PDA

View Full Version : Mga ilan taon pwedeng bigyan ng vitamins ang sanggol?


ICHIBAN08
03-28-2007, 11:23 AM
Hi po sa mga mommies!:wave: ...kung wala pang ganitong thread makiki-info na lang po ako, salamat...1mon na ang baby ko maitanong ko lang kelan ko kaya siya pwedeng simulang bigyan ng vitamins para mapanatili siyang malusog?...ano po ba ang magaling na vitamins sa sanggol?...kasi nagpa check up kami last monday ang sabi ng doktor e yung breastfed ko na daw ang pinaka vitamins ni baby pero mas gusto ko po siya mabigyan ng vitamins...salamat po sa mga mag a-advice...gusto ko lang manatiling masigla at malusog ang baby ko, maraming salamat po

docomo
03-28-2007, 11:32 AM
tama po yung doctor.. ang mabuti mong gawin .. ikaw ang kumain ng masustansyang pagkain para nakukuha ng anak mo ,since sa yo sya kumukuha ng pagkain nya .masyado pa maaga para bigyan mo ng vitamins.. wala ng tatalo sa vitamins na nakukuha sa milk ng sariling mommy :)

ICHIBAN08
03-28-2007, 12:03 PM
salamat sa advice @docomo san:)

wildflower
03-28-2007, 01:07 PM
hello ichiban san..ako naman wala ako vitamins kay baby simula ng pinanganak sya kasi breastfeed ako..pero ako kumakain ng masustansyang pagkain gaya ng gulay at prutas kasi kung ano yon kinakain natin na susu naman yan ni baby.sa ngayon 3 months pa si baby ko 8 kilo na sya..:D

ICHIBAN08
03-28-2007, 01:18 PM
wow ang laki ng baby mo @wildflower san!:D ...makakatuwa naman hihihi!...breastfeed ing ako ngayon at pag mahina ang tulo sa gabi e pinadedede ko naman siya ng instant milk...halu-halo ang pagpapadede ko, ok lang naman sa doktor basta lang daw nasa tamang oras...

disney
03-28-2007, 01:41 PM
hi ichiban:)
baby ko din walang vitamins, wala din nman kasi na advise un dr. di yata uso dito eh:D
pero 'til now 7 mos. na sya hindi sya nagkakasakit, laking pasalamat ko kasi hindi sya nahahawa pag may kaze ako or husband ko:)

coffee
03-28-2007, 01:41 PM
GoodNoon Ichiban san, kumusta na ang Mommy? para sa akin din, ikaw .. ang vitamins ng baby mo. yung musko ko rin naman lumaki sya ng hindi nagtake ng vitamins, ang ginagawa ko nung awat na sya sa breastfeed e kahit ano ipatikim ko sa kanya, lalo na isda , gulay.. kaya ata di gaanong namimili sa food.

ICHIBAN08
03-28-2007, 02:46 PM
salamat po sa mga advices @disney san and @coffee san :D ...eto nga po sa mga advices ninyo napadami ang kain ko ng masustansiya para healthy talaga si baby ko...salamat ng marami talaga...gusto ko ituloy ang breastfeed ko hanggang mag 1year siya...:)

la_tina512
03-28-2007, 09:08 PM
hello ichiban san,

'yong 3 na pinanganak ko rito walang vitamins. nong nagtanong kasi ako sa hospital pinagalitan ako ng doctor (nilait ba ko :mad:) sabi nya hindi kailangan ng mga batang hapon ang vitamins dahil daw masustansiya mga pagkain nila (para na rin niyang sinabi na walang sustansya food natin:(). anyway, pareho nilang lahat ako ang sinabihan na kumain ng masustansya para sa baby. ika-4th month ng baby mo pupunta ka ng health center for bcg and check up mo. tuturuan ka na rin kung papanong feeding ang gagawin mo sa baby.

ganbatte.

tea
03-28-2007, 11:33 PM
ako naman pinapainom ko ng tkitiki drops for baby ang anak kong 10 months old kc hindi na sya nadede sa akin kc nawalan na ako ng gatas.

ICHIBAN08
03-29-2007, 09:08 AM
hi sayo @la tina san!:wave: ...grabe sila magsalita ano prangkahan ba naman:(, malimit ko na nga rin marinig wala daw sustansiya ang pagkain sa pinas ...lahat ata nga ng doktor dito e ayaw i-vits ang mga bata...kahit hubby ko mula't sapul hindi daw nakatikim ng vits...pinaka gusto nila ang natural ano?:confused: ...

hi @tea san!:wave: , naku ayan ang ayaw ko mangyari ang mawalan ako ng gatas:( ...gusto ko talaga tuloy tuloy pagpapasuso ko sa kanya kahit na hinahalinhan ko siya ng instant milk minsan...

salamat po sa lahat ng nagbigay ng payo at mga magbibigay pa, maraming salamat po talaga:)

la_tina512
03-29-2007, 10:06 AM
ichiban san, wag kang mawawalan ng halaan (asari) sa soup mo. either ihalo mo sa misoshiru or lutong Pinas na swam. clams contain minerals na nakakapagparami ng gatas at nakaka-avoid din ng goiter. and also lots of liquids para sa 'yo para di ka matuyuan. on top of that iwasan mo ang ma-stress. malaking factor din ang stress sa isang nursing-mom para umurong ang gatas.

take care and ganbatte.

nasty
03-29-2007, 12:03 PM
hi iciban08 ,ako dn gaya ni tea i gave my baby tiki-tiki drops when she was 3 mos .wd ascorbic acid ceelin ,khit ayw ng mga hapon ng ganon ,may i gave p dn ako ksi naisip ko lng na hindi kya kya maliit ang mga japanese coz the lack of dietary supplements? ok nmn baby ko ngaun .she's now taking cherrifer syrup with chlorella PAMPATANGKAD! kanya kanya lng pong paniniwala mga ka TF(peace tayo:))

la_tina512
03-29-2007, 01:16 PM
hi iciban08 ,ako dn gaya ni tea i gave my baby tiki-tiki drops when she was 3 mos .wd ascorbic acid ceelin ,khit ayw ng mga hapon ng ganon ,may i gave p dn ako ksi naisip ko lng na hindi kya kya maliit ang mga japanese coz the lack of dietary supplements? ok nmn baby ko ngaun .she's now taking cherrifer syrup with chlorella PAMPATANGKAD! kanya kanya lng pong paniniwala mga ka TF(peace tayo:))

ang pagiging matangkad ng isang tao ay nasa genes din. kahit na anong painom mo ng vitamins para tumaas ang bata kung may pagmamanahang maliit wala kang magagawa. kung mataas kayong mag-asawa or nasa lahi nyo ang matatangkad no need to worry. :) kahit hindi mo sya painumin ng vitamins tataas pa rin sya.

purpletablet
03-29-2007, 06:29 PM
para sa mga nursing moms:

meron pong nabibiling malunggay capsule sa Pinas para pampadami ng gatas, mas convenient po un kesa magdala dito ng malunggay leaves.

ICHIBAN08
03-29-2007, 08:33 PM
Hi @la_tina12 san:) ...salamat sa tips para lumakas ang gatas ko kasi minsan parang gapatak ata ang gatas ko kaya hinahalinhan ko ng instant milk...maya't maya ang ungot sa tingin ko e parang hindi nabubusog pag nag pa breastfeed ako...maraming salamat ulit kasi mahilig ako talaga sa asari e pampalakas pala ng gatas yun,...kasi hindi ako nakakalabas ang nagka-kaemono e ang byenan ko kaya hindi tuloy ako nakakabili nun...si byenan ko palagi kasi nasusunod...:D

Hi @nasty san:) , salamat sa tips about the vits..:D

hi sayo @urpletablet san:) , may capsule na rin pala nung malunggay sa atin sa pinas? ang malunggay e isa rin daw sa nagpapalakas ng dede kaya maipahanap ko nga sa sister ko...maraming salamat sa tip:D

Nagpapasalamat po talaga ako at may Timog Forum, sa totoo lang po lumawak ang kaalaman ko dahil sa inyo na tumutulong makapagbigay ng payo at mga tips...sa mga magbibigay pa po e maraming salamat po...:D

god bless you all!:)