View Full Version : Going to Japan with Japanese child, what visa?
MELODYkitty
03-17-2007, 11:52 PM
Bago lang po ako dito sa tf sana po matulungan nyo po ako,may anak po ako sa japanese bf ko,di kami kasal kaya nirecognized na lang nya baby namin kaya japanese citizen ang bata,gusto po nya sana sa japan na lang palakihin ang bata,ano po ba ang visa na dapat kong i apply tourist po ba?dahil hindi kami kasal o long term visa kasi sa japan na palalakihin ang bata?
constance808
03-23-2007, 08:48 PM
Hello! Kung Japanese citizen ang bata ay walang problema para pumunta siya sa Japan. Kailangan mo siyang ikuha ng Japanese passport sa Japan Embassy sa atin kaya lamang para makakuha ka nito ay may mga kakailanganin kang papeles na manggagaling sa BF mo. Magtanong ka ng mga kailangang papers para dito at kailangang i-provide ng BF mo ang mga ito.
Kung makakarating siya dito as a Japanese citizen, walang problema sa visa niya.
Sana nakatulong ako sa iyo.
la_tina512
03-23-2007, 11:07 PM
Kung recognized ng ama ang bata dapat ayusin mo agad ang passport nya sa Japanese Embassy and sabay inquire ka na rin kung anong mga papers ang kailangan for visa application being the guardian of the child. Dyan sa atin ka the best magtanong kung anong mga documents ang kailangan para mahingi mo agad sa ama ng bata.
maria_71jp
03-24-2007, 12:17 PM
dear kaTF,
kung meron na siyang japanese passport apply kana kaagad sa japanese embassy sa inyo with you and he/she your child.mag apply kana as a tourist nalang tapos pagdating mo dito sa japan dito kana lang mag extend.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.