PDA

View Full Version : Kakulitan ng mga anak nyo


honey
02-15-2007, 09:38 AM
kakulitan ng mga anak nyo o kakulitan nyo nun bata pa na kinaiinisan o nakakatawa share nyo naman THANK YOU:)


Yung nakakainis na ginawa ng anak ko dun nya nilagay sa washing machine namin ang pampers nya imbis na sa basurahan naglaba tuloy ulit ako nun matuyo.


Yung nakakatuwa magaling sya mambola :p sasayawan ka nya kahit matigas katawan nya kumakanta rin sya pero ang nakakatawa nyang binibigkas e "don yo bebe!" means "DON'T YOU BABY?"at kapag di ka ngumiti hahalik sayo at sasabihan ka pa nyan ng "Ganda mo Sexy pa" :biglaugh:mix salita nya e!.

Inday_36
02-15-2007, 10:08 AM
kakulitan:: noong maliliit pa yung 2 baby ko, kapag nagliligpit ako sa kusina tuwing umaga sabay prepare ng breakfast nila, iniiwan ko silang dalawa sa loob ng crib, nagulat ako minsan, bigla silang pumalahaw, yun pala sabay silang nahulog sa crib, pareho nilang inakyak para makalabas...ayun pareho ko silang sinugod sa hospital para ipa x-ray, kasi nag panic ako di ko alam kung ano ang naunang bumagasak sa part ng katawan nila...kaya nung huli kawayan na ang binili kong crib nila, para wala silang pwedeng matungtungan...sarap gunitain ng mga experiences pag dating sa mga kalokohan ng mga anak.... minsan ang hirap ikubli ng lungkot sa tuwing naalala ko ang mga baby ko.

nakakataba rin ng puso., kasi noong 5yrs old ang baby girl ko, galing sya sa school, nag kiss sya at yumakap sabay sabing, "alam mo mommy ang swerte ko kasi nagkaroon ako ng mommy'ng maganda!" ....natawa nalang ako kasi marunong na ring mambola ang anak ko..:)

ngayon naman, tumutulong ang baby boy ko sa pagbabantay ng tindahan ng lola nya basta meron syang sweldo every sunday.. ay naku nakakatuwa talaga ang mga bata!:)

emyken1423
02-15-2007, 10:40 AM
bigla ko tuloy naalala mga kakulitan ng anak ko....

Kakulitan: una ng 5months old pa lang sya, tulog na tulog ako di ko alam nahulog na pala ang anak ko sa kama medyo mataas pa naman yun kaso may mga nakakalat na pillows sa may ibaba......nung nagising ako ang takot ko ala yung anak ko sa tabi ko.....yun pala gumapang sya pumunta sa shower room namin nag lalaro ng tubig......yung pangalawa nalunok nya yung piso 6 months old naman sya....naka nganga sya di maka pag salita ....ginawa ko binaligtad ko sya binitin ko ng patiwarik ayun lumabas ang piso........

Nakakatuwa naman sa kanya pag boring ka masarap syang kausap kahit 6 years old pa lang sya marami na syang alam di mo na maloloko........at kahit 24 oras mo pa syang kausapin okey lang di yan susuko masyado syang makwento......atsaka pag nag bibihis ako sya ang napili kung anong isusuot ko kung anong ayos ng hair ko........malambing sya super.......sana nga kahit malaki na sya di sya mag babago...........

honey
02-15-2007, 11:01 AM
Inday_36 and emyken1423

nakakatuwa naman mga kakulitan ng babies nyo mga hulog babies pala sila :biglaugh: jokes

ang aga naman magsalita ng anak mo emyken1423 bibong bata.Inday_36 nakakatuwa na rin ano kahit binobola lang :D pero hindi naman sinungaling mga bata sa totoo lang.

mhisoza
02-15-2007, 04:44 PM
honey san, hajimemashite pasali ako dito :)

Kakulitan : nung 2sai pa lang anak ko, dali dali akong nag linis ng bahay para makapag lakwatsa kami ...shower muna ako at pinabayaan ko muna syang mag laro ....hay naku! ng natapos na ako yung anak ko naman ay pinaglaruan ang mga takip ng nabe, fry fan at halos gamit ko sa kitchen ay pinag lalabas at ang abura :eek: ibinuhos sa sahig at ang tissue nakakalat sabi nya "Mama ochi arui" kimochi warui daw... di na kami naka-alis at nag linis na lang uli ako......

