PDA

View Full Version : Nakikitira ng matagal na panahon


paykz
03-01-2007, 05:34 PM
Magandang hapon po sa inyong lahat...ito na naman po ako hingi ng advice sa inyo coz nalilito na po ako....ganito po yon yong friend ko na nabuntis ng may asawa na hapon(i've consult her case here before too...)nanganak na po & bago po siya nanganak nakiusap sa akin na dito muna sila sa bahay for 1 month lang naman kasi 1rst timer sa baby,so kinausap ko si hubby & pumayag naman...now ng 2 months na sila dito & the problem is naaawa na ako kay hubby kasi alam naman natin lahat na mahirap seikatsu sa Japan...di naman po ganon kalaki sahod ng asawa ko...yong asawa niya bumibisita naman dito...dito kakain minsan & dito natutulog...ok lang naman sa akin yon but para bang nararamdaman ko na umaabuso na...hindi naman po kami humihingi ng kapalit or what...kinaiinisan ko lang dun sa asawa niya...di na nga halos suportahan asawa niya...di pa niya inaayos yong papel ng mag-ina...OS po ang friend ko & hindi lingid sa ating lahat na mahirap po situation niya...masama po ba akong kaibigan?husto ni hubby na kausapin ko friend ko pero di ko kaya...ayoko masira friendship namin...ano po ba dapat kong gawin?sana maliwanagan nyo po ako...maraming salamat & more power sa TF:)

yukio_cris
03-01-2007, 05:40 PM
kung ako yung nasa situation mo, and if you cannot bear the problem, better talk to your friend or kayong apat including your hubby, your friend and her bf para kung ano talaga ang plan ng bf ng friend mo sa kanya , much better kung yung hubby mo at yung bf ng friend mo ang mag uusap, suportahan mo nalang yung hubby mo sa pakikipag usap na both parties eh hindi ma ooffend ok? just pray :)

summergirl
03-01-2007, 10:18 PM
If your really cherishing your friendship mas mabuti tell her everything,Pag magkaibigan talaga i know that she can understand you,mas mabuti sigurong kausapin mo ang kaibigan mo sabihin mo na kakausapin mo ang asawa nya.Kasi actually malaking bagay na ang pinatira mo sya diyan for 2 months,at hindi birong sakripisyo iyon,syempre umiiyak ang bata ng madaling araw,na dapat oras ng pahinga nyo iyon pero ok lang sa kanya.mahirap naman na hirap na kayo hindi pa kayo kikibo,Baka dumating naman ang time na kayo ng asawa mo ang magka problema ng dahil sa ibang tao.dahil alam ng boyfriend ng kaibigan mo na may malalapitan ang kaibigan mo kaya kinakapalan na ang mukha..Sorry huh.Pero hindi birong gastos ang meron dito sa japan,extra gas bill,extra water bills,extra foods,everything is extra.sobra-sobra na ang nagawa mo para sa kaibigan mo.The sooner the better..Good Luck!</p>

mbstorun
03-01-2007, 11:51 PM
ang hirap nga naman ng ganyang sitwasyon. pero the best solution talaga dyan ay magkausap~usap kayong apat...lalo na yung boyfriend ng friend mo kung ano ang plano dyan dahil habang lumalaki ang bata, lumalaki din ang problema...mahirap ang isang OS at marami ang halos lumuhod na sa hapon para pakasalan lang at magkaron ng visa. siguro una, pwede mong kausapin ang friend mo about the situation...pag usapan nyo na kailangan, magka~usap-usap kayong lahat ng bf nya at asawa mo about dyan at kawawa nga naman ang asawa mo kung pati sya problema pa nya ang papatira mo or pagtulong mo sa kaibigan mo. sana matapos na yang problema mo with peace...na hindi rin sasama ang loob ng friend mo.. goodluck sayo..

