View Full Version : sensitive ba si mister?
louvette_15
02-21-2007, 09:11 PM
sa mga nag buntis o may mga anak na, sensitive ba mga nihonjin mister nyo nung nagbubuntis kayo? una akong asawa ng mister ko and mukhang wala siyang alam sa pagbubuntis. palagi nyang sinasabi na puro lang daw ako tulog kapag nasa bahay. nung isang araw, nilambing kong ipagluto ako ng sunny-side-up na itlog kasi nagugutom ako, tinulugan lang ako. binibiro ko nga na gustong kumain ni baby ng itlog. tapus ang sagot ba naman, ako lang daw may gusto nun. nakakatampo talaga. before ako nagbuntis, hindi ako kumakain ng itlog araw araw, pero ngaun kasi twice a day kung kumain ako ng sunny-side-up. feel ko, hindi naman ako nag iinarte katulad ng gustong palabasin ni mister. insensitive ba sya o talaga lang walang alam sa pagbubuntis?
hindi ako kumakain ng itlog araw araw, pero ngaun kasi twice a day kung kumain ako ng sunny-side-up. feel ko, hindi naman ako nag iinarte katulad ng gustong palabasin ni mister. insensitive ba sya o talaga lang walang alam sa pagbubuntis?
hullo louvette!:)
Ewan ko lang ha, pero kung ako'y may buntis na asawa baka tatlong beses pa sa isang araw ko sya ipagluto ng sunny-side up!:D Pero syempre, baka pagod lang ang mister mo. Nagtratrabaho din yan syempre, at baka ikaw pa ang hinihintay nyang magluto ng bacon and eggs para sa kanya. Ikaw naman kasi eh, dalawang beses ka kumain ng sunny-side up a day eh, kaya baka naiisip ni mister na masyado ka nang sumosubra sa sunny-side up. :D Ibahin mo naman kasi.
Ang alam ko yung mga hapon, hindi sila masyadong sensitive sa mga ganyan, kasi alam nila may kanya-kanyang role ang lalaki at babae - ang lalaki ang maghahanap buhay, full time and without question! Ang mga babae naman ang bahala sa bahay. Meron din syempreng tumutulong sa bahay, at di mapakali kapag buntis si mahal. Karamihan nga lang ay pagod na pagbalik sa bahay, at kahit na gusto nilang tumulong talagang nahihirapan sila. Pero hindi syempre ibig sabihin nun na mas konte ang pagmamahal nila sa asawa nila kesa ibang lahi (tulad ng mga pinoy), sa ibang paraan lang nga nila ipinapakita ito. :)
Ingat parati, wag mong tantanan si mister makukuha mo rin kiliti nyan.
At easy ka lang sa mga sunny-side up na yan - scrambled eggs naman na may kasamang kamatis para masaya. :D
proud me
02-21-2007, 10:30 PM
louvette 15 san...una rin akong asawa ng partner ko...unang baby nya rin ang anak namin..tulad mo meron din akong mga karanasan na minsan nakakatampo na...si partner ko naman noon halos lahat nalang ata ng pwede nyang tanungan tinatanong nya....naiinis ako minsan ng ganun...pero nandun parin yong naiintindihan ko siya dahil nga hindi nya alam...yon nga lang pag-kahit sinong poncio pilato pa yong nag-advise sa kanya pag-hindi ako sang-ayon...hindi ko sinusunod...pero kung alam kong tama o makakabuti sinusunod ko...dahil katwiran ko advise is advise...masusunod parin ang me katawan...kaya unawain mo nalang si habibi mo habang pinag-aaralan nyong dalawa yong mga bagay-bagay na pareho ninyong unang pinagdadaanan ngayon...wag ka masyadong mag-isip ng kung anu-ano...hindi makakabuti yan kay baby ...gambate ne!:)
Tarena314
02-21-2007, 11:28 PM
ako naman nong buntis ako gusto ko ako lahat ang kikilos ..,kahit duling duling na ako kase lagi akong high blood..,at isa pa, mas matagal pa ang itinira ko sa hospital kaysa bahay nong buntis ako dahil nga sobra taas ng dugo ko lagi..,grabe.., sinabi nga ng asawa ko non sakin na ilipat na lang yong baby namin sa tyan nya..,baka nag uumpisa na magselos yang habibi mo kase 2 na silang maghahati sa atensyon mo..,Ganbatte ne..,at pag may gusto kang kainin tiisi mo na lang na ikaw ang maghanda ..,huwag mo na iasa sa asawa mo kase may kanya syang obligasyon ..,baka matyempuhan mo pa na pagod at masabihan ka lang ng hindi mo gusto..,eh di tampo rin ang ma fe feel mo..,pangit sa buntis ang laging masama ang loob..,kaya dapat relax ka lagi :)
