PDA

View Full Version : nahihiya dahil sa kapwa pinoy


louvette_15
03-11-2007, 02:53 AM
hello mga ka tf!!

bakit karamihan ng mga pinoy na nakikilala ko ay masyadong palaban na akala mo palaging inaaway o inaapi? may kasamahan ako sa work na mag asawang pinoy. halos lahat yata ng nihonjin na co-workers namin ay kagalit nila.

urusai nga naman yong mga obasan na nihonjin. pero mostly naman sa kanila ganun dahil tinuturo nila ang tamang yarikatta ng work. pero itong kasamahan kung mag asawa, palaging nag mamarunong kasi itinuro na daw ng lider sa kanila bakit pa ituturo ng mga obasan. sinabihan ko na sila na mga bago ang mga lider at ang mga obasan ay tumanda na sa trabahong iyon kayat may mas alam sila sa yarikatta ng work. aba, ayaw makinig sa mga obasan at naninigaw pa. konting kibot lang sumbong agad sa management kasi daw ini-ijimeru sila.minsan pa nga hindi nila sinasabi ang totoo. alam ko sitwasyon pero hindi ako pwede makisali kaya ang nangyayari ako yong nahihiya sa mga nihonjin dahil sa kanila. ang nangyari tuloy, halos lahat nng nihonjin co-workers namin kagalit nila o ayaw sa kanila. naranasan ko rin naman nararanasan nila pero naging humble ako noon at ang nangyari ay na gain ko respect ng lahat ng nihonjin sa factory. halos lahat ng work sa ibat ibang department kaya ko gawin dahil sa itinuro nila sa akin. ngayon, na stress ako kasi syempre nakikipag kwentuhan yong mga nihonjin sa akin tapus pag nakita ako nitong mag asawa ay tinuturing din akong kaaway. eh bago pa sila dumating sa factory, kaibigan ko na yong mga obasan. sinasabi nila lahat daw ng nihonjin obasan ay mga tsismosa. lagi ako tinatanong kung ano na naman daw pinag titsismisan namin. samantalang, kapag ako kaharap ng mga obasan ay hindi nila binabanggit yong mag asawang iyon.

Stacie Fil
03-11-2007, 03:17 AM
Mukhang nahihirapan ka sa sitwasyon mo na parang nasa pagitan nang naguumpugang bato. Mahirap din namang mag stay in gray line o pumanig sa kahit sino.

Guess if it happen in my case, I'll just try to be true to myself and be fare to everyone.

Perhaps I'll just talk openly to my kabayan, tell them na; I have no grudge against them, but in fairness, this is what I see... Not taking side to obachans, but if they have patience, they might gain the same respect you got after some adjustment and humility. Honestly speaking, its not really easy to be fully accepted, as a gaikuko jin, amongs the mids of Japanese.

Or in the other hand, just smile and tell obachans to have patience to a newbie.:D


:)

sharpener
03-11-2007, 05:01 AM
bakit nga naman itinuro na ng lider e ituturo pa ng mga obasan
sino ba talaga dapat sundin yung lider o mga obasan
palagay ko shikarishiteru na ang magasawa na iyon...palaban na sila
yaan mo lang sila, diskarte nila yun
pag di sila nakatagal...e de resign ...hehehe...hanap uli ng ibang trabaho
pag napansn nilang nakakarami na sila at di sila nagtatagal sa iisang trabaho
saka pa lang sila matututong makisama at sumabay sa agos

mrs-mymelo
03-11-2007, 08:39 AM
Louvette_15 san

parang nahirapan ka sa pakikisama ng kapwa mo kaysa trabaho mo ah.
Never mind anyone exept your work.Basta wala kang ginawang masama
sa kanila,.yakimochi lang 'yan.
Hayaan mo sila..Nagpunta ka ng kaisha to work di ba?
May mga ganyang uri ng tao talaga everywhere..mapa Hapon o kapwa natin.
Pangit sa tao 'yong nag iisip ng masama sa kapwa..Ba't sila ganyan?:(
Pray for them na lang..
:)

honey
03-11-2007, 09:44 AM
Baka naman nakulitan yung kasamahan mong filipino louvette_15 itinuro na nga ng lider may mag-aastang mas marunong pa baka ganun:confused: siguro na misinterpret lang nila akala kinakalaban na sila ng mga katrabaho sa atin kasi sa pinas kapag nagtanong ka dun ka lang sasagutin dito kasi iba naman e mga hapon yan e hindi pinoy.Pabayaan mo lang yung mga pinoy wag na wag ka sasabat tuloy mo lang pakikipag kaibigan sa mga katrabaho mo pantay pantay:) .

Tarena314
03-11-2007, 11:14 AM
naku..,!louvette chan..,parang kilala ko yang sinasabi mong mag asawa..,sana mali ako ng hinala..,halos magkalapit lang tayo ng lugar..,matagal na ba sila dyan sa kaisya mo..,?kung sila nga yong sinasabi ko ugali nilang mag asawa yan..,marami na silang napasukang kaisya at wala silang tagalan..,sana hindi sila..,kawawa naman kung hindi sila magbabago..,ingat ka lang hindi lang yan ang kanilang gawain ..,marami.., baka mabiktima ka pa sa kanilang ibang modos operandi..,:(

katty0531
03-11-2007, 12:51 PM
Palagay ko ganyan talaga pag ang nature ng trabaho tulad ng sa supermarket,factory, obentoya san, hindi lang kasi sa trabaho ka dapat magaling dyan dapat magaling ka rin makipag "sukiai" makipag kapwa tao, maki bagay sa mga co-wokers mo na nagkataong mga obachan, iba iba ang tao syempre yang mga obachan na yan "furui kangaekatta" pa, panahon pa ng gyera yong iba, kaya "uzai" urusai ang dating nila.Yong friend ko nga eh, sa supermarket naman sya, minsan pag sinusundo sya ng asawa nya na nagkataong mas matangkad sa kanya, maliit kasi friend ko, sabi ba naman ng mga kasama nya sa work, 'yan ang asawa nya? ang tangkad naman tapos sya maliit, pano kaya yong lovemaking nila? Oh MY! bigla yong friend ko, buti nalang mabait sa kanya yong tenchu, kaya ayon gambatteru pa rin sya don.

