PDA

View Full Version : problema sa biyenan


wildflower
03-08-2007, 09:46 PM
hello po sa inyo lahat mga ka tf..nakakahiya kaso wala ako magawa kasi kailangan ko na lumipat sa kabila bahay di ko na kasi kaya ugali ng byenan babae ko ini ijiwaru nya ako lagi kapapanganak ko lang po mag 3 months na baby ko..dami nya ng nagawa na di maganda sa akin kaya mas mabuti ako na ang lalayo may bakante kasi sila bahay sa harap maliit nga lang pero mas nakakabuti na yon kaysa magsama kami..dami kasi nya drama di naman totoo tulad na lang nawalan daw sya ng pera kahit ganito lang ako di ako nangunguha ng di sa akin kasi binibigyan nman ako ng asawa ko khit papano.alam nyo noon time na maglabor ako sa baby ko halos ayaw nya pa ako dalhin sa ospital kung di ako nagmamakaawa sa kanya grabe na paghihirap ng loob ko sa byenan ko mahilig sya gumawa ng kwento na di naman totoo sya kasi ang reyna sa bahay..di ako nakakagalaw ng mabuti dito bawat kilos nakabantay yan parang security guard..ginawa ko na ang lahat para magkasundo kami kaso walang epekto mas lalo lumala sya at dito sa bahay i have no freedom.pati baby ko kawawa dito lagi nya ako inaaway kasi maingay daw ang baby.alam nyo ako nagluluto dito sa bahay one time nagkasakit sya bigla pa naman nya ako pinagbintangan bakit daw sya nagkasakit ano daw nilagay ko sa pagkain mahilig talaga sya gumawa ng kwento kaya heto stress na stress ako :banghead: :banghead: :banghead: walang araw na di ako umiiyak dito:cry: :cry: :cry: :cry: asawa ko nman mamas boy lagi nya sinasabi magtiis lang daw ako kasi matanda na nanay nya malapit na daw mamatay yan lagi sinasabi..napapagod na ako sa nanay nya.ginagawa ko na ang lahat lahat para magkalapit kami..marunong naman ako makisama okey lang nga sa akin kahit kuripot sya sa pagkain khit di ko nakakain gusto ko at sa isang linggo isang beses lang ako makapag ufuro okey na yon matitiis ko basta sana kung mabait sya kaso sama ng ugali nya..kaya i decide na lilipat ako kaso wala akong gamit pang kusina sana mga ka tf kung may mga gamit kayo pang kusina na di nyo na nagagamit bigay nyo na lang sa akin kasi kaylangan ko talaga tulad ng rice cooker thermos at pang init ng ulam kahit luma na okey lang po sa akin basta may magagamit ako ayaw kasi ako ibili ng asawa ko may alowance ako kaso maliit lang pinapadala ko sa pinas kasi may anak ako doon at may sakit tatay sana may magbibigay sa akin dito..di ko na talaga kaya ugali ng byenan ko umiiyak ako habang sinusulat ko to..sa totoo lang dito lang sa tf lagi kong natatakbuhan pag may problema ako kasi wala akong friend dito sa place ko may mga filipina nasa kabila lugar.nagpapasalamat ako kasi may na me meet akong mga friend dito na tumutulong sa akin at nag aadvice...:cry: :cry: :cry: :cry: :cry: :cry: im very lonely here and not happy

seanty
03-09-2007, 12:47 AM
wildflower, medyo hinay-hinay. bagong panganak ka pa naman baka naman mapaano ka nyan.Isipin mo si baby, paano na si baby kung me mangyari sa iyo kaya medyo take a deep breath and relax a little. OK lang ba sa asawa mo na bumukod ka eh paano si baby?Baka mapaano si baby ikaw pa ang awayin ng asawa mo. Magkasama ba kayo na bubukod o kayo lang mag-ina?

