View Full Version : Wish namin para sa mga mananalong politiko!!
liong
02-17-2007, 10:32 PM
Hello mga kabayan.... ating ipost natin ang ating mga kahalingan para sa mga mananalong politiko... ako na una!!:D
1. Good and quality education para sa mga mahihirap
tayo ng magpost.....sana mabasa nila ito at gawin!:D
salamat!:p
1. Good and quality education para sa mga mahihirap
liong, isa ito sa mga naging priorities at mananatiling priority ni Chiz. Mula kay Chiz mismo:
Sa aking pagtakbo bilang senador, layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.
Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:
... Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga state colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon....
for more, pls visit: http://www.chizescudero.com/chiz/aboutChiz.php?act=pl atform
purpletablet
02-18-2007, 03:02 PM
wishes ko:
1. stable job para sa sambayanang pinoy para nman umangat kahit paano ang quality ng buhay sa pinas.
2. wag na sila mangurakot :D
3. pantay pantay na karapatan para sa mahihirap at mayayaman.
4. pagandahin ang quality of education (more classrooms. more books, more teachers at kung anu-ano pang pangangailangang edukasyon)
5. sana wag na silang ningas-kugon.
6. implement nila ang batas fairly, walang special treatments at exceptions. :D
personal wish ko: No to UP budget cut :D :D no to UP tuition fee increase!
maimai
02-18-2007, 03:44 PM
wish ko lang..
sana naman tuparin nila ang mga pangako nila sa bayan!!~~
everyone's platform is a promising and gives hope to our economy,to our country..
the question is whose going to keep it ??:confused:
WHOSE GOING TO KEEP THEIR WORDS AND WHO'S GOING TO NEGLECT IT? ?:confused: :rolleyes:
tsk!tsk!! onaji bakari!!:(
joeblack
02-18-2007, 04:05 PM

Wish ko sa mga mananalong candidates ay sana they will be mature enough to accomplish what they have promised to the filipino people during their campaign... They must have word of honor so that people will never lose their trust in them. They should always remember that Public service is a public trusts....They must serve not for their own personal interests but for the betterment of the common-tao. They must give importance to the youth for according to Rizal; they are the hope of our fatherland..... They must not become a member of the silent committee once elected into goverment service..... Above all, I wish that they will not be like a dumbed driven cattle, but a hero in every battle they will fight..... They must ready to end up corruption in the burueacracy and in government........
Tarena314
02-18-2007, 04:30 PM
Ako ang aking WISH ay.....,
Magpakatao sila...,tupadin ang kanilang pangako....,:)
michiko
02-19-2007, 10:37 AM
wish sa mga mauupong pulitiko imbes na unahin ang pakikipag away sa mga kalaban nila eh unahin ang mga trabaho nila dahil nauubos ang oras at termino nila sa pakikipagdebate ng walang natatapos na trabaho.
sana kahit di nakikita ng media eh gawin ang mga tungkulin nila.
umaksyon agad sa mga idinudulog ng mga taong bayan tungkol sa problema wag ng hintayin ang camera bago i solve ang problema. my gawdness! puro pakitang tao..:mad: puro papogi points!:rolleyes:
linisin ang mga kurakot na empleyado ng gobyerno:mad: mahirap na nga yung mga tao lalo pang pinahihirapan ng mga empleyado ng gobyerno na di kikilos ng mabilis kung walang lagay!:mad:
tsaka sana maging istrikto sila sa mga tauhan nila na kapag oras ng trabaho eh trabaho lang ang dapat asikasuhin at hindi makipag tsismisan..sana gumaya sila sa mga empleyado ng gobyerno ng japan..
yun lang po muna ang wish ko
michiko san, agree po ako sa lahat ng sinabi ninyo. sa case po ng ating mga congressman at senador, kasama po sa kanilang trabaho ang magdebate para ma-ilabas ang tama at mali sa mga binubuong batas at para rin makabuo ng batas laban sa katiwalian.
