PDA

View Full Version : Hiring Filipino workers from the Philippines?


mokomichi
03-01-2007, 03:58 PM
hello po sa inyong lahat!!! meron po bang nakakaalam dito kung paano kumuha ng filipino workers sa pilipinas ang mga japanese company dito sa japan?? Nagtatanong po kasi ang boss ng company ko kung saka sakaling maghire siya ng ordinaryo at majimeng filipino,.... anung klaseng visa and paano makakapunta ang pinoy dito sa japan??
any information po please, weblinks etc... salamat ng marami!!!

ejyasay
03-02-2007, 02:39 PM
wow sana may sumagot dito para magka idea rin ako... pano kse yong friend ko gusto rin kumuha daw ng boss nya ng pinoy workers kse masisipag...saka sa mokomichi kunin mo rin ako hehehe...maganda to pag natuloy kse maraming kababayan natin ang matutulungan for sure, mahirap ang buhay sa pinas kahit professional ka sahod mo hand to mouth lang din:-( goodluck mokomichi.

mokomichi
03-02-2007, 03:38 PM
oo nga po, sana may mga idea ang mga ka TF barkada naten dito...:)

emay
03-02-2007, 05:41 PM
hello mokomichi,

sana ma materialize yong pag hire ninyo ng filipino workers, suggest ko lang just try na mag inquire sa immigration dyan sa japan, im sure alam nila yon.
sana makatulong...


oo nga po, sana may mga idea ang mga ka TF barkada naten dito...:)

mbstorun
03-02-2007, 06:04 PM
kung kukuha ang boss mo ng mga tao or mang~gagawa sa pinas, mas maganda na may kausap sila sa pinas or through manpower agency (manpower agency na international..may pang local lang rin kase) then, yung agency na yun, magpapadala ng documents na kailangan ng boss mo or company dito sa Japan para sa Embassy pag nag~process ng Job Order. pag na~release na ang Job order, ibabalik yun sa agency or manpower agency sa Pinas tapos saka lang maghahanap ng tao yung agency sa pinas ng ipapadala dito sa Japan. pag nakapirma na ng kontrata ang aplikante sa pinas at ok ang medical, saka ipapadala ang contrata dito sa japan para mai~process naman ang kanilang visa (pero ang alam ko pag para dito sa Japan, may interview pa sa Japan embassy sa Pinas)then pag may visa na at ok ang medical, yung agency sa pinas naman magpa~process sa POEA then PDOS( yung ticket depende sa usapan sa agency sa pinas kung sino magso~shoulder ng ticket. kung co. dito sa Japan or sa pinas.)meron namang standard na sinusunod sa POEA kung magkano ang mga charges sa mga placement fees. hope this would help..:p

mokomichi
03-03-2007, 10:51 AM
thanks to all....ganun pala yun, i have no idea talaga kasi about dun... anyways, tanong lang po ulit, may babayaran pa ba ang company dito sa japan sa bansang pilipinas kung kukuha siya ng tao doon?? curious lang po.....:confused:

v_wrangler
03-03-2007, 11:08 AM
Depende kung anong klaseng trabaho ang io-offer ng kumpanya ninyo. Mahirap makakuha ng skilled-workers dahil wala naman category ng ganoong visa. Madalas, ginagamit ng mga employers or agencies sa Pilipinas ang Trainee system ngunit pagdating sa Japan ay regular na trabaho ang pinagagawa. Walang masyadong protekyon ang trainee system dahil hindi ito considered na trabaho. This is actually against the law. And employers who resort to this arrangement will have to be penalized if the authorities found out.

Kung mga engineers or blue-collar job, professionals like computer programmers, you can do it also by yourself kahit walang ahensya. You just have to apply for a COE para sa mga iha-hire hinyo and when it gets approved, the applicants would just have to present that to the embassy in manila. And the visa applciation process starts from there.

mokomichi
03-03-2007, 02:05 PM
hindi rin pala madaling proseso yun noh... akala ko, halimbawang may ininvite akong friends na pumunta dito as tourist then pwede na siya iisponsor ng company ko:ohlord: ..hindi pala pwede yung ganun sistema:confused:

Yakuini
03-03-2007, 05:05 PM
Tama po si mbstorun and v_wrangler.

Wala pong ini-issue na working visa ang Japan embassy so hindi po pwedeng kumuha ng filipino worker and isang japanese company.

Engineers and/or interpreter visa e pwede po kaya lang di rin ganon kadali. AFAIK di rin nag-iissue, as of now, ng ganoon visa ang Japan Embassy dito sa atin. Di na rin po kailangan dumaan ng agency pag ganon ang visa mo and ang category mo non sa POEA is "Name Hire"

Ang ginagawang paraan ng mga Japanese company ngayon is to hire people with "trainee" visa. Filipinos are grabbing the opportunity kahit mababa sa normal ang sahod dahil nga sa hirap ng buhay dito sa Pinas. Infact, andami ngayong mga company dito na nagrerecruit para mag work sa Japan but with "trainee" visa.