Pasensya na ha at napakarami ko tanong. Minsan, me mga tao talaga na mahirap pakisamahan.Yung stress mo, napupunta yan ke baby kaya wag ka paapekto masyado sa byenan mo. Kung ano sabihin, wag mo intindihin. Wait ako sa reply mo ha, tpos PM mo ako ng details mo. tingnan ko kung ano maitutulong ko sa iyo. Ingatan mo si baby at ang sarili mo. Mabibinat ka pa nyan.Keep on praying. Mas malaki ang maitutulong ng prayers pra maging payapa ang pakiramdam mo.

Philipinessa
03-09-2007, 08:02 AM
wildflower tama si Seanty, hinay hinay ka lang ha kasi baka mabinat ka, kapapanganak mo pa lang...atsaka si baby grabe sobrang munti pa nyan..kung lilipat ka di ba, medyo malamig pa? naku ramdam na ramdam ko ang iyong stress dahil ang bienan ko eh ganan pero ang pagkakaiba natin eh nalaban ako kahit sabunutan pa..di ko naman sinasabi na labanan mo bienan mo ha? iba-iba kasi tayo ng sitwasyon...

nag-aalala ako sayo bigla kasi kapapanganak mo pa nga lang...sana maka-usap mo ng maayos ang asawa mo...i will pray for you at iintayin ko ang update mo kung talagang bumukod ka na para malaman ko kung ano ang aking maitutulong sa iyo...

nakalipat ka na ba ngayon?

please try to cheer up a lil`...

miyuki
03-09-2007, 08:08 AM
:halo: hello wildflower san... good morning.... alam mo nung nabasa ko ang thread mo naisip ko na maswerte na rin pala ako. kahit na futsu lang si hubby mababait ang mga byenan ko.kaya naisip ko kahit na maliit na bagay ay magbibigay ako ng tulong sayo , alam kong maraming mga kaTF d2 na may magandang puso na handang tumulong din sayo. wag ka lang masyado ma stress kasi kung breastfeed ka ang stress mo ay napupunta sa anak mo at magiging irritable at iyakin ang baby kaya ikaw din ang mahihirapan. tama na bumukod ka na lang kasi sa ugali ng byenan mo mukhang hindi na talaga kayo magkakasundo lalo kung araw araw kayo magkakasagutan mas lalo kayong malalayo sa isat isa.at ang malas mo lang ay nakatagpo ka ng hubby na mama's boy na hindi nya kayo kayang ipaglaban sa ginagawa ng nanay nya. naisip din nya siguro na matanda na at kawawa naman .may nabanggit ka nga din pala sa akin na may tumubong bukol sa muka ng baby mo... ano ba yan!? :cry: kasi tinitipid kayo ng gas ng oba nyo.manipis pa kasi ang ugat sa pisngi ni baby baka kaya may tumubo na bukol... dapat din kasi nilalagyan ng lotion ang pisngi at balat ng baby kasi magbibitakbitak yan sa lamig.ingat na lang lagi at MAY GOD BLESS U and baby.:halo:

lalen16loves
03-09-2007, 08:16 AM
medyo natawa ako sa post mo na need mo ang pangkusinang gamit............... joke lang..........marami nang kwentong ganyan tungkol sa biyanan...........an g pinakaproblema mo dyan ang asawa mo..kasi sabi mo nga mamas boy sya...........wala kang magagawa kundi ang magbingibingihan ka nalang sa pinagsasabi ng biyanan mo...........yan ay kung hindi ka lalaban.........mara mi akong mga kaibigang ganyan sayo........mamas boy din ang mga asawa nila...........walan g magawa ang asawa kasi sunud-sunuran sa mga nanay nila........kaya ang ginawa ng mga pinay,,nilabanan ang mga biyanan..........ayu n , nagsitino sila.........kasi hanggat hindi ka umiimik at nakikita ka nilang talo,,lalo kang aasarin nyang byanan mo..........magluto ka ng para sayo lang,,,kahit magalit pa sya.....sabihin mo baka magkasakit kamo sya kung kakainin nya ang luto mo........wag kang papatalo sa asar mo sa kanya............... at kung naiingayan syasa baby mo ,,,,lalo kang mag-ingay.........kung ano ang ayaw nya,,,,,mas yun ang gawin mo...........ewan ko lang kung sino angsusuko sa inyo.............at kung kakampihan pa ng asawa mo ang nanay nya,,,kasi hindi talaga mawawala yan at nanay nya yan,,,,,,pareho silang pagbubulyawan mo...............aba 'y kawawa ka naman kung hindi ka lalaban............. ...basta kumain ka ng kumain dahil nasa stage ka pa ng nagbabawi palang ng lakas sa pagkapanganak....... ...at gawin mong kasiyahan ang baby mo.............sana magkaayos kayong lahat...........kaus apin mo ang mister mo na kung pwede mag-apartment nalang kayo,,,,hanggat hindi mo pa nababastos ang biyanan mo.................. kg ayaw nya nanmang pumayag,,,,magtiis ka muna ng kaunti at pag medyo lumaki-laki ang konte,,lumabas labas ka dyan w/ your friends............. para bawas stress.............. ...magbingibingihan ka nalang muna at sanayin ang sarili mong ganyan talaga sya................. kahit nag-iingay sya dyan,,,tawanan mo nalang sya..........basta alagaan mong maayos si baby at wag mong pababayaan ang sarili mo...............GOD BLESS........

