PDA

View Full Version : Bakit Kapwa mo pinay lolokohin ka pa

gud
04-13-2007, 08:24 PM
kapitbahay ko pa ! sa halagang 13,000 yen pagbubukas bukasin, tas di magpapakita sayo...
Hindi ka pa pagbubuksan ng pinto ng bahay nya kahit nakita mo sa pinto na me sumilip...
nagmamadali lagi pag natyempuhan ko... pag d nagpakita at nasa bahay naman, laging rason TULOG DAW !
binigyan ko lan sya ng chance at baka d sya katulad ng iba... dhil nung dec last yr, naka confine asawa ko pati in-law ko, na alam nya, inuutangan pako ng 3 lapad... so nang makalabas galing opera asawa ko, ayan na 13,000 yen...
bakit kailangan sirain ang pagkatao sa ganyan halaga lamang ?

tayo tayo na dapat magtulungan dhil nasa ibang bansa tayo, eh tayo tayo pa ba ang dapat maglokohan ?

makulit
04-13-2007, 08:48 PM
hi gud.
baka gipit pa po sya hanggang ngayon. pag pasensyahan mo na po.

bell
04-13-2007, 09:30 PM
hay naku ganyan taalga siguro ang ugali ng ibang pilipino,pag di sayo nakautang galit,pag pinautang mo pahirapan maningil tas magagalit pa sayo at ikaw pa ang masama.:Dbaka nga naman wala pa syang pambayad!:p

mamimo
04-13-2007, 10:24 PM
hay naku ganyan taalga siguro ang ugali ng ibang pilipino,pag di sayo nakautang galit,pag pinautang mo pahirapan maningil tas magagalit pa sayo at ikaw pa ang masama.:Dbaka nga naman wala pa syang pambayad!:p

waaahhh.........pang it nga ng ganyang pakiramdam kaw pa lalabas na masama dahil sa perang pinautang mo..........magalit ka ngayon bukas malimutan mo man pati yun tao pero kahit pano matututo ka rin.............expe rience is the best teacher indeed.:)

gokigenyo
04-13-2007, 10:40 PM
gud san baka nagka- amnesia sya!:p Parang yung friend ko rin after mangutang sa akin ng 2 lapad ayun nagka-amnesia na! tigas ng mukha nga eh! hinayaan ko na lang kase pag inisip mo pa sasama lang loob mo magkaka-wrinkles ka pa! sila naman mag sa-suffer ng karma nun eh!

la_tina512
04-13-2007, 11:02 PM
Meron akong kaibigan dito maganda reason nya kung bakit ayaw nyang magpa-utang lalo na sa kaibigan. Usually raw kasi 'yan ang nakakasira ng relasyon bilang magkaibigan kaya sumama na loob ko raw hindi nya ako pauutangin. On the other hand, tama rin naman sya. Although hindi ko nagawang mangutang kasi nakakatakot din sana pag nagpahiram tayo ihanda na natin kalooban natin at piliin nating mabuti ang taong pauutangin at madala tayo na marami talaga na naging 'ugali' na lang mangutang ang tumatakbo.

dcat
04-13-2007, 11:05 PM
hay naku ganyan taalga siguro ang ugali ng ibang pilipino,pag di sayo nakautang galit,pag pinautang mo pahirapan maningil tas magagalit pa sayo at ikaw pa ang masama.:Dbaka nga naman wala pa syang pambayad!:p
:D hahah, alin ba talaga bell? :D :D

mbstorun
04-14-2007, 12:12 AM
gud, baka nadadala lang sa hiya nya na wala pa syang pambayad kaya di sya nagpapakita sayo. pero sigurado nakakaramdam din yun lalo na at kapitbahay mo lang sya. di mo ba sya natatawagan?

gud
04-14-2007, 01:42 AM
meron bang nahihiya na taas pa noo sakin na araw daw ng sweldo nila (april 10) at bukas ibibigay... hanggan sa puntahan ko sya, ayaw makipag usap...
ok lan naman sakin un sabihin drecho na gipit sya eh, pero un magyayabang pa na magbabayad tas hindi, talaga nakakagigil...
o baka sadyang makapal kaya mukha nya at sanay sya sa ganun...
dahil minsan napadaan ako dun sa 2nd flr, nakita ko sa pinto nya, me nakapaskil na sulat malaki, pagnatanggap mo tong letter ko, pakitawagan naman ako... ano ibig kaya sabihin nun ?
marami syang utang sa labas ? baka beterana na sya sa ganyan gawain :rolleyes:

pano ko rin sya tatawagan, nagpalit daw sya ng cell, at ayaw na ibigay # nya...
(nagtatago siguro sa mga inutangan nya)

gud, baka nadadala lang sa hiya nya na wala pa syang pambayad kaya di sya nagpapakita sayo. pero sigurado nakakaramdam din yun lalo na at kapitbahay mo lang sya. di mo ba sya natatawagan?

kyla06
04-14-2007, 08:00 AM
may karma din sa mga taong ganun.

miyuki
04-14-2007, 08:22 AM
kung minsan kaya hindi makabayad ay baka dahil talagang gipit pa sya at di pa nya kayang bayadan ang hiniram, pero dapat na tamang attitude ng may utang, ay makipag usap ng maayos , harapin at makiusap ng maayos sa taong pinagkakautangan. siguro naman ay may mabuting loob at pang unawa ang pinagkakautangan para makaintindi. pero may tao din na ugali na mang "balasubas" ba ang tawag doon na pagkatapos mangutang ay parang di na naalala at ayaw ng magbayad kahit may pambayad. ngayong nasubukan mo na sya , sya ang talo sa huli kasi pinasisikip nya ang lugar na ginagalawan nya. at siguradong anino mo pa lang ang makita nya di na nya alam kung saan sya pupunta. kaya mas sya ang nahihirapan ...

bell
04-14-2007, 08:36 AM
waaahhh.........pang it nga ng ganyang pakiramdam kaw pa lalabas na masama dahil sa perang pinautang mo..........magalit ka ngayon bukas malimutan mo man pati yun tao pero kahit pano matututo ka rin.............expe rience is the best teacher indeed.:)oo nga,for experience na lang yan,kaya yon mga nagpapautang dyan kilalanin muna kong magbabayad sya,sabagay dimo naman alam kong magbabayd sya o hindi diba!:Dnyhahahaha!an g gulo!:bonk:ah basta ang mas maganda wag ka na lang magpautang!:scratch: :lol:

Inday_36
04-14-2007, 09:28 AM
hello gud, bait mo naman, gipit ka na nagpapautang ka pa.
nangako ba sya sa iyo kung kelang ka nya babayaran?
kung may ibinigay syang araw na kung kelan babayaran, dapat lang siguro na puntahan mo sya para singilin.

SWEET_REINA
04-14-2007, 09:29 AM
hay naku may experience din po ako dyan ms.gud di ka nagiisa!!inutangan ako ng magkapatid pa!syempre kasama ko sila sa bahay,tiwala ako n pinautang ko,then nung ala m ko na may pera na sila siningil ko dhil nung time na yu ako nmn ang gipit,,,,akalain mo sabi nung isa eh nagbayad na sya sakin!ngeeeekk,,wala nmn tlga ko natanggap!yun isa nmn eh wala pa daw,samantalng sabay kmi sweldo nun!,,then umuwi ako ng pinas 2 weeks lng,pagbalik ko wala na po sila dlaa sa bahay!!take note limas po ang pagkain kong stock,,,at ibang damit at bag!!!..........imag ine that,,may ganon palang pilipana!kababaeng tao,,anyway natuto nako,nakakadala eh,,

sachi807
04-14-2007, 10:52 AM
:D gud hindi ka nag iisa,mas masakit nga yung nangyari sa akin dahil bestfriend ko dyan ang lumoko sa akin,two years ago umuwi silang mag asawa dito for one month,minsan dito ko pa pinatutulog,mag grocery pa ako para sa kanila.then one day pumunta dito para umutang ng 100thou kasi na-expire daw ticket at pangbayad dun sa condo na inupahan nila,ipapadala daw agad pagdating nila dyan.palibhasa bestfriend ko at may tiwala ako sa kanya,pinahiram ko.after one month kinukulit ko na siya sa keitai niya,hangang sa hindi ko na siya makontak dahil nagpalit ng no.,pati sa landline kahit tawagan ko kesyo umalis,naliligo etc.lately puro answering machine na lang.napakasakit talaga ng ginawa niya sa akin,nung nakausap ko siya minsan siya pa ang galit.kaya ngayon kahit singkong duling hindi na ako nagpapautang..napaka saklap ng nangyari sa akin:eek: :rolleyes: :mad:

la_tina512
04-14-2007, 12:09 PM
Sachi, grabe ka sa bait. Buti na lang ako P6thou lang pinahiram ko. Hindi ko na pinilit na bayaran ako katuwiran ko babalik naman sa akin 'yon in some other ways. Masakit man sa loob ko dahil pera pa rin 'yon shoganai wa. Hindi mo talaga mapipilit ang taong walang pambayad o walang balak magbayad.

cute_pinay79
04-14-2007, 12:36 PM
bakit kailangan sirain ang pagkatao sa ganyan halaga lamang ?