mOtt_erU
02-19-2007, 04:54 PM
..wish ko sa mga mananalong PulitikO eh bago sila magtayo ng mga tulay at building; maglaan ng pera para sa pOndo ng basura...eh yung mga mahihirap nateng kababayan muna... anjan yung mga palaboy, namamalimos, taong-grasa, mga matatanda na nasa mga tulay at daanan..mga batang kalye, etc..sana pagtuunan naman nila ito ng pansin..
sana mabigyan ng pabahay, livelihood projects at edukasyon.....para kahit maliit na indibidwal eh umunlad..tas kung di matanggal ang korapsyon eh sana naman MABAWASAN kahit konti...
fremsite
02-19-2007, 05:21 PM
jaru ~~~ liong na pogi ~~~~ pren ~~~~ :p
makisali ako sa thread mo ne ~~~~ :)
Para sa mananalong Politiko ............
Magpakatino po sana .. :eek: mahirap bang gawin ito ? :confused:
crispee
02-19-2007, 08:26 PM
Wish ko sa mananalo? Maging member ng TF ang mga anak or kamag-anak, or kahit guest na lang at least.
sa case po ng ating mga congressman at senador, kasama po sa kanilang trabaho ang magdebate para ma-ilabas ang tama at mali sa mga binubuong batas at para rin makabuo ng batas laban sa katiwalian.
Naalala ko tuloy ang part ng isang kanta ni Gary Granada (http://garygranada.com/) na ganito: "kung kailan nagmi-meeting saka kumakain, kung kumakain saka naman nagmi-meeting."
Soju6
02-19-2007, 09:01 PM
Wish ko lang po na bago tayo bumoto ay pag aralang mabuti kung sino ang nararapat iboto.
Wag po sana tayong magpadala sa tamis ng dila o ganda ng programa na kanilang sinasabing ipapatupad pag sila po ay nakaupo na.
“Kahit sino po ay kayang gumawa ng pinakamagandang programa para sa pilipinas.”
Lahat po sila ay may magandang programa.
“Ang tanong po ay ipapatupad ba yung magagandang programa pag sila ay nakaupo na?”
Paki check, double check, tripple check lang po ang mga backgrounds ng mga kandidatong
napipisil ninyong iboto, pakiusap lang …
wag po ninyong iboto yung mga dating kasamahan ng mga dating administrasyon na “nagbaon” sa atin sa utang. Lalo po nila tayong ibabaon sa utang, garantisado po yan.
Sila din po yung gumagamit ng mga popular actors and actresses para makarating sa itaas. Wala ho silang pakialam kung walang alam yung actor para maging presidente, ang mahalaga sa kanila ay makarating o makaupo din sila sa senado.
Yun lang po....goodluck po sa botohan.
liong
02-19-2007, 09:20 PM
liong, isa ito sa mga naging priorities at mananatiling priority ni Chiz. Mula kay Chiz mismo:
Sa aking pagtakbo bilang senador, layunin ko po na maiparating ang boses ninyo sa Senado upang sama-sama nating ipaglaban ang tama at labanan ang mali.
Pangunahing pagtutuunan ko ng pansin ay ang maibalik ang dignidad ng bawat Pilipino nang sa gayon ay taas-noo nating harapin ang mga hamon ng tadhana sa pamamagitan ng pagsulong sa mga sumusunod:
... Pagkakataon ng kabataang Pilipino na makapag-aral at makapagtapos mula mababang paaralan hanggang sa kolehiyo sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na pondo sa mga state colleges at universities, kaagapay ang pagkilala sa mahalagang papel na ginagampanan ng pribadong sektor sa larangan ng edukasyon....
for more, pls visit: http://www.chizescudero.com/chiz/aboutChiz.php?act=pl atform
Wish ko lang po na bago tayo bumoto ay pag aralang mabuti kung sino ang nararapat iboto.
Wag po sana tayong magpadala sa tamis ng dila o ganda ng programa na kanilang sinasabing ipapatupad pag sila po ay nakaupo na.
“Kahit sino po ay kayang gumawa ng pinakamagandang programa para sa pilipinas.”
Lahat po sila ay may magandang programa.
“Ang tanong po ay ipapatupad ba yung magagandang programa pag sila ay nakaupo na?”
