PDA

View Full Version : かんべんしてよ!!


air88(^_^)
03-12-2007, 08:56 PM
Hello mga kapatid,
kwento ko lang experienced ko,may naging friend akong Canadian missionarian dito sa place ko..mabait sya kaya lang makulit! pumupunta sya dito sa bahay at nag uusap kami tungol sa bible..minsan di ko na nagagawa mga gawain ko dito sa bahay kasi 8 am. pa lang nandidito na sya sa bahay mag bible study daw kami..ako naman sige ok lang..at minsan nman lunch time..

pag lunch time nandidito ang habibi ko, pag katapos kumain ng lunch nag papahinga..ilang beses na nangyayari na nag papahinga ang habibi ko bilang dadating ang canadian friend ko.at ilang beses ko rin sinabi sa kanya na di kami pweding mag bible study during lunch time,kasi nag papahinga ang habibi ko dito sa sala after lunch!
at first ok naman sya..
pero pinalipas lng ang ilang araw ..nag doorbell nanaman:eek: ..nakakainis na! ang kulit kulit talaga..iniiwasan ko na sya kasi nagagalit na sa akin ang habibi ko..disturbo daw !!!at minsan sinasabi ng habibi ko kung may balak daw ba akong maging missionary..bakit daw palaging pumunta ang Canadian friend ko dito para mag bible study..
hangang sa dumating na ang time na pag nag ddoorbell sya palagi, di ko na binubuksan..
minsan tatawag naman sa ketai, tinatanong bakit di na daw ako nag papakita sa kanya.. sinasabi ko nlang na busy ako..minsan naman sina sama nya ang asawa ng Pastor ng church nila dito sa bahay..nahihiya naman ako na di ko buksan ang pintuan kasi ka kilala ng mother-inlaw ko..kaya nag kikita nanaman kami ulit..:rolleyes: ...ayoko na syang makita..:mad:

Hay buhay! ngyon lang yata ako naka kita ng taong ganito ka kulit!
mga kapatid na ka experienced na ba kayo ng ganito?:( Pasensya na poh..

la_tina512
03-21-2007, 08:22 AM
I can relate, galing na ako dyan. 'Yong sa akin naman kababayan pa naman natin, Pinay din. Maganda naman intention nila kaya lang minsan talaga wala sa ayos. Bigla na lang susulpot sa bahay hindi muna tumawag bitbit ang anak na salpakan ng kulit. Minsan pa darating hindi pa pala pinapakain ang anak pati ako natataranta kung ano ipapakain ko eh sobra na rin stress ko sa loob na bahay dahil that time 'yong bunso ko months pa lang at pang-apat yon. Imbes na makatulong pakiramdam ko pabigat pa. Medyo hindi rin naging maganda kasi parang hindi na ako Filipina the way I dealt with her. Pareho mo tinaguan ko na rin sya. Natuto akong mag-lusban ng denwa. For one year pinagtyagaan nya akong imbitahin sa Bible study nila until time came na ang Diyos na nag-deal sa akin. Siguro perfect time na rin kasi sabi sa Bible ang God din ang naglalagay sa heart natin para tanggapin natin Siya. After more than one year I gave in. Napahiya ako sa sarili ko kasi pina-realize sa akin ng Diyos na hindi yong Pinay na kakilala ko ang nire-reject ko kundi ang presence Niya sa buhay ko. Hanggang ako mismo ang tumawag sa kanya at nagpa-schedule ng Bible study dito sa bahay and the rest is history. Malaking pasalamat din dahil meron din akong natutunan sa Pinay na 'yon. May 12, 2001 first time na nagkaron ng Bible study dito sa bahay at sa ngayon God gave me the privilege na ako naman ang mag-share ng Salita Niya pero iwas akong may masabi sa akin ang mga kababayan natin. Nagha-handle na rin ako ng Bible study sa time na convenient ang mga members at hanggang maaari hindi kami sa bahay dahil iba nga ang kultura dito. Nagre-rent kami sa city hall which is very cheap. Kaya imbes na sa ibang bagay maglabas ng stress ang mga members ng cell group we meet once a week for a Bible study and fellowship. Iwas din ako na matawag na makulit. Once na nag-share ako at parang ayaw makinig at dedma to death ang lola mo, hindi na ako kikibo at umpisa na yon ng walang katapusang prayer. Pana-panahon kasi yan. God moves in mysterious ways. Malay mo one of these days ikaw na ang maghanap ng Bible study;). Trust me, mai-in-love ka...

myukasky
03-21-2007, 10:39 AM
Before naka experienced din ako ng ganyan, nihonjin naman sila at kadalasan dalawa silang nagpupunta sa house namin. Ang nakakainis lang kung kailan ka busy tsaka sila pupunta, halos once a week sila pumunta sa house. That time amari nihongo wakaranai pa ako so sinabi ko na di ko maintindihan sinasabi nila. Next day bumalik may dalang english at tagalog version naman. Una medyo okey lang sa akin kasi naisip ko nakakapanghinayang yung effort na binibigay nila sa akin. Nagtataka laws ko kasi madalas na nagpupunta sa house yung dalawang japanese at naaabala na yung mga bagay na dapat ko gawin. Kinausap ko biyanan ko so okey lang sa kanya, kumbaga ako daw ang magdecision. Ilang months din ang tumagal may dinadala na silang pamplets na dapat daw ay bumili na ako.:eek: Sabi ko shigoto shitenai ako so paano ko naman babayaran yun. Sabi ng isa yasui naman daw, sabi ko kahit nga yasui kung wala naman work paano babayaran di ba? So ayaw ko na magpaligoy ligoy sinabi ko di ako magpapasubscribe kasi nga wala ako work. Imagine monthly may darating sa house problemahin ko pa kung saan ako kukuha ng pambabayad ko. Tamang tama magwowork na ako next week so sinabi ko huwag na sila punta kasi baka di na nila ako makausap. Yun nga di na nagpunta pero wag ka kapag nakasalubong nila ako sa shotengai kinakausap nila ako. Kapag nagkakaimono pa naman ako para ako hinahabol sa pagmamadali. Sabi ko "jikan nai node sumimasen ne" Sagot noong isa paschedule daw ako para magkausap kami, may sinabi pa nga na wala na daw ba ako time sa kamisama. Di na lang ako sumagot kasi kahit anong discussion ang gawin namin sila naman ang tama. Para sa akin naman kasi kanya kanyang paniniwala yun, di kasi ako sanay ng ganon. Siguro kailangan sabihin sa kanila kung ano talaga nararamdaman at gusto mong mangyari, kapag di nila sinunod so nasa kanila na problema. Ngayon wala na lumipat na kasi kami at di na rin daw sila nagpupunta sa laws ko, pero may nagpupunta dito sa house namin ibang group naman so di ko na entertain feeling ko kasi kagroup din sila ng first na nagpupunta sa amin.

love0308
03-23-2007, 03:42 PM
hakkiri iu ba ii jang! kausapin mo mabuti kahit hindi nihonggo total canadian english makakaintindi naman diba:) kasi kung iiwasan mo lang palagi eh lalo lang mangungulit yan hehehe:D sabihin mo na nakakaistorbo siya minsan o kaya mag set ka ng date or day or hour kung kelan siya pwede pumunta lang ok! ganbatte ne! God Bless You!:)