miyuki
03-09-2007, 09:41 AM
bakit kaya nakailaw si friend pero d nasagot.. naghahakot na siguro....:rolleyes: :scratch:

emyken1423
03-09-2007, 10:17 AM
wow grabeee....kaya nga ba ako nung nagkakilala kami ni mister ko kaagad kong tinanong kung buhay pa mga parents niya sabi niya wala na daw matagal.......ayun nung nalaman ko ako na ang naligaw sa kanya......kasi eversince nasa isip ko lagi ayoko ng may biyenan dahil mamay kagaya ng lola ko .......kasi ganyan din ginawa niya sa mama ko halos pareho sayo wildflower....ayaw naman nila sa mama ko kasi mahirap lang siya.......yung father ko naman mama's boy siguro baka super pa diyan sa asawa mo.....pero ang nanay ko di siya lumaban kasi mahal na mahal niya ang father ko ......lahat tiniis niya para sa amin saka para na rin sa tatay ko....alam mo ba nung pinanganak ng nanay ko yung pinakabunso namin......naku pinatulog ng lola ko sa may dirty kitchen tapos umuulan pa...sa galit namin magkakapatid sa lola ko ....di kami natulog sa house niya .....sinamahan namin nanay ko.......atsaka baka mas malala pa ang lola ko...may house kami dati .....pinabenta niya kesyo matanda na raw saka pupunta daw sila sa amerika wala daw magbabantay sa bahay nila...ito namang tatay ko ayun sumunod sa lola ko binenta nga yung house namin.....para lang pala gawin niyang katulong ang nanay ko.....grabee talaga sila.....masyadong matapobre........per o ngayon dahil medyo naka angat ako...ayun sinoli ko na yung tatay ko sa lola ko...........kaya kung ako saiyo medyo konting tiis pa kailangan mo iyan para sa anak mo ........o kaya naman try mo munang umuwi sa pinas ....kahit ano mag alibi ka na lang sa asawa mo......tapos iwan mo na lang sa pinas ang baby mo ...balik ka sa japan para makapag trabaho ka....at the same time mabigyan mo ng suporta family mo sa pinas.......saka mag ipon-ipon ka na rin....saka pag nag trabaho ka medyo dina kayao gaanong magkikita ng biyenan mo.........kayang-kaya mong gawin yan basta lagi mo lang panghawakan yung pagmamahal mo sa asawa mo saka sa mga anak mo.............saka mag pray ka lang lagi ....pag nanghihina ka humugot ka lang ng lakas sa kanya.....di kanya pababayaan....gambat te ne......hala sensya na po napahaba......sorry po....