Philipinessa
03-02-2007, 09:08 AM
dito muna sila sa bahay for 1 month lang naman kasi 1rst timer sa baby,so kinausap ko si hubby pumayag naman...now ng 2 months na sila dito; the problem is naaawa na ako kay hubby kasi alam naman natin lahat na mahirap seikatsu sa Japan......ok lang naman sa akin yon but para bang nararamdaman ko na umaabuso na...hindi naman po kami humihingi ng kapalit or what...kinaiinisan ko lang dun sa asawa niya...di na nga halos suportahan asawa niya...di pa niya inaayos yong papel ng mag-ina.../>

Saludo ako sa iyo at sa asawa mo! Lubos ang pagtulong nyo talaga! Para sa akin hindi talaga masamang tumulong lalo na at kaibigan mo at lalo na sa baby...pero lahat ng bagay eh may limitasyon kumbaga para sa akin. Grabe napakabait ninyong mag-asawa, siguro kung sa asawa ko yan MALABO...tsk tsk tsk. Friendship, kausapin mo sila ng ayos, tanungin mo na sila kung ano plano nila...baka maging 3 mos hanggang one year yan nasa yo...sige ka, pag di ka umimik ikaw rin mahihirapan. Tama na maawa ka rin sa asawa mo dahil totoo naman mahirap seikatsu dito kaya dapat OPEN ka dun sa friendship mo. Yun lang ang sa tingin ko ang dapat...DAPAT MAGKAHARAP HARAP AT MAGKA-USAP para alam kung ano ba talaga....

Philipinessa
03-02-2007, 09:09 AM
dito muna sila sa bahay for 1 month lang naman kasi 1rst timer sa baby,so kinausap ko si hubby pumayag naman...now ng 2 months na sila dito; the problem is naaawa na ako kay hubby kasi alam naman natin lahat na mahirap seikatsu sa Japan......ok lang naman sa akin yon but para bang nararamdaman ko na umaabuso na...hindi naman po kami humihingi ng kapalit or what...kinaiinisan ko lang dun sa asawa niya...di na nga halos suportahan asawa niya...di pa niya inaayos yong papel ng mag-ina.../>

Saludo ako sa iyo at sa asawa mo! Lubos ang pagtulong nyo talaga! Para sa akin hindi talaga masamang tumulong lalo na at kaibigan mo at lalo na sa baby...pero lahat ng bagay eh may limitasyon kumbaga para sa akin. Grabe napakabait ninyong mag-asawa, siguro kung sa asawa ko yan MALABO...tsk tsk tsk. Friendship, kausapin mo sila ng ayos, tanungin mo na sila kung ano plano nila...baka maging 3 mos hanggang one year yan nasa yo...sige ka, pag di ka umimik ikaw rin mahihirapan. Tama na maawa ka rin sa asawa mo dahil totoo naman mahirap seikatsu dito kaya dapat OPEN ka dun sa friendship mo. Yun lang ang sa tingin ko ang dapat...DAPAT MAGKAHARAP HARAP AT MAGKA-USAP para alam kung ano ba talaga.... Mabuhay kayong mag-asawa!

miyuki
03-02-2007, 09:47 AM
:bonk: :banghead: :scratch: talagang ang sitwasyon ng kaibigan mo ay napaka delikado at mahirap.... talagang kapag:love: puso ang sinusunod talagang problema at pasakit ang kadalasan( hindi naman lahat )ang ending. . pinaka maganda ay ang kaibigan mo ang kausapin mo .. ipaliwanag mo sa kanya ang sitwasyon nyong mag asawa.siguro naman maiintindihan nya ang siwasyon mo dahil sumobra na nga sya sa 1 month na usapan nyo. oo nga na nakakaawa ang baby pero hindi ito responsibilidad ng hubby mo kundi ng ama ng baby nya.para sa akin wag mo ng isama sa pag uusap ang hubby mo .siguro naman kaya na ng kaibigan mo na sabihin sa bf nya na nakakahiya na ang magtagal pa sila . saka yung masabi mo ang gusto mo sa kaibigan mo ay sya na ang bahala sa bf nya kasi nakakahiya naman sa hubby mo na pati sya ay madamay pa sa usaping yan na sa totoo lang ay wala naman syang responsibilidad sa kaibigan mo .ikaw sa kaibigan mo at ang kaibigan mo sa bf nya. at kung masama man sa pag uusap ang hubby mo yon ay dapat PASASALAMAT at PAGPAPAALAM na lang. kasi nakakahiya na pati sa pagsasabi sa bf ay kadamay pa sya at isang mabigat na part din sa kanya yon kasi mahihiya at alam nya na kahit papaano ay makakasakit sya ng feeling.
i hope na maging maayos na ang lahat. :halo:

mamimo
03-02-2007, 06:39 PM
Grabe bait nyo mag-asawa:) sa isyu ng 2months na pagtira ng kaibigan mo jan sa inyo medyo mahirap desisyonan kasi may involve na baby kaso mas dapat mag-isip yun friend mo at bf nya ng dapat nilang gawin para sa kapakanan ng anak nila. Di na cguro nila masamain kung tapatin sila na mahirap na sa inyo kung magtagal pa sila jan, kung iniingatan din ng kaibigan mo ang friendship nyo isipin nya sana ang kalagayan mo.