Second option are Nikkeijins. Marami pa kasing mga nikkeijins dito sa Pinas na di nakapunta ng japan so marami din mga company na kumukuha sa kanila with all expense paid tapos salary deduction na lang pag nakapag trabaho na sa Japan.

Japan is a reluctant host when it comes to immigration issue. Study shows na ang supply and demand ratio ng workers sa Japan is 1:10 pero dahil sa sobrang conservative ng mga matatandang hapon (and their very restrictive immigration laws) e ayaw pa rin nilang kumuha ng migrant workers.

Sooner or later that will change because of the pressure of globalization and lack or workers.

mokomichi
03-04-2007, 12:29 AM
maraming salamat sa inpormasyon... actually dati rin ako trainee sa japan for three years pero after mong matapos yung kontrata mo as trainee hindi ka na ulit makakahirit pa ng isa trainee visa dito sa japan.. you suru ni hindi pala ganun kadali ang mga binabalak ko... zannen ya wa..:bricks:

mbstorun
03-04-2007, 02:27 AM
thanks to all....ganun pala yun, i have no idea talaga kasi about dun... anyways, tanong lang po ulit, may babayaran pa ba ang company dito sa japan sa bansang pilipinas kung kukuha siya ng tao doon?? curious lang po.....:confused:

yes may babayaran ang company sa Japan sa pinas (kung sa Manpower Agency kukuha ng tao) or pwede ring wala...depende sa usapan ng agency sa pinas at ng company dito sa Japan. pwedeng, walang babayaran ang company dito sa Japan maliban sa visa processing dito pero ang tanong...panu kikita ang agency sa pinas dahil syempre marami silang gagastusin rin sa mga documents ng mga aplikante?? kapag ang usapan ay...visa lang ang babayaran ng company sa Japan at other fees agency na sa pinas magbabayad (tulad ng mga POEA processing, embassy ticket..etc. )...yung agency sa pinas, dun sya kikita sa mga aplikante. yun ang tinatawag na placement fee na kinukuha sa mga aplikante. pero yung placement fee na yun, nababase yun sa standard ng POEA kung magkano lang ang dapat singilin sa aplikante. kase, iisa lang naman ang rate ng POEA sa pagpa~process sa kanila. based sa seminar nung nag-attend ako saPOEA seminar ng mga nagbabalak pumasok sa Recruitment/Manpower agency at meron ng agency, dapat hanggang P25,000 pesos lang ang placement fee na kailangang singilin sa aplikante kapag skilled pero maraming agency sa pinas na hindi nasusunod yun. so depende sa aplikante kung tatanggapin nya pero maraming aplikante na kumakagat sa malalaking placement fee kase ang rason malaki naman ang sweldo. pero pag hindi naman skilled, tulad ng DH dapat talaga walang placement fee pero salary deduction naman ng minimum of 1 month maximum of 3 months pero ang aplikanteng DH, sya ang dapat magbabayad ng processing fee sa POEA since wala syang placement fee at salary deduction sya. so in-short, depende sa usapan ng company dito sa Japan at agency sa pinas yung mga fees. dagdag ko lang..most agency sa pinas, sila ang nagso~shoulder ng fees sa POEA, at embassy. yung aplikante naman malimit nagso~shoulder ng bayad nila para sa kanilang medical ( ang medical depende..may 1-2-3 yan... depende kung anong request ng employer dito sa Japan) at aplikante rin nagbabayad sa kanyang PDOS fee. yung malimit naman sino~shoulder ng employer or company sa abroad, yung visa fees at ticket ng aplikante. hope this may help again.

mbstorun
03-04-2007, 02:41 AM
Depende kung anong klaseng trabaho ang io-offer ng kumpanya ninyo. Mahirap makakuha ng skilled-workers dahil wala naman category ng ganoong visa. Madalas, ginagamit ng mga employers or agencies sa Pilipinas ang Trainee system ngunit pagdating sa Japan ay regular na trabaho ang pinagagawa. Walang masyadong protekyon ang trainee system dahil hindi ito considered na trabaho. This is actually against the law. And employers who resort to this arrangement will have to be penalized if the authorities found out.

