PDA

View Full Version : Overstayers: okey lang ba makipag kaibigan?

emyken1423
02-17-2007, 04:47 PM
pasensya na po sa thread ko...medyo curious lang kasi ako may nakilala akong pilipina tapos pilit tinatanong kung saan ako nakatira....medyo naituro ko pero di masyadong perpektong pagkakaturo konting tips lang kung baga....kasi bilin sa akin ng asawa ko na huwag basta basta ibigay ang address kahit na kababayan ko pa.......lagi na natawag yung pilipina gusto daw nyang pumunta sa bahay ko.......naaawa naman ako kasi parang homesick na homesick sya.....di ko alam kung anong gagawin ko.........pero natatakot ako kasi baka kagalitan ako ng asawa ko at baka pauwiin nanaman ako sa pinas?

tanong ko lang masama bang makipag kaibigan sa isang overstay? ano bang posibleng mangyari kung sakaling maging mag kaibigan kayo? bakit kaya natatakot naman asawa ko kung papuntahin ko dito sa bahay namin yung pilipina?

yoroshiku po onegaishimasu! kung anuman pong mai comment nyo dito sa thread ko, rerespetuhin ko po!

kung hindi naman sya karapat dapat...okey lang po kahit i-erase nyo na lang.....medyo curious lang talaga kasi ako...at na bo-bother na rin...dahil tumatawag nga yung pilipina sa akin......

maria_71jp
02-17-2007, 04:52 PM
dear kaTF,

huwag kang magdalawang isip kapatid baka gusto lang talaga ng pilipina na yun na me kausap diba!siguro kung ikaw nasa sitwasyon niya at siya ay nasa sitwasyon mo!alam ko ang gagawin ng babae sayo ang makapag kaibigan lang,wala namang mawawala sayo mag ingat ka lang.coz to tell you the truth me bilog din akong friend super bait niya naaawa nga ako sa kanya eh!palagi ko siyang tinatawagan para update ko siya na huwag masyadong lumabas at mahigpit ngayon....

carla
02-17-2007, 05:03 PM
hi emeryken, hindi naman masama makipagkaibigan sa bilog diba pero wala me kaibigan na bilog. kaya lang cguro natatakot asawa mo na papuntahin mo sa bahay nyo ung bilog kasi baka malay natin hindi natin masasabi kung kelan sya mahuhuli diba baka ini isip cguro ng hubby mo na baka madamay pa kayo sa problema nya... diba balita pag tinutulungan mo daw ung walang papel mag pepenalty ng 300 hundred thousand yen, hindi ko lang alam kung totoo ngayang balita..kaya cguro nag aalala hubby mo. sana po makatulong... mayap a gatpanapun kabalen...

miyuki
02-17-2007, 05:07 PM
onga emyken san.. tama si maria_71jp san... baka nalulungkot lang yon kaya nakikipagkaibigan.. di naman masama ang tumulong at makipagkaibigan lalo na sa kababayan. kaya lang lagyan mo din ng limitasyon. yong tama tama lang. sa side naman ng hubby mo siguro umiiwas lang sya sa gulo. kasi if ever na sa inyo mahuhuli ang OS may penalty din yata. kaya siguro nag iingat lang ang asawa mo.

emyken1423
02-17-2007, 05:14 PM
Hi maria_71jp and Carla(mayap a gatpanapun mu naman queqa)

actually may mga kaibigan talaga ako as in true friends nung hindi pa sila tumakbo....pero mula ng tumakbo sila hindi na nila ako kinokontakan....pero nakikibalita pa rin sila tungkol sa akin at pinapaabot na lang yung pangungumusta nila sa ibang friends ko........Tapos ngayon may nakikilala nga ako ng ganito diko naman sila binabastos or sinusupladahan, mabait akong tao.....kaya lang kasi pinag tataka ko lang bakit pinag pipilitan pa nyang pumunta sa house ko pwede naman kami magkita sa kung saan di ba para mag usap...di naman ako madamot pagdating sa mga advices.......handa rin akong makinig kung anuman kinikimkim nya......kaya lang as in ayaw talaga ng asawa ko na makipag kaibigan sa kanya....ni nkausapin sa phone ayaw ng asawa ko..........

ICHIBAN08
02-17-2007, 05:22 PM
Tama po mga kaibigan natin dito sa TF...sundin mo na lang mga payo nila at mapapabuti ka talaga...walang masamang makipagkaibigan sa mga taong over stay dahil gusto lang nilang makipagkaibigan dahil mga taong palakaibigan kasi di ba? kaya hindi maiiwasang makakakilala ka ng mga taong ganyan...pero gaya ng payo nila e iwas gulo na lang dahil yan ang iniiwasan ng asawa mo..minsan isipin ninyo rin ang kapakanan ninyo at hindi po masamang tumulong o makipaglapit sa kapwa pero nasa tamang lugar lamang at hindi kayo mapapahamak mag asawa...:wink:

wolfgang
02-17-2007, 05:26 PM
hello emyken 1423...ang masasabi ko lang kung ano ba ang di niyo pag-aawayan nang asawa mo yun ang gawin mo.kung ano sa inaakala mo na tama yun ang sundin mo..
Alam mo mahirap talaga kapag nahahati damdamin mo at isip sa ganyan siwasyon..kaya dapat gawin mo kung ano ang di makapagpapasakit nang ulo mo..
Sa totoo lang wala naman din akong nakikitang masama kung makipag kaibigan ka sa Os..(wala naman silang nakakahawang sakit para ipagtabuyan or katakutan na lapitan)...sa totoo lang naantig ang puso ko kapag nakakarinig ako nang ganyan mga sitwasyon kasi masakit yun parang Os kasi kaya nakakatakot kaibiganin...(bakit? ) marami na ri nakong naging kaibigan at napatira ko pa sa bahay ko na ganoon sitwasyon pero sa awa naman nang Diyos di naman ako nadamay sa kanila.. hanggang ngayon kahit mga nasa Pinas na sila at yun isa nakapag-asawa na rin nang hapon..nagpapasalama t sila sa akin dahil may tumulong sa kanila noong taym na walang nag-bukas nang kamay sa kanila. pero di ko advice na gawin mo yun sinasabi ko ha:) ...yun ay sa experienced ko at binabahagi ko lang
.Ganoon pa man kanya-kanya tayong pananaw ehh kanya kanya tayo nang idelohiya....kaya sundin mo kung ano ang alam mong tama para sayo...
Bakit di mo diretsahin yun Pinay na in a nice way ipaliwanag mo yun dahilan mo...para maunawaan din niya...at siya na lang ang umiwas sayo.
Pasensiya na po pero ang sa akin ay opinyon ko lang..no offense meant:)

