PDA

View Full Version : giving birth: saan mas nakakamura?

louvette_15
02-18-2007, 06:11 AM
tanong ko lang po sa mga may experience na ng panganganak. sabi po 30 lapad daw ang manganak dito sa japan pero with hokyen, maibabalik naman po daw yong iba sa 30 lapad na yon. kung uuwi naman ng pinas: pamasahe, plus baon, gastos manganak and syempre susunod po si hubby on my last month saka yong allowance ko sa loob ng 3 months na stay ko sa pinas. kwenta ko po kasi mga 30 lapad plus pa nga gagastusin kung uuwi ako eh...

sa may experience po, hihingi po sana ako ng advise tungkol sa kung saan ako mas makakamura: ang umuwi ng pinas o dito na lang manganak? saka kung anu-ano po yong mga advantages kung dito sa japan manganak...thank you po

tamayuu
02-18-2007, 08:41 AM

good morning po louvette_15 san! sa experience ko po sa 1st baby ko po sa pinas ko pinanganak and 2nd baby dito po sa japan.kung wala rin lang po kayong hoken sa pinas huwag na po sa pinas manganak.well isa pa po lalo na kung foriegn ang surname niyo may hospital kasi na nanamantala.kung dito po kayo sa japan manganganak totoo po na may babalik na pera.gaya po ng sabi niyo mula pamasahe pag-uwi niyo ng pinas hanggang pamasahe pabalik dito sa japan ay talagang gagastos kayo ng malaki.saka po sa pag-asikaso ng birth certificte ng bata un ibang hospital po kasi hindi po agad forward sa city hall kung saan kayo manganganak.kaya medyo tumatagal. advantages siguro po yung mga bcg,polio lahat po ng vaccine makukuha niyo po ng libre.saka po lagi kayong iu-update ng center.sana po nakatulong sa inyo

myukasky
02-18-2007, 11:27 AM
Before naisip ko din sa second baby ko sa pinas manganak. Pero ayaw ng husband ko kung nakaya ko daw noong first baby ko na walang katuwang ay kaya rin namin sa second. Si hubby ko kasi nakakatulong sa lahat ng bagay, sa pag-aalaga, pagpapaligo at higit sa lahat pagpapalit ng pampers hehehehheheh. At yung pag-aayos ng papers ay yan ang ayaw ng husband ko wala kasi siya time sa paglalakad dahil busy siya sa work nya at di sya puwede magyasumi kahit one day lang. Noong nanganak ako inabot ng 35 kalapad, dito kasi sa japan kapag nanganak ka ng saturday at sunday at higit sa lahat kapag holiday ay mahal ang bayad. Yung mga kasabayan ko halos nasa 30 lang binayad nila kasi friday sila nanganak ako saturday na giri giri pa. At tama din yung babalik nga yung 30 kalapad kung may hokken kayo. At according sa laws ko may city na nagbibigay ng extra money kung baga help ba sa mga nanganganak. Dito kasi sa byouin na pinanganakan ko kung doon ako sa place na yun nakatira ay mabibigyan ako kaso sa kabilang city kasi ako kaya hindi na sakop.:D :D :D

honey
02-18-2007, 12:12 PM
Gastos dito sa japan maganda serbisyo nila at masasarap at masustansya na pagkain pa ang ihahain sayo para bumalik lakas mo:p babalik pa pera na ginastos mo kahit hindi lahat atleast me bumalik pwede na pangshopping ng milk/gamit ni baby ang dami non.

Gastos sa pinas hay! sobrang magastos isipin mo na lang manganganak ka doon bayad sa hospital,mga gastos mo pa papunta at pauwi syempre pupunta pa hubby mo sa pinas.Wala pang balik na pera sayo ikaw lang ang labas ng labas ng pera:( .Wala naman pong hoken don di uso sa pinas yon:p .

