View Full Version : Overstay sa Japan pwede bang mag-rent ng house?
crystal_ace2
03-24-2007, 01:56 PM
...ask ko lng po kung me paupahan pa kya na pwde umupa kahit overstay? ano yung kelangan na req. para makaupa tpos magkano pinkamababa na upa ung as in pinkamababa kht ala na rum bsta me cr kahit ba kasing laki lng ng cr ung uupahan basta mababa...pls! help nmn po!!! maraming salamat...banda sa saitama po!
la_tina512
03-24-2007, 05:39 PM
Walang magtitiwalang makipag-transact sa isang overstay lalo na sa pagpapa-upa ng bahay. Kahit saan ka pumunta na kakailanganin mong pumirma ng kahit ano unang-unang hahanapin sa 'yo ay identification card. Sa pareho natin na foreigner dito sa Japan either passport or alien card. As an overstay wala kang maipapakitang valid id.
Kung matagal ka na rito siguro naman meron ka ng mga kaibigang Japanese who'll trust you enough to guarantee for you (hoshonin). Meron akong mga naging kaibigang overstay na inihanap ko ng bahay at napakiusapan ko ang husband ko na mag-hoshonin sa kanila. Makiusap ka na lang sa mga kakilala mo.
Stacie Fil
03-25-2007, 09:54 PM
Hi crystal_ace2,
I'm not sure, but it seems na mahirap ang sitwasyon mo. Tulad nang sabi ni la_tina512-san, hindi basta nagtitiwala magbigay contract kung kulang/walang valid ID. But the procedure I understand for long and short stay na foreigner is to have guarantor. Someone who knows you or shall take responsibility upon your absence or an agency giving such service(like in Tokyo area).
Welcome to TF and please don't forget to read forum rules. One important rule is to prevent "text speak" in your post. Consider this as a reminder.
jayb00r
04-07-2007, 03:22 PM
doon sa area na tinitirahan ko (pm mo na lang ako kung saan) eh may mga kapitbahay ko eh undocumented
maikwento ko lang sa inyo
nalaman ko lang na undocumented kasi yung isa (peru-jin) birthday yata nya eh medyo nagkakatuwaan at nagkakainuman syempre medyo maingay nabuwisit yung kapitbahay na pinay (ingit yata kasi di sila nagpunta sa bar nya na nagsarado na) tumawag ng immigration ayun huli lahat pati ako nadamay sa huli eh since may papel ako (7months pa lang ako nun dito) eh nag sorry pa sa akin yung parak yung may b-day di nahuli kasi ala na toma bumili muna kasi hiya sya para sa akin (kadarating ko lang galing sa trabaho)la na sya maibigay na toma kaya na save sya pag dating nya la na bisita dami pa kalat pero wala na din sya dun kasi nagbalik loob na sya pero balita ko nandito daw ulit pero sa iba na nakatira
pero kung titira ka doon eh wag ka mag alala kasi wala na yung pinay dun lumipat na sila kasi lumalaki na yung mga anak nya eh kasama nya yung mga alaga nya
pag umaga eh nagbubunganga sya na ginagapang yata ng mga anak nya yung mga alaga nya at pati yung asawa nya eh sumasalisi din
hayan may info ka na may tsismis ka pa
summergirl
04-07-2007, 07:06 PM
Tama sila if you have a japanese friend that can guarantee you ,wala namang prolema.Minsan kasi nasa nakatira na rin ang kakasira nila,not paying the monthly rental,maingay..Alam naman nilang wala silang bala ayaw mag-ingat..usually pag maingay lang naman ang nire reklamo dito sa japan,usually pag may party ang problema at nakainom na..May kilala ako more than 18 yrs dito sa japan,overstay din,nag da drive pero never pinuntahan ng immigration..ingat lang..
louvette_15
04-11-2007, 07:33 AM
i suggest na makipag share ka nalang ng bahay. kasi marami akong kaibigan na nakiki share na lang sa mga kaibigan nila. lesser pa gastos, wala ka na isiping mga requirements. or itanong mo sa kaisha mo kung may pabahay sila kasi yong hakyen kaisha ko may pabahay sa mga kasamahan kong os. si sacho ang kumuha ng apartment tapus 3-4 person sila nakatira, bawas sahod yon.bale 3 lapad monthly kaltas sa kanila. sa ganun din wala ka ring iisiping requirements o atama ken di ba? goodluck sayo.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.