PDA

View Full Version : pregnant working


louvette_15
02-18-2007, 06:00 AM
hello po

today ko lang po nalaman na buntis ako bale 1 month po. im working now in the night shift sa food factory. hindi naman mabigat ang work ko kaso medyo nag worry po ako. baka po kasi maging dahilan para paalisin ako sa work. do i have to tell my broker and the factory about my being pregnant or mag work na lang ako until mga 6 months na tiyan ko without telling them?

lalen16loves
02-18-2007, 06:49 AM
omedetou

lalen16loves
02-18-2007, 07:03 AM
:) ay,,di pa nga ako tapos sumagot a, nasend ko na agad...
CONGRATS :grouphug: ...hindi pa ako nagwowork dito pero sa pagbubuntis naman , siguro hindi naman masama kung magtatrabaho kapa at hindi naman mabigat yata ang work mo..kasi may mga friend din naman akong mga buntis pero nagtatrabaho parin..sinasabi rin nila sa kaisha para hindi masyadong mabigat ang ibibigay nilang trabaho sa kanila..tumigil na nga sila 7 months na eh..pero mas maiging mag-ingat baka first time mo pa yan..kasi ang delikado yung umpisa ng pagbubuntis mo ,,kung baga dugo pa yan..sana wag kang mahirapan maglihi dahil mag-iistart ka na nyan..ako hindi pwedeng magtrabaho kapag naglilihi kasi talagang wala akong magawa kndi ang magsuka at matulog..kaya nakakahiya lang kung magtatrabaho akong lagi rin namang absent...pakiramdama n mo ang katawan mo kung kaya mo..pero palagay ko hindi ka naman paaalisin sa work mo pag sinabi mong buntis ka..
TAKE CARE:) ang saya siguro ng asawa mo no ,:)

myukasky
02-18-2007, 11:46 AM
Omedetou gozaimasu:D :D :D Much better na sabihin mo yang kalagayan mo kasi mahirap naman yung may mang yari if ever lang naman ay doon nila malalaman. Papasok kasi diyan yung sekinin ba. Kung di naman mabigat ang work mo bakit naman hihinto ka di ba? At higit sa lahat kung kaya mo magwork habang buntis ka. Ako kasi noong buntis ay nagwowork ako, kaso huminto ako kasi hinimatay ako habang nagwowork hehehheheh tawag sila ambulance nakakahiya talaga. 3 months noon ang tiyan ko huminto na ako grabe sa totoo lang di ko kaya magwork pinilit ko lang sarili ko. At that time kasi maselan pala kapag girl ang anak mo. Alam sa kaisha namin na pregnant ako kaya yung mabibigay na trabaho ay sa mga kasamahan ko. Pag aralan mo yang pakiramdam mo at kung kaya mo wala siguro dahilan na huminto ka. Isa lang paalala huwag ka papasok na walang laman ang sikmura at dyan manghihina ka baka matulad ka sa akin. Sana nakatulong ako kahit konti at kore kara karada o daijini:D :D :D :D

proud me
02-18-2007, 12:18 PM
Omedetou Gasaimasu....siguro nga mas maganda na sabihin mo yong totoong kalagayan mo ngayon...tapos kung gusto mo pang mag-work hanggang kaya mo o kung ano yong plano mo sabihin mo narin tapos hintayin mo nalang kung ano yong magiging desisyon nila...kasi meron din mga factory o kaishiya na sila yong nag-dedesisyon kung papayag sila na mag-work kahit buntis...ako nong malaman ko noon na buntis ako sinabi ko agad tapos ...kina-usap ko rin boss namin ...na takot na akong mag-bisikleta kaya napag-usapan namin noon na sa bahay nalang ako gagawa ng trabaho namin (naishouku)kaya yon hanggang lumaki ang tiyan ko pag-meron trabaho sa bahay ko nalang ginawa..nakaraos din ang pagbubuntis.:p

honey
02-18-2007, 12:46 PM
Omedetou louvette_15 :)

Nagpatingin ka na ba sa doctor?ano sabi?May iba kasing maselan kapag nagbuntis minsan pinapatigil sa pagtatrabaho sa bahay lang pahinga makapit man o hindi ang bata dapat daw kasi nakakapagrelax.

