PDA

View Full Version : friday the 13th


neg
04-13-2007, 03:02 PM
ngayon ko lang napansin friday the 13th pala.kase diba sa atin pag ganitong araw palagi sinasabi "ingat today is friday the 13th" marami daw mga bad luck,accidents etc......totoo ba ito?:p diba may palabas pa nga noon na friday the 13th?

Soju6
04-13-2007, 03:18 PM
Ma'm Neg, sa movies lang ho yan.

----------------------------
A successful man is one who makes more money than his wife can spend.
A successful woman is one who can find such a man.

maimai
04-13-2007, 03:24 PM
ngayon ko lang napansin friday the 13th pala.kase diba sa atin pag ganitong araw palagi sinasabi "ingat today is friday the 13th" marami daw mga bad luck,accidents etc......totoo ba ito?:p diba may palabas pa nga noon na friday the 13th?


yup..pag friday the 13th..yan palagi ang sinasabi ng mga nakakatanda sa atin..pero ako di naniniwala dyan...:D ..

yung pamangkin ko sa pinas..nung ipinanganak sya friday the 13th...:D ..goodluck sa amin yun!:p

mokomichi
04-13-2007, 03:42 PM
well anniverssary po namin yan ng asawa ko.....:D

miraldc
04-13-2007, 03:57 PM
mmmmmm...san po ba nagsimula yang paniniwala na yan na ang friday the 13th ay may dalang malas? sa kin...kalokohan yan...

infinite_trial
04-13-2007, 04:00 PM
well anniverssary po namin yan ng asawa ko.....:D

11 months naman namin ng bibi ko :D

yukio_cris
04-13-2007, 04:35 PM
11 months naman namin ng bibi ko :D

wedding anniversary ng parents ko... nag aaway nman kami ng habibi ko:mad:

rodem
04-13-2007, 04:40 PM
swerte daw ang Friday the 13th sabi ng mga chinese... kaya eto ako ngayon sa loob lang ng bahay muna at baka nga swertehin ako ng di oras sa labas... :D

goma_23
04-13-2007, 04:50 PM
mmmmmm...san po ba nagsimula yang paniniwala na yan na ang friday the 13th ay may dalang malas? sa kin...kalokohan yan...

Maraming pong pinagmulan, and if you could remember sa Da Vinci Code movie, pinaliwanag din ni Robert Langdon yung connection ng Knights Templars sa Friday 13th,

eto po ang link , http://en.wikipedia.org/wiki/Friday_the_13th

biloglog
04-13-2007, 05:27 PM
4 years ago, friday the 13th din, nanalo kami sa jockpot ng bingo.:)

Tarena314
04-13-2007, 05:32 PM
Para sakin naman ay lucky day yan...,:)

mamimo
04-13-2007, 05:36 PM
4 years ago, friday the 13th din, nanalo kami sa jockpot ng bingo.:)

hehehe..........swer te ko pa rin di pa ko minalas ng ganyang araw:D

mbstorun
04-13-2007, 05:49 PM
kami rin po di kami naniniwala dyan pero kung paniwalaan mo naman, wala naman sigurong mawawala sayo. sakin naman kase...kung maniwala ka siguro sa kasabihan na yan baka posibleng magkatotoo kung di ka mag~iingat. pero everyday naman kase at kahit san ka lang kung mamalasin ka so oras mo talaga yun. :p

Autumn
04-13-2007, 07:06 PM
Just an ordinary day..:D noon at ngayon

neg
04-13-2007, 07:37 PM
superstitious belief ika nga.its against my mom`s rule ang maniwala sa mga ganyan hindi po christian kase ang mommy ko,she`s following indian`s religion.hindi naman sa naniniwala ako or hindi ako naniniwala parang ni reminisce ko lang sumaglit kase sa aking mapaglarong isipan,na pag ganitong panahon daming mga scary movies or dramas sa pinas.sorry po i love scary movie kase eh.minsan napaguusapan si lolo da vinci ko:toofunny:

dianne
04-13-2007, 07:49 PM
only GOD knows kung oras muna dear ;)

la_tina512
04-13-2007, 08:04 PM
Noon hindi lang Friday the 13th ang iniiwasan ko. Lahat na yata halos ng pamahiin sinunod ko. Kung babalikan ko it was all the product of my being ignorant (para sa akin lang po), katangahan ika nga. I basically lived in fear. I also believed in the word luck.

Now it's entirely different mula ng mag-aral ako ng Word of God. I solely rely on what is written in the Bible which means Diyos lang ang may hawak ng buhay ko. It's only His Word that I believe in now, hindi na sa sasabihin at paniniwala ng tao. I am more confident of myself because of God at sa mangyayari dahil alam ko pag nasa Diyos ako walang puwedeng masamang mangyari sa akin. :)

mokomichi
04-14-2007, 05:23 AM
nung nasa pinas tayo malas na numero daw yan 13, nang makarating na ng japan numero 42 naman... samut saring kasabihan ika nga, may malas may swerte, kayat nagiging makulay ang buhay ng tao dahil dyan.. kaya ang masasabi ko lng, gusto ko ng matulog:D kc saturday the 14th na..

makino
04-14-2007, 04:44 PM
friday the 13th,birthday naman ng AUNTIE ko yan &ok! naman sya as in 68 years old na sya.tuwing natatapat sa friday ang 13th,kagaya kahapon,wala namang bad luck na nangyari so hindi naman siguro totoo na malas yang araw na yan.

abby
04-14-2007, 05:12 PM
friday the 13th,nung nanganak ako(feb,13 2004) tpos dec 13 nung 1st time ko naka punta ng japan...kaya para sa akin lucky ang no.13:) kaya kahapon panalo ko sa tong'its:D

louvette_15
04-15-2007, 03:54 AM
naniniwala ako na malas ang friday the 13th. last friday lang, nanakawan ako ng 1lapad plus 15 pcs. na call card na binebenta ko sa kaisha.

joeblack
04-15-2007, 08:03 AM
friday the 13th? Natawa ako sa kasamahan ko sa trabaho. Nung friday kasi after ng work nung umuwi na kami, pagdating nya ng Kamata hinuli sya ng 3 police. Ibinigay nya yung alien card nya; di pa naniwala yung police kaya dinala sya sa Police station at doon ginamitan ng maliit na lens at tiningnan ulit yung alien card nya. pagkatapos nun hinanap pa yung passport nya. nasa bahay nya yung passport kaya sakay ulit sila sa Patrol car papunta sa bahay nya. Nung ibinigay na ang passport sabi ng police kailangan bumalik sila sa presinto dahil ang chief daw nila ang maka pag decide kaya sakay ulit sila ng patrol car pabalik sa presinto. Tiningnan yung passport saka sya pinakawalan. nagalit sya dahil gutom at sumakit ang ulo kaya hinatid ulit sya ng patrol car pauwi sa apartment nya pero 10:30 na ng gabi.... Nakakaawa at nakakatawang karanasan yan ng kasama ko sa trabaho noong Friday the 13th lang....



naniniwala ako na malas ang friday the 13th. last friday lang, nanakawan ako ng 1lapad plus 15 pcs. na call card na binebenta ko sa kaisha.