View Full Version : Magaling ka bang Magsinungaling..?
scorpionight
03-04-2007, 02:25 AM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
air88(^_^)
03-04-2007, 02:43 AM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
scorpionight gud am!
di po ko magaling sa pag sisinungaling!kasi di ako makapag sagot ng seryoso pag nagsinungaling ako..:D ..tulad nga nakaraan tinanong ako ng hubby ko kung may otsuri pa daw ba sa binigay nyang okane noong namalengke ako.ang sagot ko wala na..pero di ako maka tingin sa kanya ng diretcho..at tumawa ako..kaya sabi nya hitakosu daw ako sa pag mag sisinungaling..:D ..sabi pa sa akin kulang daw ako sa practice..:D ..
mbstorun
03-04-2007, 02:47 AM
sakin kase...ang pagsisinungaling depende...meron kaseng mga bagay kung minsan na kailangan mong magsinungaling. pero kung sa mga material na bagay, kung ano ang meron ako at kung ano ang wala, yun lang ang sinasabi ko.mahirap dagdagan yun kase magmumukha kang mayabang di ba? pero ako, ayoko ng nagsisinungaling at minsan lang ako nagsisinungaling kase madali akong mahuli na ako mismo at sa bibig ko mismo lumalabas na hindi ko namamalayan so nakakahiya lang. ha hah may naalala tuloy akong kasinungalingan ko sa asawa ko na ako rin mismo nagbigay sa kanya ng clue na nagsinungaling ako.:p
sachi807
03-04-2007, 09:35 AM
..hindi rin ako magaling magsinungaling kasi pag nagsisisnungaling ako may mannerism ako,nagkakamot ako ng ilong,ewan ko ba automatic yun kaya alam ng pamilya ko pag nagkamot na ko ng ilong.kayo ba may mannerism pag nagsisinungaling?yun anak ko naman nagkakamot ng ulo kaya alam ko pg uso sinasabi nya...buking!
docomo
03-04-2007, 03:20 PM
mas madaling magsabi ng tutuo kesa magsinungaling.. mahirap gumawa ng script:)
scorpionight
03-04-2007, 04:04 PM
hi!hi!hi! mahirap talagang magsinungalung maske konting bagay lang,naalala ko pa noong dalaga ako,buking ako palagi ng nanay ko kase ewan ko rin don sa nanay ko ang lakas ng vibration..
proud me
03-04-2007, 06:44 PM
mas madaling magsabi ng tutuo kesa magsinungaling.. mahirap gumawa ng script:) sang ayon ako dito....at mahirap yong dinidiktahan lang!...pano kung wala nang magdidikta. o script na susundan...wawa ka lang!....:)
summergirl
03-04-2007, 09:11 PM
Kung sa sarili ko lang bakit ako kailangang mag-sinungaling,pero ang white lies kung magiging dahilan ng pag aaway ng isang tao,dapat kang mag-sinungaling...para walang away..
liong
03-04-2007, 11:13 PM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
Di po ako magaling magsinungaling.....: devil: :rolleyes: :shutup: :music: :whistle: :oops: :cool:
Autumn
03-04-2007, 11:42 PM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
Yes Magaling ako dyan..hindi mo ako mapapaamin.patayin mo pa ako:D yan naman eh pag kinakailangang lang magsinungaling depende naman sa sitwasyon.
pero as much as possible ayaw kong magsinungaling..masa rap mabuhay ng walang dala dala sa konsensya;)
wildflower
03-04-2007, 11:59 PM
ako magaling akong magsinungaling pero may mga dahilan kung bakit ako nagsisinungaling dahil para din sa aking kabutihan.no bodys perfect naman.tulad ni obachan di niya alam may anak ako sa pinas..pero alam ng asawa ko may anak ako.nilihim ko kay obachan kasi iba ugali niya and i feel na hindi nya ma accept talaga.sa akin nga lang halos di kami magkasundo at nag seselos sya lagi sa akin..pero time will come masasabi ko rin kay obachan na may trophy na ako sa pinas..:D
scorpionight
03-05-2007, 12:53 AM

Naku mahirap nga yan lalo na kung nakasalaly jan ang pagsasama ninyong mag asawa..Goodluck na lang sayo wildflower!
wildflower
03-05-2007, 01:45 AM
Naku mahirap nga yan lalo na kung nakasalaly jan ang pagsasama ninyong mag asawa..Goodluck na lang sayo wildflower!
hello uli sayo scorpionight..:D okey naman asawa ko kahit may anak na ako kaso di lang namin sinabi sa kay obachan..:D hehehehe kasi pangit nga ugali ng nanay nya..time will come masasabi din namin sa nanay nya..