RODSKI
02-17-2007, 05:29 PM
:D pasensya na po sa thread ko...medyo curious lang kasi ako may nakilala akong pilipina tapos pilit tinatanong kung saan ako nakatira....medyo naituro ko pero di masyadong perpektong pagkakaturo konting tips lang kung baga....kasi bilin sa akin ng asawa ko na huwag basta basta ibigay ang address kahit na kababayan ko pa.......lagi na natawag yung pilipina gusto daw nyang pumunta sa bahay ko.......naaawa naman ako kasi parang homesick na homesick sya.....di ko alam kung anong gagawin ko.........pero natatakot ako kasi baka kagalitan ako ng asawa ko at baka pauwiin nanaman ako sa pinas?

tanong ko lang masama bang makipag kaibigan sa isang overstay? ano bang posibleng mangyari kung sakaling maging mag kaibigan kayo? bakit kaya natatakot naman asawa ko kung papuntahin ko dito sa bahay namin yung pilipina?

yoroshiku po onegaishimasu! kung anuman pong mai comment nyo dito sa thread ko, rerespetuhin ko po!

kung hindi naman sya karapat dapat...okey lang po kahit i-erase nyo na lang.....medyo curious lang talaga kasi ako...at na bo-bother na rin...dahil tumatawag nga yung pilipina sa akin...... . . . . .Ok lang naman makipag kaibigan sa mga O.S nasa sarili mo na lang yun kung paano mo dadalhin yung pagiging magkaibigan nyo, well di rin maiwasan yung may mga nangagamit talaga,tao naman yun kababayan mo pa kailangan lang na maging 'SAFE' ka sa lahat ng oras, ako nga madami din ako mga kaibigang O.S pero yung iba di na mga O.S ( ang gulo ba:confused: :D :p ) minsan nga yung mga O.S pa ang inuutangan eh:D basta nasa sayo yan kung paano mo dadalhin ang pakikipag kaibigan sa kanila.syempre huwag mo lang tatratuhin na kriminal aba malamang kagatin ka talaga nun:D

emyken1423
02-17-2007, 05:32 PM
Thanks wolfgang and rodski san......medyo napagaan ninyo ang loob ko......nahahati nga ang kalooban ko ...syempre kababayan ko yun eh......kung kaya ko rin lang tumulong bakit hindi......kaya lang asawa ko naman itong isa,laluna laging sinasabi na isipan ko rin kapakanan ng anak ko........

emyken1423
02-17-2007, 05:34 PM
Thanks miyuki san and Ichiban08.......

Naaawa nga ako sa kanila.......kaya lang napansin ko mas palabati at mas mabait pa ang mga yan kaysa sa ibang mga kabayan natin na nandito......kaya nga ako nag karoon ng mga ganitong kaibigan o kakilala kasi napaka palabati nila ........sa totoo lang mas gusto ko silang kasama kasi alang kiyeme....kaya lang natatakot talaga ako pag kasama ko sila laluna pag maraming tao .....kung sakaling may mangyari nga baka madamay pa ako.....pero pag kausap ko sila iniiwasan ko na lang na baka may mabanggit sila kung saan nakatira.....ayoko rin malaman...mas gusto kon ala na lang ako nalalaman...kaya pag natawag sila .....payphone naang ang gamit... alang numerong mag aappear.......

one week na nga nyan ako nag kukulong sa bahay natakot akong nalabas baka makita ko na naman sila....di ako maka punta sa tambayan ko ngayon....kasi nga baka magkita na naman kami......kaya naisipan kong humingi ang payo dito....para naman mag ka idea ako kung anong mga dapat kong gawin.......kaya salamat sa inyo......

michiko
02-17-2007, 05:38 PM
Hi maria_71jp and Carla(mayap a gatpanapun mu naman queqa)

actually may mga kaibigan talaga ako as in true friends nung hindi pa sila tumakbo....pero mula ng tumakbo sila hindi na nila ako kinokontakan....pero nakikibalita pa rin sila tungkol sa akin at pinapaabot na lang yung pangungumusta nila sa ibang friends ko........Tapos ngayon may nakikilala nga ako ng ganito diko naman sila binabastos or sinusupladahan, mabait akong tao.....kaya lang kasi pinag tataka ko lang bakit pinag pipilitan pa nyang pumunta sa house ko pwede naman kami magkita sa kung saan di ba para mag usap...di naman ako madamot pagdating sa mga advices.......handa rin akong makinig kung anuman kinikimkim nya......kaya lang as in ayaw talaga ng asawa ko na makipag kaibigan sa kanya....ni nkausapin sa phone ayaw ng asawa ko..........
hello emyken meron din akong kilala na overstay dito sa lugar namen di ko sya friend pero pag nagkikita kami nagbabatian at nag uusap naman. :) mabait yung overstay na yun 10 years na yata syang overstay dito. ilag nga yun sa ibang pilipina lalo na sa mga tsismosa:p kasi ayaw nya ng tsismis o gulo kasi di ba mahirap na daw pag may nakabanga sya.

ok lang naman makipag kaibigan sa mga overstay pero kung yun ang magiging reason ng pagkakagalit nyong mag asawa eh mas mabuting sabihin mo na lang dun sa pilipina ang totoo na medyo maselan o mahigpit ang asawa mo sa mga ganyang klase ng bagay. o kaya ayaw ng asawa mo na magpapunta ng ibang di masyadong kilala sa bahay nyo para di na magpumilit yung pinay. siguro naman maiintindihan nya yun..:)

sweet
02-17-2007, 05:44 PM
para sakin wala namang pinipili kahit sino ka pa basta palakaibigan ka,ngayon kung sa punto na meron na kayong di mapagkasunduan ng kaibigan mo at alam mong di maganda idudulot nya sayo iwasan mo na gat maaga pa,di porket OS masama diba lalo't kalahi pa rin natin madaling makilala kung anong klaseng pagkatao meron siya,yun nga lang baka takot asawa mo na madamay kayo kaya ayaw nya at masasabi nating nag-iingat lang din:)

emyken1423
02-17-2007, 05:47 PM
Hi Michiko san, yun nga ang problema ko diko masabi sabi sa kanya na ayaw nga ng asawa ko ....kasi ayokong saktan yung damdamin nya.....,.....kasi nga naaawa ako sa kanya may mga anak kasi syang nasa pilipinas so siguro......pag kasama nya ako nababawasan yung lungkot nya.....kasi lagi na makwento ako......kaya siguro gusto nya magkasama kaming lagi .....laluna pag yasumi sya sa work nya.......

