View Full Version : staying in japan
coffee
02-25-2007, 02:10 AM
eventhough... na mahirap ang buhay sa japan at be thankful naman kung
nakakaangat sa buhay, e pinipili mo pa rin na mag-stay dito....?
love0308
02-25-2007, 07:46 AM
hi! makikisagot na nga po sa sinulat nyo!
ang masasabi ko lang walang mahirap kung masaya ka sa ginagawa mo:) i decided to stay here in japan kasi nandito ang 2 sa pinakamahalagang nangyari sa buhay ko ang asawa at anak ko although mahalaga din ang pamilya ko sa pinas it just so happen na hapon ang pinili kong pakisamahan habang buhay kaya i have to stay here for good at masaya ako sa situation ko although ofcourse na mimiss ko ang buhay pinas:D
summergirl
02-25-2007, 09:05 PM
kahit saan naman mahirap mabuhay,sa pilipinas mahirap mabuhay kung wala kang pera,masaya nga pero kung wala ka namang income mahirap din,dito sa japan you can work wherever you want,kayod marino,malngkot,,may trabaho ka naman.Kaya sa tingin ko kahit saan ka tumira mahirap..
emyken1423
02-25-2007, 11:15 PM
I decided to stay in japan to be with my husband......mas panatag ang kalooban ko kung magkakasama kami......at masaya rin ako dahil mas lalo silang nagiging close ng kanyang anak.....ke merong pera o wala basta sa akin mas importante na buo ang pamilya ko......kahit na mas gusto ng asawa ko na mag stay kami ng anak nya sa pinas ako ang umaayaw kasi....nakakaawa naman sya alang nag aasikaso or nag aalaga sa kanya...kahit sabihin pa na mas maganda kung nasa pinas ako dahil may pera ako at may laya ,pero mas pipilin ko talaga na nandito sa japan kahit sabihin na mahirap ang klase ng pamumuhay dito dahil di ako marunong bumasa sumulat o makipag communicate sa salita nila....okey lang lahat sa akin yun titiisin ko alang alang sa asawa at anak ko........... mas mahalaga talaga sa akin ang salitang "pamilya".........
myukasky
02-25-2007, 11:35 PM
Ako kung papipiliin mas gugustuhin ko dito sa japan. Kahit saan naman mahirap, di yata maganda sa tao ang di makaranas ng hirap "taikutsu". Dito sa japan maging masipag at marunong ka lang makisama sa mga nasa paligid mo wala naman magiging problema, pero syempre minsan may mga tao na rin na kahit anong pakikisama gawin ay ganun pa rin. Yung mga ganyang tao isipin mo na lang na sila ay decoration para masaya. Feel ko buhay ko dito sa japan kahit wala kaming masyadong pera (masyado pa no heheheheheh). Importante kasi sa buhay ng tao gusto mo yung ginagawa mo at kinalalagyan mo, kung napipilitan ka lang sa una okey lang pero darating ang panahon magsasawa ka rin. Kung bago ka lang siguro dito sa japan, atarimae na koto yang ganyan kimochi pero huwag ka kapag medyo furui ka na lahat sayo ay madali na.
mbstorun
02-26-2007, 01:11 AM
para sakin ok din naman tumira dito pero boring din lalo na kung nasa bahay ka lang...nakakalabas ka nga pero iba parin siguro yung nagtatrabaho at may pagkaka~abalahan ka. boring kase...malimit di mo alam kung ano ang gagawin mo. masarap lang lumabas dito lagi pero super gastos naman kung araw~arawin mo. masaya parin talaga sa pinas pero kelangan lang maraming laman ang bulsa lagi at lahat na dun may bayad.
louvette_15
02-26-2007, 08:02 AM
sa ngayon, ok lang sa akin ang tumira dito sa japan kasi nandito ang pinakamamahal kong asawa. mahirap man ay magagawan ng paraan basta nagsusumikap at nagtatyaga. ang importante ay pag uwi ko sa bahay mula sa work, may naghihintay sa akin. nakakawala ng pagod. kahit walang gimik basta free time ay kasama ko asawa ko, masaya na.
mOtt_erU
02-26-2007, 08:21 AM
hi coffee san......enjoy naman ako dito sa Japan at thankful sa lahat ng blessings na dumadating araw-araw...:p syempre minsan anjan ang mga problema,pagsubok at hardships ..... basta magkasama kame ni habibi eh ready ako harapin kahit ano pa yan--- changes, racism , homesickness....etc wag lang naman Obake,.....!
chokulit
02-27-2007, 08:49 PM
Hi, Coffe san. Ang sa akin naman po...i decided to stay...pero hanggang kailan eh d ko masasabi...maaaring mag bago ang situation eh...kung hindi sa Pinas or sa US...kahit saan hehehe basta enjoy:D
fremsite
02-27-2007, 09:00 PM
eventhough... na mahirap ang buhay sa japan at be thankful naman kung
nakakaangat sa buhay, e pinipili mo pa rin na mag-stay dito....?
oo naman ~~~ andito family ko eh ~~~ kung may hirap ~~ may ginhawa di ba ?:) part na yan ng life ~~~ so ... enjoy na lang tayo :p
iseijin
02-28-2007, 03:16 AM
kasi nandito ang work ko, adjusted na ako dito kasi. nagpapasalamat nga ako kasi kahit papano, eh nakakatulong rin ako sa pamilya ko financially.
hindi naman mahirap mamuhay dito...sa sipag at tyaga hindi ka magugutom dito. basta marunong ka lng makisama sa mga hapon.
oo, nakakamiss ang buhay sa pinas pero gugustuhin ko pa ring mamalagi dito kasi walang mga kurakot na opisyal at masisipag magtrabaho ang mga tao dito, tahimik at malinis ang kapaligiran, sagana sa teknolohiya at walang "Filipino time".
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.