tokyoboi2
03-11-2007, 02:19 PM
Palagay ko ganyan talaga pag ang nature ng trabaho tulad ng sa supermarket,factory, obentoya san, hindi lang kasi sa trabaho ka dapat magaling dyan dapat magaling ka rin makipag "sukiai" makipag kapwa tao, maki bagay sa mga co-wokers mo na nagkataong mga obachan, iba iba ang tao syempre yang mga obachan na yan "furui kangaekatta" pa, panahon pa ng gyera yong iba, kaya "uzai" urusai ang dating nila.Yong friend ko nga eh, sa supermarket naman sya, minsan pag sinusundo sya ng asawa nya na nagkataong mas matangkad sa kanya, maliit kasi friend ko, sabi ba naman ng mga kasama nya sa work, 'yan ang asawa nya? ang tangkad naman tapos sya maliit, pano kaya yong lovemaking nila? Oh MY! bigla yong friend ko, buti nalang mabait sa kanya yong tenchu, kaya ayon gambatteru pa rin sya don.
Hindi maiwasan ang ganyan lalo maraming worker mapa pinoy or japanese. Pero tayo rin natututo sa mga d magandang ugali ng mga katrabaho natin. Iba iba ang upbringing natin kaya hindi maiwasan ang iba ibang pag uugali. Let's take it positively na sana huwag nating magawa sa iba yong maling nagawa na nakita natin.

ICHIBAN08
03-11-2007, 04:24 PM
bakit ngaba may mga pinoy na ganyan? sila na nga ang dayuhan dito e hindi pa sila makisama sa mga japanese...kung nakukulitan magtimpi na lang at sumang ayon na lang sa turo ng mga obachan di ba? "hai" na lang ng "hai"...baka naman kaya inuulit ng mga obachan na yun e may mali silang nakikita sa pagtatrabaho ng mag asawang yun?:confused: ...sana matuto silang magpakumbaba :( ...

summergirl
03-11-2007, 11:37 PM
minsan ganon ang makakasamang pilipino sa trabaho,hindi lahat ito ganon,pero pag nag-tagal-tagal siga-siga na.kahit tinuro mo lahat ng alam mo sa kanila after that masama ka pa,If i were you hindi ko na lang sila papansinin..Mahirap na ,baka ikaw pa ang lumabas na masama.Minsan masarap pang hapon ang kasama mo eh..buti na lang puro hapon ang kasama ko sa trabaho.Kung ganyan naman ang makakasama mo,mabuti pa minsan na mag-isa ka sa buhay..HINDI KO NILALAHAT ITO HUH>>

shinshinobi
03-12-2007, 09:07 PM
parang kilala ko yata yang mag asawang yan ah....

louvette_15
03-14-2007, 06:06 AM
thanks sa mga nag reply.

update ko po kayo sa ngyari today. apektado na po trabaho naming lahat dahil sa babae. pag kasi ilalagay sya sa pwesto na nandun yong obasan ay nag wowalk out po.palage po etong nangyayari, so today inilipat na po si babae sa department na hindi talaga sakop ng obasan. nagkulang ngayon ako ng member at ipinalit si lalaki. ngayon, ako naman po yong apektado kasi naiba na work ko dahil ibinigay na sa lalaki. pero support naman ako sa kanya kaso sarili nyang yarikatta ginagawa tuloy tumatagal work at nagtatambak kami dahil mabagal pa sya. tinuro ko yong tamang yarikatta.ang sagot sakin ay mas gusto daw nya yong may challenge na way of doing things. saka hayaan ko daw na magtatagal kami kasi madadagdagan nga naman oras ng work namin pag plaging osoi sya. ayaw nya talagang paturo. hinayaan ko nga. nag uusap usap nga kaming mga pinoy sa work. hindi lang pala ako ang nahihiya para sa kanila. tapus tinanong ako today ng nakakataas about the situation, eh nihonjin din kaya yong nagtanong kaya medyo kabado ako sa sinagot ko. sabi ko, hindi naman kasi lahat ng tao may parehong ugali o reaction sa frustrating situation.nag kataong wakai si babae kaya hindi pasensyoso sa iba. protective and nihongo pera-pera si lalaki kaya kaya nya ipagtanggol ang bawat reaksyon ni babae, mapatotoo man o hindi ang kwento nito.

bottom line is kulang sa tao ang kaisya kaya d sila ma kobe. d rin pwede paalisin si obasan dahil all her life nag work sya dun. ang nakakainis ay yong naaapektuhan ang trabaho ng lahat dahil sa kanila.biglang nagkaroon ng reshuffle ng wala sa oras kasi parang na manipulate nila ang buong kaisya.para kasing naging special treatment dahil kaya nilang ayawan ang pwestong ibinigay sa kanila at lumipat sa kung saan nila gusto kahit may naaapektuhang iba.