tokyoboi2
03-09-2007, 10:31 AM
pinakamahirap talagang makisama sa mga byanan. Mabait dn mga beyanan ko pero d parin ako kampante na magkakasama kami sa iisang bubong hanggat malalakas pa sila. Ok lang siguro pag kelangan na talagang alagaan sila, for this time, d talaga magnda na magkakasama sa iisang bubong. D maiwasan dyan yong nakikita nila lahat ng galaw mo, parang bilang lagi ang mga hakbang mo.
Kung d ka kayang ibukod ng asawa mo sabihan mo na lang sya na uwi na kayo ng Pinas at d mo na kayang makisama sa mga in-laws mo. Ama sya dapat itayo nya ang resposibilidad bilang ama at bumuo sya ang isang pamilya na hindi inaasa sa mga magulang. Apektado ka pati na ang anak mo, like they said, nakukuha nya yong stress mo kaya panay dn ang iyak nya.
Try your best na makabukod para magkaroon ka rin ng privacy as a mother and as a wife. Challenge your husband to be responsible father and head of the family...

Tarena314
03-09-2007, 11:20 AM
Hindi nga maganda yang sitwasyon mo..,alam ko ang nararamdaman mo..,talo ka talaga dyan kase nasa poder ka nila..,at isa pa hindi tayo ka lahi nila..,sa buhay ngayon ay hindi na uso ang tiis..,depende sa mga bagay na dapat nating pagtiisan..,ang alam ko bilang magulang o isang byenan ay dapat sila ang umaalalay sa sitwasyon ng mga anak..,hindi sila pa yong magbibigay ng sama ng loob..,sa sitwasyon mo ngayon dapat hindi ganon ang inaasta nya sayo..,kung ako ang nasa sitwasyon mo ito ang gagawin ko..,kakausapin ko ang asawa ko ng isang tanong isang sagot..,kung walang malinaw na sagot ay ako na ang bahalang mag isip kung ano ang makapagpapaginhawa sa kalooban ko..,pero hindi ko sya aawayin at hindi rin ako magsasalita ng ano mang masasakit na salita sa byenan ko..,kase masama talaga ang lumalaban sa matatanda..,may mga paraan pa para makaraos sa problema..,Nabanggit mo na may bakante pang bahay ang byenan mo ..,ang ibig mo bang sabihin ay paupahan nilang apartment?? at kung sakali bang ikaw ay lumipat sa palagay mo ba walang magiging problema..,?kung napagkasunduan nyo ng asawa mo ay ok lang yon..,baka mamaya nyan ay lalong maging problema yan at pagbayarin ka pa buwan -buwan..,paano na yun..,? at kung hindi ka tulungan ng asawa mo kase sabi mo mamas boy..,ibig sabihin non sunod lang yun sa sasabihin ng nanay nya..,mahirap di ba..,? baka sa huli lumipat kana naman sa bahay ng byenan mo..,eh di kinain mo lang yung mga sinabi mo at nilunok mo lang ang pride mo..,timbangin mong lahat ang mga bagay -bagay.., bago ka mag final desisyon..,
Goodluck and Godbless..,:(

wildflower
03-09-2007, 12:30 PM
hello sa inyo mga ka tf maraming salamat sa advice nyo..na e open ko to kasi sobrang tortured n ng mind ko araw2x ng aking buhay...may bakanteng bahay sa kabila maliit sya bago ako pumunta dito pinagawa yan para sa anak ko sa pinas kasi kukunin nya at ibibigay yan maliit na bahay sa anak ko kaso ayaw ko kunin anak ko kawawa lang sya dito mabuti na yong sa pinas sya at may freedom sya doon...etong bahay na tinirhan ko sa asawa ko rin ito...sya rin lahat nagbabayad dito kaso nga lang yong nanay nya lahat nasusunod.paglumalab as nga kami inoorasan pa kami hindi rin ako basta nakakapamasyal kasama friend ko kasi nagagalit yan byenan ko paglalabas ako sasama sa friend..kung lalabas man ako kasama ng friend inoorasan ako kaya gusto ko talaga lumipat sa kabila at list doon may peace of mind ako..paglumipat ako pansamantalang doon muna ako kakain sa kabilang bahay kasi wala talaga gamit doon sa kabila
kaya medyo mahirapan din ako about na man sa pag aalaga ng bata marunong na ako kasi may anak ako sa pinas..naalagaan ko nga mag isa yon anak ko sa pinas.kung magkasama kami ng byenan ko di rin naman sya nakakatulong sa akin nadagdagan lang stress ko at pati si baby pag umiiyak nagagalit sya..kaya desisyon ko na lilipat na. ako ng mag give way kasi pagtumagal ako dito na kasama sya baka magkakasakit ako sa puso sa sobrang depress atlist doon kahit maliit basta may freedom and peace of mind okey na yon at pati si baby magiging happy din..di tulad dito pati bata na e stress din mga ka tf marami salamat sa inyo kayo lang nagpapasaya at nagbibigay lakas ng loob sa akin.kaya tong computer ko pinaglaban ko to sa byenan ko ayaw nya ako pagamitin kc magastos daw sa kuryente kaya inaway ko sya talaga kasi etong computer karugtong to ng buhay at lalo na ang tf importante sa akin sa araw araw...maraming salamat sa inyo mga ka tf....