michiko
02-17-2007, 05:55 PM

mas ok na nagsabi ka sa kanya ng totoo masaktan man ang damdamin nya pero maiintindihan ka din nun. kesa naman nagkataong magpunta dyan yung pinay tapos nadatnan ng asawa mo at nag away pa kayo sa harap ng pinay mas masasaktan yun. ipaliwanag mo na lang mabuti yung side mo sa kanya kesa naman naiipit ka sa asawa mo at sa friend mo sabihin mo na lang na di naman magbabago pakikitungo mo sa kanya eh. gusto mo lang din kamong sundin ang gusto ng asawa mo. kaya mo yan emyken chan.. nasa pagpapaliwanag lang po sa kanya yan sa palagay ko kung malawak pang unawa nun maiintindihan ka nya pero kung makitid ang isip nya eh bahala na sya di ba.:)

miyuki
02-17-2007, 05:56 PM
Thanks miyuki san and Ichiban08.......

Naaawa nga ako sa kanila.......kaya lang napansin ko mas palabati at mas mabait pa ang mga yan kaysa sa ibang mga kabayan natin na nandito......kaya nga ako nag karoon ng mga ganitong kaibigan o kakilala kasi napaka palabati nila ........sa totoo lang mas gusto ko silang kasama kasi alang kiyeme....kaya lang natatakot talaga ako pag kasama ko sila laluna pag maraming tao .....kung sakaling may mangyari nga baka madamay pa ako.....pero pag kausap ko sila iniiwasan ko na lang na baka may mabanggit sila kung saan nakatira.....ayoko rin malaman...mas gusto kon ala na lang ako nalalaman...kaya pag natawag sila .....payphone naang ang gamit... alang numerong mag aappear.......

one week na nga nyan ako nag kukulong sa bahay natakot akong nalabas baka makita ko na naman sila....di ako maka punta sa tambayan ko ngayon....kasi nga baka magkita na naman kami......kaya naisipan kong humingi ang payo dito....para naman mag ka idea ako kung anong mga dapat kong gawin.......kaya salamat sa inyo......
sa tingin ko naman ok lang na sumama ka sa kanila kung sa labas or kaisya.. kasi in case na mahuli sila pwede mo naman sabihin na wala kang alam sa status nila at wala silang(immig) proof na tumutulong ka... medyo iwasan lang ang sa bahay at madadamay din ang asawa mo.ito po ay sa opinyon ko lang ha... sabi nga nila iba iba ang pananaw natin sa mga bagay bagay..

emyken1423
02-17-2007, 06:03 PM
Salamat sa opinyon mo Miyuki san.....siguro nga tama ka kung sa labas ko sila kasama , baka okey nga ......kung sa bahay siguro talagang delikado.....pero kung sa labas na lang kami magkikita....maramin g mga rason na pwedeng makalusot if ever.....atsak siguro isisikreto ko na lang sa asawa ko ang pag kikita namin........

miyuki
02-17-2007, 06:12 PM

kailangan mo bang ilihim sa asawa mo? sa palagay mo magagalit sya kahit sa labas or kaisya.? ako noong d pa ako nanganganak may mga kasamahan akong OS .kaibigan ko silang lahat, kasi dahil malaki ang tyan ko lagi nila akong tinutulungan sa pagbubuhat.pero hanggang kaisya ko lang sila kaibigan d ko na sila dinadala sa bahay. alam ng asawa ko pero hindi naman sya nagalit kasi if ever wala namang masama at d naman kami apektado dahil nga hindi naman sila pumupunta sa amin. pero tinutulungan namin sila sa pagpapadala ng pera kasi nga wala silang account. ipinapadala ko sa pinas sa tatay ko at ang tatay ko ang nag transfer sa mga account ng family nila.pero ni-raid ang kaisya namin nung june kasi nga nagkahigpitan andon din ako pero wala namang nangyari sa akin dahil may visa ako... napauwi silang lahat pati ibang lahi na kaibigan ko din. sa sobrang lungkot ko huminto na lang ako sa work. at tutal malapit na akong manganak noon. ngayon nasa pilipinas na sila pero paminsanminsan nag eemail pa din kami....

myukasky
02-18-2007, 11:14 AM
Share ko sayo yung naging experienced ko. One time nagkakaimono ako, sa kabilang line may dalawang mag-asawa na sa tingin ko ay same silang firipinjin. Di ako kumikibo, tapos sabi ng lalake "marami dito pinay ingat ka, alam mo naman kapag kababayan natin koe kakeru agad" Sabi naman noong babae "hindi naman ako nakikipag usap shira'n kao shiteru nga ako lagi mahirap na". Medyo malakas ang boses nila sa pagsasalita, ako naman kunwari deadma hhehehehhe. Tapos naalala ko yung sabi ng friend ko na pinay din na may dalawang firipinjin na mag asawa nga daw sa place namin na ayaw makipag kaibigan sa mga may visa na kesyo baka daw isumbong sa immigration. Di sinasadyang nagkatinginan kami noong pinay, tapos biglang nag iba ang ihip biglang nagmadali ba sila. Ako naman ugali ko never ako nambabati pero never ako nang ssnob. Kung binati ako tango lang pero kung di ako kausapin di ko rin kinakausap. May nakausap nga ako dati never daw sila nakikipag kaibigan sa may visa kasi may friend sila pinahuli ng may visa. So naging truma sa group nila yun di sa ayaw nila ayaw lang nila na mismong kababayan nila ang gagawa sa kanila ng bagay na pinaka ayaw nila. Katwiran nila kung mahuli di mahuli pero yung ipahuli ng kababayan medyo ang pangit daw tignan.

Tungkol naman sa bakit ayaw ng husband mo, kasi minsan pero di naman lahat ah. Pupunta lang si kababayan sa bahay kung may kailangan.:eek: At kadalasan pa nagiging dahilan na rin ng away, imagine nananahimik ka sa bahay tapos magugulat ka na lang na sabit or gamit na gamit na pala pangalan mo sa kwento. Bakit ko nasabi kasi nangyari sa akin, yung mga taong gumawa sa akin ng ganon alam mo nakarma sila. Nang walang kibo na lang ako kasi sa tingin ko di naman sila kawalan sa akin. Mas naging masaya at tahimik pa buhay ko ng di na ako nakikisama sa kanila pero kung makasalubong ko hi and hello na lang. Pero nasa iyo naman yun, ako kasi ngayon wala ako time makipag kwentuhan dahil busy ako sa family ko at trabaho. Noon marami ako time makipagkwentuhan ngayon halos kung puwede lang mag extend ako ng isa or dalawang oras bago mag gabi. Kaya ngayon yung extra time ko hehehehhe, actually hindi extra habang ng ttf kasi ako nagliligpit ako ng damit or wait ko yung nilalaban ko hehehhehe. Di masamang makipag kaibigan pero hindi rin naman masama yung mag ingat di ba? Pero paano mo nga naman makikilala yung tao kung di mo magiging kaibigan heheheheh hirap no? Basta ingat lang:D :D :D

honey
02-18-2007, 11:52 AM
Ako ayaw ko makipagkaibigan sa BILOG sabihin nyo mang salbahe ako ok lang.Ayaw kong maging hide-out bahay namin kapag hinanap sya/sila ng mga pulis syempre kalalabasan non kasabwat kami ng asawa ko.Kaibigan lang ako sa kabutihan pero pagdating sa ganyang situation sorry:( hindi ako magdadaldal sa ganyan bahala sila dahil buhay nila yan pero ayaw ko sila maging kaibigan.

Maraming paraan para makatulong pero para sa kabutihan at ikakaayos ng buhay mas magandnag mabuhay ng LEGAL dito sa japan hindi ka kakabakaba.

Kung ako sayo emyken1423 iwasan mo mga ganyan siguradong madadamay ka sa kanila sundin mo asawa mo dahil tama sya:) .Gawin mo lang silang kakilala kpag nagkita batian pero yung magiging malalim friendship nyo kapag hindi mo sila tinulungan ikaw pa ang magiging masama may makakaaway ka pa.

myukasky
02-18-2007, 12:02 PM

Don't worry honey san sila naman kasi mas takot sila sa mga may visa na kababayan nila kaya karamihan sa kanila mas nag-iingat. Ako okey lang makipag kaibigan siguro naman di na tayo bata at puwede naman sabihin sa kanila yung ayaw at gusto natin. So kung di okey sa kanila sila mismo ang lalayo.:D :D :D Kung wala naman silang gagawing masama sa atin bakit hindi.

honey
02-18-2007, 12:28 PM
hi!myukasky:D

Alam mo kasi sila nakikiramdam sa gagawin mo ikikilos mo at sasabihin mo hindi naman talaga maiiwasan sa mga BILOG na mawalan ng tiwala sa kapwa pinoy may visa man o wala andyan parin kasi ang INGIT.Kapag yan ang umiral talo-talo na hindi kita kilala!sino ka?nawawala ba sa sarili.

Dati may pumuntang Pulis sa bahay namin at nagtanong sa hubby ko kung may foreigner daw bang nakatira sa bahay ng hubby ko tinawag ako at kinausap tinanong ako kung may kilala akong bilog sabi ko hindi ko alam meron ba nun?:rolleyes: pero sa totoo lang may kakilala akong bilog pero hindi ko ikinanta kase kankenai ako dyan:D pero nahuli din sya sinumbong sya ng kapwa BILOG....ang buhay nga naman tsk tsk tsk.

Sana lang sa mga BILOG habang di pa sila nahuhuli magipon ng magipon para kapag nahuli man may pera kang madadala sa pinas kawawa lang kasi kung wala kang maiuwi wala rin silbe paggiging bilog diba:( .Kapag BILOG ka wala kang ibang pedeng pagkatiwalaan kundi sarili mo pareho lang din sa mga taong hindi bilog....hehehehe!:D

squid
02-20-2007, 03:50 PM
ok lang ba maki sali ang over stay dito? pasensiya na kasi pag bumalik naman ako sa pinas talagang tag hirap doon. lalo na sa situation ko na maraming umaasa sa akin. alam niyo ako mismo natatakot maki pag kaibagan sa mga legal na tao dito sa japan. dahil baka nga mag sumbong na bilog ako. pero siguro naman hindi lahat. sana naman hwag kayong mag hindi ung may gustong maki pag kaibigan sa inyo na bilog

emyken1423
02-20-2007, 03:57 PM

hi squid san, syempre naman pwede kang makisali........naii intindihan ko naman bakit nagagawa iyon ng iba nating kababayan.....para sa pamilya syempre........sigur o pwede namang makipag kaibigan sa kanila .......kaya lang kasi ang hinihingi ko ng payo is kung bakit ayaw ng asawa ko na papuntahin sila sa bahay.....at ayaw rin nya akong makipag kaibigan or makipag usap sa kanila...........na ngayon ay nahanapan ko ng sagot dito sa TF.........pero sa ngayon naliwanagan na ako ........di na lang ako masyadong mag ku-kwento sa asawa ko tungkol sa kanila........

kaya salamat na rin sa lahat ng nag reply sa thread na ito.........

majasnjn
02-20-2007, 03:59 PM
Para sa akin walang problema ang status of residents Kung Bilog or what.. Kahit ano kapa basta tao ka:D Ibig kopong sabihin Basta magkasundo tayo... or walang problemang mangyayari...Ok no problem.. friendship forever~~:)
Kay Emyken1423 since ayaw ng asawa nya.. masmabuti sigurong sundin nalang si habibi kesa naman yan pa ang simulan ng hindi nyo pagkakaunawain..Sabi hin nalang don sa gustong makipag kaibigan na, sa labas nalang makipag meet (kaya lang mas dilikado si friend o kaya tawagan nalang:D ) well, ganyan din ang hubby ko.. maingay.. ginagawa ko pag tumatawag yung friend ko diko sinasabi or diko kinukwento.. para tapos ang usapan wala ng masyadong maraming tanon..etc..

emyken1423
02-20-2007, 04:03 PM
ok lang ba maki sali ang over stay dito? pasensiya na kasi pag bumalik naman ako sa pinas talagang tag hirap doon. lalo na sa situation ko na maraming umaasa sa akin. alam niyo ako mismo natatakot maki pag kaibagan sa mga legal na tao dito sa japan. dahil baka nga mag sumbong na bilog ako. pero siguro naman hindi lahat. sana naman hwag kayong mag hindi ung may gustong maki pag kaibigan sa inyo na bilog

hi squid san, para sa akin okey lang na makisali dito ang overstay.........nai iintindihan ko rin kung bakit nila nagagawa iyon dahil sa pamilyang nasa pilipinas........... .ang akin lang kasi nung una medyo naguguluhan lang ako kung bakit ayawa ng asawa ko na mag karoon ako ng komunikasyon or pumunta sa bahay namin......pero sa ngayon naliwanagan naman ako sa mga inadvice ng mga ka TF natin dito.....naiiintindi han kona kung bakit ayaw ng asawa ko......siguro ang magandang gawin ko na lang is huwag na lang masyadong magkuwento tungkol sa kanila sa asawa ko.........para ala na lang problema........pase nsya na rin kung bakit ko naisipan ang thread na ito.....ala naman kasi akong ibang makausap or mahingan ng payo tungkol dito......

salamat na lang sa lahat ng mga nag advice nag share nang kani-kanilang opinyon........

squid
02-20-2007, 04:56 PM
hi emy...

salamat naman at naintindihan mo ang situation ng mga bilog na kagaya ko. siguro wala naman kayong ikakatakot sa mga bilog dahil nga illegal na kami dito. ibig kung sabihin hindi talaga kami pede gagawa ng masamang gawi dito. dahil ito nga kami mismo ang makisama sa inyo para naman may malapitan kami kung pangangailangan. pero nga sa totoo hindi rin kami pede talaga magtitiwala sa mga legal residence dahil baka naman magsumbong. alam niyo sa totoo lang mahirap din talaga ang buhay dito bilang isang bilog. talagang nakakalungkot dahil nga tago lang kami ng tago hindi namin alam kung hanggan kailan kami magtatago. maraming salamat sa inyo pag intindi sa situation namin.

emyken1423
02-20-2007, 05:13 PM
majasnin san, salamat at nauunawaan mo ang sitwasyon ko........

squid san, gambatte na lang atsaka good luck na lang sa iyo......salamat din sa pag oopen mo ....ngayon maliwanag na ang lahat sa akin .........hindi pala ako ang dapat matakot sa kanila kung di sila pala ang natatakot sa may mga visa na nandito sa japan......oo nga ano......yung may visa malakas ang loob na lumapit sa pulis......samantala ng kung bilog ka syempre matatakot ka.......ang asawa ko naman kaya siguro sya natatakot kasi baka mamaya may nakasunod or sumusubaybay sa taong yun kung sakaling pupunta sya sa bahay namin.......ang dami pa namang pilipino dito sa lugar namin........syempre yung iba dimo rin alam kung anong nasa utak nila diba.......siguro yung asawa ko iniisip lang nya yung kapakanan namin.......huuuummm m ......salamat sa matyaga ninyong pagpapaunawa sa akin.......medyo inosente talaga kasi ako pag dating sa mga ganitong bagay........

Soju6
02-20-2007, 05:24 PM
Pag may kilala ho kayong bilog at alam niyong mabait naman at kailangan ng tulong....
sabihin niyo lang sa akin at aampunin ko, wala hong biro yan.

emyken1423
02-20-2007, 05:36 PM
Pag may kilala ho kayong bilog at alam niyong mabait naman at kailangan ng tulong....
sabihin niyo lang sa akin at aampunin ko, wala hong biro yan.

ang bait mo naman soju6.....salamat naman at nandyan ka na handang tumulong sa mga kabbyan natin na nandito.........

squid
02-20-2007, 05:51 PM
ola Soju6 san,

mucho gracia kay soju6 kung buong puso man ang offer niya. sana nga totoo at buong puso ang offer ni soju6. pero sa totoo lang mahirap parin mag titiwala kung kahit sino lalo na kung hindi mo kakilala. sana marami pang tao na kagaya ni soju6 dito sa japan na buong puso mag adopt ng bilog na kagaya ko. sana magkita tayo kung saan ka man part sa japan.

emy...marami din salamat sa inyo na naintindihan mo ang situation namin..oo minsan hirap din kaming makakain sa isang araw dahil nga nag iipon..pero sa alam ng lahat na nasa pinas na maganda ang buhay ko dito..oo nakakaawa sa sarili talaga..kaya sabi ko sa sarili pag nakatapos na iyong pinapag aral ko sa pinas babalik narin talaga ako sa atin kahit ba mangingisda lang ako sa probinsya. napasubo na kasi ako dito kaya ito kailangan tatapusin na..no guts no glory nga sabi ni emy..

Soju6
02-20-2007, 06:20 PM
Squid,
Nasa destino ako ngayon, away from where I live. Pag nakabalik na ako sa pugad ko, sabihin mo lang kung anong problema at baka makatulong ako.

circle
02-20-2007, 07:18 PM
thank you kabalen emyken1423 san..
dahil sa thread mong ito nailabas ang ibat ibang opinyon ng ating mga kababayan.

sa aking pananaw po ugali na po ng mga hapon ang tahimik na pamumuhay.
yun po siguro ang dahilan kaya pinagbabawlan ka ng asawa mo.
wala pong masama kung susundin mo ang asawa mo dahil sa kapakanan lang nyo iniisip nya.

OT: maswerte lang siguro ako dahil dito sa lugar namin hindi malaking issue yan.
sa katunayan maraming tumutulong na may Visa sa amin.

"mapalad silang tumutulong dahil nabibigyan sila ng pagkakataong gumawa ng kabutihan"
sana dumami pang katulad mo kapatid na soju6 san.

squid san.. konting ingat na lang po sa atin.. at dagdagan ng dasal :D

Soju6
02-20-2007, 08:04 PM
Nakow...wala hong anuman Mr Circle. Alam ko namang kung walang mga sari-sariling problema sa mga asa-asawa yung ibang mga kababayan natin dito eh handa rin silang tumulong, nataon lang na sa kinalalagyan ko ngayon ay hindi makakabigat sa akin kung aampon man ako ng mga tulad ni Squid (mangingisda pala kaya squid...hehehe). Bata, matanda, kuba...kahit sino ho basta alam niyong mapapagkatiwalaan, kahit magpagulong- gulong sila dun sa tinitirahan ko wala hong problema.

squid
02-20-2007, 08:42 PM
circle one,

maraming salamat sa advice mo..oo nga kailangan dagdagan ang pagdadasal na sana makakita ng magandang work para naman maka ipon. kaso naman talagang regular na work lang ang makukuha dahil nga illegal ako dito.

soju6,

ako ay magpapasalamat sa iyo ng malaki kahit hindi mo ako kakilala willing ka parin mag adopt sa mga bilog..sana nga maraming katulad mo. sana rin makakita ako ng katulad mo dito sa lugar namin para naman atleast makapag ipon ng husto.

salamat sa lahat at sana nga makakilala ako ng kagaya ni soju6...

emyken1423
02-20-2007, 08:56 PM
Basta ingat na lang kayo palagi.......isasama ko rin kayo sa aking pagdarasal na sana lagi na nasa maayos kayong kalagayan......sa kwento mo squid san ngayon ko pa lang nalaman kung bakit may mga taong nag Os nga...kasi yung mga friends ko na nag Os halos may kaya naman sa buhay as in gustong -gusto lang nila dito sa japan.....kumbaga parang tumatakas sa mga responsibilidad nila sa pinas..........so iyon ang natatak sa isipan ko.....kaya kung may bago man akong nakikilala iniisip ko ganon din sila......kapareho ng mga dati kong kaibigan.....bali nakasama ko sila nung talento pa ako......2kai lang kasi ako nag talent......:D

kabalen Circle.....salamat din sa pag sa-share mo dito.......:D

soju06.....God bless you......sana huwag kang magbago...at sana dumami pa ang mga katulad mong may malawak na pang unawa at may mabuting kalooban......:D

Tonyang
02-20-2007, 09:42 PM
pasensya na po sa thread ko...medyo curious lang kasi ako may nakilala akong pilipina tapos pilit tinatanong kung saan ako nakatira....medyo naituro ko pero di masyadong perpektong pagkakaturo konting tips lang kung baga....kasi bilin sa akin ng asawa ko na huwag basta basta ibigay ang address kahit na kababayan ko pa.......lagi na natawag yung pilipina gusto daw nyang pumunta sa bahay ko.......naaawa naman ako kasi parang homesick na homesick sya.....di ko alam kung anong gagawin ko.........pero natatakot ako kasi baka kagalitan ako ng asawa ko at baka pauwiin nanaman ako sa pinas?

tanong ko lang masama bang makipag kaibigan sa isang overstay? ano bang posibleng mangyari kung sakaling maging mag kaibigan kayo? bakit kaya natatakot naman asawa ko kung papuntahin ko dito sa bahay namin yung pilipina?

yoroshiku po onegaishimasu! kung anuman pong mai comment nyo dito sa thread ko, rerespetuhin ko po!

kung hindi naman sya karapat dapat...okey lang po kahit i-erase nyo na lang.....medyo curious lang talaga kasi ako...at na bo-bother na rin...dahil tumatawag nga yung pilipina sa akin......

Kapatid, iba iyung kaibigan sa gagamitin lang. Ang tunay na pagkakaibigan may understanding sa sitwasyon ng bawat isa. Iba iyung aabusuhin ang iba para lang sa sariling interes. Di rin masamang maging listener... On the other hand, kung nararamdaman mo kapatid na sumusobra, karapatan mo rin ang mag-balance na sa iyong tingin ay nararapat dahil baka makaapekto sa iyong pribadong buhay. Ang pagiging overstay ay choice at risky na buhay ito. Sana mas mature ang mga kababayan nating nasa ganitong sitwasyon. Mahirap ang buhay na pinili nila pero wala tayong magagawa kundi paalalahanan lamang sila dahil sila ang may kontrol ng kani-kanilang buhay. Although, may epekto sa kabuuan ang mga ganitong pangyayari sa pagka-Pilipino natin sa Japan. Tingnan na lang natin ang mabuting anggulo nito para sa nakararami... gustong iangat ang kahirapan sa Pinas. Bawat isa sa atin ay may responsibilidad na dapat harapin at sana'y di tayo makaapekto sa tahimik na buhay ng mga kababayan nating gusto lang makatulong kaya nagbibigay ng oras para makatulong. Sana nakatulong itong sharing na ito sis...

Autumn
02-20-2007, 10:48 PM
Ako wala akong kaibigan na may visa..lahat ng friends ko noon "BILOG" dahil nadala ako sa may visa.kung sino pa yun may visa karamihan kasi walanghiya..(karamih an di po lahat)
kung sino pa walang bala syang maasahan at tunay na tao..
at syempre hindi ko din pinakinggan yun dating asawa ko pa pagbabawal na huwag mong kaibiganin si ganito at si ganyan..hello wala ba akong sariling isip at kailangan digtahan :confused:..ano ba kasalanan ng bilog ? gusto lang naman nila kahit konti makatulong sa pamilya..tapos kapwa pa kalahi ang parang nagtuturing sa kanilang parang may ketong na dapat iwasan...kasi naman ako lagi ko nilalagay sarili ko sa kanila..paano kaya kung ako ang bilog at walang makipag kaibigan sa akin kahit isa..? paano kaya kung ako ang bilog at wala silang kayang gawin sa akin kundi panloloko ..uutangan at di babayaran..? im very lucky at hindi ako ang nasa katayuan nila..yun lang ang kaya kong ibigay na tulong sa kanila friendship..hanggang ngayon na lahat sila eh napauwi na at yun iba eh nahuli pa na kasama ako noon .. kaibigan pa rin sila..
totoo na kailangan mo din mag ingat at iwas sa taong magugulo ke may visa oh wala..hindi mo naman kasi makikilala talaga kung sino ang tunay na tao sa kaharap mo...

McBONG
02-20-2007, 11:39 PM
Iyan ay parte ng pangungusap na binuboo ng wikang pilipino...pang-unawa,.

