PDA

View Full Version : japanese teacher......


hot_headed
03-30-2007, 03:28 PM
magandang hapon po sa inyong lahat! para po dun sa mga nanny na po at me mga anak na nag-sschool po tanong ko lang po, kung hinde po ba strict mga kindergarten japanese teacher po? kase lapit na po mag-school itong anak ko.... medyo namomoroblema ako kase laki na magbabago sa aming mag-ina, kung dati buong araw kami magkasama at talagang alaga ko sya ngayong lapit na pasukan nila kawawa naman baby ko kase wala ng aasikaso sa kanya dun sa magiging school nya yun nga medyo ikina-worry ko po kase d ko naman po alam mga ugali ng mga japanese hinde ba sila nang-mamaltrato ng makulit na bata? kase sobrang kulit pa naman po nitong anak ko.....thank you po sa mag-cocoment! good pm po sa lahat!

summergirl
03-30-2007, 04:00 PM
Wag kang mag-alala dahil ang mga kindergarden dito are like playing,singing..At marami silang matututunan.At secured ang mga bata dito at maingat silang lahat dito specially sa mga bata..Relax ka lang..Matutulog pa nga sila eh..At marami silang mga activities na matutunan dito.

hot_headed
03-30-2007, 04:17 PM
Wag kang mag-alala dahil ang mga kindergarden dito are like playing,singing..At marami silang matututunan.At secured ang mga bata dito at maingat silang lahat dito specially sa mga bata..Relax ka lang..Matutulog pa nga sila eh..At marami silang mga activities na matutunan dito.



ah ganun po ba?! sige maraming salamat nalang sa comments! at least now mpapanatag na ako hehhehe!

mrs-mymelo
03-30-2007, 05:56 PM
:) Okey lang...don't worry.Kadalasan mababait mga teacher ng kinder.
Makikisama ka lang lalo na sa mga Nanay.
Tanoshimi....

la_tina512
03-30-2007, 07:06 PM
Huwag kang mag-alala at baka ma-stress ka. Kung sa yochien (Kindergarten school) sya papasok magandang preparation para sa pag-aaral nya. Don sa pinasukan ng panganay ko maganda naging training sa kanila. Behaved ang mga bata at bawal bad words. Hindi rin tino-tolerate ang kakulitan ng ibang bata lalo na pag nang-aaway.

Be friendly sa mga nanay kailangan always smiling ang beauty mo pero wag kang madi-discourage dahil hindi nawawalan ng supladang nanay na hindi ka papansinin. Maikli lang ang oras sa yochien pero merong iba na nag-e-extend ng oras (additional fee/hour babayaran mo agad).

Iba rin sa hoikuen. Mahaba ang oras dito kasi mostly ng mga bata rito nagwo-work ang nanay. Pinatutulog sila ng tanghali unlike sa yochien.

P.S.

Mababait ang mga naging teachers ng anak ko sa pinasukan nyang yochien. They're trained for that kaya wag ka mag-alala. Prepare yourself for meetings with the mothers where you will introduce and tell something about yourself and your child.

Tarena314
03-30-2007, 08:16 PM
Don`t worry pagkakataon mo na rin yan para makisalamuha sa mga Hapon at madadagdagan pa ang iyong kaalaman..,Mababait at maalaga ang mga teacher sa Kinder Garden school..,Sa umpisa lang medyo maninibago ka at sigurado iiyak ang anak mo oras na iwanan mo sa unang araw at sa mga susunod na araw pa..,pero masasanay din sya ..,sa una lang naman laging may hirap..,
ganbatte ne..,! tanoshimi ne..,:)