PDA

View Full Version : Stealing money less worse than cheating

infinite_trial
02-22-2007, 12:34 AM
MANILA, Philippines -- Fighting corruption is the Genuine Opposition's (GO) campaign battlecry for the May elections, a spokesman for the group said on Monday.

After all, GO spokesman Adel Tamano said stealing money was “a lot less worse” than cheating, alluding to the unresolved issue of alleged massive cheating committed by the administration during the 2004 presidential election.

“I think stealing money is a lot less worse than stealing votes, than stealing mandates,” Tamano told a press conference.

read more >> inquirer.net (http://newsinfo.inquirer.ne t/topstories/topstories/view_article.php?art icle_id=50338)

filipino
02-22-2007, 02:47 AM
Ang galing naman ng argumento nitong politician na ito. Ito ang hindi ko talaga maintindihan sa mga politiko lagi lang nagsisisihan pero pare pareho naman. Tignan mo nga naman ang argumento....

...eh kaya nga "magnanakaw ng boto" dahil magnanakaw nang pera pagnanalo. The end justifies the means ika nga. Galit ang mga oposisyon dahil sugurado dadayain sila ng administrasyon at sa makatwid hindi sila makakaupo para mag nakaw din. Hindi ba yan ang totoo? Hindi ba ganyan din lang sila Gloria dati (opposisyon, at sila erap na ngayon ay oposisyon ay pawang administrasyon noon)?

...hay, buhay sa pilipinas.

disney
02-22-2007, 09:44 AM
ang nakakainis at nakakatawa bakit kailangan pang magsalita nang ganung argumento, e mula pa lang sa eleksyon puro pandaraya na ang nangyayari anu pa kaya aasahan kapag nakaupo na sila?

kailan kaya magiging matino pulitika saten? may pag-asa pa kaya:confused:

Tarena314
02-22-2007, 10:01 AM
Ganyan sila batuhan na lang batuhan ng PINTAS ..,mas maganda pa siguro ay huwag na lang bomoto para wala na silang mapagkukunan ng madadaya..,:mad:

infinite_trial
02-22-2007, 11:45 AM
tingin nyo ba mababawasan ang boto ng opposition dahil dito?

dalawa lang pagpipilian ng mga boboto sa eleksyon na to: magnanakaw ng pera o boto :mad:

disney
02-22-2007, 12:24 PM
hindi kaya mapa administrasyon o mapa oposisyon ay pareho lang? magnanakaw ng boto para makapagnakaw ng pera. ang pagkakaiba lang siguro ay kung sino ang mas magaling magtago ng mga nakaw at magpaikot sa taong bayan:mad:

Soju6
02-22-2007, 12:34 PM
“I think stealing money is a lot less worse than stealing votes, than stealing mandates,” Tamano told a press conference.

Tignan mo nga naman oo, Halos inamin na, na magnanakaw ng pera yung amo niyang si Erap pero lantaran pa ring nakasipsip nakadikit yung ilong niya sa puwitan ni erap at papatunayan pa ring inosente......hahaha ha. Ang "kapal" hahaha. Yang mga taong yan ang dapat binibigti ng patiwarik.

tokyoboi2
02-22-2007, 12:51 PM

Kakapal talaga ng mga ibang kandidato..cheating or stealing d ganun dn, pinagsamantalahan mo rin ang taong bayan.
Ano ba yan...

RISINGSUN
02-22-2007, 01:38 PM
dalawa lang pagpipilian ng mga boboto sa eleksyon na to: magnanakaw ng pera o boto :mad:

me choice ba? ang pagkaka-alam ko magnanakaw muna ng boto tapos magnanakaw ng pera..hehehe

infinite_trial
02-22-2007, 01:57 PM
me choice ba? ang pagkaka-alam ko magnanakaw muna ng boto tapos magnanakaw ng pera..hehehe

hehe..e kasi parang sinasabi ng opposition:

opposition vs. administration
magnanakaw ng pera vs. magnanakaw ng boto :D

may choice nga ba tayo? :confused:

EllahMauiMar
02-23-2007, 03:31 AM
Hayy..mula sa umpisa hanggang sa huli pare pareho ang mga pulitiko saatin..Kawawa naman ang taong bayan..:(

sharpener
02-23-2007, 12:40 PM
magnanakaw vs magnanakaw

hmmm...ano kaya magandang piliin sa dalawa?

bilog1@mie
02-23-2007, 06:06 PM
ms. i. trial:

hindi kaya dapat magkaisa na tayo at paunlarin ang Sariling Wika?
parang mali ang pagkakaintindi ng marami(?) sa konteksto ng sinabi ni
G. Adel Tamano, eh...

ang sinasabi niya, sa pagkaintindi ko:

"...kung palalalimin, mas maliit na kasalanan ang pagnanakaw ng pera (akusasyon kay Erap), kaysa sa pagnanakaw ng mandato (akusasyon kay Gloria)"

ipagpalagay natin na parehong totoo ang akusasyon, alin nga naman ang mas maliit na demonyo (lesser evil) ?

ipagpaumanhin ang analohiya, para sa akin, yung kay Erap ay kaso ng Panghihipo. yung kay Gloria naaman, kaso ng Reyp !

============

sa mga kaibigan kong gustong HUWAG ng bumoto na lang:

sana, HUWAG. ang boykot ay marapat lamang kung may kapalit itong pagkilos. kung wala namang epektibong alternatiba (effective and viable alternative), bumoto kayo-- ayon sa konsensiya at paniniwala na ang demokrasya ay parang isang beybi na kahit pumapalpak madalas, worth saving pa rin.

kung lolokohin tayo sa bilangan, siyempre mag-protesta. that is how democracy works! :)

infinite_trial
02-23-2007, 06:24 PM
ms. i. trial:

hindi kaya dapat magkaisa na tayo at paunlarin ang Sariling Wika?
parang mali ang pagkakaintindi ng marami(?) sa konteksto ng sinabi ni
G. Adel Tamano, eh...

ang sinasabi niya, sa pagkaintindi ko:

"...kung palalalimin, mas maliit na kasalanan ang pagnanakaw ng pera (akusasyon kay Erap), kaysa sa pagnanakaw ng mandato (akusasyon kay Gloria)"

ipagpalagay natin na parehong totoo ang akusasyon, alin nga naman ang mas maliit na demonyo (lesser evil) ?

ipagpaumanhin ang analohiya, para sa akin, yung kay Erap ay kaso ng Panghihipo. yung kay Gloria naaman, kaso ng Reyp !

tama po ang analogy...totoo nga namang mas grabe ang rape kaysa panghihipo, pero di ba pareho pa ding mali?