View Full Version : Ano po ba masRAKU?
honey
02-15-2007, 10:27 AM
Pra sa mga mommies Ano po ba ang masRAKU o masmadali ang magkasunod lang ng 2 years ang anak o 7 years up ang gap nilang dalawa?
Kasi po maraming nagsasabi sa akin na sundan ko na raw anak ko habang mallit pa si panganay para isang hirapan na lang.
Meron din naman nagsasabi na kapag nagelementary na lang daw o medyo malaki na, kasi magkakaselosan pa yan kapag maliit pa sila at sundan mo agad mahihirapan daw ako magbantay ng 2 maliit.Saka malolosyang daw ako :eek: losyang naman na e!:p .
Base po sa mga experience ng mga mommies dito share nyo naman po salamat.
Autumn
02-15-2007, 06:34 PM
Ako kasi bale 5 years yun gap ng kids ko.para sa akin mas maganda yata yun magkasunod kasi isang palakihan nalang..kesa sa may inihahatid ka sa yotchien or hoiken tapos may bitbit ka pang maliit na bata..
naalala ko pa para akong mababaliw kasi habang binibihisan ko yun papasok sa yotchien eh umiiyak yun maliit..di ko minsan alam gagawin ko.
tapos pag may affairs sa yotchien or school hindi ako makadalo kasi may maliit pa..
:(
Splendid
02-15-2007, 07:20 PM
Sa akin naman 9yrs ang gap ng mga anak ko at di naman ako nahirapan kasi yong panganay ko minsan ang nagsusundo sa yuchien. Pero siguro mas maganda kung 2yrs gap lang para isang beses lang ang hirap. Kahit malosyang ok lang, babawi ka na lang paglaki na ng mga anak mo. Mas raku talaga pag sabay na lang silang lumaki:)
fremsite
02-15-2007, 07:54 PM
hello honey san .. good pm po .. :)
makikisali na ko dito ... kung sa akin .. mas maganda siguro na 2 years ang gap nila ..
para isang hirap na nga lang .. saglit lang yan .. habang maliliit sila .. mabilis naman kasi silang lumaki .. hindi mo mapapansin na tumatakbo ang panahon :) . kung sa selosan .. nasa sa atin na rin yan kasi kung makikita ng bata na mas inaasikaso mo yung isa .. magseselos talaga .. pero kung bibigyan mo ng time ang bawat isa ... wala sigurong problema .. pwede mo rin sabihin sa panganay mo tulungan ka niya sa pag-aasikaso sa little bro / sis niya .. maliit pa nga siya pero natutuwa ang mga bata ng ganun .. at least , mararamdaman niya na hindi mo siya nakakalimutan . pag tulog na yung isa .. bigyan mo ng time yung isa para makapaglaro kayo or anything na hindi niya mapi-feel na kinakalimutan mo siya . kailangan din ang palagi mo siyang kakausapin .. hindi puro saway ... para naiintindihan niya kung ano2 ang nangyayari sa paligid niya . bata pa nga , pero kung maayos mong kakausapin .. mamahalin .. wala sigurong problema .. pag tulog na silang 2 .. give time naman para sa sarili mo or sa inyong 2 na asawa mo . kaya mo yan .. nakakaya ng iba ( ako din , nakaya ko ) ... mas lalong kaya mo rin siguro . huwag mong isipin ang hirap .. :) nasa sa iyo pa rin ang disisyon .. :)
honey
02-15-2007, 10:52 PM
salamat po sa mga replies nyo Autumn san, Splendid san and fremsite san.
Nagiisip po kasi ako kung mag-aanak pa sa hirap ng dinanas ko sa panganay ko parang natatakot na ako at paiba iba isip ko.Kung di po nyo naitatanong Cesarian po ako sa anak kong babae wala po nakatuwang sa akin na kahit sino para mag-alaga sa anak ko hindi ako pinakinggan ng asawa ko nun bago ako manganak na papuntahin mama ko mas naniwala pa sya sa kakilala nyang filipina puro negative ang kwento. Naghirap ako ng 4 buwan na wala akong tulog kundi 10 min. hindi pa ako breast feed kasi walang lumabas na gatas.Wala akong magawa kundi kumilos kahit 1 week pa lang tahi ko.1 taon mahigit bago bumalik sigla ko madalas pa ako suki ng hospital nyan dahil sa stress,kulang sa dugo dahil walang tulog at miminari (ugong sa tenga).
Kapag tinatanong ko anak ko na 2 years old kung gusto nya ng baby "Akachan HOSHII" sinasabi nya naaawa ako.Kailangan talagang mapilit ko muna itong asawa ko na papuntahin mama o papa ko kapag nagbuntis ulit ako.
Sa mga nabasa ko sa replies nyo kahit natatakot ako naiinspired ako sana makayanan ko ulit lahat kapag nasa situation na ako THANK YOU po ulit:) .
myukasky
02-15-2007, 11:14 PM
Ako may kids din isang 4 (girl) at (2) years old. Lahat ng nakakakita sa amin kapag kasama ko kids ko sinasabi nila maganda daw yung pagitan nila 2 years gap. Normal ako nanganak at kahit kasama ko laws ko noon sa house di ko inasa sa kanila, sarili kong kilos at naranasan ko yung kalalabas ko lang ng byoin nagvacuum na ako agad kasi ang dumi ng house namin hehehhehehe. Lahat naman mahirap kaya kailangan lang lakasan ng loob. Magandang magbuntis kung ang susundan ay naglalakad na at di na nagpapakarga at higit sa lahat ay nagsasalita na at nakakaintindi na ng sinasabi sa kanya. Itong daugther ko grabe ang selos noon pero ako naman panay ang explain ko sa kanya naiintindihan naman ako pero normal talaga yung magselos siya. Kaya ang ginawa ko noong lumabas na itong baby boy ko doon pa rin yung attention ko sa eldest ko, kasi itong si baby boy mada wakaranai naman sya kaya okey lang. Ngayon pareho na silang wakatteru kaya medyo mahirap na. Ang isa pang maganda sa magkasunod isang alagaan na lang at ang proproblemahin mo na lang yung pagpapalaki. Goodluck kaya mo yan:D :D :D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.