Sabihin mo totoo sa kanila na buntis ka :).Kapag pinagpahinga ka nila bumalik ka na lang ulit kapag nakapanganak ka.

miyuki
02-18-2007, 03:04 PM
congratulation... louvete san... pakiramdaman mo ang sarili mo kung kaya mong mag work kasi meron maselan meron naman parang wala lang.ikaw naman ang tatanungin ng kaisya if kaya mo pa...ako din last year nag work kahit buntis ako.. ok naman kasi at masigla ang katawan ko. hanggang mag 6 months ..dapat nga hanggang 7 months pa ang sinabi sa akin ..nagkahulihan lang sa kaisya namin at nalungkot ako dahil napauwi mga kasamahan kong pinay kaya huminto na lang din ako.basta mag iingat ka lang sa 1,2,3 months mo .hinay-hinay sa pagkilos.yan ang delikadong stage eh.

louvette_15
02-19-2007, 12:10 AM
hindi pa ako nakapag pa check up sa doctor. ngayon wednesday pa lang. anyway, pakiramdam ko hindi naman ako humihina which i take as a sign na hindi ako magiging maselan sa pagbubuntis. antukin lang saka madaling uminit ang ulo ko.hehehe.

anyway, tinawagan po ni mister yong broker ko kanina. ok po sa akin na dun pa rin sa food factory mag work, pero worried po si mister kasi nga po malamig yong working place ko dahil napapalibutan ng freezer saka nasa night-shift ako. sabi ni sachoo na mag te train nalang ng ibang tao na magiging kapalit po, for the mean time ay dun muna ako. sa mga hinihinging specification ni mister sa broker ko, malamang sa cake factory ako ililipat tapus babalik ako sa pang araw na work. hindi daw ako pwedeng mag over work, so malamang 7 hours a day na lang pasok ko. kahit gusto ko ngang makatulong kay mister sa pag iipon lalo na ngayon ay hindi ako pinayagang mag work ng mahabang oras like before. so malamang konti lang kikitain ko. nakakapanghinayang nga kaso kelangan ngang i-consider etong pagbubuntis ko. makulit kasi si mister.

nakapagtanong-tanong din ako about hanggang kelan pwede mag work. may nagsabi na yong misis nya until 8 months nag work noon. sa tingin nyo kaya hanggang kelan dapat mag rest na ang buntis from work?

katheyrine
02-19-2007, 09:35 AM
sa tingin nyo kaya hanggang kelan dapat mag rest na ang buntis from work?

Hi Louvettesan! I am so happy for you that youre pregnant! Ako eh malapit ng manganak, sa April naman...pero about sa tanong mo, depende yan sa katawan mo at sa klase ng trabaho mo. Ako sobrang work ko simula ng pinagbuntis ko itong si "ineng" ko, tapos nung pumasok ng 8mos sumakit ng sobra itong tyan ko, as in sobrang sakit at sobrang tigas, di ko nakayanan ang sakit...dala kagad ako sa byouin..akala ko talaga manganganak na ako Louvette, sari-sari kasi sinaksak sa akin at sa tyan ko..pero pina-inom nila ako ng gamot kasi "komaru" daw pag nanganak ng 8mos..hanggang ngayon eh bedrest ako. pag ngayong march eh sumakit sya ng kagaya ng dati which is 9mos na, paanakin na daw ako. Kaya eto kinakaya ko, gusto ko kasi tama sa oras si baby di ba?

Louvette, sana di ka maselan kagaya ko...sobra ang pinagdanasan ko nitong pagbubuntis ko. Kaya ingat ka ha? Tantyahin mo katawan mo para maingatan mo si "lil angel" mo ok? Napakagandang blessing yan...gambatte!

@Myukaskysan "At that time kasi maselan pala kapag girl ang anak mo."
Simula nuong inultrasound ako, nasabi kagad na girl itong baby ko, hanggang ngayong magna 9mos na sya girl pa rin ang sabi. Tapos kaya lang dito sa bahay lalo na ang in-laws ko eh sobrang maka-kontra, ayaw maniwala dahil baka lang daw nagtatago ang chinchin ni baby...kaya gulo ako ngayon kung anu ba talaga ang anak ko, girl or boy. Pero mare, kitang kita sa ultrasound yung leafshape tapos may guhit sa gitna which means girl nga... sa sinabi mo, kung girl talaga ito eh paniwala na ako dahil NAPAKASELAN nitong pagbubuntis ko.

Again Louvettesan Congratulations!!!

michiko
02-19-2007, 09:58 AM
louvette san omedetou:)

mOtt_erU
02-19-2007, 04:26 PM
...Omedetou louvette_15 san :)
sana sabihin mo nalang sa broker mo na ninshin shiteru ka na...para wala ka na din alalahanin.
Goodluck & Godbless sis..

louvette_15
02-20-2007, 03:18 AM
thank you po sa inyong lahat.

sa ngayon naman po ay ok naman ang pakiramdam ko maliban sa sobrang antukin ko. 1 hour before ako ihatid sa kaisha kung magising ako tapus eh kaka start pa lang ng work, puro nako hikab.hehehe. minsan worried din ako kasi baka hindi nga plain na antok lang ang sign ng maya-maya kong paghikab, maaari din kasing nagkukulang na pala ako ng oxygen and to compensate it ay naghihikab ako. may point ba etong iniisip ko?

katty0531
02-21-2007, 01:15 PM
Omedetou guzaimasu sayo~~~~
Pareho pala tayong buntis.....swerte mo naman at nakakapag work ka pa rin, kasi ako zen zen dame, suka kain tulog lang alam ko hehehehe....iba iba kasi ang mga buntis.
Ingatan mo yang little angel na nasa tyan mo ne, muri shinai ho ga ii desu.

