.............at ako lang daw na filipina ang binigyan ng suporta ang pamilya.....que magkano bigay nya ala akong reklamo pero syempre pag malaki-laki bigay nya sa pamilya ko .....yung ngiti ko hanggang tenga na...he-he-he........pag konti syempre konting ngiti lang.......
lalen16loves
02-16-2007, 10:02 AM
sa totoo lang , nakakahiya talagang humingi ng pampadala sa pamilya natin sa pinas..kasi lalo na sa hindi nakakaunawang hapon , lagi nilang bukambibig " bakit obligasyon ko pa ba sila ? eh, may pamilya ka narin dito ?" hindi madali ang seikatsu dito , " iyan ay base lang sa mga kaibigan kong mga pinay na ayaw talaga magpadala ng pera ng asawa nila..
ako naman kahit nakakahiya man , wala akong magawa kundi ang ipaako ang obligasyon ko sa pinas..lalo na may nag-aaral pang college samin..nung una , medyo nagtataka sya kung baket? pero unti-unti nauunawaan naman nya at tanggap nya na ngayon na kasamasa budget namin ang padala..kahit hindi man kalakihan at least iniisip parin nya ang family ko..
Tarena314
02-16-2007, 10:20 AM
Ako naman ang kinausap ko bago ako nagpakasal sa asawa ko ay ang aking pamilya..,hindi ang aking asawa..,mataas ang pride ko pagdating sa pera..,at bago ako nag asawa isinaayos ko silang lahat at ng wala na akong maging problema pa..,ginawa ko muna ang aking pagtulong sa kanila..,Mukhang mali naman kung ang sasabihin ko sa asawa ko na dapat akong magpadala sa pamilya ko buwan-buwan..,baka naman ang isagot sakin ay ..,ano sila pensyonado ??, kaya kahit kaylan hindi ako nagparating ng kahit anong problema ng aking pamilya sa asawa ko..,kase gusto ko ma maintain yong respeto nya sa pamilya ko..,at samin hindi uso ang tamad at pala hingi ..,at ang kasabihan samin ay huwag kumain ang TAMAD..,kaya smooth ang takbo ng buhay namin at kung sino ang may problema usap kaming lahat at kami-kami ang nagtutulungan..,laha t may partisipasyon ano man yon..,:(
Philipinessa
02-16-2007, 11:48 AM
Ako naman ang kinausap ko bago ako nagpakasal sa asawa ko ay ang aking pamilya..,hindi ang aking asawa..,mataas ang pride ko pagdating sa pera..,at Mukhang mali naman kung ang sasabihin ko sa asawa ko na dapat akong magpadala sa pamilya ko buwan-buwan..,baka naman ang isagot sakin ay ..,ano sila pensyonado ??, kaya kahit kaylan hindi ako nagparating ng kahit anong problema ng aking pamilya sa asawa ko..,kase gusto ko ma maintain yong respeto nya sa pamilya ko..,at samin hindi uso ang tamad at pala hingi ..,at ang kasabihan samin ay huwag kumain ang TAMAD..,kaya smooth ang takbo ng buhay namin at kung sino ang may problema usap kaming lahat at kami-kami ang nagtutulungan..,laha t may partisipasyon ano man yon..,:(
Pareho pala tayo Tarenasan...never din nagpadala sa Pilipinas itong mister ko dahil gawa ko na rin. Pero saludo rin talaga ako sa iba na nagpapadala sa pamilya dito! Iba talaga ang pamilyang Pilipino!!!
Mabuhay!
Tarena314
02-16-2007, 12:37 PM
Pareho pala tayo Tarenasan...never din nagpadala sa Pilipinas itong mister ko dahil gawa ko na rin. Pero saludo rin talaga ako sa iba na nagpapadala sa pamilya dito! Iba talaga ang pamilyang Pilipino!!!