fremsite
02-21-2007, 11:50 PM
sa mga nag buntis o may mga anak na, sensitive ba mga nihonjin mister nyo nung nagbubuntis kayo? una akong asawa ng mister ko and mukhang wala siyang alam sa pagbubuntis. palagi nyang sinasabi na puro lang daw ako tulog kapag nasa bahay. nung isang araw, nilambing kong ipagluto ako ng sunny-side-up na itlog kasi nagugutom ako, tinulugan lang ako. binibiro ko nga na gustong kumain ni baby ng itlog. tapus ang sagot ba naman, ako lang daw may gusto nun. nakakatampo talaga. before ako nagbuntis, hindi ako kumakain ng itlog araw araw, pero ngaun kasi twice a day kung kumain ako ng sunny-side-up. feel ko, hindi naman ako nag iinarte katulad ng gustong palabasin ni mister. insensitive ba sya o talaga lang walang alam sa pagbubuntis?
louvette san ~~~ pasensyahan mo na si mister mo ... 1st experience nyo palang pareho yan ... ndi niya lang siguro alam kung paano mag-react sa preggy na wife . buy kayo ng books about pregnancy para may idea kayong pareho . yung mister ko naman noon .. okay lang siguro .. wala akong reklamo kasi ndi naman ako naghirap nung maglihi tsaka tumutulong siya sa gawaing-bahay .. wag kang mag-isip ng mag-isip .. hindi kasi maganda sa baby yan .. laging smile ka lang and stay healthy . ganbatte ne ~~~ omedetou ~~~ :)
hullo louvette!:) Pero hindi syempre ibig sabihin nun na mas konte ang pagmamahal nila sa asawa nila kesa ibang lahi (tulad ng mga pinoy), sa ibang paraan lang nga nila ipinapakita ito. :)
Ingat parati, wag mong tantanan si mister makukuha mo rin kiliti nyan.
dcat san ~~~ tama po kayo dito ~~ huwang tantanan si mister ~~~ :p makukuha mo rin kiliti niyan :D
ICHIBAN08
02-22-2007, 01:14 PM
Hi sayo @louvette san!:wave: ...naku ganyan talaga ata ang mga magiging daddy na mga inosente sa pakiramdam ng mga wifey nilang nagdadalang tao...kasi nung maglihi ako ng mangga e talagang naghanap kami sa kahit sang sulok ng japan na to e wala akong mahanap na hilaw na mangga puro mga hinog na kaya naman dyahe nung naglihi ako kahit medyo hinog na e napilitan akong kainin kahit ang gusto ko talaga e hilaw na malutong na mangga...pero kinain ko na rin siya kahit hinog...sabi ng habibi ko bakit ganyan ka kung ano ang wala siyang hinahanap ko, sabi ko shoganaino ninshin dakara...nahirapan siya maghanap ng mga ginugusto kong kainin kahit panay reklamo niya e kahit anong gustuhin ko e ibinibigay naman niya:D ...
kaya louvette san, enjoy lang sa pagbubuntis hihihi:D ...mahirap na masarap...mahirap, dahil sari saring karamdaman ang mararamdaman mo hanggang sa late pregnancy..masarap, dahil magkakaanak ka na lalo na at pag galaw ni baby e mararamdaman mo napakasarap sa pakiramdam bilang isang ina ang maramdaman mo ang galaw niya...maraming excitement talaga...goodluck and ingat sa paggagalaw nasa sensitive stage ka pa...:)
katty0531
02-23-2007, 08:01 PM
Ako naman po nasa paglilihi stage din gaya mo,:D selfish din minsan, si mister ko po super alaga naman ako sa awa ng Dios, pag alis nya sa umaga may luto na sya para pag gising ko hanggang tanghalian iinitin nalang ~~ching!~~~ solve na, wala po akong ginagawa sa araw araw ni mag hugas ng plato sya pa pag uwi nya, may dala na rin syang grocery pag uwi.
