PDA

View Full Version : MANNY PACQUIAO sa PULITIKA?


lalen16loves
02-16-2007, 08:43 AM
ano pong masasabi nyo sa pagtakbo ni pacquiao sa general santos for CONGRESSMAN ?

ako kasi di ako mapalagay eh , sa tingin ko parang hindi pa sya bagay sa pulitika..mas gusto kong nakikita ko syang lumalaban sa boksing..para magbigay ng karangalan sa pinas..ako pa eh , idol na idol ko sya sa larangan ng boksing..tuwing pinapanood ko sya proud na proud ako kasi ang galing nya talaga..

pero , ngayon sasabak na sya sa politics ? uhmmm?:cool: dapat ba ? sa kongreso , gagawa ng batas ?!!!!hindi naman sa walang bilib sa kanya , ..oo nga at marami ngang pulitiko tayong halos matindi ang mga pinag-aralan at wala ring ginawa sating bayan , pero pati ba naman si manny , papasukin pa ang pulitika ?

hindi ba mas karapat- dapat sya sa boksing nalang..isa pa naman syang treasure ng bansa natin sa larangan ng sports ...kilala na sya ng buong mundo sa galing nya..baka kasi imbes na imbes na maganda ang image nya eh, pumanget pa ..sa pulitika pa naman , hinahanap agad ang maipipintas sayo para madown ka ..

opinion ko lang naman yan ...kayo naman katf , halimbawa lang , iboboto nyo ba si manny pacquiao sa pulitika ?
ako , baka hindi....pero idol ko parin sya sa boksing........SOLID ako dyan..sana wag mong iwanan ang larangan ng boksing :king:

biloglog
02-16-2007, 10:31 AM
yun naman ang uso sa pinas,,kung sinong mayaman sya ang panalo.kung sinong sikat maraming sumipsip..hehehe!!

dagdag ko lang

1. Richard Gomez tatakbong Senador
2. Marjorie Barretto tatakbong Konsehal sa 2nd district ng Caloocan
3. Lito Lapid tatakbong mayor ng Makati
4.
5.

paki dagadag nalang para masaya..
hehehe!!!

:D

Soju6
02-16-2007, 12:22 PM
Old news na po yan mga ka - TF. Si Erap naging presidente di ba? We can't get any worst than that....
Oh yeah, FPJ muntik na siyang manalo nung buhay pa siya.

McBONG
02-16-2007, 12:36 PM
"Sus...Ginoo,nabuang na gyud,mga botante sa pinas?,"..Oh,my buddha kaya dadami ang tatakbo nyan paalis ng pinas at kung mananalo ang ilan dyan dahil silay artista at sikat.Anak ng weteng talaga oo,...ginawa na circus politika ng Filipinas.

4.Anjo Yllana tatakbo vice mayor paranaque
5.Alma Moreno tatakbo kunsehal sa paranaque rin
6.Mcbong Tatakbo paalis ng pinas pag-nanalo mga ganyan:(

Tarena314
02-16-2007, 01:19 PM
Ano kaya ang naisipan ni PACMAN..,dapat hindi sya sumali sa Pulitika at sino kaya ang nasa likod nya..,ang lakas naman magsulsol..,:mad:

biloglog
02-16-2007, 01:34 PM
ito marami rami na ang nasa lista.
onli in da pilipins party list

0. Manny Pacquiao for Congressman ng Cotabato
1. Richard Gomez tatakbong Senador
2. Marjorie Barretto tatakbong Konsehal sa 2nd district ng Caloocan
3. Lito Lapid tatakbong mayor ng Makati
4. Anjo Yllana tatakbo vice mayor paranaque
5. Alma Moreno tatakbo kunsehal sa paranaque
6.
7.
8.
9.


paki dag dag nalang...

bot wais. tink twais..i wil mik pepol hapi.. yu kno...

hehehe!!!