Paki check, double check, tripple check lang po ang mga backgrounds ng mga kandidatong
napipisil ninyong iboto, pakiusap lang …
wag po ninyong iboto yung mga dating kasamahan ng mga dating administrasyon na “nagbaon” sa atin sa utang. Lalo po nila tayong ibabaon sa utang, garantisado po yan.
Sila din po yung gumagamit ng mga popular actors and actresses para makarating sa itaas. Wala ho silang pakialam kung walang alam yung actor para maging presidente, ang mahalaga sa kanila ay makarating o makaupo din sila sa senado.
Yun lang po....goodluck po sa botohan.
mga kaibigan OT kayong dalawa!!! pasensya na ha...igalang nyo yung gumawa ng thread ha.......at ako yung gumawa!! mas maganda gumawa kayo ng kanya kanyang thread nyo....FREE NAMAN EH!!!
peace tayo para maayos lang ha....O sige wish na ulit! peace out!
purpletablet
02-19-2007, 09:32 PM

classmate ayos ka rin!
wish ko sana maging sincere sila sa kanilang serbisyo publiko. :D
maimai
02-19-2007, 10:15 PM
mga kaibigan OT kayong dalawa!!! pasensya na ha...igalang nyo yung gumawa ng thread ha.......at ako yung gumawa!! mas maganda gumawa kayo ng kanya kanyang thread nyo....FREE NAMAN EH!!!
peace tayo para maayos lang ha....O sige wish na ulit! peace out!
fafa liong pa-OT nga ditow~~~:D
isa kang dakilang THREAD starter!!:lol: :roll: pwede ko ba mahiram yang linya mo~~
"mas maganda gumawa kau ng kanya-kanyang thread !!!"
para kay obachan dun sa kabila!! :D
wish ko ulit..
sana wag sila mangurakot ng pera para sa bayan!!
liong
02-19-2007, 10:25 PM
classmate ayos ka rin!
:D
apir!!!!!!!!:D
fafa liong pa-OT nga ditow~~~:D
isa kang dakilang THREAD starter!!:lol: :roll: pwede ko ba mahiram yang linya mo~~
"mas maganda gumawa kau ng kanya-kanyang thread !!!"
para kay obachan dun sa kabila!! :D
wish ko ulit..
sana wag sila mangurakot ng pera para sa bayan!!
ayan ganyan ang tamang pagOT nagpapaalam...:D
sige wish pa at mababasa nila ito...:D
Soju6
02-19-2007, 10:44 PM
Mr liong, Nagkakamali po kayo......wala po akong pinatatamaan sa mga sinulat ko.
Gusto ko lang iparating sa K-TF natin na mag ingat sila sa pagpili ng iboboto.
Wala naman hong masama sa payong binibigay ko, gusto ko lang makatulong.
Kung may nakita kayong kayong hindi maganda, paki - pinpoint at ipagpaumanhin na lang ho.
mga kaibigan OT kayong dalawa!!! pasensya na ha...igalang nyo yung gumawa ng thread ha.......at ako yung gumawa!! mas maganda gumawa kayo ng kanya kanyang thread nyo....FREE NAMAN EH!!!
peace tayo para maayos lang ha....O sige wish na ulit! peace out!
liong san, pa OT at kailangang kong mag-sorry. pasensya na green horn pa kasi ako sa forum discussions. Ni OT nga ngayon ko lang nalaman kung ano'ng ibig sabihin.:O
Eto ang aking wish: Sana matutong magtipid ang mga lider natin. Di na nga marunong gumawa ng pera, di pa marunong gumastos! Utang pa nang utang. Let's get rich the old fashion way: magtrabaho at magtipid.:D
barney
02-20-2007, 12:10 AM
sana kung ano ung pinangako nila during campaign period sa Madlang People ay tuparin nila..
karamihan kasi ay nakakalimot na pagkatapos ng election at sila ay naka upo na..:mad:
docomo
02-20-2007, 12:43 AM
daming wishes :D sige mag wish ng mag wish.. tutal libre lang naman yan.. wishing ko sana matupad mga wishes nyo :p
mOtt_erU
02-20-2007, 08:02 AM
hi liong san....pwede bang magdagdag ng isa pang wish?...
