PDA

View Full Version : As an entertainer, what is your most unforgettable experience?


la_tina512
03-29-2007, 04:05 PM
Napansin ko kasi mostly sa atin ay mga dating entertainers so para po sa lahat itong thread na 'to. Hindi lang para sa mga girls, I hope magse-share din ang mga boys. Umpisahan ko na mga ka-TF...:D

First timer ako in the late 80's. Sa airport pa lang sa atin I felt outcasted na. Dahil office girl ang lola kesehodang naka-heels ako with matching terno-terno from my suitcase, shoes, bag down to dress na with matching blazer pa. So ng makita ako ng makakasama ko talagang tingin sila from head to foot dahil nakapang-harabas sila. I mean very casual at sino ba namang mag-aakala na ganon, di ba? I was only advised to bring bras na merong padding. Hindi ko alam kung bakit kasi ayaw nila sabihin pero nagdala na rin ako just in case.

Nalaman ko ang reason second week ko. Since Nihonggo wakaranai pa lagi lang ako help sa harap ng mga okyakusan at ng main request. Taga-timpla ng alak at taga-sindi ng sigarilyo. Hindi pa ako pinatatabi panay lang smile ko sa harap nila at lista ng mga words and meanings (ha ha)... "Not bad, sabi ko. Ganito lang pala trabaho ng hostess hindi masama." Feeling maganda ang lola ng may mag-request sa akin na tabi raw ako sa kanya. Kirei daw. Ewan ko pero kinabahan ako ng magtinginan mga kasama ko. Wala silang talkies, silent movie ang dating namin habang unti-unti akong pumapasok sa gitna nila. Hindi pa nag-iinit ang puwet ko sa upuan dinakma na suso ko. Waaaaaaaaah!! Imagine ang humiliation non para sa akin. Ma'am ang tawag sa office bigla dadakmain lang ang suso sa omise. Walang nakaawat sa akin ng tumayo ako at umuwi ng apato. Kahit si Papa hindi ako napigil. Iyak ako ng iyak. Gusto ko ng umuwi ng oras na 'yon. Sinundan ako ng leader. Masanay daw ako kung gusto kong magtagal at kumita ng pera. Wala akong choice. Single parent na ako that time at kulang na suweldo ko as an account executive para sa aming mag-ina. Naging mabilis na lang ang mata ko at kamay para pigilan na mahawakan ako at nag-aral magsalita ng Japanese para don man lang makalaban ako. Definitely, hindi ako nasanay na mahawakan. Ako ang natutong mandakma (ha ha!). Dakma hindi para ma-kimochi sila kundi para "basagin" ang mga pula nila. Mula non kinatakutan na ako sa omise. Hanggang sa huling sandali ng byahe ko as an entertainer ganon ang ginawa ko lalo na sa mga sukebe.

honey
03-29-2007, 04:36 PM
^^^yan pala dapat gawin sana nakilala na kita noon para ikaw nagturo sa akin ng dakma na yan!:biglaugh:
SHARE KO DIN SA AKIN pero iksian natin...:D


