View Full Version : Nagkakampihan ba ang biyenan at asawang hapon....
Mga ka tf sad ako ngayon kasi feeling ko nagkakaaaampihaaan silang dalawa.. hhuhuhu:weep:
Kasi ganito istorya..
Nuon pa gusto ko sana ako nalang maghahatid sa hoikwen sa baby ko(2yrs.old) , even do mahirap sa schedule ko pero piiplitin ko dahil sa sobrang nagaalala ako s paghatid at sundo ng biyenan ko(83yrs.old) sa anak ko.Matanda na sya at di na nya mapigilan ang anak ko kapag nagwawala 'to, di man lang binabawalan,pinapaba yaan na magtatakbo sa labasan.
Alam ko na natutuwa ang biyenan ko sa paghatid at pagsundo sa anak ko, minsan sumasakay sila ng Bus, densha na di naka stroller at naglalakad lang,, kapag naririnig ko na namasyal sila na silang dalawa lang, umiikot na ang pwet ko sa pag-aalala, dahil kapag tumakbo ang anak ko sobrang bilis at di sya mahabol ng lola nya..
Sabi ko ako nalang mahahatid at bibili nalang ako ng bike para panghatid ko sa anak ko,sabi ng biyenan ko" Inalisan mo naman ako ng kasiyahan,(sa tagalog)" masaya ako pag hianahatid at sundo ko anak mo" sabi nya,, nagsalita din ang asawa ko sabi nya na kailangan daw maglakad ng nanay nya para ma-exercise ang paa,mahal din daw ang bike ,baka daw mahirapan ako magbayad , ang sabi ko "kahit mahal pa sya!! para wag nalang ako nagaalala kapag hinahatid sya ng lola nya.. " sige baka magkabangga bangga ka ha!!! at nag tawanan silang dalawa.
Di ko na alam kung anong gagawain ko,, kapag ako ang naghatid sa anak ko masasaktan ko naman ang biyenan ko, pero kapag pinabayaan ko naman ang biyenan ko lagi naman akong nagaala-la...Sabi ko s isip ko kapag nadisgrasya anak ko di ko sila mapapatawad dahil sa pagpapabaya. Di ko yata kaya yun. Guys advise naman...:(
Autumn
02-15-2007, 10:29 PM
oo nga naman kaligayahan na ni lola yun hatid at sundo at pakiramdam nya may pakinabang pa sya..
ganito na lang yun Anak mo nalang kausapin mo ..sabihin mo mag behave pag kasama si lola kasi matanda na at alalayan kamo si lola kasi baka madapa..:) at wag iiwan at tatakbo dahil malabo na mata ni lola at baka hindi kamo sya makilala at dumampot na lang ng ibang bata at gawin apo..
Hows this...?
o kaya bili ka ng tali..para hawak ni lola yun baby mo ..kaya lang parang dog anoh.?
yun lang naisip ko eh pasensya na ha..
myukasky
02-15-2007, 10:47 PM
Alam mo sis naiintindihan ko yang nararamdaman mo, ganun talaga tayong mga nanay kapag di na tayo ang nagbabantay sa kids natin para tayong manok na di mapakali at nag-aalala. Tama sabi ni sis Autum bakit di mo kausapin anak mo. Alam mo may anak din ako isang 4 at 2 years old minsan yung mother in laws ko lang kasama nila sa pamamasyal. Syempre di maaalis sa ganyang idad ang kakulitan. At may batang sobarang genki talaga parang di napapagod takbo dito takbo doon. Yung kids ko di sila ganyan, kapag nasa labas na sila over sila sa tahimik at di sila yung palasaway. Kapag nasa house lang ay naku susuko ka kakasaway. Tinuruan namin yung kids namin na dapat ganito kapag nasa labas sila, okey lang sana kung kasama kami ng papa nila okey lang kahit maghabulan kaso kung laws lang namin pinagsasabihan namin sila. Merong nabibiling tali for kids, may ganyan ako noong medyo makulit pa itong anak ko kapag lalabas kami kinakabit ko yun para di abunai. I think nasa 1900 lang yun or meron pang mas mura. Huwag mo masyado dibdibin na pinagtutulungan ka nila at tama din yung kaligayan na ng biyanan mo yun kaya pabayaan mo na lang. Mag isip ka na lang ng ibang way kung paano magiging behave si baby mo kapag si lola lang niya ang kasama. May mura namang jidensha at kahit di panghatid sa anak mo kailangan mo yun. Ako nga kapag hinahatid ko kids ko sa hoikuen dalawa sila, yan na ang exercise ko everyday ang hatid sila.:D :D :D Pero if ever na bibili ka ng jidesha mahal na ang bilin mo matibay at matagal mo pa gagatimin.:D :D :D
oo nga naman kaligayahan na ni lola yun hatid at sundo at pakiramdam nya may pakinabang pa sya..