Tarena314
03-05-2007, 10:31 AM
Ako nagagawa kong mag sinungaling pag talagang kinakailangan..,pero pinaninindigan ko yun kahit anong mangyari at hindi ako basta basta mabubuking..,kailang an talaga magaling kang magdala at dapat hindi ka apektado don sa ginawa mo..,kase karamihan sa mga sinungaling ay nahuhuli mismo sa bibig nila..,yon ang mahirap kaya minsan napapahamak at hindi na pwedeng pagkatiwalaan..,:(
infinite_trial
03-05-2007, 11:52 AM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
awwk ako magaling magsinungaling kapag nangungupit ng pambayad sa tuition fee nung college...hehe kailangan kasi e. sobrang sakto lang yung binibigay sakin tapos hindi na ko binibigyan pambili ng mga gagamitin ko...kaya dinadaya ko na lang :D
pero sa ibang bagay, di ako marunong...
scorpionight
03-05-2007, 03:09 PM

hi!hi!hi! highschool days ngupit din ako kaso buking talaga,halata yata talaga ako pag may kasalanan..(malibre lang mga friends ko..)
infinite_trial
03-05-2007, 05:08 PM
hi!hi!hi! highschool days ngupit din ako kaso buking talaga,halata yata talaga ako pag may kasalanan..(malibre lang mga friends ko..)
meron kasi kaming 'resibo' na peke haha...tapos may stamp pa kuno :D
miyuki
03-05-2007, 05:15 PM
ako depende... kung magaan lang na kasalanan at pwede namang tawanan lang kahit aminin ko ...madali akong mahuli or magpahuli ... pero pag medyo seryoso at talagang ikapapahamak ko heheheh........... may motto ako.... WAG NA WAG KANG AAMIN heheheheheh......... .......... kahit na halata na nagsisinungaling ako hindi ko talaga aaminin kasi hanggat hindi ako umaamin hambon hambon pa din kung totoo or not pero pag umamin ako CONFIRMED na d ba? mahahatulan na ako ng GUILTY! hahahhahaah... eto sa hubby ko lang ha!..sa mga pagbili namin ng kung anek anek sa pinas minsan nag oover price ako heheheheh...
honey
03-06-2007, 12:26 AM
magaling ako mag-alibi saka mang-asar :biglaugh:
nagsisinungaling ako kapag kailangan lang tulad ng kapag umutang sa akin kapatid ko sasabihin ko bayaran nya pero kapag babayaran na nya hindi ko tinatanggap:D sobra pa naman ako makapaningil sa kanya gawa ng kwento ever....ke hubby kapag galit ako dyan ako nakakapagsinungaling gawa ng kwento :p feeling artista e!:D
sa mga friends ko mahilig ako magtakip hindi ko alam malay ko hmmmmm yan lang nasasabi ko kapag may sinabing di maganda friend ko sa ibang tao nagsisinungaling na hindi alam:D .Nagsisinungaling lang ako kapag kailangan.
scorpionight
03-06-2007, 12:27 AM
ako depende... kung magaan lang na kasalanan at pwede namang tawanan lang kahit aminin ko ...madali akong mahuli or magpahuli ... pero pag medyo seryoso at talagang ikapapahamak ko heheheh........... may motto ako.... WAG NA WAG KANG AAMIN heheheheheh......... .......... kahit na halata na nagsisinungaling ako hindi ko talaga aaminin kasi hanggat hindi ako umaamin hambon hambon pa din kung totoo or not pero pag umamin ako CONFIRMED na d ba? mahahatulan na ako ng GUILTY! hahahhahaah... eto sa hubby ko lang ha!..sa mga pagbili namin ng kung anek anek sa pinas minsan nag oover price ako heheheheh...
hi!hi!hi! yari ka isusumbong kita..!
Medjo dko pa naranasan yan...