sweet
03-03-2007, 03:03 PM
para sakin naman,kung yung kaibigan mo at bf nya ay alam yung salitang nakakahiya di yan magtatagal sa inyo kahit pa sabihin na matalik kayong magkaibigan..mauunaw an ka naman siguro ng kaibigan mo kung tatapatin mo sila,mas mabuti ng ikaw ang makipag usap kasi ang asawa mo nag aantay lang yan kasi di nya yan madidisisyunan dahil alam nya na kaibigan mo yun,baka kung makihalo siya masamain pa nung bf ng friend mo sa di magandang sitwasyon pa mapunta..hanggat maaga pa lakasan mo ng loob mo na sabihan ang kaibigan mo na nahihiya ka kamo sa sarili mong asawa

goodluck sana maging maayos ang lahat

paykz
03-04-2007, 12:52 AM
Magandang gabi po ulit sa lahat ng ka TF family...salamat po sa lahat ng advices...by this week kakausapin na namin mag-asawa yong bf at friend ko....kahit hindi ganon kadali sana mapaunawa namin sa kanila...:(

louvette_15
03-04-2007, 01:08 AM
hello po.makikisali lang.

sa aking palagay, mas mabuti na kausapin na ng asawa mo ang bf ng friend mo. yon bang parang casual conversation lang. magandang iintro ng asawa mo ang tanungin nya yong bf ng friend mo about his plan sa friend mo at sa baby nila. from that intro, marami ng mapag usapan tungkol sa kalagayan ng friend mo. kasi baka wala pa ring sinasabing concrete plan yong lalaki about sa friend mo at sa baby. sa ganitong usapan, matutulungan mo rin yong friend mo kasi malay mo, pati sa kanya ay wlang sinasabing plano yong bf nya. baka nag aantay lang sya tapus dahil wala ngang sinasabi nahuhulog sya sa shoganai na manatili sa inyo dahil wala syang ibang mapupuntahan. ang sagot kasi sa problema mo ay nasa lalaki ng friend mo. hanggat hindi nyo sya tatanungin about sa plan nya, aakalain nyang ok lang sa inyong mag asawa ang kupkupin ang gf nya. kapag asawa mo ang kuma usap sa bf ng friend mo, parang labas ka na dun. kumbaga, hindi magkaka gap friendship nyo kasi para din naman sa ikakabuti ng friend mo ang gagawing pag uusap, hindi ba? sabi nga nila, mas mabuti yong hapon sa hapon ang mag uusap.
goodluck

love0308
03-06-2007, 11:56 AM
ikaw pa ang nahiya ah bait mo naman:D mas magandang kausapin mo ang friend mo total nagawa mo na ang role mo as a friend di ba!!:) i know maiintindihan ka niya tsaka bait din ni hubby mo ha kasi kung futsu na hapon yun eh marahil di pumayag dahil meiwaku sa kanila yun eh..dakara ganbatte ne! kausapin mo na para maliwanagan yung friend mo

shinshinobi
03-12-2007, 09:26 PM
ang suggestion ko lang , why not tulungan mong makahanap ng trabaho ang friend mo? kahit OS siya ay gusto rin niyang umasenso ang kanyang buhay, lalo na ngayon at may baby na siya, kawawa naman...lahat naman tayo nakaranas ng hirap... then ang ihanap mong trabaho sa kanya ay yung may pabahay.....ngayon kung ayaw niyang magtrabaho, may hotline ang immigration regarding OS. (hehe joke lang!)

