PDA

View Full Version : Mga Artistang tatakbo sa 2007 Election..


maimai
03-21-2007, 01:45 PM
Let us begin discussing the latest news about what's going to happen or the events that may lead to the 2007 midterm elections.

Unahin na natin ang mga artistang sasabak sa 2007 elections:

* Richard Gomez (running for senator)
* Cesar Montano (running for senator)
* Lito Lapid (running for Makati mayor)
* Vilma Santos-Recto (running for Batangas governor)
* Dan "Kardo" Fernandez (possible Laguna governor; he lost to the incumbent in a shrewd manner)
* Lani Mercado-Revilla ( acording to Bong Revilla himself she will be running for Cavite vice governor)
at maraming pang iba...pakidagdag na lang!!:rolleyes:

sabi nga ng isang blogger:p
Most Celebrities ruin the politics....Only celebrities have the immediate name identification to succeed without a serious fundraising effort.... just a mere exposure from TV is enough for them to be identified! But have you identified their real motives, objectives and purposes of running??? NO! They just want to well, sorry to say corrupt!
or dam* want to just be on the limelight...tell me, was there any instance a celebrity standing in a podium and talking with sense, defending one or another a BILL???? none! Madalas pa silang inaantok, naghihikab or nagbubutas ng upuan sa senado!
Maybe we ought to suggest a little less ruination of politics by the "professionals" in the media and a little more seriousness from the voting public in seeking out the media which can separate the real political reporters from the ratings-obsessed pretenders like the celebrities who use their popularity by running or even like pacman who is being eyed to run for a position by the administration when his only objective is to help his kababayans...cant he do that without a position in the gov't for pete's sake??? . Until both sides get over their fascination with wholly unqualified celebrities, we'll continue to suffer the embarrassments of knuckleheads........ ..


ano ang ma-say nyo???:confused: :confused:

ito naman about kay Pacman..sa kabilang sinulid..
MANNY PACQUIAO sa PULITIKA? (http://www.timog.com/forum/showthread.php?t=100 44)

mamimo
04-06-2007, 11:45 PM
Problema sa ibang kandidatong artista masyadong nagmamadali like Cesar Montano gusto mag-practice gumawa ng batas:confused: Dapat pakitang gilas muna sila at tumakbo sa local government tapos sabayan ng pag-aaral in related fields kung gustuhin pasukin ang legistlation. Si Lito lapid effective as governor pero sa Senado di makaporma kaya san sya ngayon di alam kung mag-Mamayor ng Makati o ewan.:(

jayb00r
04-07-2007, 04:12 PM
tinitira ninyo ang mga artista na hahabol sa posisyon ng pamahalaan
eh si garci wala ba kayong mai comment dahil sa hahabol ng pagiging kotongresista si garci sa probisya niya
eh yung governor sa ilocoslovakia pababayaan ba ninyo na manalo iyon bakit di ninyo hinandlangan o pinupuna

actually sinabi na yan ni escuderro madami na batas ang problema kung paano implementa

saka ang criteria lang naman ng isang kandidato sa pamahalaan eh
pilipino citizen at nakatira sa pilipinas

wala naman sinabi na dapat graduate ng ganito at marunong gumawa ng batas

sa totoo lang eh dapat yung bobo sa batas ang manalo na kandidato kasi ang nangyayari sa sobrang talino sa batas eh nagagawa nila na maging legal ang pagnanakaw sa gobyerno at dahil sa talino at galing nila na gumawa ng batas nagagawa nila na takasan yung pagnanakaw na ginagawa nila sa gobyerno

di ko sinasabi na iboto ninyo ang mga artista pero sa totoo lang
ang kongtongreso at syetnado matapos ang halalan puro hoodlum at mga kriminal na magnanakaw lahat
kasi dahil sa galing sa batas ng mga ibinoboto ng sambayanang pilipino wala isa man sa mga mambabatas ang pede makulong at pagbayaran ang ginawa nilang katarantaduhan dahil sila mismo ang gagawa ng batas na magliligtas sa kanila

mamimo
04-07-2007, 04:58 PM
hi jayb00r:)

Opinyon ko lang din ang post ko tungkol sa topic pero wala akong sinabing I prefer Chavit Singson and Garci over those names mentioned by the thread starter. Tama ka maraming pulitikong matalino pero pinaiikot ang batas para magbenefit sila pero makasiguro din ba tayo na pag artista ang nakapasok jan di sila gagawa ng ganyang bagay:confused: Let me clear this Im not generalizing in fact Im for Senator Tito Sotto coz he proved his worth compare to the father of Bong Revilla.

maimai
04-08-2007, 05:42 PM
Bakit di titirahin??..eh ginagawa nilang biru-biro ang pulitika.Ok lang kung ang artistang tatakbo sa pulitika ay may sinseridad.Pero halata naman ang mga iba na ang gusto lamang ay pansariling kapakanan at di sinsero.:mad:
Problema sa ibang kandidatong artista masyadong nagmamadali like Cesar Montano gusto mag-practice gumawa ng batas:confused: Dapat pakitang gilas muna sila at tumakbo sa local government tapos sabayan ng pag-aaral in related fields kung gustuhin pasukin ang legistlation..:(
Tulad ng sinabi ni mamimo..dapat pakitang gilas muna sila..magsimula sa mga local goverment..di yung senado o congressman agad..hirap naman yata nun!! at kung inaasahan nila ay ‘yung kasikatan lang, sana naman ay tamaan sila ng hiya. wala sila kamuwang-muwang sa paggawa ng mga batas..
dapat pag-aralan nila ng mabuti bago sila tumakbo sa ganyang posisyon....:)

hay wish ko lang..Sana lang mapatupad ang batas na hanggang 2 termino o 1 termino lang sa isang posisyon ay tama na.Para maiwasan ang pangungurakot.:mad:

about chavit singson..ano pa ba ang i-expect natin sa kanya...eh sigurado naman tatakbo yan sa pulitika...masalapi sya..mayaman.. :rolleyes: (hay galing naman sa mga illegal activities ang pera nya:mad: )

"helow Garci to vote Garci"
May guts pa pala siyang tumakbo bilang isang congressman, wala namang siyang hiya sa mga ginawa niya dati, nahiya naman sana siya ng kahit konti.:rolleyes: :mad:

yosi
05-26-2007, 11:06 AM
artista?puro pa pogi points lang yan sila(di lahat) dati naloloki nila mga botante,pero ngayon mga matatalino na mga botante dina nagpapa uto sa mga artista.wala nga may nakapasok sa ka nila.dinaman sa dinadown ang mga artista,pero sana nag start muna sila sa baba.kahit sino kahit di artista.:)

jam
07-26-2007, 12:11 PM
mamimo san and yosi san is right hindi naman po sa against ako sa mga artista na gustong magsilbi sa bayan kaya lang sana po magsimula tayo sa baba...aral muna tayo kasi di naman po ganun kadali na habang nasa posisyon ko sabay mag-aaral ka ng batas..hinay-hinay lang po...si ate vi nagsimula siya sa baba di ba?si bong revilla ganun din