Philipinessa
03-06-2007, 01:15 PM
Noong umulan yata ng kapalpakan sa mundo tungkol sa pagsisinungaling eh nakuha ko lahat...sobrang bulok kong magsinungaling...kun g hindi nabubulol eh sala-sala pa ang sagot..as in palpak! lokbels! heta! tsaka pawisan kagad ako pag nagsisinungaling kaya huli kagad ako..as in bulok ako dyan. Kaya di talaga ako makapagsinungaling.. .di kagaya ng mga kapatid ko, grabe ang gagaling talaga da best! Kahit pa pitpitin mo ang kamay di aamin at talagang parang tunay mga sinasabi...kumbinsid o kahit sino kausap! minsan nga yata naging wish ko rin yun na sana magaling din ako magsinungaling kagaya nila hehehehe...
hay...
ganda_ko
03-06-2007, 01:28 PM
Ay sus yan ang hate ko... di ako marunong niyan,... pag maglalie ako di ako mapakali as in iisipin ko yan buong maghapon at magdamag hanggang di ako makatulog, nakakaonsensya...
lalen16loves
03-06-2007, 09:42 PM
50 % lang yata ako sa ganyan...kasi pag binigla ako,,,,bigla rin akong mapapaamin.........h irap nga eh, kailangan pa yata ng acting workshop
michiko
03-07-2007, 09:16 AM
ako din po di magaling mag sinungaling. mahuhuli agad ako. sabi ni habibi ko nakikita daw sa mukha ko agad kapag may itinatago ako..:D pati mga kapatid ko yun din sinasabi ..sabi ko naman siguro magaling lang silang bumasa..hehehehe:D
wonderKulit
03-07-2007, 12:37 PM
hello scorpionight :)
hmmnnn sa palagay ko di ako magaling magsinungaling... pero inaamin ko minsan nagsisinungaling din. :)
Walang taong perpekto kaya katwiran ko naman walang masama sa magsinungaling...per o depende sa sitwasyon kung kinakailangan...pili tin mo man maging makatotohanan araw-araw darating at darating din ang panahon na kinakailangan mong magsinungaling kung yon ba naman sa isip mo ang maging solusyon sa problema mo.
natatandaan ko pa nong ako'y bata pa...dun ako nag-aaral sa probinsya ( sa bundok of tralala talaga) at oso pa noon ang mga NPA...minsan napasok sa bahay namin ang NPA at nagtatago...may patrol noon araw-araw ang mga military pero dahil sa takot din kami sa gulo at baka mapahamak pa kami itinago namin sila at nangangatwiran kami sa mga military na wala kaming nakikitang mga ganong tao...minsan naman naikwento sa akin ng kaklase ko ( tito nya pari at sa kumbento sila mismo nakatira) na may nakapasok na naman NPA sa kumbento nakikikain at nagpalipas na rin daw ng araw...sa isip ko kahit nga pari kayang gawin yan na magsinungaling yong mga ordinaryong tao pa kaya?:)
japonesa
03-09-2007, 12:04 AM
pwede po makisali? hehehe:) ako din po hindi talaga marunong mag sinungaling. Kahit minsan ayaw ko sagutin honestly yung mga tanong about my personal life pag tinanong ako napapasagot ako hihihi.. at nag sstutter pag may tinatago. Tska khet ung kausap ko lang sa phone, kahet gusto kong sabihin na hindi ako ung hinahanap nya (credit card company pag na-late ang bayad, hihihi:D ) hindi ko talaga kayang mag sinungaling..hehehe. . Buking agad:p
wonderKulit
03-09-2007, 10:22 AM
Walang taong perpekto kaya katwiran ko naman walang masama sa magsinungaling...per o depende sa sitwasyon kung kinakailangan...pili tin mo man maging makatotohanan araw-araw darating at darating din ang panahon na kinakailangan mong magsinungaling kung yon ba naman sa isip mo ang maging solusyon sa problema mo.:)
1.) Kung may dumating na tawag na galing sa mga nagbebenta ng kung anu-ano ito ang mga katwiran ko:
a) Sa mga Hapon marami akong reason; na foreigner ako at kararating ko lang sa Japan at di ko maintindihan ang mga sinasabi nila.
b) Sa mga Pinoy naman ( di ko alam kung bakit at papano nila nalaman tel. no. ko); magkunwari ako na ako si Mother inlaw na di ko maintindihan mga sinasabi nila. o kaya kung makulit pa rin at binanggit ang pangalan ko, sasabihin ko na walang taong ganun ang pangalan na nakatira dito.