Kung mga engineers or blue-collar job, professionals like computer programmers, you can do it also by yourself kahit walang ahensya. You just have to apply for a COE para sa mga iha-hire hinyo and when it gets approved, the applicants would just have to present that to the embassy in manila. And the visa applciation process starts from there.

yes tama ka pwede rin na hindi gagamit ng agency kung kukuha ka ng tao sa pinas pero sinisigurado ko na mahirap talaga lalo na kung first time na kukuha ng mga tao sa pinas. kaya yung karamihan, gumagamit ng agency kase...yung agency, alam nila ang pasikot-sikot at kalimitan, may mga contact na yan at ang agency kase may tinatawag mga "Liason officer" yan na sila ang nagpa~process ng mga POEA na yan at may mga contact na yan sa POEA mismo since registered ang agency. tapos may sarili ring nag-aasikaso sa embassy mismo. may mga contact na yan sila so madali at malimit hindi na tumatagal ang pagpa~process. pero kung willing naman kayo na kayo na ang kukuha ng tao at di na gagamit ng agency, ok din naman yun...yun ang tinatawag naman na "Direct Hiring".

mokomichi
03-04-2007, 06:19 PM
i.c. gets ko na.. ibig sabihin madaling kumuha ng tao direkta, kaso ang pag aayos ng papers nila ang medyo maproseso right???... kaya yung iba ay pinapasa na lang sa agency... naruhodo:scratch: panu kaya ayusin ang mga papers ng mga aplikante?... mendokusai ne..:banghead:

mbstorun
03-04-2007, 09:32 PM
i.c. gets ko na.. ibig sabihin madaling kumuha ng tao direkta, kaso ang pag aayos ng papers nila ang medyo maproseso right???... kaya yung iba ay pinapasa na lang sa agency... naruhodo:scratch: panu kaya ayusin ang mga papers ng mga aplikante?... mendokusai ne..:banghead:

madali lang ayusin ang papers ng mga aplikante sa pinas basta alam mo ang proseso. ang mahirap ang visa kase sobrang strikto ang Japan pagdating sa mga pinapadalang tao dito.

mokomichi
03-05-2007, 07:27 PM
yah yung visa nga pala ang pinakamahirap ayusin... may naririnig kasi ako before about sa tourist visa once na may nag isponsor na sayung company dito sa japan, pwede ka ng magkaroon ng working visa?... meron ba talaga nun? or sabi sabi lang un...:confused:

tatsumaki
05-01-2007, 02:01 AM
ako nlang invite mo..pra mkpagwork ako jan..hehhehe...:D hirap tlga buhay dito sa pinas..ehehhe...ngha hhanap n nga lng ako ng mag iisponsor eh..hay buhay...

eltann
05-09-2007, 06:08 PM
mokomochi-san,

meron ata... not exactly like that pero parang ganun na rin...
meron akong kilala ganun ang nangyari...
may nag sponsor sa kanyang company kaya sya nakapag work dito sa japan...

usually kasi, pag may kelangan na tao ang company, naghahanap sila ng agency dito
sa japan.. tapos yung agency na yun ang naghahanap ng tao (japanese) na fit sa work
na yun at inaalok dun sa company na naghahanap...

pero ang nangyari sa case nung kilala ko, yung company mismo ang nag-utos dun sa
agency na i-hire or kunin yung tao (from the phils) para mag-work sa kanila...
kaya inisponsoran nila yung tao para makakuha ng working visa sa japan embassy...
and i tell you, hindi naman naging ganun katagal ang process... they took only around
3-4 months at nakarating at nakapag work na dito yung tao na gusto nilang kunin...

kin_taro
05-18-2007, 03:29 PM
:( gusto ko po sanang humingi ng tulong ako po si alvin, 18, from taguig city po, gusto ko po sanang makahingi ng promotion or agency, kasi po willing po ako maging josto sa japan para po makapagpundar at magkaroon ng magandang buhay ang pamilya ko. sa pagse-search ko nakita ko po tong forum nato, nahirapan ako mag-reg pero sumunod lang ako kaya nakuha ko rin sya, hihingi po sana ako ng tulong sa mga seniors at mga members po dito na working na sa japan.. sana po matulungan nyo po ako.. kung tatanungin nyo po anong itsura ko 5'7, malinis ang mukha, medyo maputi maganda ang katawan at may mapagmamayabang din po kahit pano tungkol sa itsura.. sana po matulungan nyo po ako.. nakikiusap po ako.. pagpunta lang po sa Japan at mga agency at promotion ang kailngan ko po na nagpapapunta sila sa Japan mas preffered ko po yung salary deduction para po magkaroon po ako ng assurance na maganda mapupuntahan kong trabaho bilang josto at inuumpisahan ko narin pong mag-aral ng Hapon.. Tulungan nyo po ako. Salamat po ng Maraming Marami.:)

grace5
05-24-2007, 12:07 AM
Sana matulongan nyo ako dahil gusto ko mag work d2 sa japan

actaully hindi naman me nakatapus ng college,,kasi dati nag work me ng KARAOKE sa pilipinas doon ko nakikilala ang asawa ko,,tapus nag tourist me mga 3times tapus nag pakasal na me,ngaun sa house lang me sayang nman dba,,,hope u can help me:)

mokomichi
05-24-2007, 04:32 AM
mokomochi-san,

meron ata... not exactly like that pero parang ganun na rin...
meron akong kilala ganun ang nangyari...
may nag sponsor sa kanyang company kaya sya nakapag work dito sa japan...