Hindi masama makipag-kaibigan dahil siyay isang bilog,pairalin natin ang tamang pag-iisip,at pang-unawa.Tayong mga pilipino ay nasanay sa isang magandang kultura ng bayanihan at pakikipag-kapwa,likas sa ating mga pilipino ang kabutihan at pag-dadamayan.Di natin maalis ng dahil lamang siya ay walang bisa ay nag-kakaroon tayo ng isang pader o hadlang sa ating pakikipapag-kapwa dahil lamang sa tinatawag na Visa at nag-uudyuk na tayung mga pilipino ay magkawatak-watak at dahil na rin sa ibat-ibang paniniwala,,,kaylan man at sa aking paniniwala may visa ka man o wala ay hindi ito hadlang sa isang layunin na malinis galing sa puso na pakikipag-kaibigan.Lahat tayo ay nag-hahangad na mai-ahon ang pilipinas na sakdal ng luha at dalita.......Ang pag-ibig,pagmamahalan,pa ng-unawa,pag-dadamayan,pag-kakaisa ay di mawawala sa tatak ng mga pilipino ng dahil lamang sa Visa...

squid
02-21-2007, 08:11 AM
autumn san at sa lahat..

maraming salamat sa inyo at sa lahat ng nakakaunawa..oo naintindihan namin iyong ibang kababayan na natatakot na makipagkaibigan sa amin na mga bilog. naintindihan ko rin iyong mga kababayan na nagsusumbong sa mag pulis..dahil nga naman ibang iba ang mga ugali ng tao...sabi nga nila sa pilipino na kailangan daw "SARILING SIKAP' para ma buhay. very swerte nalang iyong mga tao na nasa taas..eh kung kagaya ko na bilog kaialangan nalang ng ingat palagi...kami naman mga bilog kailangan we have to wor hard para makuha namin ang aming gusto dahil sa pangangailangan. ang gusto lang naman namin na kahit papano may mga tao din na makikinig sana kung ano man ang mga problema namin..again, maraming salamat sa mga share ninyo at sana ipagpatuloy ninyo ang pagtutulong sa mga taong bilog na katulad ko. kahit hindi sa pera, maraming paraan na makakatulong tayo sa kapwat pinoy...

emyken1423
02-21-2007, 09:15 AM
Ka Tonyang, salamat po sa mensahe ninyo....na gets ko po ang ibig nyong sabihin.........

Autumn san, ang akin lang po kasi kaya ko nga po nailahad ito dito ay dahil wala akong ibang mahingan ng payo o idea kung bakit nga ayaw ng asawa ko......since naipaliwanag naman sa akin ng ibang mga ka TF sa totoo lang ngayon ko pa lang nauunawaan kung bakit.........may sarili rin akong pag iisip at mga desisyon pero may mga baga akong dapat igalang kung anuman iyon...ayokong may nasasaktan ako lalo na kung mga mahal ko sa buhay at saka isa pa bansa nila ito hindi ko ito teritoryo ......kung wala akong pakialam sa mga taong ganyan(OS) bakit ko pa ilalahad dito ang nararamdaman ko...isang pag papatunay lamang na naaapekto rin ako kung iiwasan ko sila.......sa totoo lang 4 lang mga kaibigan ko dito sa place namin......friends ko na sila since nasa pinas pa ako.........pero tama ka na dapat mag ingat pa rin kung may visa man o wala....basta dumating na yung "inggit" talu-talo na........salamat sa sharing mo

Mc bhong,...ang pag ibig, pag mamahalan,pang- uunawa,pag-dadamayan, Pag-Kakaisa, ay hindi nga dapat mawala sa tatak ng mga pilipino ng dahil lamang sa Visa.......Sana nga......

mbstorun
03-03-2007, 11:37 AM
sakin OK lang makipagkaibigan sa OS pero siguro pipiliin din kung sinong BILOG ang kakaibiganin mo at meron kaseng iba na imbes na maawa ka hayyyy talaga namang magagalit ka kung ang puso ay walang pakundangang mambabato pa sayo at walang pakundangang manlait pa ng kapwa nya! (pero dapat intindihin natin yun kase sa dami ng problema sa isipan nila, minsan di nila alam ang ginagawa nila) so sana sa mga OS/BILOG know your mistakes & be thankful nalang kung may mga kaibigan kayong tumutulong sa inyo. :p

emyken1423
03-03-2007, 11:39 AM

salamat prenship sa pagbisita mo dito sa sinulid...salamat din sa magandang payo mo......uyyy...nakit a kita doon..hi-hi-hi....ang gwapo mo pare...:D :D :D

mbstorun
03-03-2007, 11:57 AM
salamat prenship sa pagbisita mo dito sa sinulid...salamat din sa magandang payo mo......uyyy...nakit a kita doon..hi-hi-hi....ang gwapo mo pare...:D :D :D

pre, payong kaibigan yan. san ako gwapo pre??

miyuki
03-03-2007, 11:58 AM
salamat prenship sa pagbisita mo dito sa sinulid...salamat din sa magandang payo mo......uyyy...nakit a kita doon..hi-hi-hi....ang gwapo mo pare...:D :D :D
basta para sa akin may visa o wala basta maganda ang ugali na kagaya mo ...mamahalin at pakikisamahan ko... thanks sa friendship mo.;) alam kong gusto mo lang na malinawan at makakuha ng ideya kaya ka nag open ng thread na ito.. at ako man ay marami din natutunan ng iba-ibang aspeto ng kalagayan ng mga nand2 sa japan.:)

emyken1423
03-03-2007, 12:05 PM

salamat prenship at nauunawaan mo ako kung bakit ko na open ito.....pero sa ngayon di na natawag yung OS na gustong pumunta sa amin...wish ko lang sana okey lang sya...saka prayers na lang siguro ang kaya kong maitulong sa kanya..........

emyken1423
03-03-2007, 12:06 PM
pre, payong kaibigan yan. san ako gwapo pre??

salamat sa payo mo.....san ka gwapo....eh...kahit saang anggulo tingnan ...ang gwapo mo hi-hi-hi.....

mbstorun
03-03-2007, 12:12 PM
salamat sa payo mo.....san ka gwapo....eh...kahit saang anggulo tingnan ...ang gwapo mo hi-hi-hi.....