2.) Kung may natanggap akong call or letter na galing sa pamilya ko o kamag-anak na ang pakay ay manghihingi lang ng pera para panggastos sa mga pangangailangan kagaya ng damit at pagpaparty lang:
a) sasabihin ko na naospital na naman ang mother inlaw ko at naubos ang sweldo ng asawa ko pati na sa bangko nangutang na rin kami dahil kulang ang pambayad sa ospital.
b) sasabihin ko rin na hima ang trabaho ng asawa ko at kulang pa yong perang panggastos para sa pagkain namin.
3.) Kung gustong mag-absent sa trabaho ng asawa ko:
a) tatawag kami sa boss nya at sabihin na emergency dadalhin sa ospital si mader.
b) may importanteng meeting o pagtitipon-tipon na kinakailangang kasama ko sya sa school.
Sa totoo lang marami na rin akong nagawang kasinungalingan pero ginamit ko lang for reason sa aking palagay, kaya wala naman sigurong masama kong gawin to di ba? Katwiran ko isa rin sa pinakaimportanteng bagay sa buhay ng tao ang kasinungalingan, kung baga sa halaman kung gusto mong palakihin at mamulaklak at magkabunga kinakailangan bigyan mo ng Fertilizer. Kagaya rin ng tao kung gustong umasenso sa negosyo kinakailangan gamitin rin ang utak maging wise ika nga dahil kung hindi Tigok ka agad nyan. Pero bago mo gawin pag-isipan munang mabuti at pagtimbang-timbangin kung nararapat ba syang gawin na sana wag makaapak ng kapwa tao. :)
martiy_ph
04-11-2007, 07:14 AM
noong nasa Pilipinas pa ko kasama na sa trabaho ko ang pagsisinungaling. Kahit ayoko wla akong choice utos ng boss. Buti na lang wala na ko don.
chichai
04-11-2007, 09:43 PM
ako rin po hindi marunong magsinungaling kasi hindi ako makapag-eye to eye contact sa taong kausap ko kapag nagsinungaling ako. o kaya sige ako hagikgik kapag may sinasabi akong hindi totoo kaya nabubuking ako na nagsisinungaling ako. nung college days nga may card game na bluff, yung unahan makaubos ng cards tapos huhulihin kung sino ang nagsisinungaling... sus! lagi na lang ako talo! kasi lagi akong nahuhuli na bluff lang ang card na nilalapag ko kasi naman namumula ako sa kakapigil ko kakatawa... :D
chokulit
04-12-2007, 09:09 PM
Pasali po:)
Hindi ako marunong magsinungaling at ayokong magsinungaling dahil yan ang pinaka ayaw kong gawin din sa akin. Pero...pag di ako tinanong...di ko aaminin hehehe:D :oops: :O (kasinungalingan ba yun???:confused: )
aki^-^
04-20-2007, 08:11 PM
halata ako pagnagsisinungaling. ..kase natatawa ako eh..hehehhe:) :D
Inday_36
04-20-2007, 08:36 PM
madali akong mabuko pag nag-sisinungaling, kaya hanggat maari.. iwas ako sa mga kwentong walang kwenta.
kokorokara
04-22-2007, 03:54 PM
Ako,hindi ko rin masasabing magaling ako diyan pero minsan mayroon tayong sinasabing white lies,kung kinakailangan sa situation,huwag aminin kung makakasama sa kapwa,lalo na sa mga relasyon ng may relasyun.hindi nalang ako aamin,no comment nalang,iwas pusoy ba:rolleyes: ...hindi nga ako magaling diyan minsan nahuhuli rin ako sa sariling dila:p .
mOtt_erU
04-24-2007, 11:13 AM
Ako,hindi ko rin masasabing magaling ako diyan pero minsan mayroon tayong sinasabing white lies,kung kinakailangan sa situation.
