PDA

View Full Version : Pub operator arrested after sending homeless men to Philippines for marriage scams

mark_15
04-11-2007, 12:51 PM
mainichi A man who arranged fake marriages in the Philippines between Filipinas and homeless Japanese men so he could bring the women to Japan and employ them as hostesses has been arrested, police said. Arrested on suspicion of making false statements on official documents and using falsified documents was Yoshiro Kawamura, 59. Police suspect Kawamura sent homeless Japanese men to the Philippines to take part in the fake marriages, and helped about 20 people enter Japan. Read more... (http://mdn.mainichi-msn.co.jp/national/news/20070410p2a00m0na008 000c.html)

biloglog
04-11-2007, 01:18 PM

sa damidami ng hapon dito bakit homeless pa. another digrading news :eek: . at kumakagat kaagad ang mga PINAY sa pinas. no wonder kaya ang baba ng tingin ng mga hapon sa mga pinay dito sa japan.
hoy! neneng yung asawa mong homeless nasaan na? hehehe!!..
:D

docomo
04-11-2007, 01:45 PM
Some people can be extremely ignorant. I don't think I'd be able to be lighthearted about it.... :rolleyes:

Soju6
04-11-2007, 06:31 PM
Yung mga ganitong balita ang talaga namang nakakapang-gigil.

la_tina512
04-11-2007, 07:31 PM
Sabi nga ng mga hapon, shoganai. Gustong kumita ng maganda at makatulong sa pamilya (as usual) kaya kapit talaga sa patalim. Baka nga kamo hindi pa nila alam na homeless pa 'yong mga pinakasalan nila. Kaya hindi natin masisi ang mga hapon kung bakit ganon na lang i-degrade ang mga Pinay. Kahit ano nga naman papasukin makarating lang sa land of the rising yen.. :confused:

mOtt_erU
04-11-2007, 07:44 PM
Haaaaaaaaay......... .Undeniably, mahirap ang buhay sa Pinas kaya naman yung iba nateng Pinay na kababayan eh kumakagat nalang sa kung anong pwede o maaring maasahan nila para makapagtrabahO...ok lang magtrabahO pero sana naman mag-isip isp pa rin....hindi yung nakarinig lang ng magagandang alok o mabubulaklak na salita eh pumapayag agad...kagaya nyan nagkahulihan, pano na yang Pinay/ mga Pinay na involved??...nakakai nis na nakakaawa sila....sana malusutan nila yang pinasok nila.:(

orangee
04-11-2007, 08:02 PM
i think we should not judge those pinays if they want to come and try their luck here.
it's a win-win situation for the pub owner, the homeless (so they could have enough money
to play pachinko) and the pinays who could earn a decent amount for their families in the PI.
business strategy lang to at ginamit lang nila ang utak nila, sadly, nabuko.

yung ibang tao kasing nauna na sa japan (yung mga beteranang hostes na ngayun eh nasa cleaning at hotels as chamber maids) na once upon a time eh kumapit din naman sa patalim, eh nagmamalinis. lucky you, madaling pumasok sa japan 20 years ago!

Please!

summergirl
04-11-2007, 08:57 PM
We cant blame those japanese kung mababa ang tingin sa mga pinay,<hindi naman lahat..>At di rin natin ma blame ang immigration kung nag-hihigpit man sila.kawawa naman ang mga majime na pinay dito sa Japan nadadamay..

Tarena314
04-11-2007, 09:42 PM
Pareho lang na may pagkukulang..,maayos ang hangarin pero maling pamamaraan..,:(

miyuki
04-12-2007, 08:09 AM
kung minsan nasasabi natin yung mga bagay na dapat ganito ,dapat ganon ang tama at mali .. kasi hindi tayo ang nasa katayuan ng taong kumakapit sa patalim. totoong labag sa batas ang makipag immitation kekkon pero siguro kung kayo ang nasa lagay nila iba ang magiging takbo ng pag iisip nyo at iba ang pananaw nyo sa buhay. hindi ako immitation kekkon , pero binibigyan ko sila ng katuwiran sa mga ginagawa nila. Againts the law nga , pero sa sobrang higpit ng Japan kaya sila nakakaisip ng ganoon. kaya wag natin sila husgahan ..swerte lang tayo kasi nagkaroon tayo ng chance na mamuhay ng legal dito . pero siguro kung kayo ang nasakatayuan nila at yoon lang ang paraan para maiangat mo standard of living mo at ng pamilya mo , baka kumapit ka din sa patalim.siguro NO choice lang sila kasi kung may mas maganda at legal na paraan para makapagwork dito at pwede nilang gawin ,for sure yun ang gagawin nila. ang bad image ng mga pilipino nakatatak na yan hindi lang ang mga pilipino ..ang mismong bansa natin ang may BAD image at wala tayong magagawa kasi pilipino tayo kaya daladala na natin yung image na yun.hindi lang sa Japan kahit sa USA at EUROPEAN countries .. ..lahat naman ng tao , lalo na sa kultura nating mga pilipino ALANG ALANG sa pamilya kahit kamatayan susuungin.Aminin na natin , karamihan sa atin kaya tayo nandito dahil sa pamilya natin ,minsan din tayong kumapit sa patalim ,alam natin na sa omise tayo magwork pero kumapit pa din tayo , that time kasi wala tayong choice.. nagkataon lang na swerte tayo at may GOOD CHANCE na dumating. siguro sa iba ito lang immitation kekkon ang paraan nila.hindi natin sila maiintindihan hangga't hindi tayo ang nasa katayuan nila...opinyon ko lang po..