....nibanme wish ko para sa mga manananalong politiko eh sana kahit na may mga tao silang pinagkakautangan ng Loob ( eto yung mga tumulong at nagbigay suporta sa kanila during campaign period) eh wag naman pag-upo nila sa pwesto eh yun ang unahin nila at iprioritize --kung paano mababayaran ang utang na loob na yun at mga tulong...daming ganyan saten eh.ok lang tumanaw ng utang na loob pero hindi pwedeng sila sila lang ang makikinabang..BAYAN muna bago SARILI at UTANG NA LOOB.....:)
Wish ko lang na sana tuparin nila ang (at least) 1/2 sa sangkatutak na pangako nila. Yung mga hindi matupad, at least subukan naman sana. Ang gaganda ng mga idea, kung basahin mo ay parang makukumbinsi ka talaga.
Sana may TV program na kung saan iipunin ang lahat na mga pangako nila, at iche-check kung alin ang natupad at hindi para walang lusot! :D
infinite_trial
02-21-2007, 01:00 AM
wish ko lang...don't talk the talk, if they can't walk the walk...
pangako puro na lang pangako :(
michiko
02-21-2007, 07:54 AM
michiko san, agree po ako sa lahat ng sinabi ninyo. sa case po ng ating mga congressman at senador, kasama po sa kanilang trabaho ang magdebate para ma-ilabas ang tama at mali sa mga binubuong batas at para rin makabuo ng batas laban sa katiwalian.
kasama nga po kung tungkol sa pag gawa ng batas pero kung labang personal na at di para sa taong bayan ang ginagawa eh palagay ko yun ang mali. kung para nga sana sa kapakanan ng bayan ang ginagawa nilang pagtatalo siguro nga baka mas madali silang magkasundo sundo kaso mo ang lumalabas eh hindi pabor si ganito kay ganun dahil masasagasaan ang kakampi nya o sya mismo kaya tumututol. o kaya di kasi sya makikinabang kung saka sakale.:(
ichimar
02-21-2007, 07:56 AM
wish ko lang...don't talk the talk, if they can't walk the walk...
pangako puro na lang pangako :(
i agree to you infinity:)
proud me
02-21-2007, 08:31 AM
Wish ko lang na sana tuparin nila ang (at least) 1/2 sa sangkatutak na pangako nila. Yung mga hindi matupad, at least subukan naman sana. Ang gaganda ng mga idea, kung basahin mo ay parang makukumbinsi ka talaga.
Sana may TV program na kung saan iipunin ang lahat na mga pangako nila, at iche-check kung alin ang natupad at hindi para walang lusot! :D sana nga mag-karon ng ganyan sa pinas...tutal High tech na diba!:D
1)sikapin mag-karon ng sariling trabaho sa sariling bayan...hindi yong kung papano itapon sa ibang bansa para kumita..:)
2)me natapos man o wala...meron paglalagyan(trabaho) :)
para hindi yong umaasa nalang sa trabaho ng ibang bansa.....tigilan na yang pambobola sa mga mamamayan!
michiko-san, agree po ako sa wishes at observations ninyo. kailangang nga nilang mag-trabaho at tuparin ang kanilang mga pangako.:)
sharpener
02-21-2007, 12:19 PM
1)sikapin mag-karon ng sariling trabaho sa sariling bayan...hindi yong kung papano itapon sa ibang bansa para kumita..:)
2)me natapos man o wala...meron paglalagyan(trabaho) :)
para hindi yong umaasa nalang sa trabaho ng ibang bansa.....tigilan na yang pambobola sa mga mamamayan!