Kaya masaya na mahirap mag buntis talaga, pero ngayon lang to pagkatapos mag lihi akin naman lahat ng gawain, sabagay inisip ko din mula mag asawa kami ako nag alaga sa kanya pati nanay nya, ngayon na ako naman kailangan ng kalinga nya dapat ako naman alagaan nya;) . Give and take lang kung sino nasa sitwasyon.
Baka pagod lang si mister mo, pero naiintindihan kita kasi ako iniisip ko ako ang pinaka pagod, mas pagod kaysa sa kanya sa kakasuka, hehehehe,,,wagamama talaga, pero shikatanai naman diba, ma eexpire din naman agad tong nararamdaman natin ngayon 3 to 4 months, wag mong pigilang mag lambing bibigay din yan, promise.:) Happy pregnancy!!!!
ichimar
02-23-2007, 08:06 PM
ganyan lang siguro talaga yan,lambingin mo lang ng lambingin,masasanay din yan:D ako nung buntis,di masyado mahirap maglihi,basta may umeboshi ako ala kaming pag uusapan ni habibi:p pero masipag siyang magluto,kahit hate na hate ko ang kanyang curry,pagkatapos naman nun hanggang 4 months,regular na ulit ang aming lambingan:D :p wag syado mag worry,di makakaganda sa kalusugan mo yan....always smile para cute si bebe mo,gambatte ne:)
masaki20
02-23-2007, 08:27 PM
hello po.
Ako din ganyan nung ngbuntis ako sa baby namin. First baby kasi siguro kaya hindi aware ang mga hubby natin na ganun ang moods ng mga nglilihi... Kasi tayo din natin masyadong sensitive pagbuntis kaya minsan kahit walang kabagay bagay, nagtatampo na tayo.
myukasky
02-23-2007, 08:32 PM
Dapat siguro bumili kayo ng books about pregnancy, at kung gusto mo naman makatipid mag reseach ka na lang sa internet. Ako kasi noon nagsearched about pregnancy at si hubby ko naman bumili ng books para magkaroon ka ng idea lalo na first time mo. Mura lang naman yun sa book store dito yun nga lang nihongo, meron ako niyan dito kaso kung ibibigay ko naman sayo takkyubin dai lang mahal so kung bibili ka dyan sa place mo at least bago sya di ba? Goodluck:D :D karada wo kiotsukete ne
mr.kuripot
02-24-2007, 04:37 PM
naku sis talagang napahirap maglihi:(kakainis talaga..Pero c hubby nman kasi nun naglilihi ako lahat ng gusto ko binibigay kasi pag indi nya ko sinunod aawayin ko sya talaga..Super po wagamama ako nung naglilihi kaya pinahirapan ko talaga c hubby:D...
april
02-24-2007, 10:33 PM
sa mga nag buntis o may mga anak na, sensitive ba mga nihonjin mister nyo nung nagbubuntis kayo? una akong asawa ng mister ko and mukhang wala siyang alam sa pagbubuntis. palagi nyang sinasabi na puro lang daw ako tulog kapag nasa bahay. nung isang araw, nilambing kong ipagluto ako ng sunny-side-up na itlog kasi nagugutom ako, tinulugan lang ako. binibiro ko nga na gustong kumain ni baby ng itlog. tapus ang sagot ba naman, ako lang daw may gusto nun. nakakatampo talaga. before ako nagbuntis, hindi ako kumakain ng itlog araw araw, pero ngaun kasi twice a day kung kumain ako ng sunny-side-up. feel ko, hindi naman ako nag iinarte katulad ng gustong palabasin ni mister. insensitive ba sya o talaga lang walang alam sa pagbubuntis?