:D

fremsite
02-16-2007, 01:42 PM
eeewwww~~~~~~ !!! :doh:

ayan na naman ~~~ :ohlord:
hindi na nagbago:fire:

proud me
02-16-2007, 01:53 PM
lalong titindi na siguro ang mala-showbiz ng mga pulitiko...dami na nila...kaya takbo rin ng pinas mala showbiz siguro mangyayari...:p

Inday_36
02-16-2007, 02:48 PM
ano pong masasabi nyo sa pagtakbo ni pacquiao sa general santos for CONGRESSMAN ?



ay naku dong baka maghirap ka pag pinasok mo ang pulitika!:D

Soju6
02-16-2007, 03:43 PM
Pare-pareho po nating alam kung gaano kapalpak ang politika sa atin. Alam nating ninakawan na tayo ng bilyong dolyares nung pamilyang humawak sa pinas ng 20 yrs...tumakbo sa hawaii, nung bumalik sa pinas yung ina at mga anak ....naiboto pa rin sa congreso ( I can't get over this one kaya nabanggit ko, still amazes me until now).:bonk:

Ang problema.....ano po ba ang ginagawa natin o dapat nating gawin para mahinto o mabago ang mga ganitong pangyayari sa atin?

Kung ako po ang tatanungin ninyo....EDUKASYON ang kailangan.
Kaya kahit papaano magmula ng umalis ako ng pilipinas hanggang ngayon mayroon akong allotment na napupunta sa charity for "Education For Filipino Children".

Para sa akin, ang mabuti ay gumawa ng paraan.............. .....di yung puro kwento.

purpletablet
02-16-2007, 07:29 PM
hay naku! nagulat nga ako noong mapanood ko ang news na tatakbo daw si pacman sa pagkakongresista... teka teka.. if i remember it ryt, si pacman ay nagparehistro sa manila paano siya tatakbong congressman sa gensan kung sa manila na siya nakarehistro? :confused:

sana wag na lang siya tumakbo sa politika, tutal marami naman siyang natutulungan.... mas maganda kung magfocus siyang mabuti sa pagboboksing para mas lalo nyang bigyan ng karangalan ang bansa natin :D ...


well, tungkol nman sa mga artista na tatakbo, hindi na bago yan.. pero sa tingin ko mas wais na ang mga botante ngaun.... kasi last year maraming natalong mga artista :D

eto pa dagdag ko na rin ha... marami po ang mga balimbing ngaun sa line up.. hehehe.. kunyari si tessie aquino oreta na tuta dati ni erap (pakirecall po: si TAO ang sumayaw sayaw habang nagkakaroon ng impeachment trial) si tito sotto na kilalang alyado ni erap ay nasa team unity (administration ticket).... si loren legarda naman na dating ka-alyado ni GMA.. na naging kaalyado ni the late FPJ ay nasa team opposition na.. hmnnn.. iisip pa ako ng ibang mga nagswitch ng pananaw na mga senatoriables..

teka si manny villar at kiko pangilinan ay tumatakbo bilang independent.. pero ang pagkakaalam ko ay inampon ng opposition si kiko :D

at eto pa.... si allan 'peter' cayetano na kilalang bumabatikos kay FG Arroyo ay may kapangalan na tatakbo sa senado... joselito `peter` cayetano na taga Visayas (nakalimutan ko na ang lugar).. nakakapagtaka talaga panigurado ako na pakana ito ng kabilang kampo dahil alam nila na malakas si cayetano.. noong magresearch ang mga taga ABS CBN ay napag-alaman na ang joselito 'peter' cayetano ay may totoong nickname na jojo kaya kitang-kita agad ang panghihimasok ng mga panggulo sa eleksyon.. haaayzzz..

sana po ay maging mapanuri tayo sa mga kumakandidato ngaun at iboto po natin ang karapatdapat na kandidato upang umunlad na ang ating bansa...

:D :D :D

purpletablet
02-16-2007, 07:36 PM
ooopps mainit init pang balita...

si gov petilla (gov ng leyte) na senatoriable ng team unity ay mag-e-exit na at si Cesar Montano na ang ipapalit, according to UNITY Team leader Ace Durano :D

RODSKI
02-16-2007, 08:01 PM
Tsk! tsk! tsk!:( kawawa lang si Manny 'Pacquiao', halatang ginagamit lang sya ng mga pulitiko at:mad: halatang nabuyo lang para tumakbo sa pulitika.