Hello gud san!
Naku! Marami po talagang ganyang tao. Ilang beses din akong nakaranas ng ganyan, yong isa nga super tagal ko ng kakilala at ninang pa ng panganay ko... Buti na lang, bilang pag-try ko sa knya, di yong buong hinihiram nya ang binigay ko. Hayun, after akong utangan, di na nagpakita sakin, minsan accidentally nasasalubong ko, pero di ako pinapansin, alangan nman ako tumawag sa knya eh di nman ako ang me atraso... Mag-3 yrs na mula noon, sa awa ng Dios, ibinaon na nya sa limot utang nya, friendship nmin, at pagiging kumare ko... Nakakalungkot na malaman mo later on na yong friendship ninyo at TRUST mo don sa tao ay ipagpapalit lang sa maliit na halaga... Tsk! Tsk!
Ang ginawa ko, ipinagpasa-Dios ko na lang... naniniwala kasi ako sa Karma, due to my experiences... Mabilis po bumalik ang karma...
Siguro po Gud san, yong friend mo ay di pakikipag-kaibigan ang pakay sayo kundi pagkakautangan? Hirap talagang ma-determine kung totoo ba yong pinapakita sayong friendship o puro kaplastikan lang, lalo na dito sa japan...:(

honey
04-14-2007, 01:48 PM
Buti na lang pala ako kahit gipit hindi mangungutang at wala rin naman akong pera para maipautang :D sa totoo lang yan ang madalas kadahilanan ng pagkasira ng pag-kakaibigan PERA:) .

mr.kuripot
04-14-2007, 01:55 PM
Susme ako din po dami na rin experience na ganyan, minsan pa nga ako ang nahihiyang maningil:D..Sa pera talaga nasisira ang relasyon ng magkakapamilya o magkaibigan:(..kahit naman sabihin mo na ayaw mo magpautang minsan sa dala ng awa at matamis na dila ng nangungutang ay wala tayong magawa..Sa mahilig mangutang kun halimbawang manghihiram wag na sana mangako pa na babayaran sa ganitong araw kun di rin naman kayang tuparin ng di na umasa ang pinagkakautangan..Pa g di ka nasira diba maaari ka ulit manghiram kun sakaling magipit ka ulit..:p

makulit
04-14-2007, 04:08 PM
napag-uusapan na rin po ang utang dito ... sana yung isang member natin dito sa timog ay makita itong thread at baka bumalik sa memorya nya may dapat syang bayaran sa akin ...

sorry gud, nakisingit sa thread mo ...

gud
04-14-2007, 07:10 PM
yes inday, march pa utang nya, nangako sya na april 10 kaya april 10 ko sya pinuntahan... tas sagot sakin bukas ng umaga hanggan sa d nagpakita... kesyo tulog at ayaw ako pagbuksan ng pinto...

hello gud, bait mo naman, gipit ka na nagpapautang ka pa.
nangako ba sya sa iyo kung kelang ka nya babayaran?
kung may ibinigay syang araw na kung kelan babayaran, dapat lang siguro na puntahan mo sya para singilin.

gud
04-14-2007, 07:18 PM
actually ms.pinay shes not my friend...
kalilipat palan nila dto sa mansion... kse daw dami nagrereklamo sa kanila dun sa dati nilan bahay, lalo na anak nya, maiingay daw which is true...

sa akin lan, nagbigay ako ng chance sa kanya na baka pede sya pagkatiwalaan khit me experiences nako sa iba na ganyan... kaso, nagkamali ako uli! ayaw ko naman kse isipin na kapwa ko pilipina d pede pagkatiwalaan lalong lalo na sa pera... nakakahiya dhil pinay din ako...

tuloy nasabi ng asawa ko, alam mo ng karamihan pinay nandto talagang ganyan... pero d ako pinagalitan ng asawa ko sa ginawa ko... sabi lan nya, ingat ka na uli...