ICHIBAN08
03-09-2007, 07:10 PM
sang ayon ako sayo @tokyoboi2 san:yesyes: ...ganyan din ang byenan ko mababait din sila talaga at minsna nagiging over ang kabaitan...pero ang makasama sila sa iisang bubong e hindi rin ako kampante...kaya salamat naman sa asawa ko at alam niya ang kimochi ko pag nakasama namin ang mga magulang niya sa iisang bubong...alam niyang mai-stress talaga:O ....

hi sayo @wildflower san!:) ....ganun talaga nagkataon na naging mama's boy asawa mo at nakasama nyo pa sa bahay ang mga byenan mo na talagang nagpapa stress sayo ng sobra....di ba mahal mo asawa mo? kaya nga pinakasalan mo siya kaya sa hirap at ginhawa dapat magsama kayo....kung hirap ka makisama sa byenan mo e tiis na lang muna at gaya ng mga payo sayo ng mga kapatid natin dito sa tf na minsan magpakita ka rin ng konting paglaban pag alam mo na naaagrabyado ka na...yung alam mong nasa tama ka...wag ka nga lang masyadong lalampas....mabait ka kasi kaya ayun ginagawa ng byenan mo ang asal kaya sis paglaban mo naman sarili mo....ok

bUsHi_HimE05
03-22-2007, 10:09 PM
comment ako pero tom nalang! dito inlaws ko eh! dpat nga ako rin po-post tungkol dyan sa mga "crazy inlaws" natin eh buti nkapag-post kana! alm mo medyo matindi lng ng konti yang problema mo sa byanan mo ako nga grabe din nraranasan ko dito.....



to be continued.......



sensya na dala na ng sobrang stressed to.....bukas ko nlng tutuloy mga ilalabas ng sama ng loob ko!

la_tina512
03-22-2007, 10:43 PM
tama yan lipat ka na lang sa kabilang bahay at baka mabinat ka pa sa ginagawa ng biyenan mo sa 'yo. hindi lang 'yon para iwas ka na rin at baka hindi ka makatiis mapatulan mo magkasala ka pa. kawawa pati ang baby ngayon pa lang hindi na maganda ang nararamdaman. makakaapekto sa magiging character ng anak mo kung ganyang klase ng lola ang makakalakihan nya. hay naku! ganyan din ang problema ng isang kakilala rin namin. walang ginawa kundi umiyak dahil sa biyenan. hindi naman puwede na magtiis ka na lang kung may magagawa kang paraan. kung malapit ka lang tinulungan na kitang maghakot.

sharpener
03-23-2007, 07:58 AM
ilan taon na ba byenan mo?
kailangan yata jan sinisindak na

aj_4983
04-13-2007, 12:25 PM
ilan taon na ba byenan mo?
kailangan yata jan sinisindak na

