PDA

View Full Version : Overseas Absentee Voting (OAV) sa Japan


dan
02-21-2007, 09:50 AM
Mga ka-TF,

Paano po ba ang overseas absentee voting (OAV) dito sa Japan?

May mga nangyayari bang dayaan din?

Kung meron o kaya pwedeng magkaroon, anu-ano po ba ang mga pwedeng nating gawin para mapigilan ito?

Alam ba natin kung ilan ang mga voters dito? Balita ko around 6,000 daw, pero marami na raw ang umuwi o kaya minalas at napa-uwi. Around 30% to 50% daw ng mga registered voters dito sa Japan ay bumalik na sa Pilipinas. Reflected na kaya ito sa listahan ng mga botante na nasa embassy sa Tokyo at consulate sa Osaka?

Pwede kayang i-request sa embassy na ipalabas dito sa TF ang listahan ng mga botante para ma-verify natin na walang multo o kaya alien sa listahan?