parang di yata uso dito ang paglilihi or di katulad sa pinas na pinaglihi sa ganito or ganyan
ganyan din asawa ko iba kasi talaga ugali nila di katulad sa atin intindihin mo na lang lalo na
1st baby nyo pala.
ako naman nong naglilihi ang lahat ng gusto kung kainin ibinibigay ng biyanan ko babae ang hubby ko walang alam sa paglilihi kaya minsan masama ang loob ko.nataandaan ko pa nga non gustong gusto ko ng mangga hilaw omorder hubby ko 4 boxs ang laman ng bawat box ay 24 pcs tapos ng makita ko sabi ko ayaw ko na ang galit sa akin:p .lagi akong nahihilo at nagsusuka non at lagi ako tulog.
love0308
02-25-2007, 08:00 AM
hmmm sorry ha kaya lang si hubby iba nung buntis ako siguro kasi first baby nya kasi:) masyado akong spoiled nung buntis ako... dumating kasi ako sa japan 6mos ang tiyan ko pero super liit kaya ang ginawa ni hubby araw araw kaming kumakain ng ice cream :D at kung ano ano pang ka spoildan. Well baka naman ikaw ang sensitive kasi nga nagbubuntis ka, ganyan kasi ang mga buntis eh masyadong emotional:) anyway baka naman pagod lang si hubby sa work bakit di mo siya kausapin about sa pagdadalangtao mo:D sabihin mo yung true feelings mo sa kanya..
honey
02-25-2007, 02:38 PM
Mahirap maglihi hindi naman kasi nararanasan ng lalaki ang maglihi e! hakbangan mo kaya para mabaliktad situation louvette_15 jokes lang baka manghina si mister wawa naman.Nun buntis ako mahilig ako sa nikuman 5 piraso nauubos ko sa isang araw at kahit madaling araw na pinaggagawa ko pa ng instant ramen si hubby o kaya kakain pa kami sa labas makahigop lang ako ng sabaw ng ramen paborito ko yan nun buntis ako.Saka nagpapabili ako ng libro sa asawa ko at ipapabasa ko sa kanya sya din nagkakaroon ng kaalaman tungkol sa paglilihi ko na hindi ko rin gusto pero kain na kain ako kahit busog.Buti nga hindi naiinis si mister madalas tawanan pa ako kasi ang bilis ko daw kumain at kapag ayaw ko ayaw ko talaga nagbago daw ugali ko nun buntis ako nun matapos maglihi bumalik na ulit sa dati na wala nang kaartehan ahahahaha!.
louvette_15
03-09-2007, 05:54 AM

minsan sa sobrang inis ko nga, naisipan ko na ring hakbangan mister ko kaso naawa nman ako baka kasi totoong lilipat sa kanya yong mga nararamdaman ko.saka, mahirap din kasi pag sumama pakiramdam nya, baka umabsent sa work eh d bawas sweldo yon. mabuti na sigurong ako lang ang may dahilang umabsent sa work kasi maliit lang naman mawawala kung ako ang liliban sa work.hehehe.
thanks nga pala sa mga nag reply. lalo yata akong na iinsecure kasi mostly sa inyo ok nung naglilihi kayo. spoiled pala kayo sa mga asawa nyo. anyway, medyo nagbago na mister ko ngayon. kanina lang pumunta kami ng max valu 4:30 ng madaling araw to buy talong.yon lang binili namin dahil gusto kong magprito ng talong sawsaw bagoong with suka. hehehe. at least, this time hindi ko na pinilit asawa ko na bumili kami ng gusto ko.