mOtt_erU
02-16-2007, 11:05 PM
sana magconcentrate nalang si Manny P. sa pagboboxing.... wala namang masama sa paghahangad na tumulong sa kababayan at magsilbi....pero kase pano nya magagampanan yun tungkulin niya ng 100% kung may laban siya o may taping ng Commercials...sabaga y may time management na tinatawag... perO iba kase sa politika...magulo..a t wala pang masyadong alam si Manny sa Politika...tas sasabak siya..mahirap sumabak sa bagay na di mo naman alam.... sana wag niya nalang ituloy..... maaga pa masyado..pero buhay nya yun..Goddluck nalang kay Manny....

purpletablet
02-16-2007, 11:28 PM
nga po pala i forgot to mention a while ago.. si chavit singson ay senatorial candidate under team unity.. kung ang mga ibang senatoriables ay may hatak na mga artista (e.g. ate shawie ni kiko, ate vi ni ralph, lucy torres ni richard) si chavit ay si manny pacquiao nman ang kasama nya sa pangangampanya...

lalen16loves
02-17-2007, 12:18 AM
Tsk! tsk! tsk!:( kawawa lang si Manny 'Pacquiao', halatang ginagamit lang sya ng mga pulitiko at:mad: halatang nabuyo lang para tumakbo sa pulitika.

yah...yan din ang palagay ko eh..ginagamit lang din ang popularity nya..minsan, nakakainis din yung ibang kababayan nating mahilig bumoto sa mga sikat na artista,kasi idol nila...kaya naman dumarami na ang mga pulitikong hindi naman dapat sumali sa larangang yan..pero , ayon sa survey , mahina na raw ang mga appeal ng mga artista sa masa..natututo na raw kasii ang mga tao na hindi lang basta sikat ok ka na sa pulitika o iboboto kana..pero , nanghihinayang tlaga ako kay manny tsk..tsk..tsk...pero malay nga natin mapaganda nya nga ang bayan nila..sana.......... .
lalong titindi na siguro ang mala-showbiz ng mga pulitiko...dami na nila...kaya takbo rin ng pinas mala showbiz siguro mangyayari...:p

oo nga sis , kahit sang lugar sa pinas , puro may mga artistang politicians...kaya nga ang pinas showbiz na showbiz

joeblack
02-17-2007, 12:38 AM
yah...yan din ang palagay ko eh..ginagamit lang din ang popularity nya..minsan, nakakainis din yung ibang kababayan nating mahilig bumoto sa mga sikat na artista,kasi idol nila...kaya naman dumarami na ang mga pulitikong hindi naman dapat sumali sa larangang yan..pero , ayon sa survey , mahina na raw ang mga appeal ng mga artista sa masa..natututo na raw kasii ang mga tao na hindi lang basta sikat ok ka na sa pulitika o iboboto kana..pero , nanghihinayang tlaga ako kay manny tsk..tsk..tsk...pero malay nga natin mapaganda nya nga ang bayan nila..sana.......... .


oo nga sis , kahit sang lugar sa pinas , puro may mga artistang politicians...kaya nga ang pinas showbiz na showbiz

Pasali sausapan! You know politics has to aspects.... Being an in born politician or installed Politician.. In born in the sense that,he /she has all the the knowledge of LAW of the Philippines and of International Law....Installed politician in other way; are politicians being manipulated by a controlled government to use his/her popularity to win another nightmare!!!! The result? S_U_F_F_E_R_I_N_G_S. .............of the Filipino people....

This is only my opinion being one of the absentee voters!!!!! Think twice and Think it over!!!! We see the audacious situation of our economy .... Think also the corruption and red tape in our government......Do I need to inumerate? Hope we will be guided with the HOLY SPIRIT on whom to vote!!!!!

bilog1@mie
02-17-2007, 12:54 AM
BOOM!

tarat, tarat...

BOOM!

tarat, tarat !

Kurakot, kurakot...

BOOM, BOOM, BOOM ! :p

lalen16loves
02-17-2007, 12:58 AM
BOOM!

tarat, tarat...

BOOM!

tarat, tarat !

Kurakot, kurakot...