hindi pa ako OS nyan ha! (joke!):p pero yang OS na mga yan, i feel sorry for them naman talaga kase kahit naman sino gusto maging legal ang pamumuhay dito pero meron lang kase akong kilala na hindi makain ang mga pangungutya sa kapwa eh OS pa yun ha! pero naisama ko parin sya ng ilang beses sa prayers ko nun at isasama ko pa uli sya ngayon! pre, totoo yan ha di yan bola (bola? eh di bilog din yun nuh? joke!) pero sa totoo lang, minsan tayo kase may mga bagay rin na lumalabas sa bibig natin pero hindi naman yun ang nilalaman ng puso natin. nangyayari lang minsan na nakakapag~salita ka ng di maganda kase dahil sa ikaw ay tinitira~~~or nagiging masama ka for no reason naman~~~yung mga ganung bagay u know...pre ikaw talaga, sentimental na itong ginagawa ko. makaligo na nga at si habibi ma~award na ako nito!:p

emyken1423
03-03-2007, 12:20 PM

he-he-he..ikaw talaga ha hihirit ka pa.....hayaan mo na yun basta importante nakagawa ka ng maganda sa kapwa at nakatulong ka na rin kahit papaano......di mo naman talaga malalahat mga tao ke may visa o wala......hayaan mo sila na rin magdadala nun sayo good karma kasi nakatulong ka ....kung di man maganda ang binalik sayo...andyan naman si god sya ng bahala mag lista nun...hi-hi-hi....basta sa susunod ingat ka nalang........:D :D :D ...God bless na rin sayo....

mamimo
03-03-2007, 10:06 PM
Okay lang sa kin makipagkaibigan sa overstay basta wag sya laging mag-overnight sa bahay namin:D :)

orangee
03-04-2007, 11:59 AM
hindi mahilig mag-entertain sa bahay ang mga hapon di kagaya ng mga pinoy. kultura ng mga hapon yun kaya siguro ganun yung asawa mo..

kaya consider it an honor pag pinatuloy ka sa bahay nila.

kailangan nating pag-aralan ang culture nila para maging smooth ang pagsasama.

joeblack
03-04-2007, 12:22 PM
Para sa akin, walang problema ang magkaroon ng kaibigang bilog.... Kagaya ko marami akong mga kaibigang bilog at mababait naman sila lahat. Kung sinadya man nilang magkaganun ang buhay nila ay dahil sa mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal nila sa buhay.... Sana sa mga taong legal na naninirahan dito sa bansang banyaga, ay unawain na lang ang sitwasyon ng mga bilog /os. Isipin sana natin na mapalad tayo at nagkaroon ng legal na paninirahan dito. Isaalang-alang din sana natin ang mga bilog/OS. Kung sakaling sa atin nangyari ang katayuan nila? Ano kaya ang maging damdamin natin? Hinde ba pag aalinlangan din dahil hinde natin alam yung lakad natin at baka mahuli tayo...Sana ang lahat ng mga kababayan natin ay handang tumulong at kumupkop sa mga taong bilog/OS dahil sila rin ay may sariling pananaw sa buhay kagaya natin... Dapat lang unawain at mahalin natin ang pagpapahalaga sa bawat kapwa....ok lang ba maki sali ang over stay dito? pasensiya na kasi pag bumalik naman ako sa pinas talagang tag hirap doon. lalo na sa situation ko na maraming umaasa sa akin. alam niyo ako mismo natatakot maki pag kaibagan sa mga legal na tao dito sa japan. dahil baka nga mag sumbong na bilog ako. pero siguro naman hindi lahat. sana naman hwag kayong mag hindi ung may gustong maki pag kaibigan sa inyo na bilog

mbstorun
03-04-2007, 01:42 PM
Para sa akin, walang problema ang magkaroon ng kaibigang bilog.... Kagaya ko marami akong mga kaibigang bilog at mababait naman sila lahat. Kung sinadya man nilang magkaganun ang buhay nila ay dahil sa mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga mahal nila sa buhay.... Sana sa mga taong legal na naninirahan dito sa bansang banyaga, ay unawain na lang ang sitwasyon ng mga bilog /os. Isipin sana natin na mapalad tayo at nagkaroon ng legal na paninirahan dito. Isaalang-alang din sana natin ang mga bilog/OS. Kung sakaling sa atin nangyari ang katayuan nila? Ano kaya ang maging damdamin natin? Hinde ba pag aalinlangan din dahil hinde natin alam yung lakad natin at baka mahuli tayo...Sana ang lahat ng mga kababayan natin ay handang tumulong at kumupkop sa mga taong bilog/OS dahil sila rin ay may sariling pananaw sa buhay kagaya natin... Dapat lang unawain at mahalin natin ang pagpapahalaga sa bawat kapwa....

totoo yan Joeblack na di dahil bilog ay di na pwedeng kaibiganan. pero depende sa bilog/OS kung mabait tulad ng mga kilala mo...pero kung bilog/OS na masama pa ang ugali~~naku sana mahuli nalang at mapauwi sa pinas at baka kailangan ng Phil. air ang sarili! pero uulitin ko, kung mabait na bilog/OS why not kahit pumunta pa sa bahay lagi ay naku please come in~~ you are welcome!:p

emyken1423
03-09-2007, 03:21 PM

yung isa kong kaibigan 12 years na kaming magkaibigan sa pinas pa.......never pa kaming nag away nun kahit tampuhan wala....kaya lang ngayon OS siya dito ...tapos gusto niyang mag stay sa amin kahit tatlong araw lang daw...napa oo ako pero ayaw naman ng asawa ko na pumunta siya dito although nag meet na sila sa pinas ........tapos itong pren kong ito yung visa niya hanggang april pa naman kaya lang nasa promoter niya yung passport niya......pero gusto na niyang bumalik sa pinas kaya lang natatakot.......eh wala naman akong maipayo sa kanya...wala ng akong masyadong alam tungkol sa mga ganitong bagay.......kaya diko siya mapayuhan basta sabi ko lang mas maganda kung umuwi na siya sa atin..........by next month daw pupunta siya dito....hayyyyy...la lo tuloy nasakit ang ulo ko sa kaiisip....

meteor
03-11-2007, 12:15 AM
tanong ko lang masama bang makipag kaibigan sa isang overstay? ano bang posibleng mangyari kung sakaling maging mag kaibigan kayo? bakit kaya natatakot naman asawa ko kung papuntahin ko dito sa bahay namin yung pilipina?.

wala akong makitang dahilan para sabihin kung masama nga bang makipag-kaibigan sa mga overstaying.nagiging masama lang ang isang bagay kapag nahahaluan na ng Personal Interest .
ano bang posibleng mangyari kung sakaling maging mag kaibigan kayo?
a lots good and bad situation ;It depends a great deal on responsibility and maturity . bakit kaya natatakot naman asawa ko kung papuntahin ko dito sa bahay namin yung pilipina?.
siguro iniisip niya na overstay.