Akala ko nun makapunta ako ng japan madali lang trabaho at suswertehin ako sobra ubod lahat ata ng kamalasan sa akin napunta.Minumura ako ng amo kong filipina mula ulo hanggang paa yung hapon ko namang amo napaka sadista nakatikim din ako ng tadyak at batok at masasakit na salita mula sa kanila.Hindi ako magkaroon ng costumer kasi sinisiraan nila ako harap harapan ng costumer, ako man ang gustong i-request ng costumer may ipapakilala silang iba hanggang makalimutan ako ng costumer.Lahat ng panlalait natikman ko sa costumer, kinaaayawan pa ako ng costumer noon.Napagbibintanga n pa akong nagsusumbong sa mga amo ko ako na nga itong laging nasesermonan ako pa pagbibintangan.Ayaw din sa akin ng mga kasamahan ko kahit anong pakikisama ko sa kanila.Sila rin mismo harapan kung paano ako pahiyain sa costumer.Nun makauwi ako ng pinas hindi na ako bumalik ng promotion ayaw ko na sila makita kasi sobrang plastik nila nakita ko totoong ugali nila.Yung amo kong filipina sobrang plastik kapag may pakinabang ka ang bango ng pangalan mo sa kanya kapag wala na hindi ka na kilala.Walang good na nasabi sila sa akin puro bad hindi ko nga alam bakit parang pinagtutulungan nila ako:(.Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik ng japan at ang kinita ko ay gagamitin kong pangbusiness.Nun makauwi ako ng pinas sa umpisa nahirapan ako pero unti-unti naging maganda takbo ng buhay ko hanggang makapag-asawa ng mabait na hapon.Yung mga nanlait sa akin nakakaawa sila kasi hindi ako gumanti sa mga pinaggagawa nila sa akin iniluha ko na lang lahat pero sadyang mabait ang dios sya ang humusga sa mga taong yun kinarma sila lahat nakakaawang balita ang naririnig ko sa kanila pero ganun ang buhay e kung ano ginawa mo sa kapwa mo sya ring gagawin sayo kadalasan mas grabe pa.

gokigenyo
03-29-2007, 05:12 PM
Unforgettable experience:confused: 3 years ago lang here at Nagoya! during that time eh ok pa ang OFW kaya kainitan daming young and hotbabes, so bale last byahe ko yun! Newly open yung omise and grabeng dami ng oks as in waiting talaga! Why? grabeeh ang show topless!:eek: :eek: :eek: Ibang-iba sa pinang-galingan ko before, My gosh di ko kayang magbilad ng katawan in front of many people! I cried a lot nung pag-uwi nmin sa mansion! not because of homesick but I was shocked and afraid na baka gawin ko rin yun, So I prayed a lot, na wag naman sana ipahintulot na mangyari sa akin yun. Thank's GOD kase si Tencho naging napaka-bait sa akin, halos sa lahat ng talent ako lang ang di nya namura! So what Tencho did was pag hima ako sa akin nya pinagkakatiwala yung counter! and pag start na yung show nagdi-DJ(disc jockey) na ako! Grabe yung batch na nakasama ko na yun! mga palaban although most of them are 1st timers but veterans, kase ganun din ang work nila sa Pinas! Na-trauma ako kaya nag-asawa na lang ako!

gokigenyo
03-29-2007, 05:36 PM
^^^yan pala dapat gawin sana nakilala na kita noon para ikaw nagturo sa akin ng dakma na yan!:biglaugh:
SHARE KO DIN SA AKIN pero iksian natin...:D


Akala ko nun makapunta ako ng japan madali lang trabaho at suswertehin ako sobra ubod lahat ata ng kamalasan sa akin napunta.Minumura ako ng amo kong filipina mula ulo hanggang paa yung hapon ko namang amo napaka sadista nakatikim din ako ng tadyak at batok at masasakit na salita mula sa kanila.Hindi ako magkaroon ng costumer kasi sinisiraan nila ako harap harapan ng costumer, ako man ang gustong i-request ng costumer may ipapakilala silang iba hanggang makalimutan ako ng costumer.Lahat ng panlalait natikman ko sa costumer, kinaaayawan pa ako ng costumer noon.Napagbibintanga n pa akong nagsusumbong sa mga amo ko ako na nga itong laging nasesermonan ako pa pagbibintangan.Ayaw din sa akin ng mga kasamahan ko kahit anong pakikisama ko sa kanila.Sila rin mismo harapan kung paano ako pahiyain sa costumer.Nun makauwi ako ng pinas hindi na ako bumalik ng promotion ayaw ko na sila makita kasi sobrang plastik nila nakita ko totoong ugali nila.Yung amo kong filipina sobrang plastik kapag may pakinabang ka ang bango ng pangalan mo sa kanya kapag wala na hindi ka na kilala.Walang good na nasabi sila sa akin puro bad hindi ko nga alam bakit parang pinagtutulungan nila ako:(.Kaya ipinangako ko sa sarili ko na hindi na ako babalik ng japan at ang kinita ko ay gagamitin kong pangbusiness.Nun makauwi ako ng pinas sa umpisa nahirapan ako pero unti-unti naging maganda takbo ng buhay ko hanggang makapag-asawa ng mabait na hapon.Yung mga nanlait sa akin nakakaawa sila kasi hindi ako gumanti sa mga pinaggagawa nila sa akin iniluha ko na lang lahat pero sadyang mabait ang dios sya ang humusga sa mga taong yun kinarma sila lahat nakakaawang balita ang naririnig ko sa kanila pero ganun ang buhay e kung ano ginawa mo sa kapwa mo sya ring gagawin sayo kadalasan mas grabe pa.