mOtt_erU
04-12-2007, 09:50 AM
yung ibang tao kasing nauna na sa japan (yung mga beteranang hostes na ngayun eh nasa cleaning at hotels as chamber maids) na once upon a time eh kumapit din naman sa patalim, eh nagmamalinis. lucky you, madaling pumasok sa japan 20 years ago!
Please!
alam mo orangee yokei na koto yang binaggit mo na beteranang hostess na sabi mo nagmamalinis.....di naman lahat ng beterana o matagal na dito eh ganun..hindi lahat sila ganon kaya fyi, wag mo sila igeneralized. Kahit tumanda na dito o bagong salta pa eh kung feeling nyan magmalinis eh magmamalinis yan... pinupunto naten dito eh yang ginawa ng pub operator na yan, at yung Pro`s & Cons na involve sa immitation kekkon ng Pinay nateng kababayan...yan ang jinujustify naten...we`re not judging anyone here in a way na degrading..so balik ko sayo PLEASE mo; cool lang tayO...hindi tayO nagbibigay ng opinyon para manapak ng kapwa....
my two cents;)

@ mods: Sorry po sa OT

mbstorun
04-12-2007, 10:29 AM
pero nasa pinoy/pinay yun kung papatulan nilang magpakasal sa di man lang nila kilala dahil sa pera lang or para lang makapunta ng Japan. napakaraming decenteng trabaho like factory workers naman pero meron kaseng iba na gusto easy money....di ko po nilalahat pero yan ang nakikita ko malimit sa pinay...di ko rin po sinasabi na pinay na andito lang sa Japan kase kahit naman sa ibang lugar maraming kababayan natin na sumasabak sa di magandang trabaho dahil sa pera. oo mahirap ang buhay pero kung lalawakan lang ang pag-iisip maraming trabaho na decente. kahit nga sa middle east mahigpit... muslim country pa yun pero marami din akong alam na pinay na bayaran kung tawagin nila (pasensya na sa ginamit kong term)..sa mga hotels may mga presyo sila. kaya minsan, nakakasama rin ng loob na kahit di mo gawain ang mga yun sumasama ang loob mo dahil alam naman natin na iba ang tingin ng iba sa pinoy. anyway, sigurado yung homeless kumikita rin yan. buti nga yan may nahuli dahil kawawa naman ang mabibiktima..

orangee
04-12-2007, 11:33 AM

kawawa din yung mga pinoy na matitino at pumaparehas dito sa japan at kung san pang lupalop kasi tingin sayu ganun ka rin.

and as my favorite japanese word says: shoganai.

and i'm not taking my oh, PLEASE!!!

Soju6
04-12-2007, 12:11 PM
Nakakalungkot at nakakasama ng loob.
Kung kasing yaman lang ako ni Bill Gates…
Sisiguraduhin kong di mangyayari ang ganito sa mga Filipinas.

MIMI
04-12-2007, 12:49 PM
nakakalungkot isipin at pinapayagan sila ng mga magulang nila.. ako yata di ko maaatim ang magpakasal sa di ko kakilala:( di ba pumasok sa isip nila na hindi nila kakilala ang lalaki e basta nalang sila magpapakasal, e kung halayin ka nun?!! wala ka mamagagawa kasal kayu e. diba? hay naku nagha-high blood nanaman ako..:mad: ok narin yan para maging lesson sa mga nagbabalak pa.:( at sana naman e kunmilos tayo sa tamang paraan..:(

McBONG
04-12-2007, 01:07 PM
Katatapos lang ng semana Santa(holyweeks) eh,ganito na ang mabubungararan kung News.Kelan lang isang Hapon ang nag nag-pa -"Pako"sa krus,sa P.I.para ano?Ilagay don sa pornographic videos?no one reacted?Filipina na nare-rape sa Middle East?eh,yong rapist pa ang naging bayani,at kasalanan pa noong Filipina.Mga kelan lang din at ilang taon na ang nakakaraan wala man rin siguro nakaalalam isa rin Japanese yakuza names "majenta"(magenta)na imbestor kuno'na maraming nadenggoy na pinoy sa pyramid scam(makikita mo noon ang malaking poster nyan sa Edsa)eh,naging kasalanan pa ng mga nag-invest na Pinoy.