wish ko lang.....trabaho sa sariling bayan
nakakaawa ang mga pamilyang nagkakahiwalay dahil a-abroad si ina o ama
mga bata'y lumalaki ng walang buong pamilya
sana nga mag-karon ng ganyan sa pinas...tutal High tech na diba!:DMay nakita na akong gumawa ng ganyan dito sa Japan proud me san. Pinagkumpara sa isang tv program yung mga pangako ng kandidato sa mga talagang ginawa niya nung nanalo na siya. Sana may gumaya din nyan sa Pinas. Madali lang siguro kahit hindi taga-media, basta nakaabang lagi sa tv para mag-record ng ibidensya (interviews & news). :D
infinite_trial
02-21-2007, 01:29 PM
May nakita na akong gumawa ng ganyan dito sa Japan proud me san. Pinagkumpara sa isang tv program yung mga pangako ng kandidato sa mga talagang ginawa niya nung nanalo na siya. Sana may gumaya din nyan sa Pinas. Madali lang siguro kahit hindi taga-media, basta nakaabang lagi sa tv para mag-record ng ibidensya (interviews & news). :D
dapat isuggest siguro sa abs-cbn or sa gma hehe...tyak pag-aagawan nila idea na yan
proud me
02-21-2007, 01:46 PM
wish ko lang.....trabaho sa sariling bayan
nakakaawa ang mga pamilyang nagkakahiwalay dahil a-abroad si ina o ama
mga bata'y lumalaki ng walang buong pamilya sana nga...magkaroon na ng trabaho ang pinas para sa lahat na gustong mag-trabaho....mayaman man o mahirap...nakapag-aral man o hindi...mag-karoon ng mga sapat na trabaho para sa kanya-kanyang level na kakayahan...para lahat may karapatan mag-sikap mag-trabaho....parang dito sa japan.:)
May nakita na akong gumawa ng ganyan dito sa Japan proud me san. Pinagkumpara sa isang tv program yung mga pangako ng kandidato sa mga talagang ginawa niya nung nanalo na siya. Sana may gumaya din nyan sa Pinas. Madali lang siguro kahit hindi taga-media, basta nakaabang lagi sa tv para mag-record ng ibidensya (interviews & news). :D sana marami ang mag-lakas loob na gawin yan....:D ......baka malaman pa natin kung sino yong nararapat lang!........kaya?!: D
Soju6
02-21-2007, 06:52 PM
Yung mga dating Corrupt na Presidents ang dahilan kung bakit tayo nakakalat dito sa Japan at sa iba pang bansa, sila rin ang nagbaon sa atin sa utang...bilyong-bilyong dolyares na utang.
Kaya ang wish ko lang......Wag po ninyong iboto yung taong/ mga taong nasa likudan nila at sumosuporta sa kanila nung sila ay nakaupo pa. Bihasa na po sila sa panloloko.
Sila ho yung maraming pngakong maganda. Wala na po tayong magagawa pag nakaupo na sila at hindi nila tutuparin yung mga pangako nila....nanduon lang sila sa itaas at tinatawanan na lang tayo.
purpletablet
02-21-2007, 07:40 PM
dapat isuggest siguro sa abs-cbn or sa gma hehe...tyak pag-aagawan nila idea na yan
meron na atang ganyan sa isang portion ng tv patrol... yung mga ipinangako noon ng mga politicians na mga nde natupad ay nirereport nila para magawan agad ng aksyon..
wish ko sa mga kandidato na na puro dakdak sa mga miting de avance.... less talk more action yan ang kelangan natin!!
houseboy
02-25-2007, 06:11 PM
Wish ko sana ay makapag-attract sila ng mga investors para naman magkaroon ng trabaho ang ating mga kababayan.
McBONG
03-03-2007, 12:54 AM
Sana hindi pa huli ang wish ko,wish ko lang mawala na ang mga abu-sayyaf,terrorista,ex tremist.Rebelde CPP-NPA at mag-karoon ng kapayapaan sa Southern Mindanao para dumami ang mga turista hindi terrorista,hindi impostor,kundi imbestor.
Pangalagaan ang ating ingat-yaman.Pagbabantay sa ating yamang Dagat,pag-papatibay ng ating Territorial Integrity,hindi kung sino-sino ang nangingisda sa ating teritoryong karagatan.At kapayapaan,kaunlaran at kasaganaan ng Bansang Pilipinas.,at higit sa lahat pag-mamahalan at pag-kakaisa ng mga Filipinos.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.