hi...
Well gnyan ang ginawa ko s tatay ng mahal ko.
Actually mabait s akin tatay niya, nung una allowed png matulog dito s s bahay, yun kasi pakiusap ng mahal ko. Mag-isa lng kc s bahay ung matanda, kaawa nmn kya kya pumyag n din ako.Pag andito sya s haus asikasong-asikaso ko sya. Kya pag dito sya matutulog magdadala sya ng fruits, bread, etc. O kya pag dadalaw kmi ng mahal ko s haus ng tatay nya pag-uwi nmin pinababaunan kmi ng cake o kya juices. Sabi ko nga s mahal ko minsan aalagaan ko tatay mo, pakikisamahan kya dapat mahalin k nya, wag ko lng makitang ginagago k niya dahil magaglit ako.Pansin ko n kc nung una p lng n mejo me "ugali" ung tatay niya. Yung asawa ko lng kc ang dumadalaw s haus ng tatay niya 3 times a week, at allowed n matulog dito s haus. Yung ibang kptid niya di un ginagawa. Kya sabi ko iba ka kya dapat mahalin k ng tatay mo.
Madalas sabihin ng tatay nya n mabait daw ako pero ang lagi kong sagot un ang akala niyo pero d po ako mabait. kasi pag mabait ang tao ginagago. Den tatawa ung tatay niya. Ilang beses ko din pinapakita s tatay ng mahal ko ang pagtatalo nming mag-asawa. Pag galit ako galit ako. Wla akong pakialam kung andyan ung tatay niya. Gusto ko makita ng tatay niya n di ako basta-basta. Hanggang s dumating yung mga bagay n nagpabago s lhat. Ngaun di n allowed n magpunta dito tatay niya kc naiinis ako. Nung nagka-prob kc mahal ko di sya tinulungan ng tatay niya, tapos napansin ko p n dati maaus siyang kausap sa harap ko at ng asawa ko pero nagbago, sinasabihan b nmn niya asawa ko n "omae wa baka ka" etc. Nakakapintig ng tenga di b? Kya nung pumunta dito tatay niya at nagkataon n mejo d kmi ok ng lablab ko ayun nagwala me gulat nga tatay niya eh, Kya ilag n un s akin ngaun. D p din at ease ang feelings ko kya di p kmi ulit dumadalaw s tatay niya, siguro 5 months n.

Kya WILDFLOWER,ok lng n magtiis pero remember not all the time. Kung merong dapat n tumulong sayo yun ay ang aswa mo. If he cares for you pati n rin s baby niyo sya dapat ang gumawa ng move kung pano ka magkakaroon ng privacy at peace of mind. Tandaan mo n kasal ka sa anak niya, siya ang asawa mo at hindi ang nanay niya. Kya wla siyang karapatan n tratuhin k ng ganyan. Pinamihasa mo siguro kya gnyan sya sau.
Pag-usapan nyong mag-asawa yan, wag kng payag n ganyan ang maging set-up. U and ur baby ang magiging kawawa.

take care...

CooL^MoM^
04-13-2007, 12:58 PM
if i wer u... lilipat ako kesa namn mastress ako...mahirap yata ma stress naku.... basta kausapin mo na lang asawa mo na gusto mo lumipat and i know maiintindihan ka naman nya... ipriority mo muna baby mo at asawa mo...wag mong intindihin muna byenan mo dahil mukhang may ATTITUDE problem sya... relax dear... wag kang magpaapekto ha...kapapanganak mo pa lang mahirap yung madaming iniisip nakakalagas ng buhok yan...haaaayyy...

mai
04-13-2007, 07:16 PM
hello wildflower,

sa nagano ka pala.. halimbawa may gusto akong ishare sau na kaldero at sandok paano ko namn ipapadala sa inyo?

manawagan ka uli sa ka tf natin , baka may malapit sa lugar mo at may mai-share sau na gamit pang kusina.

tungkol naman sa byenan mo.. kung talagang nagawa mo na lahat para magkasundo kayo, at meron naman ikaw na malilipatan , tama na nga siguro na lumipat na ikaw... sa paglipat mo ba kasama mo ring lilipat si husband mo?

complicated pero iwasan mo na ma-stress at baka lalo kang maupset at matuloy sa depression. pati si baby mo apektado. pati narin health mo:)

pray a lot at kausapin mo paulit ulit si husband mo, baka sakaling maintindihan nya yung sitwasyon mo..

gambatte ne~