BOOM, BOOM, BOOM ! :p

okay yung version mo ha..:) dapat yan ang gawing jingle sa mga walang kwentang pulitiko

wes
02-17-2007, 01:56 AM
hmmm.... wala akong ma say... bakit kaya ang daling maloko ng mga tao sa atin ano? :confused: kaya siguro isa rin yan kung bakit hindi nila pinag tutuunan ang education sa atin... :D ... hmmm...teka si DOLPHY ba walang balak tumakbo sa politica??? peace :p

Soju6
02-17-2007, 11:49 AM
Wes,
Matagal na akong di nagbabasa ng news. Lalo na pag tungkol sa pulitika sa pinas. Pag may hinawakan akong newspaper, yung comics na lang binabasa ko. Nagsawa na akong magbasa ng mga "iyak at angal" ng karamihan.....na bakit si Manny Pac kakadidato or si
JInggoy di pa rin nakakulong halos pareho din naman ang kaso nilang mag ama.
Mga K-TF, ano ba ang puede nating gawin? May maitutulong ba tayo para mabago ang sistema? Nakakaawa na ang pilipinas....tapak-tapakan na tayo ng mga bansang nakapaikot sa atin..Singapore/Malaysia/indo/ thailand....Cambodia ?Vietnam? malapit narin.

Pero pag sa kuwentuhan laging tayo ang magagaling, di po ba? Mag papatalo ba naman ang pinoy sa payabangan sa kwentuhan? Ano bang tulong ang magagawa natin?
Kusinero/driver lang ho ako, pero kung may maitutulong ako......

bilog1@mie
02-17-2007, 11:01 PM
kabayang wes,

si dolphy?...alam mo, malaki respeto ko sa kanya.
matagal ng inaawitan si Pidol na tumakbo sa pulitika,
pero panay ang tanggi.

alam mo bakit, ang sabi niya: " Paano kung manalo ako?"

malalim sa palagay ko ang pagiging sensitibo niya at ganap na
naiintindihan niya ang tunay at tamang papel ng pulitika sa buhay
ng ordinaryong taongbayan.

maraming iba ang walang pakundangan ang pag-ambisyon sa
pagpasok sa pulitika pero, salat naman sa kaalaman at tamang
pananaw ng paninilbihan.

==================

lalen16loves,

kung nababagay yung jingle natin sa mga kandidatong kilala mo,
binibigay ko sa iyo ang kalayaang gamitin ito. ;)

kiddoshin
02-17-2007, 11:24 PM
sayang ang pagtingin ng pilipino kay pacman...

wag na sana sya tumakbo... naparami kong sentiments about sa issue na ito.... eto sila... affected ako masyado eh... hehehe...


1. ang pangungahing trabaho ng mga congressman ay ang mag propose ng mga pwedeng maging batas na kung san nagkarooon ng debate sa plenary ng congress.... ung proponent na gumawa nung proposal ang unang magsasalita at magpapaliwanag tapos magkakaroon ng motion na ito ay gawing batas... kung may objections at ammendments, dun magkakaroon ng debate..

ang tanong... kaya ba ni pacman gumawa ng batas... ndi sa minamaliit ko sya... pero siguro kailangan mo din naman ng kakayahan para sumulat...at makipag debate...

marunong kaya si pacman ng parliamentary procedures na syang sinusunod ng congress naten ngayon sa floor?


2. ung congressman ngayon dun sa lugar nya ay magaling... i like her... she's good and a fighter... matalino at may prinsipyo... ndi ako maka oposisyon, pero isa sya sa oposisyon na gusto ko... mahirap siguro talunin at puro kse batikos ang ginagawa sa malacanang at political strategy to beat her... eh ung itapat si pacman...


3. para sa akin lahat tayo ay pwedeng maging leader... pero sana naman may batayan... sa opinion ko ang isang leader ay ung may pangarap ndi lang sa sarili nya kundi sa kanyang kapwa tao at merong kakayahan na isakatuparan ang pangarap sa katotohanan...

ang tanong... sige may mga pangarap si pacman para sa kanyang kababayan pero pano nya ito magagawa sa congress?

kung mayor o konsehal o governor siguro ang tinakbo nya... maintindihan ko pa sya...


4. my god... mukhang circus ang politics sa pinas...


