PDA

View Full Version : First job nyo sa Japan?

japonesa
02-17-2007, 10:31 PM
Hi mga ka-TF!:) Pwede po ba magpa-share ng mga experiences nyo, sa mga first jobs nyo ever dito sa Japan, nung mga time na hindi pa kayo ganun ka galing mag Japanese, kahit anong job po..Actually I'll be teaching in April but I still want to have a part time job..sa restaurant chains po sana or supermarkets. Wala pa po kasi ako experience sa job interviews in Japanese, lahat po English lang. kinchou shiteimasu! Parang nawawalan po ako ng self-confidence! can u help me? thanks!

sasuke
02-20-2007, 07:49 AM

hi japonesa!:) good morning po!hay sa wakas nakakita ako ng kagaya ko.first job ko din po dito sa japan,isang buwan palang me dito.hindi din po ako marunong magnihonggo,sa company na pinagwoworkan ko nakatunganga lang ako pagdating sa meeting pano nihonggo sila magsalita.pero atleast isa sa boss ko medyo marunong mag english kaya ung work ko kapag may gusto ako tanong natutulungan niya me pero konti lang.there are many things na gusto ko malaman but I cant say it,di namaan nila magets sa english and di ko naman magets kapag nag nihonggo sila:mad: ..pano ako nakapasok?medyo sinuwerte lang kasi marunong mag english ung nag interview sakin..but still mahirap parin.pero magkakaiba man ang ating language,technically or sa work man iisa parin ang language na napagkakaintindihan natin.kaya what im doing now.unti unti pinagaaralan ko salita nila and nagpupunta din me sa free nihonggo lesson..tutal sabi naman nila..kahit dun sa interview ko nun..character is more important than ur knowledge sa trabaho.ang trabaho daw matututunan mo but ur character is within u..at yan ang magdadala sau...kaya namomotivate din me na magwork.like ko din magwork sa supermarket kaso kapag natuto nalang ako..diko kasi maintindihan sinasabi nila..bakit nga pala mga cashier dito sa japan andami nila sinasabi..di gaya sa pinas,kunin lang pinamili mo lagay ng bagger sa plastic tapos bigay resibo sau ,tapos.:D dont lose ur confidence..kaya mo yan.ikaw pa!;) di ka makakarating dito if u dont have that destiny..ja ne

japonesa
02-23-2007, 07:39 AM

hi sasuke san, thanks for sharing your experience. Now I realize na hindi pala dapat ako kabahan, kasi i can speak conversational Japanese naman. Hindi lang kasi ako sobrang fluent kya mejo nawawalan ng confidence..:D pero tama ka, a person's character is more important:) And about free nihonggo lessons, i think you're doin the right thing..:) I did that too when I was still pregnant, ngayon wala na time, hehehe:) Yung cashier naman, common things na tinatanong nla is, 1) Do you have a point card? 2) Is it alright if I put toiletries and foods in one bag? 3)Do you want chopsticks to go with? (if you purchased obento or lutong ulam).. Yan po ang madalas tanungin.. hehe.. Sana makatulong ako.. and goodluck to your stay here in Japan..:)

kin_taro
05-18-2007, 03:46 PM
gusto ko po sanang humingi ng tulong ako po si alvin, 18, from taguig city po, gusto ko po sanang makahingi ng promotion or agency, kasi po willing po ako maging josto sa japan para po makapagpundar at magkaroon ng magandang buhay ang pamilya ko. sa pagse-search ko nakita ko po tong forum nato, nahirapan ako mag-reg pero sumunod lang ako kaya nakuha ko rin sya, hihingi po sana ako ng tulong sa mga seniors at mga members po dito na working na sa japan.. sana po matulungan nyo po ako.. kung tatanungin nyo po anong itsura ko 5'7, malinis ang mukha, medyo maputi maganda ang katawan at may mapagmamayabang din po kahit pano tungkol sa itsura.. sana po matulungan nyo po ako.. nakikiusap po ako.. pagpunta lang po sa Japan at mga agency at promotion ang kailngan ko po na nagpapapunta sila sa Japan mas preffered ko po yung salary deduction para po magkaroon po ako ng assurance na maganda mapupuntahan kong trabaho bilang josto at inuumpisahan ko narin pong mag-aral ng Hapon.. Tulungan nyo po ako. Salamat po ng Maraming Marami.:)