sharpener
03-13-2007, 12:38 AM
ano kaya kung sabihin mong mahigpit ang immigration ngayon
nagbabahay-bahay, tsine-check ang magaasawa kung talagang nagsasama
para maalarma si hapon nya at sinupin ang mag-ina nya
lentek na hapon yan, kamala-mala mo buntis na naman yang kaibigan mo

o kaya naman...ipabasa mo kaya itong thread mo...hehehe joke lang po

nasabi na kase nilang lahat, kaya wala na tuloy akong masabi:D

infinite_trial
03-13-2007, 12:55 AM
ang hirap naman yan..pero kung ako nasa situation na yan i think i have to choose between a friend and my husband/family. i guess i would have to give up the friendship. if your friend is a real friend, she would understand your situation. oo nga kakapanganak lang nya at sya ay OS, pero sya ang may gawa nyan kaya napunta sya sa situation na yan...so hindi mo na yun kargo. yung patuluyin mo sya at pakainin ay sapat na yun. hindi mo obligasyon bilang kaibigan ang buhayin sya noh! pramis...hindi yan matututo kung spoil mo yan ng ganyan. kasi isipin nya, wala na syang magagawa dahil sa situation nya.

minsan ang pagkakaibigan, nilalagay sa lugar. hindi lahat ng oras ay nandun tayo para damayan natin sila. kung alam nating mali, tuwirin ang mali nila. kung hindi, para ano pa at naging kaibigan nila tayo di ba?

tadashi
05-06-2007, 03:06 PM
if i wer in your situation i better talk to my frend ksi xempre dapat isipin mo rin ung situation nyo ng husband u db?

nasty
05-06-2007, 09:59 PM
parang nakakapalan nga din ako sa mukha ng hapon na yun hah(mejo galit),,parang porke OS yung filipina sinasamantala niya ,at natutulog pa minsan daw sa house ha:bricks: :fire: ,ngayon lang ako nakarinig ng ganon ,,ang alam ko sa hapon karamihan ,,kangkenaii sa ganyang sitwasyon,,,sabihin mo sa friend mo salatin niya yung-------at baka walang b_ _ _s yung lalaki:fence:

Autumn
05-07-2007, 07:59 AM
hi @paykz, ang bait naman ng mister mo..samantalang noong may asawa pa ako walang makapasyal sa bahay dahil ayaw ni X na nagugulo privacy nya..wala nga akong naimbita na kamag anak ko .kahit nanay ko di ko pa napapunta dito..
alam ng kaibigan mo at bf nya kung gaano kabait kayong mag asawa kaya sinasamantala nila kayo.. ngayon lang ako nakarinig ng hapon na walang kahiya hiya..:rolleyes:..ka wawa naman kaibigan mo..,
sana makapag simula na sila ng sila sila lang at nang mapahinga ka na at hubby mo..ang hirap ng may kasama sa bahay..

Sammy
05-07-2007, 10:18 AM
Ok lang ang tumulong sa kapwa but there is limit to it.
One more thing ang friend mo ay overstaying kung ito ang ibig sabihin
ng OS. Bawal ito at madadamay kayo sa problem.
Experience ko na ito. Nahuli iyong overstaying na tumira sa kaibigan ko .
hindi lang ito . Ng mahuli si OS wala pa sa bahay ng kaibigan ko . mga gamit
lang ng OS ang nasa bahay dahil itinuro niya kung saan and ang mag gamit niya.
Damay ang kaibigan ko. Maraming paliwanag bago naayos.
Think about it.
Sam.

mOtt_erU
05-07-2007, 12:58 PM
....tama yang gagawin nyOng mag~asawa, kausapin nyo nalang yang friend mo......
maging hOnest ka lang sa nararamdaman mo.... sigurO maiintindihan ka naman ng friend mo, kung talagang kaibigan siya.... tas after nyan eh sana kayO namang dalawa nun friend mo ang mag~usap ng sarilinan... advice~san mo siya ng mga bagay na sa tingin mO makakabuti sa kanya.., tsaka on the brighter side kamo eh mag~gagambaru yung BF nya na ilagay sila sa ayos mag~ina...kahit ba may pamilya si BF eh nakipagrelasyon siya sa friend mo so may responsibilidad siya lalo na may anak na sila...... basta tama yang gagawin mO paykz san...kase kahit na friend mo siya at cOncern ka sa kalagayan nya..eh hindi mag~gagambaru yan...pag pinabayaan mo lang... sasandal nalang yan sa inyo.... wag mo kunsintihin...tama na yung taos sa pusong tulong nyong mag~asawa ng 2 buwan.... pamilya na sila ng BF nya dahil may baby na sila, kailangan na nilang tumayo sa sarili nila.....