Mabuhay! Alam mo hindi naman sa pagmamalaki.., bago ako nagpakasal sa asawa ko nag usap kami at marami akong itinanong sa kanya lalo na tungkol sa magiging estado ko sa kanya..,syempre mas dapat kong alamin ang magiging kalalagayan ko sa kanya dahil ako ang makikisama at magsisilbi sa kanya,hindi ang kung ano ang magiging kakalagayan ng pamilya ko sa kanya..,syempre naging maayos ang lahat ..,kaya kung tagumpay ang relasyon ko sa kanya at kung maayos ang financial status ko sa kanya..,natural damay na rin ang pamilya ko don..,pero ako pa rin ang mag magmamane obra ng lahat.., Kailangan lang ay nasa tamang desisyon ang lahat at magsimpan para sa kinabukasan..,tama ka sa sinabi mo na nakakahanga ang mga hapong nagkukusa na alalahanin ang pamilya ng asawa nilang pinay sa pinas..,sana huwag silang magsawa at hangad ko ang mas lalong maraming biyayang pumasaok sa kanila..,:)
poohbear
02-16-2007, 09:03 PM
Makkisali po ako... About naman sa Hubby ko naiintindihan niya na parang hinde !!:D
Ako naman kasi di nagpapadala every month kasi di ko kaya , paminsa mnsan lang.
Di rin ako humihingi kay hubby sarili ko pong pera pinapadala ko, pero minsan pag
short ako sa pera pampadala sa pinas humihiram ako sa kanya at binabayaran ko yon!:(
Di naman siya nagagalit pag magpapadala ako yon nga lang lagi akong pnagsasabihan
na mag ipon din ako ! Magastos din kasi ako dito !:D Alam kong pilit akong iniintindi ng
asawa kasi naman magulang ko pa rin yon kaya wala siyang magawa, saka sabi ko sa kanya
di naman ako nagpapadala every month. Mabait naman ang hubby ko sa family ko marami na
siyang nagawa para sa family ko at may time din naman na sarili niyang pera pinapadala ko at
di ko binabayaran sa kanya but mostly pera ko talaga pinapadala ko ! Nag iipon pa lang kasi
kami at mababa ang suweldo niya kaya di ko pinasa sa kanya ang responsiblidad ko sa family
ko sa pinas!
mOtt_erU
02-16-2007, 10:56 PM
...pashare ha....:)
samen ni habibi ko,....siya mismO ang nagpapadala ng pera sa family ko nakaii sila talaga....minsan nga dinadagdagan pa sabi ko wag masyadO....hindi samen prOblema ang pagpapadala sa Pinas kase bago pa kame magpakasal siya mismo nagOffer...maganda na pag-usapan ang bagay na to para di maging cause ng away.....
louvette_15
02-17-2007, 03:04 AM
thanksss sa mga nagreply ha,galing naman ninyo at ang babait talaga ng mga pilipino nuh,yung bf bf ko naman awa ng diyos lagpas 3years na nya akong sinusupurtahan until now..yun nga hindi ko pa maiopen sa kanya if by the time na kasal na kami at tumira na dyan sa japan eh kung okey lang ba sa kanya o hindi na magpapadala ako ng pera dito.
ewan parang hesitate talaga ako kasi ayaw ko pag usapan tungkol sa pera ayoko rin mag away kami.. siguru magtratrabaho nalang ako pagdating dyan para maipadala ko sa kanila eversince kasi ako ang nagsusupurta dito sa family ko na medyo marami marami din kami grabe..
alam mo, yasashi san, habang maaga ay dapat sinimulan mo ng mag explain-explain sa bf mo yon tungkol sa pagpadala sa pamilya. karamihan naman sa kanila madaling makaunawa na ganun tayong mga pinoy when it comes sa mga pamilya natin sa pinas. kahit pa galing sa kita natin yong pinapadala natin, dapat pa ring ipaalam yon sa mga asawa natin. pag nagtanong bakit, madali namang mag explain ng katotohanan db? huwag ka mag hesitate kasi kung talagang mahal ka nya, mamahalin nya rin pamilya mo to the point na intindihin nya sitwasyon mo.at kung mahal mo sya talaga, you will trust na maintindihan ka rin nya basta you have to explain it.