5. nangangarap pa ang admistration ng parliamentary form of government na kung saan ang mga congressman ang magpapatakbo ng pilipinas pero ang mga pinapatakbo nila sa congress ay OMG (oh my god) talaga....


un lang... OA ko ba? wala rin kse magawa ngayong gabi eh... yasumi ko sa trabaho... kamusta naman...

pano nga pala bumoto dito sa japan??? may bumoboto ba sa nio???

kiddoshin
02-17-2007, 11:32 PM
cesar montano sa senado...ano ba yan...

purpletablet
02-18-2007, 12:00 AM
cesar montano sa senado... nyeta... ano ba yan...


si richard gomez rin! :rolleyes:

iseijin
02-19-2007, 04:31 AM
si richard gomez rin! :rolleyes:


ay ka linti, pa gwapuhan na lng pala ang seat sa senado? tsk tsk tsk

purpletablet
03-12-2007, 11:08 PM
naku pooooo!

napanood ko ang TV Patrol kanina... si pacman tuloy ang pagtakbo sa kongreso (ticket siya ng administration) kalaban nya si Darlene Custodio (opposition).... haaayzzzzz ano ba naman yan :rolleyes:

lalen16loves
03-13-2007, 07:21 AM
naku pooooo!

napanood ko ang TV Patrol kanina... si pacman tuloy ang pagtakbo sa kongreso (ticket siya ng administration) kalaban nya si Darlene Custodio (opposition).... haaayzzzzz ano ba naman yan :rolleyes:


walang magagawa , malakas manulsol ang mga nasa likod nya eh.....:mad:

Tarena314
03-13-2007, 10:22 AM
Malakas kase si Darlene Custudio..,at isa yun sa mga mahigpit bumatikos sa administrasyon..,kay a naisipan ng administrasyon na tapatan sya ng sikat na tao..,sana maging wise ang mga botante..,tamang desisyon at sana huwag padala sa suhol..,:mad:

tokyoboi2
03-13-2007, 12:17 PM
maski d masyadong magaling sa politika basta wag lang corrupt, may puso para sa bayan at hindi sariling bulsa lang ang aalagaan..

Soju6
03-13-2007, 12:28 PM
Amen!!!:dowave:

infinite_trial
03-16-2007, 10:28 AM
Kailan pa ako tatakbo, pag laos na ako? May maniniwala pa ba sa akin? Mas advantage sa akin na tumakbo ako ngayon kasi sikat ako -- Manny Pacquiao

CELEBS WHO WANT TO BECOME PUBLIC OFFICIALS (http://services.inquirer.ne t/express/07/03/14/html_output/xmlhtml/20070314-54700-xml.html)
- from inquirer.net

para kay manny....magboxing ka na lang noh!

geminiaries
03-16-2007, 07:46 PM
:band: :biglaugh: Hello mga ka TF, gusto ko rin mag comment,in regarding with his
(manny pacquiao,)political ambition.Sa tutu-o lang na kaka belib yung " Super Guts"
nya.kasi akalain mong ka-kandidato siya (manny p.) ay deritso kaagad sa kamara,yung iba
nga na mas deserving,maging Congressman,ay nag dada-an muna sa pagiging,at least
Councilor.Pero siya talaga sa Congresso,kaagad ang Target nya.Baka akala nya parang
Boksing lang na may referee,Hindi nya kaya iniisip na ang Congresman ay gumagawa na
ng mga batas,kung si (e.g.vilma)nga 9yrs.ng Mayor ng Batangas(lipa)ay Governor lang
ang ta-takbuhan nya dahil ang katwiran nya ay,palalakihin lang nya ang 'form of,
governance'nya pag naging gov.na siya Dahil nga sa congress,ay higher level na.
pero si manny,deritso sa congress,agad.sabaga y ang style ng elec.sa atin ay bilihan ng
BOTO,lalo na sa probinsya,kaya ang nangyayari ay mataa-san kung sinong malaki mag-
bigay,kaya pag-nakaupo yung malaki ang gastos ay malaki rin ang kurakot.ang nng-
yayari,nag-hihirap ang bansa yumaman ang mga buwaya.
kaya ako ilang taon na,di siguro gor 15 yrs.di na ako bumo-boto.
Ipinag-dadasal ko na lang lagi Kay LORD(JESUS)na magbago na ang takbo ng PINAS.

Dax
03-30-2007, 02:34 PM
MANNY PACQUIAO sa PULITIKA?Nag-file na eh. :O

GENERAL SANTOS CITY—Boxer Manny Pacquiao officially filed his certificate of candidacy in absentia 1:40 p.m. yesterday at the Commission on Elections (Comelec) provincial office in Koronadal City, South Cotabato.

Ayon sa Inquirer (http://www.inquirer.net/specialfeatures/eleksyon2007/view.php?db=1&article=20070330-57821).

silent_river
03-30-2007, 06:06 PM
ito marami rami na ang nasa lista.
onli in da pilipins party list

0. Manny Pacquiao for Congressman ng Cotabato
1. Richard Gomez tatakbong Senador
2. Marjorie Barretto tatakbong Konsehal sa 2nd district ng Caloocan
3. Lito Lapid tatakbong mayor ng Makati
4. Anjo Yllana tatakbo vice mayor paranaque
5. Alma Moreno tatakbo kunsehal sa paranaque
6.
7.
8.
9.


paki dag dag nalang...

bot wais. tink twais..i wil mik pepol hapi.. yu kno...

hehehe!!!

:D

- from The Philippine Star [03/29/2007]:

Here is the incomplete list of showbiz people on the campaign trail. (Note: The term "showbiz" also includes those involved in radio/TV work and those affiliated with and related to showbiz stars.)

For Senator
* Richard Gomez
* Cesar Montano
* Chiz Escudero
* Kiko Pangilinan
* Tito Sotto
* Loren Legarda
* Ralph Recto
* Noynoy Aquino
* Migz Zubiri
* Victor Wood For Congressman
* Mat Ranillo III (Second District, Zamboanga del Norte)
* Nadia Montenegro (First District, Caloocan City)
* Dan Fernandez (First District, Laguna)
* Mikey Arroyo (Pampanga)
* Maloli Espinosa (Masbate)
* Bebong Munoz (Jolina Magdangal's boyfriend, Second District, Caloocan City)
* Anton Lagdameo (Dawn Zulueta's husband, Davao)
* Manny Pacquiao (General Santos)
* Ricky Recto (Batangas) For Governor
* Vilma Santos (Batangas)
* Mark Lapid (Pampanga) For Vice Governor
* Jestoni Alarcon (Rizal)
* Daniel Fernando (Bulacan)
* Marco Sison (Laguna)
* Christopher de Leon (Batangas) For Board Member
* Angelica Jones (Third District, Laguna)
* Leandro Baldemor (Fourth District, Laguna)
* Emil Tiongco (First District, Laguna) For Mayor
* Lito Lapid (Makati City)
* Fred Lim (Manila)
* Mon Ilagan (Cainta, Rizal)
* E.R. Ejercito (Pagsanjan, Laguna)
* Stryke Revilla (Bacoor, Cavite) For Vice Mayor
* Herbert Bautista (Quezon City)
* Anjo Yllana (Paranaque City)
* Jeric Aguas (Genaskey, Angeles City)
* Cita Astals (Manila) For Councilor
* Alma Moreno (Parañaque City)
* Marjorie Barretto (Caloocan City)
* Lala Sotto (Quezon City)
* Nonoy Zuniga (Makati City)
* Aiko Melendez (Quezon City)
* Barbara Milano (Talavera, Nueva Ecija)
* Michael Gonzales (Manila)
* Darius Razon (Mandaluyong City)

Let the circus begin! :D

silent_river
03-30-2007, 06:16 PM
"There are no idiot candidates where there are no idiot voters". Onli in da istupid Pilipins! tsk! tsk! tsk! :(


Idiot Candidates x Idiot Voters = Idiot Leaders

la_tina512
03-31-2007, 07:24 AM
"There are no idiot candidates where there are no idiot voters". Onli in da istupid Pilipins! tsk! tsk! tsk! :(


Idiot Candidates x Idiot Voters = Idiot Leaders

Kaya nga ba ayoko ng i-exercise my right to vote.... halos wala na palang choice mga tao. Kaya siguro ayaw bigyang pansin ng gobyerno educational problem ng bansa natin kasi ayaw nilang matuto ang mga mamamayan. Syempre nga naman para madaling ma-brainwash.

lalen16loves
03-31-2007, 11:55 AM
"There are no idiot candidates where there are no idiot voters". Onli in da istupid Pilipins! tsk! tsk! tsk! :(