lalen16loves
03-09-2007, 07:39 AM
bakit taloooonnnnggggggggg ???????.........baka maging kakulay ko yang baby mo.....hehehe....... ganyan talaga ag pagbubuntis,,,hindi lang si mister ang sensetive..........m as sensetive pa tayo sa kanila........tingna n mo ,,hindi ka lan pinagbigyan,,nagtamp o kana.....may pagkawagamama kasi pag naglilihi........... ...pero unawain mo nalang dahil ang hapon talaga hindi masyadong naniniwala sa kung ano ang gusto mong kainin o pinaglilihian....... .......aware lang sila sa pagsusuka,,pagkahilo ,,bawas ng timbang etc......pero pag nakita ka nyang pumapayat sa selan mong kumain,,,sya na ang magtatanong kung ano ang gusto mong kainin.........wag kang maniniwala na pag di mo nakain ang gusto mo eh,,makukunan ka....ganyan kasi satin sa pinas db?...........ako nun,,kahit may gsto akong kainin,,iniisip ko nalang sya,,shoganai kasi..........lilpas din yan.......ako naman,,nawala ang hilig ko sa mangga at sinigang nung nagbuntis ako....samantalang paborito ko yan nung hindi pa ako buntis.............h anggang ngayon ayoko na sila...........wish ko wag sanang maselan ang pagbubuntis mo ngayon.............k asi ako noon,,ayoko nang hangarin ,dahil wala akon ginawa kundi ang magsuka , mahilo araw-araw yan...........kaya taihen ako nun...........TAKE CARE
louvette_15
08-30-2007, 04:10 AM
ilang araw na akong nsa bahay lang naiiwan pang mag isa. hatinggabi na kng makauwi mister ko from work..3 days straight na akong tabetai ng big mc ng mcdonalds kaya lagi ko sya niyaya mag take out kmi..pagod daw sya mag drive. malalim na daw gabi etc... hinayaan ko lng hanggang today tlga hindi ko na naiwasang hindi maiyak.para bang nag self-pity ako. naisip ko ung mga ex bf ko dati kht hindi nman ako buntis pag gusto ko binibigay agad. naiinis ako kasi parang hindi ko maasahan asawa kong ipag-drive man lng ako. to think nga na nsa bahay lng ako most of the time,ipinagbubuntis ko anak nya, saka pera ko pinambibili ko ng mga gusto ko..yon na nga, iyak ako ng iyak tapus nalaman nga nya. tinanong ako kng bkt. nahihiya akong sabihin dahilan mababaw kasi.hindi daw kmi matutulog hanggat hindi ko sabihin sa knya. nang sabihin ko, ayon tinulugan na ako..kakainis no?yon na nga lang sana ang bagay na kng saan ako dependent sa knya, hindi pa nya ako palaging napagbibigyan. bakit naman kasi mahirap at mahal kumuha ng drivers lisence na yan dito.
sensya na po naglalabas lng ng sama ng loob..walang makausap eh. hehehe...
shakey
08-30-2007, 07:46 AM
ohayo mga ka tf sayo narin louvette sis:) ako ngayon preggy din ang masasabi ko sa asawa ko kasi pinoy naman sya okay lang din..di sya ganun ka sigasig or ganun ka suporta sa pag lilihi ko.kasi naman sis yung mga gusto ko nasa pinas katulad ng lansones:) yung mga gusto kong ulamin na ang sangkap eh nasa pinas lang nabibili.kaya pag may gusto akong kainin na di nya kayang ibigay ang gagawin nya idradrawing nya nalang sa papel tapos bibigay nya sa akin.:D okay lang din sa kanya kahit mag hihiga ako,sya nga yung naglilinis ng bahay ang reklam nya lang sa akin nung nag lilihi ako tinatamad akong maligo kaya gagawin nya pag maliligo sya yayayain nya na ako dahil pag ako lang mag isa di raw ako maliligo:)
nasty
08-30-2007, 08:21 AM
sa mga nag buntis o may mga anak na, sensitive ba mga nihonjin mister nyo nung nagbubuntis kayo? una akong asawa ng mister ko and mukhang wala siyang alam sa pagbubuntis. palagi nyang sinasabi na puro lang daw ako tulog kapag nasa bahay. nung isang araw, nilambing kong ipagluto ako ng sunny-side-up na itlog kasi nagugutom ako, tinulugan lang ako. binibiro ko nga na gustong kumain ni baby ng itlog. tapus ang sagot ba naman, ako lang daw may gusto nun. nakakatampo talaga. before ako nagbuntis, hindi ako kumakain ng itlog araw araw, pero ngaun kasi twice a day kung kumain ako ng sunny-side-up. feel ko, hindi naman ako nag iinarte katulad ng gustong palabasin ni mister. insensitive ba sya o talaga lang walang alam sa pagbubuntis?