i agree with kokorokara san...minsan pag hinihingi ng sitwasyon, eh pwede siguro yang white lies.........hetakus O ako magsinungaling...kay a ayOko nyan!...hehehe:D:p
Hindi po ako magaling nag sinungaling eh!!! buti magaling ako magasabi ng totoo, :D kaya pag once na nagsinungaling ako mahahalata agad ni hubby kasi di nagtutugma yung mga sinasabi ko..:p
la_tina512
05-01-2007, 08:46 PM
Hindi ako magaling dyan kasi nakatatak na sa isip ko ang sinungaling daw kakambal ng magnanakaw. Kaya mga close friends ko sinasabihan ko na huwag magkukuwento na mai-involve ako kasi pag may magtanong sa akin sasabihin ko totoo :D. Nong mag-start ako magbasa ng Bible I learned there's no such thing as a white lie. Pag nagsinungaling, sinungaling, kasalanan. My children learned from that. Hindi rin puwede alibi kasi when you make an alibi you tell a lie to avoid someone or a situation. Kaya pag may naghanap sa papa nila at natyempuhan na sila ang sumagot either sa door or sa phone at sasabihin ng papa nila, "wala kamo", dedma silang lahat, walang magre-respond sa kanya. Napipilitan syang harapin or sagutin kung sino man naghahanap sa kanya and the same goes with me. :)
japina
05-05-2007, 12:50 AM
naku pagsisinungaling, hindi ako magalaling mag sinungaling, kasi natatawa ako at hindi ako makatingin ng maayos.
sasuke
05-05-2007, 11:30 AM
i agree with kokorokara san...minsan pag hinihingi ng sitwasyon, eh pwede siguro yang white lies.........hetakus O ako magsinungaling...kay a ayOko nyan!...hehehe:D:p
I also agree with white lies:D .pano if tinanong ka ng wife mo if seksi siya.at hindi ka marunong magsinungaling?:roll eyes: ...about sa pagsisinungaling.di din ako magaling diyan.naalala ko tuloy nung bata ako.galit na galit nanay ko...sabi niya.pinakain mo ba ung aso kagabi???sagot ko..oo naman!..anong oo!e ayan ung pagkain nila o hindi naman nagalaw(nasa lababo pa)!!!!:eek: ..ung uncle ko I swear hindi marunong magsinungaling..nung 4th year ako tumakas ako madaling araw.sabi ko sa uncle ko wag mo sasabihin sa nanay ko ha.oo sabi niya..then paguwi ko maliwanag na..galit na galit nanay ko..saan daw ako galing..sabi ko hindi naman ako umalis ah!andito lang me sa bahay..anong hindi e umalis ka daw kagabi sabi uncle mo:eek: ..ask ko uncle ko...bakit mo naman sinabi..sagot niya..diko naman sinabi eh..NAGTANONG KASI kaya sinagot ko!arehhh:D
Inday_36
05-12-2007, 11:29 AM
ay basta ako hindi ako sinungaling, magaling lang akong magpalusot!:D
musikaghie
08-17-2007, 11:19 PM
ako magaling akong magsinungaling pero may mga dahilan kung bakit ako nagsisinungaling dahil para din sa aking kabutihan.no bodys perfect naman.tulad ni obachan di niya alam may anak ako sa pinas..pero alam ng asawa ko may anak ako.nilihim ko kay obachan kasi iba ugali niya and i feel na hindi nya ma accept talaga.sa akin nga lang halos di kami magkasundo at nag seselos sya lagi sa akin..pero time will come masasabi ko rin kay obachan na may trophy na ako sa pinas..:D
HI WILDFLOWER,
YES! TAMA KA,MAY MGA DAHILAN KUNG BAKIT MINSAN DAPAT TAYONG MAGSINUNGALING.(WHIT E LIES) AND I AGREE THAT NOBODY'S PERFECT!!!NA TOUCH AKO SA IYO KASI BEFORE DIN NA IKINASAL AKO SA ASAWA KO,MAY ANAK AKO SA PAGKADALAGA,THEN IPINAGTAPAT KO YUN AGAD SA ASAWA KO(THAT TIME BF KO NA SIYA) THEN IPINAKILALA NIYA AKO SA PARENTS AND SISTER NIYA, IPINAGTAPAT KO SA KANILA AGAD NA NAGKAANAK AKO SA PAGKADALAGA AT NALOKO LANG AKO NG PINOY KONG BF. NOON. NAUNAWAAN NILA AKO AT LAKING PASALAMAT KO DAHIL TANGGAP NILA ANG ANAK KO.
ANG POINT KO,DI KO KAYANG MAGSINUNGALING LALO NA BASTA SA PAMILYA KO,TANGGAPIN NILA AKO O HINDI WALA AKONG MAGAGAWA.
FOR ME,ALAM PALA NG ASAWA MO DI BA? MISKI SIGURO IPAGTAPAT MO SA KANILA ANG TOTOO NA MAY ANAK KA, I AM SURE MATATANGGAP NILA YON LIKE ME...
