View Full Version : Business Permit kailangan?
honey
03-15-2007, 05:00 PM
May negosyo po kasi mama ko ngaun sa pilipinas balak ko pong dalhin din dito sa japan ...Ok lang ba iyon?Kailangan pa bang may business permit kapag nagbenta ka sa mga kakilalang hapon at filipina?dito sa japan....baka hulihin kasi ako e! nagbebenta ng walang permit ayaw ko po ng ganun gusto ko legal Paano po ba?
paki sagot na lang Thank You :) .
miyuki
03-15-2007, 05:40 PM
May negosyo po kasi mama ko ngaun sa pilipinas balak ko pong dalhin din dito sa japan ...Ok lang ba iyon?Kailangan pa bang may business permit kapag nagbenta ka sa mga kakilalang hapon at filipina?dito sa japan....baka hulihin kasi ako e! nagbebenta ng walang permit ayaw ko po ng ganun gusto ko legal Paano po ba?
paki sagot na lang Thank You :) .
ano ba ang ibebenta mo? hehehe... if sa person to person lang siguro at di naman hazardous sa health nila pwede...kasi dati may kakilala ako nagbebenta ng kung anoano na from ph wala naman permit.basta sa mga kakilala lang nya binebenta... pero wait ka pa wala ako alam sa ganyang mga permit d2 sa pagnenegosyo...:)
TR250
03-15-2007, 05:46 PM
Sa tingin ko ay dipende sa mga ibebenta mo. Ang masasabi ko lang ay yung alam ko lang na base sa experience ko.
Pag pagkain ang ibebenta mo ay kailangan mo ng permit o lisensiya at ganuon din sa mga gamot o mga pang diet.
Sa akin naman meroon akong lisensiya sa pag buy and sell ng mga sasakyan (cars, bikes, trucks, parts, bicycles) at pati na rin appliances dahil ito ang negosyo ko. Marami akong licenses na di ko alam kung saan-saan kailangan. Malaking tulong ito para sa akin dahil sa mga lisensiya ko ay madali akong nagkaroon ng acces sa ibat-ibang auction sites at access sa legal exporting. Wala ng middle man at walang hassle dahil ako na lang ang lahat gumagawa. Kelan lang ay may inumpisahan akong bagong gimik tugkol sa mga computers at nung itinanong ko ito sa munisipyo ay OK daw ang gimik ko dahil covered daw ng lisensiyang dala ko.
Meroon din namang style na sabit o sumasabit na lang sa may mga lisensiya pero kung sa tingin mong kailangan mo ang lisensiya ay mas mahusay na dumiretso ka sa munisipyong malapit sa iyo at tanungin mo na lang sa pulis kung ano-ano ang kakailanganin mong mga lisensiya sa negosyo mo. Sa akin ay easy lang kaya nga lang ay medyo gumastos din ako dahil sa lisensiya ko ay kailangan ng lote o lugar na predeng pagtambakan ng mga saskyan at mga gamit. Siguro naman ay di mo masyadong kakailanganin ang space para sa negosyo ko kaya malamang ay madali kang makakakuha ng lisensiya. Ang isang malaking problema nga lang ay pag may police record ka na sa tingin ko ay wala naman dahil iipitin ka sa pagkuha mo ng lisensiya.
Sabihin mo ang klase ng negosyo at kung anong kwento at susubukan kong itanong sa katropang lespu at lawyer.
Cheers!
honey
03-15-2007, 11:02 PM
Hindi ko pala nailagay kung anong business PALAMAN ang gustong ipabenta ng mama ko dito sa japan sa mga kakilala lang daw sabi nya.Gawa po mismo ng mama ko ang palaman na gusto nya ibenta at selyado po ito kaya hindi basta basta matatapon kapag pinadala dito.Nag-aalala lang ako sa kaibigan ko na syang magbebenta non baka ba imbes na makatulong din ako sa kanya e ipapahamak ko pala sya:p. Bigyan nyo po ako ng kaalaman sa business na ito hindi ko po kasi alam kung gaano kagastos kapag sa airplane ipinasabay ang palaman na yan.
salamat sa mga reply nyo...
Saling Pusa
03-30-2007, 10:29 PM
Kung isang container van (20 or 40 footer) ng palaman ay tiyak kong kailangan mo ng license to sell with clearance sa importation mula sa FDA nila or quarantine subject to a lot of test and sample at kung paasado sa Japanese standard. PERO yung maglalako ka lamang sa mga kaibigan na bitbit ang bayong o bilao ay walang permit na kailangan. Kapag ilalako mo ito sa loob ng Yamanote line ay hindi rin pwede at wala ka ring makukuhang lisenya para duon! Ang liit naman ng problema mo ay pinapalaki mo naman!:rolleyes:
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.