nakakatuwa naman sa kanya sa pagkain lahat ng inihahanda ko ay kinakain suki,kirai nakkute at pag nakita nyang tapos na akong mag linis ng bahay eto naman sinasabi nya"mama ottsukare tsama detta".... :D utal pa sya kase noon

ngayon malaki na sya "OKASAN" na ang tawag nya sa akin :)

myukasky
02-15-2007, 08:39 PM
Kakulitan ng anak? hmmmmmmm ano nga ba hehehehheh. Ah itong sa second baby ko grabe, noong mag 1 year and 4 months yata siya noon. Yung kamisori pinaka tago tago ko na at binalot ko pa sa papel bago ko itapon at nilagyan ko pa sya ng tape. Tapos nagulat na lang ako may natira pa palang isa at pinaglaruan niya. Grabe puro hiwa yung palad nya at daliri, pero di sya umiiyak. Sabi ng daugther ko "mama takumi chan mite" ako naman nagmamadali kasi akala ko ii koto ba. Pagpasok ko sa kuwarto puro dugo daig pa ang may nagsuicide na nag gilit ba ng pulse. So ako naman nagmamadali na humanap ng asukal para huminto dugo, sabay punas na rin ng tatami. Biglang pasok din ng husband ko sa room, gulat ako kasi umiiyak husband ko ang luha naggigilid ba. Sabi ko " Papa nande naiteru'n desu ka?" Di sumagot nagpunas na rin ng tatami, tapos pagkasabi sabi ng husband ko. Kowakatta daw sya kasi akala nya kung ano na nangyari hehehheheheheh. Grabe kulit nitong son ko minsan di ko na lang pinapansin at ako lang mapapagod. Lalo na ngayon at nagsasalita na, wala na ngang ginawa kundi manood ng cd ni shimajiro. Paulit ulit nalang at kung di masunod gusto zutto ang iyak nya:eek:

Autumn
02-15-2007, 09:41 PM
Kakulitan ng Anak....? yun eldest ko gusto nya noon na sya mag alaga ng baby sis nya.sya ay 5 yrs old that time...tapos 2 weeks pa lang yun baby syempre di pa pwede pahawakan.pag nalilingat ako eh papalitan ng diaper.eh kakapalit ko lang..sayang :D..tapos titimpla pa ng milk at papadedehin..pinaka grabe eh yun lagyan ba naman ng sangkaterbang baby powder si baby ayun at panay at hatsing..syempre nagalit na ako..
ala eh nag iiyak at sabi wala daw pala syang paki nabang lalalayas na lang daw..ay akala ko nag bibiro..pahingi daw ng bag..since maliit pa sya binigyan ko ng mga plastic (supa bukuro)...sinilip ko nag babalot at panay emote..pag labas sa kwarto gusto ko matawa kasi para syang puno na namumulaklak sukbit lahat yun plastic na ang laman eh puro panty at okashii..mayroon pang nakasabit sa paa na supot magkabila pa..parang presong nakakadena ..plastic nga lang..:D
tapos napunta sa akin ..at sabi Ima made taihen osewa ni narimashita..pigil pigil ko tawa ko..tapos sabay sabing ihatid ko daw sya sa philippines:biglaugh ::biglaugh::biglaugh :
sarap talaga pag maliit pa anak..masyadong makulay ang mundo ano mga sis...;)

fisher
02-15-2007, 10:27 PM
Hehehehe ang kakulitan naman ng nagiisang anak kong babae ay kung bakit kapag nagkukulitan kami ng misis ko ay lagi siyang kampi sa kanya.Tapos sasabihan pa ako ng "Daddy.....umpphhh!Uw aaaaaahhhhhhhh~~~~~~ ~~magkakampi sila ng mommy niya:D .

lalen16loves
02-16-2007, 07:49 AM
Kakulitan ng Anak....? yun eldest ko gusto nya noon na sya mag alaga ng baby sis nya.sya ay 5 yrs old that time...tapos 2 weeks pa lang yun baby syempre di pa pwede pahawakan.pag nalilingat ako eh papalitan ng diaper.eh kakapalit ko lang..sayang :D..tapos titimpla pa ng milk at papadedehin..pinaka grabe eh yun lagyan ba naman ng sangkaterbang baby powder si baby ayun at panay at hatsing..syempre nagalit na ako..
ala eh nag iiyak at sabi wala daw pala syang paki nabang lalalayas na lang daw..ay akala ko nag bibiro..pahingi daw ng bag..since maliit pa sya binigyan ko ng mga plastic (supa bukuro)...sinilip ko nag babalot at panay emote..pag labas sa kwarto gusto ko matawa kasi para syang puno na namumulaklak sukbit lahat yun plastic na ang laman eh puro panty at okashii..mayroon pang nakasabit sa paa na supot magkabila pa..parang presong nakakadena ..plastic nga lang..:D
tapos napunta sa akin ..at sabi Ima made taihen osewa ni narimashita..pigil pigil ko tawa ko..tapos sabay sabing ihatid ko daw sya sa philippines:biglaugh ::biglaugh::biglaugh :
sarap talaga pag maliit pa anak..masyadong makulay ang mundo ano mga sis...;)


sis autumn;

ang cute naman ng kwento ng anak mo...tapos sapinas pa nya gustong magpahatid ahh...:) :) kakaiba :)