Dito ka na lang sa japan manganak louvette_15 tas kapag ok na condition mo saka ka umuwi sa pinas ingatan mo nga lang anak mo sa sakit alam mo na mga babies masyadong sensitive.:)

Dati gusto ko din manganak sa Pinas kaso lang nun malaman ko na maibabalik naman sa amin yung mga ginastos sa panganganak nagbago isip ko syempre makakatulong sa amin mag-asawa yong 30 na lapad kaya dito na lang ako naganak.Saka mamimiss ko si sensei ang ganda ng serbisyo nya sa aming mag-ina alam nya maganda at problemang nangyayari sa amin kaya dito na ako nanganak.:D

proud me
02-18-2007, 12:59 PM
para sa akin mas maganda dito manganak ....sa gastos naman ...isipin palang talagang mas magastos at mas maraming dapat asikasuhin kung sa pinas...ganun din naman pag-balik mo dito kayo lang din mag-asawa ang magtutulungan...kaya mas maganda yong sa simula't simula palang gawin na...mahirap din yong mag-aadjust ka na naman uli pag-balik mo dito...ako sa sanfujinkan ko pinanganak yong anak ko yong Dr.(sensei) ko simula pag-bubuntis ko sa bunso ko...Dr.(sensei)nya rin ngayon...pag-dadalaga nya.:p

louvette_15
02-19-2007, 12:00 AM
sa lahat po ng nag reply, thank you po sa mga advise nyo. malaking tulong po eto sa decision-making na gagawin namin ng asawa ko.

yong monthly check-up dito, mga magkano po ang mababayaran?

csbaby
02-20-2007, 10:36 PM
sa lahat po ng nag reply, thank you po sa mga advise nyo. malaking tulong po eto sa decision-making na gagawin namin ng asawa ko.

yong monthly check-up dito, mga magkano po ang mababayaran?

louvette san,ako na po ang sasagot sa tanong mo about po sa check-up dito mura lang po kasi may hoken naman.wait nyo po yong ibang mommies kasi di po ako mommy wala po kasi akong anak:)

myukasky
02-20-2007, 10:53 PM
louvette san,ako na po ang sasagot sa tanong mo about po sa check-up dito mura lang po kasi may hoken naman.wait nyo po yong ibang mommies kasi di po ako mommy wala po kasi akong anak:)

Monthly 3000 lang ang babayaran pero may time na malaki ang babayaran mo siguro mga 2man gurai pero kung maibabalik din sayo di ko lang matandaan kung magkano yung maibabalik sayo.

reon
02-20-2007, 11:05 PM
Hi louvette. :)

Yung 300,000 yen depende rin sa kung saang hospital (o kung saang lugar) ka manganganak. Yung kaibigan ko, nanganak ang misis niya sa Tokyo mga 260,000 lang daw ang nagastos nila at may mga benefits pang iba silang nakuha.

Dito naman sa Tsukuba, sa hospital na pinupuntahan namin, 420,000 ang panganganak(!) Ang checkup for the first 7 months ay monthly at mga 4,500 yen ito bawat punta kung may hoken ka. After that, magiging 2x a month and then weekly sa last stages.

Good luck sa baby!

louvette_15
02-21-2007, 01:22 AM
sa mga nag reply, maraming salamat po. taga numazu ako eh, baka iba din dito ang presyo ng check up.

sa 1st visit sa doctor for check up, pwede na ba agad itanong kung magkano ang mababayaran sa panganganak?

michael_jp
02-21-2007, 08:50 PM
....After 20 yrs, kapag mag-apply ng mga documents ang anak mo at fill up nya ang "PLACE OF BIRTH" section.....isusulat nya "JAPAN"....parang gandang pakinggan...parang MADE IN JAPAN. :)