ganito na lang yun Anak mo nalang kausapin mo ..sabihin mo mag behave pag kasama si lola kasi matanda na at alalayan kamo si lola kasi baka madapa..:) at wag iiwan at tatakbo dahil malabo na mata ni lola at baka hindi kamo sya makilala at dumampot na lang ng ibang bata at gawin apo..
Hows this...?
o kaya bili ka ng tali..para hawak ni lola yun baby mo ..kaya lang parang dog anoh.?
yun lang naisip ko eh pasensya na ha..thank you sa reply Autumn ha, :DParang sinabi mo yata na ang anak ko nalang magalaga sa lola nya hahahaah! actually, bumili na ako ng "TALI"(tali e noh.. sama pakinggan) sa bahay lang , may pakpak pa nga parang angel b..kaya lang para naman syang aso nakakaawang tignan , at naaawa din yung mga nakakakita sa amin dalawa naghahatakan kami:D ..well salamat sa advice po ,matatandaan kaya ng anak ko pag sinabi ko na wag ka magtatatak bo pag kasama mo lola mo!" Pero try ko din.. thanks.:)
Alam mo sis naiintindihan ko yang nararamdaman mo, ganun talaga tayong mga nanay kapag di na tayo ang nagbabantay sa kids natin para tayong manok na di mapakali at nag-aalala. Tama sabi ni sis Autum bakit di mo kausapin anak mo. Alam mo may anak din ako isang 4 at 2 years old minsan yung mother in laws ko lang kasama nila sa pamamasyal. Syempre di maaalis sa ganyang idad ang kakulitan. At may batang sobarang genki talaga parang di napapagod takbo dito takbo doon. Yung kids ko di sila ganyan, kapag nasa labas na sila over sila sa tahimik at di sila yung palasaway. Kapag nasa house lang ay naku susuko ka kakasaway. Tinuruan namin yung kids namin na dapat ganito kapag nasa labas sila, okey lang sana kung kasama kami ng papa nila okey lang kahit maghabulan kaso kung laws lang namin pinagsasabihan namin sila. Merong nabibiling tali for kids, may ganyan ako noong medyo makulit pa itong anak ko kapag lalabas kami kinakabit ko yun para di abunai. I think nasa 1900 lang yun or meron pang mas mura. Huwag mo masyado dibdibin na pinagtutulungan ka nila at tama din yung kaligayan na ng biyanan mo yun kaya pabayaan mo na lang. Mag isip ka na lang ng ibang way kung paano magiging behave si baby mo kapag si lola lang niya ang kasama. May mura namang jidensha at kahit di panghatid sa anak mo kailangan mo yun. Ako nga kapag hinahatid ko kids ko sa hoikuen dalawa sila, yan na ang exercise ko everyday ang hatid sila.:D :D :D Pero if ever na bibili ka ng jidesha mahal na ang bilin mo matibay at matagal mo pa gagatimin.:D :D :D thank you sa reply myukasky, yez bili talaga ako ng bike , pero di kaya lumaki hita ko nun? pero meron ba ng hindi masyadong mataas yung upuan ? kasi di ako sanay s mountain bike, bike ko kasi parang pambata style hihihihi:D natatakot ako pag di lumalapat paa ko sa lupa.:D
bikoy
02-16-2007, 11:03 AM
