PDA

View Full Version : congratulations graduates!!


purpletablet
03-11-2007, 07:54 PM
unang-una sa lahat gusto ko muna batiin ang mga bagong graduates natin...

mga ka-TF, alam ko naman po na lahat tayo ay dumaan sa isang yugto na ito ng ating buhay.. ang grumadweyt sa ating paaralang pinasukan.. kinder, elementary, high school, college, post graduate.... lahat po ay may kanya-kanyang kwento... nakakaiyak, nakakatuwa at nakakahiya.. i-share po natin natin dito at ating balikan ang mga ala-ala ng ating pagtatapos. :D

ako muna ang magse-share :D

tandang-tanda ko pa noong kinder ako, isa pa akong paslit na bata, hindi ko pa masyado feel ang graduation, kasi para sa akin hudyat ito ng pagtatapos na nman ng isang taong pag-aaral at dalawang buwan na naman ng paglalaro ng walang humpay ... kinanta namin noon ang song na, "welcome to the family" with matching actions.. yung rose na nilagay sa toga ko ay ginawa lang ng nanay ko, nanghingi ng rose sa kapitbahay namin at ng asparagus leaves.. sa probinsiya kasi kaya nde masyado commercialized. hehe. Siyempre after ng graduation ay may konting kainan, nagluto ng stapegi at pinagsaluhan namin ito :D

kay sarap balik-balikan ang bahaging ito ng ating buhay... kayo naman po ang magshare.... :D

aviationlady
03-23-2007, 01:11 AM
Purple sis ang cute namn ng story mo:) buti naalala mo pa yung graduation mo nung kinder, ako basta ang alam ko poging poging ako nung graduation ko ng kinder kese nigupitan ko hair ko kaya kinalabasan gupit binata ako ng graduation day, nyahahah:D kaya pag nakikita ko yung pic. ko nung kinder ako ang gwapo ko nyehehe :p Nung elementary grad. namn wala lng, humaba na rin hair ko.. haha.. dalagita na kaya mejo nadala na maggupit ng hair mag isa... :p "Farewell" yung grad. song namin. Nung high school grad. namn sa Pilipinas, grad. song namin " On This Day " ganda yung lyrics nia kaso di ko sya saulo nung kinakanta na kese di namn ako nakapractice ng graduation nun dahil nag aayos na papunta dito. Nung kinanta na lng yun nag iyakan na lng sila tapos niyakap nila ko :O. Tapos isa pang high school grad. uli dito na sa Japan, ibang iba sa graduation sa Pilipinas, masaya din syempre. Tapos ng grad. kumain kami ng japanese language teacher namin pati ng ibang foreign students. Puro iyakan din kese mapapalayo na namn ako :O:). Tapos college masaya din na malungkot :)

mejo napahaba na ata, sleep na nga ko. :)