ICHIBAN08
02-22-2007, 01:45 PM
Hi ulit sayo @louvette san!:D ...ok tong thread mo marami rin akong natutunan dahil sa mga advices ng mga mommies naka experienced ng manganak dito sa japan...kasi binalak ko rin ang manganak sa pinas pero nagbago ang isip ko kasi nga mas maganda na daw dito dahil may balik ang mga magagastos mo yun e kung may hokken nga daw...ang balita ko naman sa habibi ko e ang maibabalik sa amin pag nanganak ako e mga \350,000 daw...akala ko nga e mga \300,000 daw pero nadagdagan pa pala ng go man yen...at isa pa pag sa pinas mahirap din dahil mag aasikaso ka pa ng birth cert. ng bata at pupunta ka pa ng embahada ng japan para mag ayos ng mga papers para pabalik ditos a japan...

ang balita ko pa naman sa atin sa pinas e maraming wise na doktor kasi pag nalaman nga na gaijin ang asawa mo e kahit kaya mo manganak ng normal sasabihin sayo e kelangan ma CS ka...kasi mas malaki ata ang babayaran pag CS sa pinas di ba?..kaya tama nga na dito na lang sa japan..:)

april
02-24-2007, 10:18 PM
puede mo ng itanong kung daitai ikura kakarimasu ka?
pag private ang hospital ibaiba kasi ang bayad kung normal ka
advice ko sayo sa private ka na lang manganak sarap manganak
sa private hospital dito parang ayaw ka na ngang umuwi sa bahay:D

louvette_15
03-01-2007, 03:28 AM
at sabi pa ng asawa ko, mas maganda daw kapag nanganak ako later this year kasi mas malaki nga ang babalik samin from his tax. medyo confuse lang ako. yon ibabalik sayo na pera dahil sa hokken ay yon din yong sinasabi ng asawa kong matatanggap namin dahil sa binabayaran nyang tax?

LORIE
03-16-2007, 11:15 PM
Sa experience ko naman first babies ay twin CS ako kasi di pwede sa normal delivery, mahal nga sya pero sulit naman kasi naibalik naman yong binayad ni hubby at may leave pa sya sa work nya to take care of his wife and babies. then 2nd baby is normal delivery kasi maliit sya kaya ko daw iire at talagang todo gambatte ako but sabi ng doc pag diko raw kaya CS ulit at naka raos naman ako ng mabuti naire ko sya, safe naman ako but 3 doctors was there para sakasakaling magkaganon ang mangyari, private hospital yon but same doctor sa twins ko mura sya kunti sa CS at mura rin sya cgurado rin na naibabalik ang binayad namin. at mas mura kung manganganak na di holiday dito or red calendar kasi mahal talaga ang babayaran nyan.
Kung sa pinas naman totoo talaga 100% mahal daming gastos tama lahat ang sabi nila at kung sa tingin mo mahihiran ka pupwede mo naman kunin isa sa family mo para tulongan ka sa pag aalaga ng baby mo at sayo na rin.Ingat ng marami sa pagbubuntis louvette san gambatte ne

LORIE
03-16-2007, 11:21 PM
puede mo ng itanong kung daitai ikura kakarimasu ka?
pag private ang hospital ibaiba kasi ang bayad kung normal ka
advice ko sayo sa private ka na lang manganak sarap manganak
sa private hospital dito parang ayaw ka na ngang umuwi sa bahay:D
:thumb: Korek ka jan april san ang sasarap ng food pag sa private hospital at solo ka sa room mo wala kang kasama, sa public hospital naman 4 kasama mo at kunti di masarap ang food :D

dalajoey
05-29-2007, 01:01 PM
good afternoon po,

makikisakali na rin po ako dito (in advance) ;)

bale ganito po ang sitwasyon ko.
i am working as an IT Engineer. (My employee insurance po ako).
Kararating lang po ng wife+daughter ko last month, dependent visa sila
hanggang April 2008.

Then, meron na rin po silang insurance, bale naisali na sa akin.
(Me kanya-kanya na kaming insurance card, na kulay blue ;)

pinag-iisipan na rin kasi namin ng wife ko na mag-2nd baby.
ang inano ko lang ay baka mas mahal nga dito sa Japan.