hi mimi san......siguro ang mas mabuti mong gawin eh sabayan mo na lang yung biyenan mo sa pagsundo sa anak mo...I mean dalawa na lang kayo ng biyenan mo sumundo...In that way ...di ka na mag-aalala na baka mapahamak yung anak mo and at the same time magkakaroon pa kayo ng bonding ng biyenan mo at tuloy ma-eexcercise narin po kayong dalawa ni biyenan mo habang naglalakad papunta & pauwi:D :D
myukasky
02-16-2007, 06:31 PM
thank you sa reply myukasky, yez bili talaga ako ng bike , pero di kaya lumaki hita ko nun? pero meron ba ng hindi masyadong mataas yung upuan ? kasi di ako sanay s mountain bike, bike ko kasi parang pambata style hihihihi:D natatakot ako pag di lumalapat paa ko sa lupa.:D
Meron naman ganyang style na puwede adjust yung upuan niya. Ang bilin mo yung pang mommy na puwede angkas ang kids. Huwag yung may instant na upuan ng kids kasi kapag malaki na kids mo di mo na rin magagamit. Ang bilin mo yung nalalagyan ng upuan, kung may pera ka rin lang ang bilin mo yung brand matagal talaga gamitin ang magaan lang siya. Pareho tayo gusto ko sumasayad paa ko agad sa lupa kasi ang bigat ng angkas ko hehehehehhehehe. Bridgestone ang bilis mo sis di ka magsisisi:D :D :D medyo mahal nga pero sulit naman yung binayad mo. Dalaga at binata na yang kids mo ay nagagamit mo pa hehehhehehe kung di mananakaw ah hehehheheheh. Pero kapag may upuan ng bata di daw masyado takaw pansin sa mga dorobo kasi sisitahin sila ng omawarisan hehehehhehehehe.
honey
02-18-2007, 12:37 PM
OO tama sila kausapin mo anak mo tas papiliin mo kaya kung sino gusto nya sumundo sa kanya kapag lola nya pinili nya bilinan mo na wag sya magtatakbo dahil hindi naman sya mahahabol ng lola nya behave dapat sya sya ang aalalay sa lola nya nabaliktad :D .
Alam ko rin yang nararamdaman mo kahit hindi ko pa naranasan nanay din naman ako pero alam mo yung anak ko mas gusto nyang kasama lolo nya sa pamamasyal halos 4 na oras nga sila sa kalsada hindi ko naman mapigilan anak ko kasi daisuki nya lolo nya pinagiingat ko na lang silang dalawa nagwawala anak ko e kapag hindi sila namasyal ng lolo nya anak ko rin mabilis tumakbo at makulit 2 years old gusto sa kalsada kaya minsan sa bagal nya maglakad nagtatrapik tuloy.
yukio_cris
02-18-2007, 12:52 PM
:D thank you sa reply myukasky, yez bili talaga ako ng bike , pero di kaya lumaki hita ko nun? pero meron ba ng hindi masyadong mataas yung upuan ? kasi di ako sanay s mountain bike, bike ko kasi parang pambata style hihihihi:D natatakot ako pag di lumalapat paa ko sa lupa.:D
yung biyenanis mo ba ang problema mo or yung bike?:lol: advice ko naman, what if one
time samahan mo ung biyenan mo na magsundo sa anak mo...
if you think na safe naman syang guardian, why not ? let her na siya magsundo
para din ma exercise si lola..but better talk to your child na mag behave , araw araw
i advice mo yung baby ha? if not, dalawa nalang kayong magsundo ni lola para peace kayo!!:kiss:coz u know what?(secret natin to)takot din ako sa mountain bike:sssh: maliit din yung bike ko:shutup:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.