THE TRUTH WILL SET YOU FREE...
DI KAMI NAGKAANAK NG ASAWA KO KASI NAKUNAN AKO SA FIRST BABY NAMIN,KAYA YUNG ANAK KO NG NAGING PARANG TOTOONG APO NILA, AND SALAMAT TALAGA KAY LORD.. I M SURE SA CASE MO OKEY LANG MISKI MALAMAN NILA,KASI ANDIYAN NAMAN ANG ASAWA MO.
SENSIYA KA NA HA NAPAHABA ANG SULAT KO...THANKS....
Reiko
08-24-2007, 06:00 PM
Hindi ako magaling magsinungaling kase palagi akong nabubuking ng mga taong nakakakilala saken..
Same rin po tayo hindi ako magaling magsinungaling nabubuking din po nila ako...:D
wildflower
08-24-2007, 07:12 PM
HI WILDFLOWER,
YES! TAMA KA,MAY MGA DAHILAN KUNG BAKIT MINSAN DAPAT TAYONG MAGSINUNGALING.(WHIT E LIES) AND I AGREE THAT NOBODY'S PERFECT!!!NA TOUCH AKO SA IYO KASI BEFORE DIN NA IKINASAL AKO SA ASAWA KO,MAY ANAK AKO SA PAGKADALAGA,THEN IPINAGTAPAT KO YUN AGAD SA ASAWA KO(THAT TIME BF KO NA SIYA) THEN IPINAKILALA NIYA AKO SA PARENTS AND SISTER NIYA, IPINAGTAPAT KO SA KANILA AGAD NA NAGKAANAK AKO SA PAGKADALAGA AT NALOKO LANG AKO NG PINOY KONG BF. NOON. NAUNAWAAN NILA AKO AT LAKING PASALAMAT KO DAHIL TANGGAP NILA ANG ANAK KO.
ANG POINT KO,DI KO KAYANG MAGSINUNGALING LALO NA BASTA SA PAMILYA KO,TANGGAPIN NILA AKO O HINDI WALA AKONG MAGAGAWA.
FOR ME,ALAM PALA NG ASAWA MO DI BA? MISKI SIGURO IPAGTAPAT MO SA KANILA ANG TOTOO NA MAY ANAK KA, I AM SURE MATATANGGAP NILA YON LIKE ME...
THE TRUTH WILL SET YOU FREE...
DI KAMI NAGKAANAK NG ASAWA KO KASI NAKUNAN AKO SA FIRST BABY NAMIN,KAYA YUNG ANAK KO NG NAGING PARANG TOTOONG APO NILA, AND SALAMAT TALAGA KAY LORD.. I M SURE SA CASE MO OKEY LANG MISKI MALAMAN NILA,KASI ANDIYAN NAMAN ANG ASAWA MO.
SENSIYA KA NA HA NAPAHABA ANG SULAT KO...THANKS....
hello sayo musikaghie...buti kapa ambait ng parents ng hubby mo...time will come masasabi ko rin sa byenan ko..sana magka baby ka uli..thanks ha...:D
musikaghie
08-30-2007, 01:22 PM
Hi Wildflower,
Tama ka diyan dadating din yung time na yon at pray ko at sure ko na matatanggap nila yon...Yung totoo ang makakapagbigay ng laya at tahimik ng kalooban natin. OO wish ko din na magkababy pa ako pero medyo late na,kasi 43 na ako parang di ko na kaya...hahaha!!!
Saka isa pa wala ng lakas ang Tandang ko (si Hubby ko po) hehehe!!! Ang Inahin naman mahina na rin (ako po yon) hahaha!!!
Hay joke lang po,baka masita ako ng mga boss po ng Tf sorry po, nagbibiro lang po ako...
Pero totoong biro po iyon,Di ko po kayang magsinungaling...Muw ahhhh!!!:)
ANGELIKA22
08-30-2007, 01:26 PM
dati, malimit akong magsinungaling pero lagi naman akong nahuhuli:O
kaya nga ngayon kahit ikagalit pa ng hubby ko eh sinasabi ko na sa kanya bago ako mabuking :D
a_kiss
08-30-2007, 08:12 PM
Pag hinihingi ng pagkakataon nagagawa kong magsinungaling .tao lang po:)
shakey
09-07-2007, 07:54 AM
white lies:D pede pa
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.