Isa pa, C-Section (Caesarian) po ang wife before, so kung
sakaling mag-baby kami, mataas ang possibility na C-Section uli.

Tanong ko lang po, kung dito sa Japan, etong 300,000-yen for
normal delivery ba yan? Sigurado mas mahal kung C-Section.

Saka, i-confirm ko lang uli, just in case mag-baby nga kami dito sa
Japan, kasi nga me insurance din ang wife ko, maibabalik din yong
nagastos?

Maraming salamat po!

--------------

Hi louvette. :)

Yung 300,000 yen depende rin sa kung saang hospital (o kung saang lugar) ka manganganak. Yung kaibigan ko, nanganak ang misis niya sa Tokyo mga 260,000 lang daw ang nagastos nila at may mga benefits pang iba silang nakuha.

Dito naman sa Tsukuba, sa hospital na pinupuntahan namin, 420,000 ang panganganak(!) Ang checkup for the first 7 months ay monthly at mga 4,500 yen ito bawat punta kung may hoken ka. After that, magiging 2x a month and then weekly sa last stages.

Good luck sa baby!

iampadme
05-29-2007, 05:26 PM
hi all!

it's great reading your posts here. what dyo mean by hokken? im sorry if i had to ask, i dont speak japanese and i just arrived here in japan. any tips on getting a good obgyne (doctor)? thanks :)

louvette_15
05-30-2007, 02:15 AM
good afternoon po,

makikisakali na rin po ako dito (in advance) ;)

bale ganito po ang sitwasyon ko.
i am working as an IT Engineer. (My employee insurance po ako).
Kararating lang po ng wife+daughter ko last month, dependent visa sila
hanggang April 2008.

Then, meron na rin po silang insurance, bale naisali na sa akin.
(Me kanya-kanya na kaming insurance card, na kulay blue ;)

pinag-iisipan na rin kasi namin ng wife ko na mag-2nd baby.
ang inano ko lang ay baka mas mahal nga dito sa Japan.

Isa pa, C-Section (Caesarian) po ang wife before, so kung
sakaling mag-baby kami, mataas ang possibility na C-Section uli.

Tanong ko lang po, kung dito sa Japan, etong 300,000-yen for
normal delivery ba yan? Sigurado mas mahal kung C-Section.

Saka, i-confirm ko lang uli, just in case mag-baby nga kami dito sa
Japan, kasi nga me insurance din ang wife ko, maibabalik din yong
nagastos?

Maraming salamat po!

--------------

hello dalajoey san,

ako din nalilito kasi sabi ng asawa ko hindi naman daw masasagot ng hokken ko ang panganganak ko.magagamit ko lang yon pag magpapa check up ako and ang baby namin paglabas kasi daw natural daw yong panganganak. sana may maka enlighten satin about this.

louvette_15
05-30-2007, 02:30 AM
hi all!

any tips on getting a good obgyne (doctor)? thanks :)

alam mo, hindi ako nakapagpili ng ob-gyne ko kasi sa country hospital ako nagpapa check up at manganganak this oct. pero kahit paano thankful na rin ako kasi sukushi eigo-wakaru ung napunta sakin na ob-gyne. importante kasi un para sakin dahil hindi p ako ganun kagaling mag nihongo. saka, mabait and pasensyoso si doc. matagal na rin sya nag seserbisyo sa country hospital dito sa shimizu cho so, kampante naman ako. d na ako nagpahanap ng iba dahil friendly naman sya saka at ease ako at ang asawa ko sa kanya.

iampadme
05-30-2007, 02:08 PM
hi louvette, thanks for the reply.. i just learned that hokken means insurance...

siguro naman mga mababait ang mga doctors dito sa japan... ang sa akin lang, i have to find a doctor who at least speaks english a little. malaki kasi ang possibility that i will have c-section again. i have problem with my narrow pelvis, so I have to be keen with the details. though money is our major concern here... my husband and I still have to find out how much we gonna spend if I give birth here with C-section.