naku sis nagkaganyan din asawa ko noon ,,,and lately niya lang nalaman yung "paglilihi" may word syang ginamit dun eh ,,,hindi siguro alam ng hubby mo yung "lihi"
explain o sakanya yung pag buntis may lihi,,,tulog pa kasi si hubby hindi ko matanong yung term na ginamit niya eh....pm ko sayo ,,or baka may nakakaalam sa TF members ,,wait natin,,,
wag ka nang magtampo ha,,,sige ka mababawasan ang pagkapretty mo:halo:
coffee
08-30-2007, 08:44 AM
hello louvette dear..,
naku po, malayo na panahon na yan sa ate ano dahil big na si bebeng ko.
ang alam ko lang ay hindi kasi mahirap ang paglilihi ko nun e, nga lang,
gusto ko ng meat ng baboy... di naman ako mahilig sa karne!
pero si husbandy ko nakikita ko ang sensitivity nya kapag may bagay ako na
pinipilit ko na ipaliwanag nya, then hindi pala kaya ng powers nya e, yun na
parang me tamang tampo na po.
pero yan na nga the best sis, ilalabas mo ang medyo sama ng loob mo dito
at sa mga closes chicadoos mo para kahit pano e ma-relieve ka dear...
ok ba!:wink:
la_tina512
08-30-2007, 08:53 AM
Hindi ka nag-iisa. First baby rin ng asawa ko anak namin (not my first though) at dusa talaga ako dahil sa cravings ko. Imbes na mag-gain ako ng weight four months ang tyan ko 46 kilos pa rin ako. Bago pa lang ako may asawa sa Japan at hindi ko makain gusto ko. Ni hindi man lang nag-aalala si hubby at wala siyang pakialam. Ginawa ko umuwi ako ng Pinas one month ako doon at wala akong ginawa kundi magpaluto ng gusto kong kainin. Mula umaga hanggang merienda nagpakasawa talaga ako hanggang lumipas lihi ko. Pagkapanganak ko mas lalong dusa. Dalawa na alaga ko (hubby and baby :() tapos akyat-baba na ako sa hagdan namin. That time ang higpit hindi namin nakuha ate ko. Mas fortunate ka pa rin dahil nandyan ang mama at mga kapatid mo na puwedeng umalalay sa 'yo. Huwag mo ng masyado pansinin hubby mo at hindi maganda sa baby na sasama ang loob mo. :)
a_kiss
08-30-2007, 09:29 AM
Hindi yata naniniwala mga japanese sa lihi.........tada no wagamama dake sabi nila:rolleyes:
ay nako makapag asawa lang ako ....pag naglihi sya baka lahat ng gusto nya ibigay ko kahit sabihin nya na gusto nya ng kapeng puti .asin na matamis .pag wala talaga akong makuha nyan sasabihin ko na lang sa kanya na IKAGEN NI SHIRO ..yun madali lang honey :D
ingat po sa mga magiging momy :)
aj_4983
08-30-2007, 10:43 AM
pag wala talaga akong makuha nyan sasabihin ko na lang sa kanya na IKAGEN NI SHIRO ..yun madali lang honey :D
:hihi: akala ko papalag ka eh...
candy53
08-30-2007, 10:46 AM
luovettesan ganyan din hubby ko,iyak din ako ng iyak noon tapos sasabihan pako "nakuna!".tiniis ko rin kase nga lang alam sa paglilihi den nag soudan ako sa byenan kong babae pinagalitan hubby ko simula non ok na treatment nya skin tsaka binilhan sya ng byenan ko ng libro.try mo bumili ng book for pregnancy like this ipabasa mo sa kanya para maintindihan nya.
louvette_15
08-30-2007, 03:27 PM
maraming salamat sa inyo at least nabawasan din sama ng loob ko. eto nga at sa wakas kumakain na ako ng bigmc seto ko plus strawberry sundae. kahit hindi pa pumasa c mom sa actual driving nya today ay tinawagan ko talaga para lng ipag drive ako sa nearest mcdo ng makabili nga.. kaya ok n nman ako. salamat sa inyo ha
pasali po.