Idiot Candidates x Idiot Voters = Idiot Leaders


nice computation ha..:D

silent_river
03-31-2007, 12:17 PM
nice computation ha..:D

gusto mo dagdagan pa natin ang computation. hehehe

Idiot Candidates x Idiot Voters = Idiot Leaders = Idiot Nation! :p

Bond
03-31-2007, 12:31 PM
gusto mo dagdagan pa natin ang computation. hehehe

Idiot Candidates x Idiot Voters = Idiot Leaders = Idiot Nation! :p


With all due respect, silent_river san, Philippines is not a "idiot nation" or what other implications such terms it would bring. Sorry, but I need to let you know that I disagree with you on that. ;)

nasty
03-31-2007, 01:30 PM
para sa akin ha parang hindi mn lang pinag isipan ni manny pacquiao ang politics , prang wala lng nakakuha lng cia ng timing pumasok kasi sikat cia sa ngayon , ang tanong my knowledge b cia tungkol sa paggawa ng batas?(tabi tabi po sa mga fans nia) i hope na wag ng madagdagan ang magpapahirap sa mga filipinos ,kung madami ciang pera ngayun at gusto niang tumulong gaya ng press release nia ,you don't have to be a politician nmn to help the unfortunate devah?;)

silent_river
03-31-2007, 01:49 PM
With all due respect, silent_river san, Philippines is not a "idiot nation" or what other implications such terms it would bring. Sorry, but I need to let you know that I disagree with you on that. ;)

No problem bro.! You are entitled of your own freedom and opinion because this is a free world and we have the freedom of speech/expression. :D

As for me, the idiot candidates like MP, Richard Gomez, Lito Lapid, Bong Revilla, etc...have no place in the government! The are just the downers of the nation and will make the constituents losers.

Are they qualified to author legislation? What are their educational background? Do they have the academic preparation or at the very least, some semblance of knowledge of what it means to be a legislator of the land? :p

Just think for a moment and ask what momentous legislation have Titto Sotto, Lito Lapid, Bong Revilla, and Jinggoy Estrada and his father, Erap, initiated and contributed since they became senators?

Sorry for term (Idiot Nation), but what I am trying to convey is that the product of idiots is idiot and can raise to the nth power if tolerated. Unfortunately we have both in the Philippines, the idiot voters and the idiot candidates. And eventually these bunch of IDIOTS will IDIOTIZE (parang walang term na idiotize:D) the NATION in the future. So sad! ;)

greatbarrier
03-31-2007, 11:27 PM
With all due respect, silent_river san, Philippines is not a "idiot nation" or what other implications such terms it would bring. Sorry, but I need to let you know that I disagree with you on that. ;) i agree with you Bond... kahit pagbali-baligtarin man natin ang mundo eh filipino pa rin tayo... a defamation to Phils is a defamation to filipinos, kahit nasan ka pang lupalop ng mundo...

@silent_river...inga t ka po sa terms mo... hindi lahat ng filipino voters ay idiot....

nakakalungkot mang isipin, the large pie of the voting public in the Phils. comes from C class... most of them, the poorest of the poor... kulang sa education... boboto na lang in favor of those na meron silang direct/instant benefit...na syempre sasamantalahin ng mga ilang kandidato...

and for your information, di lahat ng artistang kandidato eh walang kwenta...have u seen the profile of vilma santos? & did you know that her decision to run for governor of batangas is by popular demand? she did it pretty well when she was mayor of lipa. i must admit i was one with a negative opinion when she first ran as mayor of lipa. but she proved her worth and re-elected twice. and i must say, among the 3 candidates for governor of batangas, she's the most qualified... inisip ko nga, ricky recto opted to run for congressman coz he knows di nya kaya si vilma santos... & before you think na i'm a vilmanian, no i'm not. i'm a voter na inaalam ang kakayahan ng bawat kandidato.

i'm not saying all showbiz people are good. and neither are they bad at all. what i'm trying to say is we shouldn't stereotype candidates negatively, dahil lang artista sya...

do u know that ronald reagan was an actor before he became the 40th president of US?