Ngayon eto!mr.kawamura ginagamit yung NGO(non-government organization)for marriage scam!at pag-e-exploit dito sa mga Pinay na nag-nanais makapagtrabaho dito sa Japan eh!baka maging bayani na naman ito.???Pa-OT na rin uli,Dito sa issue ng "kekkon immitation"na to,hindi lang naman Pinay ang nase-sentro dyan,pati rin Thailand,Vietnam,Chi nese from mailland china,Peru,brazillia n ang dami nyan!Isa sa na-experienced ko dyan,at muntik ko nang bunutan ng pilik mata,..eh,.yong mga Babae dyan sa Ropponggi sa Kanto ng Almond eh,nag-papanggap na mga Pinay!na nag-o-offer ng "massage"pati rin dyan sa mga foreigners.,at sasabihin "Im a Filipina",i give you a full massage,pero mga chinese mainland at Thailand nationals mga "mukang na to",kaya di mo rin maisip minsan bumababa ang tingin sa mga pinay dahil sa mga mukang na ito.,kung di lang nangi-alam ang isang egoy,doon me tama sa akin mga iyan!

chameleon
04-12-2007, 01:29 PM
I am more concerned now about these Pinays who went into the fake marriages...if they were also scammed,will they have to be deported to the Phil or put in jail if they had prior knowledge?

mamimo
04-12-2007, 06:04 PM
Pub operator dapat nagpapako sa krus nun nakaraang mahal na araw.........hustler mga yan magaling magsalita kaya kahit Pinay na mahina loob sa ganyan kalokohan na-coconvince nila.

mbstorun
04-12-2007, 06:38 PM
kawawa din yung mga pinoy na matitino at pumaparehas dito sa japan at kung san pang lupalop kasi tingin sayu ganun ka rin.

and as my favorite japanese word says: shoganai.

and i'm not taking my oh, PLEASE!!!

tama ka dyan kawawa talaga ang mga pinoy na matitino at pamaparehas sa mga pinoy na ganun nga pero sabi mo nga no choice kaya kahit di ka ganun walang magagawa..sana dumating ang araw na mag-iba naman ang tingin nila sa pinoy dahil nakakalungkot at nakakasama ng loob pag ikaw na di mo gawain yun, nadadamay ka. kaya nga sana mag-isip naman ang pinoy (lalo na ang pinay) bago magpakasal sa di kilala dahil lang sa gustong makarating dito sa Japan or sa ibang bansa man. para di naman mababa ang tingin ng iba sa'tin. depende kase satin rin yan kung gusto mo ng easy money so ganun na nga ang mangyayari.

la_tina512
04-12-2007, 07:10 PM
Wala namang humuhusga sa kanila, who are we to judge? Napapag-usapan lang ang outcome ng ginawa nila. We can't also blame them kung wala silang choice lalo na kung gusto lang nilang i-angat ang level ng pamumuhay nila at makatulong sa pamilya. Hostess din ako dati pero dumaan ako sa process. I took the audition (blue card pa non), passed and obtain my PECC card, showed up sa promoter and the rest is history. For financial reasons din kung bakit ako napunta rito at 'yon ay para sa mga anak ko.

Dahil sa pagkakahuli sa promoter na gumawa ng mga fixed marriages na 'yon mas lalong humigpit ang immigration. Nong masita ako sa Kinshicho para akong kriminal na pinaikutan ng 8 policemen, naka-bike at patrol car. Ayaw nilang maniwala sa alien card ko, dinala ako sa headquarters at ginamitan ng machine ang aking alien card to test its authenticity. Imagine the embarrassment na isakay ka sa patrol car at parang kriminal na inimbestigahan sa headquarters. San daw ba ako sumakay papuntang Japan? :rolleyes: 4 lang naman 'yon na alternate sa pagtatanong. Sana nga maging matalino naman ang ating mga kababayang Pinay kung papano sila pupunta rito.

McBONG
04-15-2007, 12:30 AM

Sa tingin ko meron mali dyan,at di tama ang procedure,pwede mo i-reklamo ang mga abusive na ganyan!Di tama yan!talagang embarrassing yan!anyway by the power of computer vested on me plus the Internet!!di tama yan!!!nang-gagalaliti ako sa ginawa sayo ng ganyan!Immm mcbonggggg.....grrrr rrrrrrrrrrrrrrrrrr.