ICHIBAN08
02-17-2007, 07:51 AM
HI po s a inyong lahat ka-tf!:) ...ako naman mula't sapul magsama kami ng hubby ko e nagpapadala na siya ng pera sa pamilya ko sa pinas...kasi bago kami ikasal hindi ko man hiningi sa kanya o hiniling sa kanya na suportahan niya pamilya ko e nag offer na siya na tulungan pamilya ko dahil alam niya sitwasyon namin...pero kapag nakapagsimula ulit ako mag work e ako na ang magpapadala sa pinas kaya mas ok sa hubby ko yun:D
sam_227
02-17-2007, 06:05 PM
Maki join nrin ako..Ako man bago pa lang kami kasal non sinabi ko na sakanya na kailangan ko mag padala sa pinas every month dahil ako lang inaasahan sa amin.Explain mo lang sa kanya ng maayos,minsan kasi iba iba din ugali ng mga hapon,Pero bago ako mag padala kailngan malaman muna syempre ni habibi.Hanggang ngayon kahit minsan kapos kami sa pera never namin pinag awayan about sa money, good luck
csbaby
02-17-2007, 07:22 PM
share rin po ako sa amin naman bago kami nagpakasal kinausap ako ni hubby na di nya daw kayang suportahan ang pamilya ko kasi nga salary man lang sya.tama lang sa amin ang sahod nya kaya sinabi na mag work ako at ako na bahala magpadala sa pamilya ko at wala na syang pakialam sa pera kaya mula noon until ako ang nagpapadala sa amin.
Alleck
02-19-2007, 09:43 PM
Hello, makikisabat lang. Against ang asawa ko sa pagsuporta sa pinas. ayaw nya na tumutulong ako sa pinas dahil may pamilya na raw ako. kaya ang ginagawa ko, pasikreto akong nagpapadala. yun nga lang, nagtataka sya dahil bakit daw hindi ako makaipon, nagdadahilan na lang ako na may binibili ako hanggang sa maisip nyang incapable akong humawak ng pera effectively na madalas na cause ng away. kaya ngayon, bad housefwife ako pero good daugther sa pinas... :(
katty0531
02-21-2007, 01:47 PM
Sa kalagayan ko naman, mula sa umpisa pa kasi di pa kami kasal sinabi ko na sa kanya magiging sitwasyon, habang buhay di ko pwedeng di suportahan ang nanay ko kasi matanda na at walang trabaho, di bale na mga kapatid ko (dalawang lalake) sabi ko sa kanya bahala na sila sa buhay nila pagkatapos ng college, wala na akong paki alam sa kanila basta si nanay ko akin yan at tutulungan mo ako dyan sabi ko, kaya yon di ko na kailangang ulitin pa sabihin sa kanya yon alam na nya. Kaya maayos naman po kami tungkol sa padala at suporta sa Pinas.
mr.kuripot
02-21-2007, 02:27 PM
hello yasashisan..Di naman nagagalit c hubby ko kun nagpapadala ako s pinas,sya pa nga minsan ang nagkukusang magpadala..kahit magkano di sya nagrereklamo, kasi naman ay pinapaliwanag ko sa kanya ang mga dapat bayaran..Saka ang katwiran kasi ni hubby nun daw ikakasal pa lang kami ay nangako daw sya s pamilya ko at sa akin na tutulungan nya sila pag pumayag sila na magpakasal sa akin..Sa simula pa lang alam na ni hubby na may obligasyon na ako s family ko..
honey
02-21-2007, 02:47 PM
Hindi nagsasalita asawa ko kapag sabihin ko magpadala kami sa pinas pero alam ko labag sa kalooban nya syempre nga naman pinaghirapan nya tas ibigay lang nya.Mga hapon kasi inuuna sariling pamilya bago iba.Pero kapag meron asawa ko hindi sya madamot kapag kailangan na kailangan dun sya nagbibigay sya pa nga nagpapaalala sa akin e!.Hindi kami lagi nagpapadala sa pinas once in a blue moon lang.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.