aviationlady
05-18-2007, 04:18 PM
para po magkaroon po ako ng assurance na maganda mapupuntahan kong trabaho bilang josto at inuumpisahan ko narin pong mag-aral ng Hapon.. Tulungan nyo po ako. Salamat po ng Maraming Marami.:)

Hello alvin welcome to tf! :)

Gusto mo maging Hosto ?? teka, alam mo ba kung anong trabaho ng hosto? Hindi madali na trabaho yun... laging malalasing dahil trabaho nila ang uminom at puyat. May mga napapanood din sa tv na nanganganib ang buhay nila dahil sa pagtatrabaho ni la bilang Hosto. Hindi kita tinatakot.... bata ka pa namn marami ka pang mahahanap na trabaho na mas maayos :)

Subukan mong mag tingin tingin ng trabaho dito ........
http://www.gaijinpot.com/job_search.php

Good Luck! :)

Back to the TopiC...
first arubaito ko sa Hotel Information, Enkai, nag-ga-guide sa mga customers for the wedding ceremony :)

wonderKulit
05-20-2007, 12:46 AM
Hello japonesa :)

pashare po, First Job ko po TEKIYA san, inalok lang ako ng relatives ng MR ko, masyado kasing bz non kasi fiesta nga at kulang sa tao. Maaga kaming nagigising kasi ayan kakargahin mga gamit at di ba unahan kasi ng pwesto para pagtayuan ng tindahan. GRABE :eek: as in super hirap. Nakatayo lang lagi at di halos makakain o kaya makapunta man lang ng toilet para umih* ( buti na lang pinagpapawisan ako nababawasan yong sakit ng tyan ko, kung hindi sakit tyan ko siguro sa kapipigil :( ) kakalito pa kamo kasi bilis ng linya ng pasok ng costumer, tatlo kami at minsan naging apat pa kami sa tindahan pero ganun pa rin kakalito . Tuwing ilagay namin sa Tray ayon nauubos agad kaya palagi at walang tigil kami sa kakaluto...puro paso pa ang inabot namin. Pagkatapos pa nyan maglilinis kami kaya inaabutan kami ng umaga magdrive pauwi. Malaki naman sweldo matatanggap namin kaso talaga bagsak katawan namin pag-uwi. Buong araw akong natulog hatinggabi na nagising...pero mabuti na rin yon, natrain ko yong mata at kilos ng katawan ko na maging maingat at mabilis sa trabaho para sa next step na papasukang trabaho handa ng harapin at di ka na malilito di ba. :)

tokyoboi2
05-20-2007, 10:09 AM
first job ko sa japan non sa Onsen hotel sa Manza Gunma ken, hirap dn ako non kasi d ko talaga alam mag nihonggo pero mabuti na lang d naman ako nag iisang gaijin don kasi marami akong kasamang mga canadians and kiwis. Enjoy din ang work kasi free kaming gumamit ng Onsen and during winter, free pass kami sa ski facilities. I enjoyed my first job here in japan thu hirap talaga dahil panay japanese ang costumer sa hotel especially weekend napaka busy.
Ang maganda lang don, split shift kami, work kami sa morning til 10 am then naka yasumi til 4 pm, work ulit til mga 9pm. During naka yasumi, yon naman ang time namin para mag skii and after work sa gabi nagbababad na kami sa onsen.

poulain
05-22-2007, 06:46 PM
first job? mabigat: Machine Operator.

radical
05-23-2007, 09:19 AM
first job ko dito is Software Engineer para sa R&D product.. ang hirap kapag di ka marunong mag nihonggo.. haayy... (4months palang ako dito hehehe)