usually kasi, pag may kelangan na tao ang company, naghahanap sila ng agency dito
sa japan.. tapos yung agency na yun ang naghahanap ng tao (japanese) na fit sa work
na yun at inaalok dun sa company na naghahanap...

pero ang nangyari sa case nung kilala ko, yung company mismo ang nag-utos dun sa
agency na i-hire or kunin yung tao (from the phils) para mag-work sa kanila...
kaya inisponsoran nila yung tao para makakuha ng working visa sa japan embassy...
and i tell you, hindi naman naging ganun katagal ang process... they took only around
3-4 months at nakarating at nakapag work na dito yung tao na gusto nilang kunin...


thanks sa info eltann..:)

yosi
05-24-2007, 02:37 PM
ganyan din ang dalawang kuya ko 4 times silang trainee sa japan pinadala sila ng sister company ng japan which is sa laguna CARPARTS.at tapos na sila dito at nagustuhan sila ng shacho dito, kaya kukunin ulit sila nextyear as supervisor so ikukuha na sila ng teaching visa or working visa ng hapon, para daw 2yrs.ang stay nila at makakasama pa daw nila pamilya nila pagpunta dito sa japan.and under process na sila and i cant wait to see them come.i miss them. ang advice ko sayo mas madali makakuha ang hapon ng worker na pinoy kong may branch or sister company dyan sa pinas ang company dito sa japan ,mas madali mas mahal pa ang sahod para ring regular worker or maybe swertehan lang din siguro kong mabait ang hapon.goodluck.

keikou
06-07-2007, 04:10 PM
i'm interested at your topic. may mga ka-kilala ka bang nikkeijin na gustong magtrabaho dito sa Japan?

circle
06-08-2007, 01:43 AM
ohayo po..

medyo nakaka-relate din po problem ko.

nasa research pa rin po ako about sa process ng "working visa".
plan ko po kasi ilapit sa sacho ko kung willing ba syang i-sponsor ako if ever uuwi ako ng pilipinas.
pero kailangan ko po muna malaman kung pwede nga ba.

sana may mag-share pa ng experience para naman po magka-idea ako.
at kung may alam po kayong mga rules or ng taong pwedeng lapitan.

marami pong salamat

bebs
06-29-2007, 03:20 PM
Hi Hello po Good day mga sister & brother makisali na rin actually po kung intresado po yong companya nyo na mag hire ng direct na mga worker fm Pinas better u can ask or visit fm Jitco KC po sila rin po ang Guidance and consultant about dyan dito sa Japan then better must understandable po ng Japanese yong role and procedure as well. Not only Phil ang provided nila but their some certain country and cover nila about to hired worker outside Japan based on the training system. For what I Know if u hire the worker as a trainee for one year w/ allowance lang po ang tinatawag na salaries nila then free accommodations po sila except po yong meals then after a year that the time po na mashipship sa working visa then w/ contract na po yong for almost 2 yrs and also their salaries will be provided to them so yong allowance po nila for one year change na po yong to salaries obcourse much higher than the allowance but its depends on the company how much can be pay for them including their accommodations and everything.then all the expenses po for processing for document up to visa shoulder po ng employeer according to Jitco. Hope can help.

jcby1321
09-20-2007, 08:24 PM
hello po sa inyong lahat!!! meron po bang nakakaalam dito kung paano kumuha ng filipino workers sa pilipinas ang mga japanese company dito sa japan?? Nagtatanong po kasi ang boss ng company ko kung saka sakaling maghire siya ng ordinaryo at majimeng filipino,.... anung klaseng visa and paano makakapunta ang pinoy dito sa japan??
any information po please, weblinks etc... salamat ng marami!!!
mokomichi san, inform mo naman kami kung may manpower agency na makuha boss mo, andami professionals kz sa atin na very eager to work here....pls.pls.pls. ..

dabawenyo
10-08-2007, 10:39 PM
any updates on this one. sa mga dumaan kasi ng JITCO, tagal nila maka-alis, tapos hindi pa sure. does anybody here knows where/what manpower agency or anything that could help people like me here in the philippines work there kahit na medyo mababa lang ang sahod. tnx po.

mokomichi
10-09-2007, 12:18 PM
magandang umaga po.... pasensya na po sa mga napaasa ko sa thread na to, :bowdown:
gusto ko lang kasi talaga malaman kung paano yung proseso na gagawin kung saka-sakali ngang makapag-direct hire ang company na pinapasukan ko.. but it seems to me na mabusisi ang proseso at walang taong makapag asikaso... sensya na po, korekara mo yoroshiku...:wave: