View Full Version : walang middle name sa birth certificate..
Good evening mga ka-TF, Yung friend ko kasi nagtatanong, gusto nya kunin yung anak nyang 6years old. Ang problem eh walang MIDDLE NAME yung bata. Menor de Edad kasi sya nung ipinanganak. Family name nya nung dalaga sya ang naka-lagay sa Birth Certificate nung anak nya pero hindi daw nilagyan ng middle name. Paano daw kaya yun?., hindi daw kaya magka-problema pag dating sa immigration?
Sana masagot nyo yung tanong ng friend ko.:)
micah
03-29-2007, 12:23 AM
hmm ako po wala din po ako middle name.. kasi wala din po yung father ko..
and yung surname ng mama ko yung ginamit nmin ng kuya ko since bata pa kme..
wala naman kming nging kaso sa immigration kasi marami namang case na ganyan illegitimate child.. kung tawagin.. yun poh.. ngayon nabigyan na kami ng one year visa..
kahit wala kaming middle name.. ^^
sharpener
03-29-2007, 04:54 AM
ok lang walang middle name
hindi naman gumagamit ng middle name ang mga hapon:D
ok lang walang middle name
hindi naman gumagamit ng middle name ang mga hapon:D
Thank you sa sagot, pwede pala yun:) ., sasabihin ka agad sa friend ko... maraming salamat tlaga pti rin kay Micah San:D
summergirl
03-29-2007, 10:51 AM
Hi!kung ano ang nakasulat sa lahat ng document mo ,iyon ang sinusunod ng mga hapon,example..Kung ano ang nakasulat sa passport mo,iyon ang sinusunod nila..I think walang problema ito,as long na pare-pareho ang nakasulat sa identity mo.
nasty
03-29-2007, 11:51 AM
hello po, no probs. po yun ksi po kakukuha ko lng ng anak ko 6 y.o. wla dn pong middle name
Mustang
03-29-2007, 05:35 PM
same here, in legal documents i put NMN (no middle name)
Summergirl, Nasty & Mustang, thank you.:) nasabi ko na sa friend ko at nag-papasalamat din sya sa mga sumagot sa tanong nya:D .
Saling Pusa
03-29-2007, 10:56 PM
Hindi lahat ng tao ay may middle name. Hindi lahat ng tao ay may second name, third name or fourth name. Kung ano ang nasa document ay yun lamang. Nakagawian na sa Pilipinas na ang ating middle name ay surname ng ating ina pero hindi ito practice sa ibang bansa.
Example: si John F. Kennedy ay may anak na lalaki at ang kanyang name ay John F. Kennedy Jr. (JFK, Jr). Sabi ng mga Pinoy ay mali daw ito dahil dapat ay John B. Kennedy, Jr. dahil si Jacqueline Bouvier ang ina. MALI po kasi hindi sila sumusunod sa custom ng Pinoy.
Maski anong middle name ay pwede and NOT necessarily the surname of the mother. Kung type mong ipangalanan Kris Aquino ang first at middle name ng anak mo ay pwede, so kung ang surname mo ay Panot, magiging Kris Aquino Panot siya basta ito ang nakalagay sa birth certificate maski ang name ng nanay niya ay Maria Kalbo. Pero kung walang ibinigay na middle name maski na may surname ang nanay ay walang middle name. :D
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.