Dax
09-13-2007, 01:30 PM
Hello dalajoey san,

Iyong 350,000 yen lump sum ay "regalo" na manggagaling sa insurance mo
(社会保険: shakai hoken sa case mo kasi employee ka). Maging normal delivery man o C-section ay makakatanggap kayo nito 100% basta kumpletuhin mo lang ang requirements. Also, makukuha mo din ito kahit halimbawa umuwi ang wife mo at sa Pinas manganak, as long as you stay working (and a member of the insurance) here in Japan. ;) This lump sum thing is one of the BEST things Japan has to offer. Imagine sa Pinas 2,000 pesos lang ang makukuha mo sa SSS. :p

Yung tungkol naman sa mga nagastos sa pregnancy (check-ups etc.) at child birth...hindi covered ng insurance ang mga ito, kaya hindi maire-refund.

Check also the following threads for related info:

350.000en for pregnant woman (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=726 2)
Giving birth in Japan... (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=927 4)

Or better still, inquire directly at the Social Insurance Office (社会保険事務所: shakai hoken jimusho) where you are registered. Check the link below for contact info (in Japanese only):

Social Insurance Office branches throughout Japan (http://www.sia.go.jp/sodan/madoguchi/shaho/index.htm)

Hope this helps. :)

Tanong ko lang po, kung dito sa Japan, etong 300,000-yen for
normal delivery ba yan? Sigurado mas mahal kung C-Section.

Saka, i-confirm ko lang uli, just in case mag-baby nga kami dito sa
Japan, kasi nga me insurance din ang wife ko, maibabalik din yong
nagastos?

Maraming salamat po!

--------------

louvette_15
09-13-2007, 01:41 PM
@ dax san,

yon pong nagastos sa check up, hindi nga daw po un sagot ng hokken (shakai hokken din po kmi). pero pinatatago po lahat ng resibo pati nga po ung nagastos nmin sa dentist para kahit paano daw po ay masali sa TAX REFUND ni mister... tama po ba pagkakaintindi ko?

maimai
09-13-2007, 02:04 PM
Or better still, inquire directly at the Social Insurance Office (社会保険事務所: shakai hoken jimusho) where you are registered. Check the link below for contact info (in Japanese only):

Social Insurance Office branches throughout Japan (http://www.sia.go.jp/sodan/madoguchi/shaho/index.htm)

Hope this helps. :)

tama ka dyan dax san..

last week lumipat kami dito sa Tochigi ken..so tumawag kami sa Social Insurance Office dito..nag-inquire about sa mga nagastos namin sa pag-che-check up nung nasa Tokyo pa kami..

sabi naman nila mababalik ang pera namin..basta kumpletuhin ang mga requirements...boshi techou...resibo ng hospital,hoken at etc.:)

louvette_15
09-13-2007, 02:14 PM

sabi naman nila mababalik ang pera namin..basta kumpletuhin ang mga requirements..botich ou..resibo ng hospital,hoken at etc.:)

maimai san,

talaga? pati ung nagastos nyo sa prenatal check up ay ibabalik sa inyo? sa pagkakaintindi ko po kasi dahil ang pregnancy ay hindi sakit kya ang gastos sa check ups ay hindi nila ibabalik. sa tax refund daw pwede makukuha ang part ng nagastos sa mga check ups.. pero may 35 lapad ngang ibibigay sayo dahil sa panganganak na i-process 1 month before sa duedate. kanina nga lng namin nai-submit ung form about sa 35 lapad and a copy of my boshi techou kasi next month na ako due... nalilito na tuloy ako.hehehe

maimai
09-13-2007, 02:22 PM

yup..yun ang sinabi sa asawa ko...basta dalhin yung mga documents ipasa sa kanila...