louvette_15
02-21-2007, 09:00 PM
salamat...

tumawag pala yong broker ko kanina sa mister ko. ang sabi ay pinapipirma ako ng waiver ng factory. if ever my mangyari daw sa akin na accident sa factory ay wala silang pakialam. palagi naman akong nag iingat sa work kahit hindi naman delicado kaso upon hearing about that waiver, parang na iyak naman ako. napaka cold and inconsiderate naman nila. to think ha, kinausap ni mister yong broker ko na ilipat ako sa ibang factory na hindi malamig ang working place saka pang araw. kinausap na ng broker ko ang factory management, pero ayaw naman akong bitawan ng factory. kelangan daw talaga ako dun. kapag hindi ko na lang daw kaya, saka ako huminto. kahit i-insist kong umalis ay hindi rin agad effective dahil jikan kakaru nga daw ang mag train ng panibagong tao sa pwesto ko. pumayag na nga ako eh, kaso napaka walang puso naman nilang sabihin sa akin na wala silang pakialam kung may accidenteng mangyari sa akin sa trabaho. pinalagpas ko na nga yong incident na 11:30 midnight kami pinag break. maaga pa ay sinabi ko na mauna na akong kakain tutal may kotae naman ako that time. sabi ng lider ko, kankenai daw yon kaya mag gaman daw ako. naluha talaga ako ng gabing yon. pagkatapus nilang sabihing kelangan nila ako, tapus ganito pa makukuha ko mula sa kanila. nakakasama talaga ng loob.

myukasky
02-22-2007, 01:22 AM
Alam mo sis di ka dapat magtampo sa company na pinapasukan mo. Yung ginawa nila ay atarimae na koto dayo. Dapat nga pasalamat ka pa kasi sa kalagayan mo ay pinapapasok ka pa nila. Sa ibang kaisha ay naku matindi, umiiwas lang sila sa aberya lalo na buhay ang nakataya diyan. Alam mo naman siguro dito sa japan maliit na bagay man hahalungkatin nila. Goodluck:D

louvette_15
07-02-2007, 07:40 AM
hindi natuloy yong pagpapapirma sakin na wala silang sagutin in case my mangyari sakin sa loob ng factory during sa time na nag wowork ako habang buntis. ok na sana kaso 2 weeks ago may nadisgrasyang arubaito sa ibang branch ng factory.dahil dun, effective agad ung pagpapahinga sakin the following week which is last week. kakainis din kahit papaano kc tanoshimi ko nga work ko. pero ang maganda naman dun e condition ko sa kanila na 2 kapatid ko kapalit ko habang wala ako tapus anytime after giving birth ay pwde akong bumalik dun if i still want my position back. now, at my 6th month im resting na. iniisip ko lang baka lumubo ako ngaung wla akong gnagawa masyado. wag naman sana.

myuki
09-01-2007, 01:10 PM
kamusta na??? lakad lang every morning para di mamanas ok....
kain po ng maraming fruits....
ingat ka palagi....

bluesapphire
09-04-2007, 04:52 AM
congrats po sa ipinagbubuntis nyo.. ako po nagwork nung buntis ako hanggang 2 weeks before na manganak ako, imagine? ayaw kasi ako patigilin ng asawa ko non kasi hindi naman daw byoki iyon.. anyway, depende na lang po sa kondisyon ng katawan nyo, ingat na lang.. ang advantage kasi ng working buntis is hindi masyadong tumataba.. ewan ko lang po sa iba..:D inom na lang po kayo ng supplements tsaka wag na lang kayong gumawa ng hard work, and masama rin yata ang overeating at overweight kaya watch your weight and your health na rin po.. congrats ulit!

louvette_15
09-04-2007, 05:02 AM
congrats po sa ipinagbubuntis nyo.. ako po nagwork nung buntis ako hanggang 2 weeks before na manganak ako, imagine? ayaw kasi ako patigilin ng asawa ko non kasi hindi naman daw byoki iyon.. anyway, depende na lang po sa kondisyon ng katawan nyo, ingat na lang.. ang advantage kasi ng working buntis is hindi masyadong tumataba.. ewan ko lang po sa iba..:D inom na lang po kayo ng supplements tsaka wag na lang kayong gumawa ng hard work, and masama rin yata ang overeating at overweight kaya watch your weight and your health na rin po.. congrats ulit!

thank you bluesapphire san.. naku nag stop nako sa work.ayaw ko pa nga sana kaso tatakot nman ang kaisha ko bka ma accidente ako dun.. anyway, hindi nman ako tumaba khit wla akong ginagawa. ang hirap narin maglakad-lakad dhil sa anemic ako ay parating feeling pagod..maraming disadvantage wlang work kasi nakakapraning dito sa haus. madaling uminit ulo ko at sobrang matampuhin dahil nga parating mag isa sa haus.thanks ha