PDA

View Full Version : pros and cons ng kei-car?

disney
03-09-2007, 09:08 AM
hello po sa lahat!

gusto ko lang po malaman kung anu-ano ang pros and cons ng kuruma with yellow plate numbers, k po ba yung tawag dun? kasi po tinanong ko hubby ko sabi nya mas mura daw kapag k ang kuruma, ask ko naman sya bakit hindi na lang sya mag k ng kuruma, nginitian lang ako:confused:

miyuki
03-09-2007, 09:27 AM
:p si hubby ko mahilig sa yellow plate na kuruma. maliit daw kasi ang engene noon at d2 daw sa japan lagi may speed limit kaya no need daw nya ang malaking engene dahil city driving lang naman daw. pag daw maliit ang engene matipid din daw sa gasolina ... hindi din daw nya need ang malaking kuruma dahil madalas na sya lang naman mag-isa ang nakasakay.kung kasama man kami ni baby pang apatan ang car na gamit namin eh 3 lang kami eh d sobra pa ng 1 seat.saka marami daw na makitid na kalsada d2 kaya if maliit lang na car di problema . pag daw yellow plate mura din daw sa insurance at registration ... matipid kasi ung hubby ko at practical . ung expenses ng 1 car na may white plate katumbas na ng 2 naming car na yellow plate tig isa pa kami .;)

disney
03-09-2007, 09:40 AM

thanks miyuki san:) mura nga daw sa lahat ang k na kuruma, gas, rehistro at insurance.

meron din kasing maliliit na kuruma pero white plate number, sa engine lang kaya may pagkakaiba? wala kasi ako alam sa kuruma...:D

miyuki
03-09-2007, 09:57 AM
thanks miyuki san:) mura nga daw sa lahat ang k na kuruma, gas, rehistro at insurance.

meron din kasing maliliit na kuruma pero white plate number, sa engine lang kaya may pagkakaiba? wala kasi ako alam sa kuruma...:D
oo .... pag 1300 yata ba yun hehehe pataas ang engene capacity white plate na...medyo magastos sa gas kasi lalo na ung mga 2000 pataas... kamuka ng mga aeras estima at mga crown , honda na sports .. ang reason kasi ng hubby ko kung saan sya lagi nakakatipid hehehe...(d ba taga cabanatuan ka din? me too... sori OT....)

Dax
03-09-2007, 10:33 AM
gusto ko lang po malaman kung anu-ano ang pros and cons ng kuruma with yellow plate numbers, k po ba yung tawag dun?Pasingit lang disney san. May gusto lang ako linawin iyong tungkol sa "k" na sabi ng husband mo. Ito ay "kei", short for "kei-jidousha" (軽自動車) o kung sa English daw ay light car/vehicle or mini car/vehicle, according to Space Alc (http://www2.alc.co.jp/ejr/index.php?word_in=%8 Cy%8E%A9%93%AE%8E%D4&word_in2=%82%A9%82%A B%82%AD%82%AF%82%B1&word_in3=PVawEWi72JX CKoa0Je) online dictionary. Yun lang naman. :)

tokyoboi2
03-09-2007, 10:54 AM
butt in lang....kung wala pa kayong anak, mas maganda ang kei kuruma, mas matipid nga at mura ang bayarin, pero pag mahilig kayong mag out of town at may mga anak na kayo, mas comfortable dn yong white plate, mas malaking kuruma at engine, mas mabilis.
Depende siguro sa need ng family. Sa amin, may kei at meron white plate para sa long distance travel or out of town kami.

disney
03-09-2007, 11:18 AM
Pasingit lang disney san. May gusto lang ako linawin iyong tungkol sa "k" na sabi ng husband mo. Ito ay "kei", short for "kei-jidousha" (軽自動車) o kung sa English daw ay light car/vehicle or mini car/vehicle, according to Space Alc (http://www2.alc.co.jp/ejr/index.php?word_in=%8 Cy%8E%A9%93%AE%8E%D4&word_in2=%82%A9%82%A B%82%AD%82%AF%82%B1&word_in3=PVawEWi72JX CKoa0Je) online dictionary. Yun lang naman. :)

@ Sir Dax, thanks po, un pala ibig sabihin ng "k" :D "kei" pala sya...nadagdagan na naman japanese vocabulary ko:)

oo .... pag 1300 yata ba yun hehehe pataas ang engene capacity white plate na...medyo magastos sa gas kasi lalo na ung mga 2000 pataas... kamuka ng mga aeras estima at mga crown , honda na sports .. ang reason kasi ng hubby ko kung saan sya lagi nakakatipid hehehe...(d ba taga cabanatuan ka din? me too... sori OT....)

thnkas sa info:) yup, [cabanatuan po ako, san ka dun?]

butt in lang....kung wala pa kayong anak, mas maganda ang kei kuruma, mas matipid nga at mura ang bayarin, pero pag mahilig kayong mag out of town at may mga anak na kayo, mas comfortable dn yong white plate, mas malaking kuruma at engine, mas mabilis.
Depende siguro sa need ng family. Sa amin, may kei at meron white plate para sa long distance travel or out of town kami.

thanks tokyoboi, balak ko kasi makipag debate sa husband ko kasi yun kuruma nya white plate yun daw bibilhin nya para sakin e kei lang:D now alam ko na...:)

docomo
03-09-2007, 12:29 PM
Depende siguro sa need ng family. Sa amin, may kei at meron white plate para sa long distance travel or out of town kami.

tama ito.. depende sa need ...
mura lang ang insurance na binabayaran pag yellow plate .. at makakamura ka naman sa gas pag kei-jidousha ang hawak mo .. yan na ang alam kong pinaka importanteng rason .:)

disney
03-09-2007, 05:43 PM

hi doc!:)

thanks sa info:D

summergirl
03-09-2007, 06:03 PM
Yah mura ang lahat sa kei,shaken,taxes,gas etc.Ang disadvantage lang pag trak na ang nasa tabi mo talagang namang umaalog kahit sabihin mo pang brand new mo syang binili..At talagang konting bangga lang kupi na.Hindi kagaya ng hindi kei,matigas ang kaha...Kung dyan dyan ka lang naman,,if i where you kei na lang din ako.Kei rin ako kaya lang hindi automatic,Medyo nakakatamad dahil galaw ng galaw ang kamay mo kaya lang mas matibay daw ang engine ng gear..

bilog1@mie
03-10-2007, 10:09 AM
disney,

naka-decide ka na? yellow ang plaka ng anumang sasakyan kung ang engine displacement nito ay HINDI lalampas ng 660 cc.

mapapansin mo ang mini cooper ng England maliit din pero puti ang plaka, dahil sa ang mga makina nito ay nagsisimula sa 1,000 cc. ~ pataas.

kung ang kei... na naisip mo ay turbo, ang gasoline consumption nito ay katulad din ng mini-cooper o honda civic na 1300 cc. (non-turbo), based on my personal and friends experience. kaya kung mahalaga sa iyo ang makatipid sa gasolina, non-turbo ang pansinin mo.

ang presyo ng shaken, insurance, road tax, atbp. ay may malaking kinalaman sa laki o liit ng makina ng sasakyan, at karamihan ito ang konsiderasyon sa pagpili ng kei-kuruma.

pero, sa mga masisikip na lugar at problema ang espasyo -- ito ang nagiging importanteng batayan sa pagbili.

ano't-anuman, mag-ingat sa pagmamaneho ha? :)

disney
03-10-2007, 07:03 PM
thanks sa pag share summergirl san and bilog san:)