sa ngayun di pa namin ma-process kasi kinuha ng kaisha ni habibi ang hoken namin nung nasa tokyo pa kami..papalitan kasi..at ngayun di pa lumalabas ang bagong hoken namin na galing sa kaisha nya dito sa tochigi ken...

ask ko lang about sa form na sinasabi mo?? saan kau nag-apply nyan?? ibig sabihin bibigyan kau ng 35 kalapad bago ka manganak??..then pagnanganak ka na..babayaran nyo ba yan?? hmmm..ngayun ko lang kasi nalaman yan..

louvette_15
09-13-2007, 02:41 PM

ung form na sinasabi ko ay makukuha mo sa shakai hoken office malapit sa lugar nyo.. nakakuha na ako nun though, kumuha din pla ang hakyen kaisha ni hubby ng form na un kaya dala-dalawa forms nmin. 1 month before your duedate i-process mo na un..bale fill upan nyo ung part nyo tapus dalhin mo ung form sa hospital or clinic kng san ka manganak para fill-upan din nila ung part nila..pag filled up na ang form ay ibabalik mo un sa office ng shakai hoken with other documents na hihingin nila from you. sakin kasi xerox copy lng ng boshi techou or yong mother and child health book. pagka panganak mo, shakai hoken will pay your hospital 35 lapad. sa nabasa ko sa kabilang thread mo na you are asked about 42 lapad, ibig sabihin 7 lapad ang abuno nyo from your pocket. ung 42 lapad ba na hinihingi sa inyo ay whether cs or normal delivery ka? at kankeinai sa araw o oras ng panganganak mo? ung 35 lapad na matatanggap from shakai hoken ay hindi na babayaran after k manganak na parang utang.

maimai
09-13-2007, 02:50 PM

hehehe..dalawang thread ang pinag-uusapan natin..dito na lang tayow:D

ano ang pangalan ng form na yun?? mamaya -e-open ko toh kay habibi...

about sa 42 kalapad..normal yun...at kankenai ang araw or oras ng kapanganakan...kaya nga syado talaga mahal...

matatanggap nyo ba ang 35 kalapad na yan before ka manganak?? or deretso na sa hospital yan??

pasensya na sa daming tanong..:rolleyes:

louvette_15
09-13-2007, 03:00 PM

well, sakaling manganak ka ng normal on ordinary day and oras, parang lugi. hehehe...sa pagkakaalam ko, deretso sa hospital ung pera pagkapanganak ko. kumbaga, hindi na ako ma-hahassle nun. kapag less than 35 lapad ang bill ko, saka lng ihuhulog ng shakai hoken sa bank account ni hubby ung sobrang pera. isusulat din kasi sa form ung bank account ni hubby eh. pero alam mo, may nabasa din ako dito na inihulog sa bank nila ung pera. maraming threads dito about pregnancy and hokken, nabasa ko na nga yata lahat eh.hehehe...basahin mo rin para dagdag kaalaman baga kasi nasa ibang bansa tayo at hindi pa natin masyadong alam pasikot-sikot db? meron pa ngang allowance si baby every month paglabas nya at 1 lapad na daw ngaun un..isulat mo na ang requirements para within 14 days pagkapanganak mo ay mai-enroll mo na si baby nun.

Dax
09-13-2007, 03:01 PM
@ dax san,

yon pong nagastos sa check up, hindi nga daw po un sagot ng hokken (shakai hokken din po kmi). pero pinatatago po lahat ng resibo pati nga po ung nagastos nmin sa dentist para kahit paano daw po ay masali sa TAX REFUND ni mister... tama po ba pagkakaintindi ko?
Sorry louvette san hindi ako familiar sa tax refund ng mga check-up receipts. Ang tinatago ko ay yung mga resibo ng remittance sa Pinas, but that's another topic. :)

sabi naman nila mababalik ang pera namin..basta kumpletuhin ang mga requirements...boshi techou...resibo ng hospital,hoken at etc.:)
maimai san,

Sina-submit ang mga resibo sa ospital (kasama na iba pang requirements) as proof na nanganak ka nga na kailangan para makuha yung 35 lapad lump sum. Hindi ito para i-refund ang mga nagastos sa ospital kasi hindi covered ng insurance ang pagbubuntis at panganganak, as previously mentioned.