tokyoboi2
04-01-2007, 09:19 AM
Mas maganda siguro bigyan natin ng chance yong mga bagong kandidato, knowing the fact na karamihan sa mga trapo( not all) ay magaling lang sa pagbulsa ng pera ng mamamayan. Di baleng artista sya or kulang ang pinag aralan basta wag lang magnakaw sa kaban ng govt. Di na natin kelangan ang napakaraming batas. Sobra sobra na ang batas natin. Kelangan lang ng tamang implimentation ng mga batas na nagawa na.

silent_river
04-01-2007, 02:57 PM
i agree with you Bond... kahit pagbali-baligtarin man natin ang mundo eh filipino pa rin tayo... a defamation to Phils is a defamation to filipinos, kahit nasan ka pang lupalop ng mundo...

@silent_river...inga t ka po sa terms mo... hindi lahat ng filipino voters ay idiot....


I know all you have said about Lipa mayor Vilma Santos are worth mentioning. My compliments for mayor V and other officials who wholeheartedly and sincerely want to change and serve the nation for the better. :)

Again, sorry for the term (Idiot nation) if for you it sounds like a defamation or connotes a bad impression to the nation. But let us be open-minded and concentrate ourselves to the real situation and to these idiot politicians like Manny Pacquiao and alike who are obviously being used. Even the poorest of the poor who have little education are honest enough that Manny Pacquiao should stick to his boxing gloves.

He dont have any idea about running a big district of South Cotabato and he dont even have any experience on legislation and public administration. These are complex tasks that a crisp right hook or sneaky left hook won’t accomplish. Maybe our "Pambansang Kamao" should consider running as a barangay tanod first. :p

He is just a typical "I-want-to-help-the-poor" cliche and it makes me sick to see him wagging bills like a typical cheap politician.

As for the others other than MP, I rest my case. They are all coming from the same mold with molds and algae wrapping up their brains! The elitist leaders of the past governance have made most of our countrymen idiots and lot of them (if not all) turned out to be the most corrupt leaders.:(

No wonder our beautiful country and its system of government turned out to be the laughing stock of the world!!!:D

nasty
04-02-2007, 05:02 PM
maski d masyadong magaling sa politika basta wag lang corrupt, may puso para sa bayan at hindi sariling bulsa lang ang aalagaan..tokyoboi2 meron pa po bang ganon?:confused:

tokyoboi2
04-02-2007, 05:37 PM
tokyoboi2 meron pa po bang ganon?:confused:
Nasty san, meron pa sigurong isa na natitira...

dan
05-19-2007, 09:07 PM
Pacquiao ‘sad,’ ‘depressed’ over poll results, lost cash

INQUIRER.net
Last updated 04:52pm (Mla time) 05/17/2007

MANILA, Philippines -- Manny Pacquiao was described as “sad” and “depressed” as he continued to trail frontrunner Rep. Darlene Antonino-Custodio in the Congressional race for South Cotabato’s first district.

Sources from the boxer’s campaign staff said that Manny’s misery was not only due to the election results. He also lost huge sums of money when his trusted backers allegedly funneled cash from the champion boxer’s campaign chest to their respective pockets, the sources said.

Read more.... (http://newsinfo.inquirer.ne t/breakingnews/sports/view_article.php?art icle_id=66508)

jam
07-26-2007, 12:15 PM
buti na lang di nanalo si pacman...kasi gagamitin lang siya ng mga tuso nating pulitiko(sigurado yun!)..para po sakin mas ok kung nasa boksing na lang siya(im not against him for politics)at kung decided talaga siyang magsilbi sa bayan eh mag-aral muna siya ng batas para di po siya magamit...

marivic
07-27-2007, 02:30 PM
[QUOTE=jam;316716]buti na lang di nanalo si pacman...kasi gagamitin lang siya ng mga tuso nating pulitiko(sigurado yun!)..]

Naku bakla...anubanamang GAGAMITIN NG MGA TUSO pag nanalo. Nagamit naman diba...ang pera niya ng mga tuso...talo nga lang! Kawawa naman yung tao. Nilait na nga ng madlang pipol,na-estafa pa. No wonder emote ngayon ang eksena niya.

He's leaving for L.A. for a rematch with Marco Antonio Barrera. He declares he will be in tip-top shape for the fight, with his spirits low, let's wish that our champion makes it.