Nung nagbubuntis ako lahat asawa ko gumagawa.Sabi nga nya Princess daw ako.Kahit na pagod galing sa work sya pa ngluluto kapag gumawa ako sa bahay nagagalit.:D Sensitive kc pagbubuntis ko kaya stay in bed lang.
nasty
08-30-2007, 08:40 PM
maraming salamat sa inyo at least nabawasan din sama ng loob ko. eto nga at sa wakas kumakain na ako ng bigmc seto ko plus strawberry sundae. kahit hindi pa pumasa c mom sa actual driving nya today ay tinawagan ko talaga para lng ipag drive ako sa nearest mcdo ng makabili nga.. kaya ok n nman ako. salamat sa inyo ha
edi mainam naman pala ,,,buti anjan si mom mo para masuportahan ka sa paglilihi mo ,,,si mom din ng hubby ko supportive noon sa paglilihi ko kaya nga sumobra yata nag over weight ako hehehe:D ,,,ikaw talaga pati tuloy ako napabili ng big mc kanina ,,,kakahawa ka naman:)
Aizeh
08-30-2007, 11:27 PM
Inggit nmn ako sana ganyan din hubby ko pag buntis na ako.Gusto ko na rin magkababy kaya lng hirap kami magkababy bakit kaya 46 sya 23 ako hehehe layo kc ng gap:love:
louvette_15
08-31-2007, 05:20 AM
Inggit nmn ako sana ganyan din hubby ko pag buntis na ako.Gusto ko na rin magkababy kaya lng hirap kami magkababy bakit kaya 46 sya 23 ako hehehe layo kc ng gap:love:
aizeh san, hindi nman ung siguro dahil sa gap nyo kaya hindi pa kayo nagkaka baby... marami nmang nagkababy sa katulad nyong sitwasyon. hindi pa siguro napapanahon. just keep trying, makakabuo din kayo. ganbatte ne...
louvette_15
08-31-2007, 05:27 AM
edi mainam naman pala ,,,buti anjan si mom mo para masuportahan ka sa paglilihi mo ,,,si mom din ng hubby ko supportive noon sa paglilihi ko kaya nga sumobra yata nag over weight ako hehehe:D ,,,ikaw talaga pati tuloy ako napabili ng big mc kanina ,,,kakahawa ka naman:)
pati tuloy ikaw napa mcdo na.ahehehe...wala na akong tampo kay mister kaso medyo nahihiya nman akong lumapit kasi nga nang dumating from work eh may omeyage..as usual, gumawa na naman ako ng love letter, now in hiragana na kaso may cheat prin konti..so sorry ako kasi naging childish ako at selfish..naisip ko nga sya nlng ngaun ang nagtatrabaho kaya ganbatteru sya tas pagod pag uwi saka nman ako nag iinarte..
jhallecx
08-31-2007, 07:56 AM
hi darling friend!
kaya pilipino gusto ko talaga kahit first time nilang maging dadi gagawin pa rin lahat at malambing pa rin,hehehe.pero ok lang yan wag mo isipin yun dahil mababawasan lang pagmamahal mo sa asawa mo pag nag-isip ka pa ng ikatatampo mo sa kanya...and besides buntis ka kaya ka talaga tampuhin at madaling sumama loob.diba ganyan naman lahat pag buntis,matampuhin at maraming hiling na minsan di rin siguro natin nakikita na sobra na tayo kahit lambing lang.babae kasi tayo at known din tayo sa gusto natin na pag buntis tayo,aasikasuhin din tayo.malay mo pareho kayo ng iniisip ng husband mo malay mo sya din nagtatampo.
atsaka friend malapit ka na diba?Maglakad lakad ka na!!!!!!!!!!!!!joke ......
para di matulog yung mga fats dyan sa tyan mo at hita,sige ka baka pag labas ng baby mo,mahirapan kana dyan.hihihi
wag na isip ha,papangit ka lang nyan,sige ka di na kita prend,hehehe....
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.