Maaaring matanggap ng bahagi (80% ata) ng 35 lapad in advance, o bago manganak pero may mga kundisyon at mabusisi ang proseso sa pagkakaalala ko (kaya di ko na lang tinuloy :D). Yung natirang 20% ay makukuha pagkapanganak. Tanong mo na lang sa insurance office for details.

louvette_15
09-13-2007, 03:03 PM
syussan ikuji ichijikin no jizenshinsei no yousi yata ung hihingin mong form sa shakai hoken office. ipinasulat ko kc kay hubby pano hingin un eh.hehehe.

maimai
09-13-2007, 03:13 PM
well, sakaling manganak ka ng normal on ordinary day and oras, parang lugi. hehehe...sa pagkakaalam ko, deretso sa hospital ung pera pagkapanganak ko. kumbaga, hindi na ako ma-hahassle nun. kapag less than 35 lapad ang bill ko, saka lng ihuhulog ng shakai hoken sa bank account ni hubby ung sobrang pera. isusulat din kasi sa form ung bank account ni hubby eh. pero alam mo, may nabasa din ako dito na inihulog sa bank nila ung pera. maraming threads dito about pregnancy and hokken, nabasa ko na nga yata lahat eh.hehehe...basahin mo rin para dagdag kaalaman baga kasi nasa ibang bansa tayo at hindi pa natin masyadong alam pasikot-sikot db? meron pa ngang allowance si baby every month paglabas nya at 1 lapad na daw ngaun un..isulat mo na ang requirements para within 14 days pagkapanganak mo ay mai-enroll mo na si baby nun.
oh di vah..lugi ako pagganun..hehehhe:D

kaya hanap muna kami ng mas mura...

salamat sa info's..laking tulong talaga..;)

maimai san,

Sina-submit ang mga resibo sa ospital (kasama na iba pang requirements) as proof na nanganak ka nga na kailangan para makuha yung 35 lapad lump sum. Hindi ito para i-refund ang mga nagastos sa ospital kasi hindi covered ng insurance ang pagbubuntis at panganganak, as previously mentioned.

Maaaring matanggap ng bahagi (80% ata) ng 35 lapad in advance, o bago manganak pero may mga kundisyon at mabusisi ang proseso sa pagkakaalala ko (kaya di ko na lang tinuloy :D). Yung natirang 20% ay makukuha pagkapanganak. Tanong mo na lang sa insurance office for details.

now i understand...salamat din Dax san..:) ;) ..kumpleto naman lahat na resibo namin sa ospital...at mga ibang requirements ok naman..yung hoken na lang ang hinihintay namin lumabas this week:)

sensei
09-13-2007, 03:13 PM
Tatawagan kayo ng Shiyakusho pag sobra (alam nilang sobra) yung naibayad niyo kaya itago "lahat" ng resibo, pwedeng mapabalik ang pera sa account niyo kahit check up lang.

Yung proof na sinasabi ni ni Dax san, 退院証明書 taiinsho meshou ang kasamang isinasubmit bilang requirements. Kapag hindi kayo preterm labor pwede na kayong magbigay ng application 7~10 days bago kayo manganak para sa due ninyo hawak niyo na yung pera. Yung sa akin, nakuha ko yung 35L after 10 days pa kasi hindi namin naasikaso agad. Check your byoin kasi yung iba nagbibigay ng application for loan na walang tubo, bayaran daw pag natanggap yung 35L.

Gomen...update you later.