PDA

View Full Version : divorce sa japan


jem
03-17-2007, 09:23 PM
HI mga ka tf,
ask ko lang mabilis ba lumabas ang divorce paper ng isang hapon?O depende pa rin un?
thanks

summergirl
03-17-2007, 10:01 PM
Yes mabilis ma process ang divorce ng hapon dito..Kinabukasan divorced na ang hapon.At pwede na sya pakasal agad ,hindi kagaya ng babae na 6 months ang aabutin after the divorced.

jem
03-18-2007, 08:49 PM
hi summergirl,
thank you sa reply mo.Ganun lang pala kadali un.Eh kasi sabi nung friend ko sabi daw sa kanya nung bf nyang hapon eh next year pa daw lalabas ung divorce paper nya.tapos dun daw sila magpapakasal.Totoo ka ya un?O binobola lang sya ng bf nya?

constance808
03-19-2007, 03:37 PM
Hello!Tama si summergirl na madali lang mag-divorce ang mga Japanese dito. Yung process itself ay madali lamang. Isa-submit lamang ang pirmadong rikon todoke(divorce paper) sa Municipal Office. Kaya lamang ang rikon todoke na ito ay dapat pirmado ng both parties, yung husband and wife kaya sinasabing matagal ang processing nito, kung minsan ay ayaw pumirma ang isang partido. Sa kaso ng kaibigan mo ay yung wife ang ayaw sigurong makipaghiwalay. O maiisip din natin na maraming hinihiling ang wife sa husband, for example, pension para sa mga anak o kaya ay kalahati ng kanilang kayamanan, etc.

Kapag ganito ang naging sitwasyon, napupunta pa sa family court ang kaso kaya nagtatagal ang paghihiwalay. Mag-ingat din ang kaibigan mo baka pinaghihintay lang siya sa wala.

Sana makatulong ito sa inyo. Goodluck.

jem
03-19-2007, 10:12 PM
hi salamat sa mga replies ninyo.Sabi ng friend ko matagal na daw sila hiwalay nung asawa nung hapon,kaso hinihintay lang daw nung hapon na mag18 ung 2 anak nya bago sya pwedeng pakasalan.Then ngayon sabi after 1 year daw lalabas na ung divorce at dun sila pakakasal.Pwede ring pinaghihintay lang sya di bah?

summergirl
03-19-2007, 11:29 PM
Mas mabuti wag syang masyadong umasa,kasi pag gusto ka talagang pakasalan ,no matter what di ba?At kung talagang hiwalay na sila ng asawang haponesa bakit kailangan pang mag 18 ang anak nya.?Mag entertain sya ng ibang suitors nya at make yourself busy para hindi ka palaging nag-iisip...Siguro bata ka pa//marami pang iba dyan..Pag Ukol bubukol di ba?