sad to hear that! alam mo yung amo ko rin sa Nagoya pinay! grabeeh hindi talaga maka-tao! kung babuyin na lang yung mga babae ganun na lang! kulang na lang pag-hubarin! Pero alm mo di rin ako naaawa dun sa mga kasama ko kase ang panget ng mga ugali nila as in talagang ngayon lang ako naka-encounter ng ganung klaseng tao! Friendly naman ako pero yung batch na yun di kinaya ng powers ko! ang hirap pakisamahan parang katulad din ng mga kasama mo! hindi kaya ikaw yung friend ko na pinagtulungan ng mga taong-hipon na yun? :eek: Sexy star yung friend ko sa Pinas di lang masyadong sikat! pro nakagawa na ng movies, grabe inumbag ng mga taong hipon na yun yung friend ko! pero pinagpasa-Diyos na lang nya yun! Kawawa yung friend ko na yun nasira ang mukha pero wla pa rin sya ginawa! Asan na yung mga taong hipon na yun eh di wala back to pinas! na-karma eh! wla man lang pinalad na makapangasawa ng hapon! salbahe kase!:rant:naasar ako pag naaalala ko!

kazz314
10-21-2007, 11:34 PM
:( unforgetable experience?I have many pero ishare ko sa inyo yong pinakabad!nung ipahiya ako ng mama namin ;) feeling ko daw maganda ako!(sa trabaho kasi natin kelangan may self confidence ka diba:p )hindi porke pango ang ilong ko ay magmukmok nalang ako syempre smile to everyone parin,kaya tuwang tuwa sa akin si bucho na asawa ng mama namin(mabait daw kc ako)nagkaroon din naman ako ng mga tome kasi dinadaan ko nalang sa kwntuhan,bulahan blues kc wala akong panlaban sa mukha!:lol: narequest ako pero against si mama,wala syang magawa ksi yon ang desisyon ng manager namin at ni bucho!3 times akong bumalik sa kanila pero hindi talaga kami close ni mama,eh kasama pa nmin slang mag asawa sa apato kaya nakkastress:eek: To make the story short kami ang nagkatuloyan ng manager namin :D na mas lalong kinagulat ni mama kasi sila pla ang business partner sa omise :furious: therefore magiging little mama na rin ang drama ko!Pro nag-iba na ng linya ng work ang asawa ko hindi sa omise ksi may baby na kami... :love: Happy ako ngayon,pro slang mag asawa pangit ang mga nangyayari sa kanila nakakaawa pa nga kasi nsa hospital ngayon ang husband niya!ganyan tlaga ang buhay hindi natin hawak anytime nagbabago....kaya let's enjoy life :dowave:

jam
10-23-2007, 11:46 AM
pa-share din po..
ako ang unforgettable sakin(2 years ago my second and last time)is yung dalhin ako sa hospital kasi hinimatay ako yung isa ko kasing tomer napakamakulit as in..malapit na kasi akong umuwi nun(malapit na din kami ikasal ng asawa ko)pinipilit nya ko mag-promise sa kanya na pakasalan ko din sya kung hindi magpapakamatay daw sya,irereport nya daw ako sa immig..at kung anu-ano pang pananakot..
isang gabi lasing na lasing nung pumunta sa omise no choice naupo ako sa table nya ayun naglitanya na naman hinawakan ung rhum at ipupukpok daw sakin pag diko sya pinakasalan mas mabuti daw mamatay na rin ako dun ako hinimatay sa sobrang takot kasi nanlilisik mata nya feeling ko high yata that time...sunod nun nagising ako sa hospital na..na-ban yung lalaking yun at until now na nakabalik nako dito diko na nakita pagmumukha nya

poulain
10-23-2007, 12:02 PM
share ko din experience ko, nde po ako entertainer, bale mom ko yung owner ng omise, i was 16 then nung first time ko makapasok sa club ni mommy, kasama ko pa pinsan ko, 14pa lang sya that time, bakasyon kasi sa skul nun kea nung, time na party nila, nandun din po kami, sobrang feel na feel namen mgserve ng food and drinks sa mga customer and friends dun, syempre,neneng-nene pa kami nun that time, so kawaii ang dating hehe.. then yung bf ni mommy ko yak-yak yung group nila, halos anak yung turing saken, kakaaliw nga eh.. kaya lang that time si yak-yak mejo lashing, aba, yung isang kasama nya na yak-yak, ginulpi sa harapan namen di daw kasi makapagbayad ng mujin, sa sobrang takot namen, punta kami ng kitchen, and iyak na lang pinsan ko, sabi ko sa mom ko, pauwiin na yun bf nya baka kung ano pa mangyari sa kanya, buti na lang marunong maghandle si mommy ng ganun scenario, kaya naging ok naman after...

kawaii5322
10-24-2007, 10:16 AM
pa share din po ako..

unforgettable experience?actually marami po, tulad ng iba nating ka tf naranasan ko din po na magkaroon ng kasamang ubod ng sasama ng ugali. ng first timer ako di ako naniniwala na pag nagpunta ka ng nihon ang magiging kaaway mo ay pinoy. kakainis di ba :( kasi dapat sila yung maging kakampi mo. i still remember kung paano ako ginawang alila ng mga kasamahan ko since first timer ako shoganai kailangan kasi makisama. yung ibang mga hapon dahil bago lang ako at nihongo wakaranai binabaka shiteru ako. kaya sobrang sad ko. at 2 times na po akong muntik ng ma rape. sobra katangahan di po ba madali kasi ako magtiwala. sobrang traumatic ng unang lakad ko kaya ng pinauwi kaming lahat ng 3 months sabi ko ayos lang kasi di ko na po kaya. nagkaroon ako ng heart problem dahil sa sobrang stress. sabi ko non sa sarili ko baka wala ang swerte ko sa nihon. kaso parang don talaga ako hinahatak paglipas lang ilang buwan nagkaroon ulit ako ng booking sabi ko s sarili ko lagot kau mga hapon kayo gaganti ako sa mga ginawa nyo.at sabi ko di na me magpapa api sa kasama ko. my 2nd timer turns good naman po mabait po yung mga naging kasamahan ko although di lahat nagkaroon ako ng mga friends.at nagbago yung tingin ko sa mga hapon. may mga hapon din pala na mabait.marami akong naging oks na talagang naging friend ko.

ICHIBAN08
10-25-2007, 06:44 PM
The most unforgettable experience ko nun mag entertainer ako e yung makipag break sakin ang ex boyfriend ko....first timer ko palang nun tapos andito rin sa japan ang ex boyfriend ko...hindi naman siya nag hosto isa siyang engineer na pinadala ng company....almost 5yrs na kami at ang masaklap dto pa sa japan ako na broken hearted....that was time gusto kong tumalon sa building sa sobrang sakit ng feeling na sabihing hindi na niya ako mahal...buti na lang matatag ako at nakilala ko din sa wakas ang napangasawa ko....ngayon eto na ako isang ina ata asawa na ni hapon at masayang nagsasama...