Hello gud san!
Naku! Marami po talagang ganyang tao. Ilang beses din akong nakaranas ng ganyan, yong isa nga super tagal ko ng kakilala at ninang pa ng panganay ko... Buti na lang, bilang pag-try ko sa knya, di yong buong hinihiram nya ang binigay ko. Hayun, after akong utangan, di na nagpakita sakin, minsan accidentally nasasalubong ko, pero di ako pinapansin, alangan nman ako tumawag sa knya eh di nman ako ang me atraso... Mag-3 yrs na mula noon, sa awa ng Dios, ibinaon na nya sa limot utang nya, friendship nmin, at pagiging kumare ko... Nakakalungkot na malaman mo later on na yong friendship ninyo at TRUST mo don sa tao ay ipagpapalit lang sa maliit na halaga... Tsk! Tsk!
Ang ginawa ko, ipinagpasa-Dios ko na lang... naniniwala kasi ako sa Karma, due to my experiences... Mabilis po bumalik ang karma...
Siguro po Gud san, yong friend mo ay di pakikipag-kaibigan ang pakay sayo kundi pagkakautangan? Hirap talagang ma-determine kung totoo ba yong pinapakita sayong friendship o puro kaplastikan lang, lalo na dito sa japan...:(

gud
04-14-2007, 07:27 PM
bilib lan ako sa nangungutan na di naman pala marunong magbayad...
nakakaya pa nilan matulog at makakain ng me ibang tao silan pinuperhisyo...
di rin ba nila na naisip na nakakahiya o mapapahiya pati mga anak nila ?

mas matindi naman un nakilala ko sa machida...
1st day meet namin, pinaalaga sakin agad 2 anak nya...
3rd day nagpasundo sya sakin sa eki kse punta daw sya sa haus ko...
tas pagdating sa haus ko nangungutan agad ng 10 lapad...
sagot ko, ala ako pera... lam nyo ba ano kasunod ng sinabi nya ???

mga alahas mo asan ? :eek:

mula nun, d ko na sya kinausap pa...

Inday_36
04-14-2007, 07:38 PM
hahaha.. sakit ng tyan ko sa kwento mo @gud, marami talagang ganyan.
meron nga din akong nakilalang ganyan, haponesa naman ang niloko nya, libreng tirahan at libreng pakain sya ni haponesa, tapos di sya nagtino. Ayun, dahil sya ay bilog, yung haponesa na rin ang nagpahuli sa kanya. Kaya andun na sya sa pinas ngayon.

dapat talaga pagnagbitaw ka ng araw kung kelan mo babayaran, dapat tuparin mo, para kung sakaling magipit ka ulit, may malalapitan ka.

Buti na lang lagi akong walang pera.:p

gud
04-14-2007, 07:56 PM
yes ms. inday.. dapat me word of honor talaga para d madala an taong inutangan..

sus me! nun andyan kmi sa osaka, ganyan din friend ko, pero d ko pinautang...
why ?
kse magkasama kmi sa work, d ko alam sinilip pala nya wallet ko...
sabi nya na kinagulat ko, bakit an dami mong perang dala ?
sabi ko, bakit alam mo ? sinilip daw nya wallet ko...

so cnagot ko, kse kinuha ko sweldo ng asawa ko...
sagot bigla nya, ako rin naman ah! ako rin kumukuha ng sweldo ng asawa ko...
sus me ! ala ako ibig sabihin dun, cnagot ko lan tanon nya...

tas nun naka-sweldo na kmi, aba ! nangungutang sakin...
sinopla ko nga, sabi ko, kasu-sweldo lan natin, nangungutan ka na ?
O DI BA SABI MO, IKAW KUMUKUHA SWELDO ASAWA MO ?
bat ka nangungutang ?

d nakaimik eh ! nabulunan yata ! hahahahaha!!
mula naman nun, iba na sya sakin :rolleyes:

hahaha.. sakit ng tyan ko sa kwento mo @gud, marami talagang ganyan.
meron nga din akong nakilalang ganyan, haponesa naman ang niloko nya, libreng tirahan at libreng pakain sya ni haponesa, tapos di sya nagtino. Ayun, dahil sya ay bilog, yung haponesa na rin ang nagpahuli sa kanya. Kaya andun na sya sa pinas ngayon.

dapat talaga pagnagbitaw ka ng araw kung kelan mo babayaran, dapat tuparin mo, para kung sakaling magipit ka ulit, may malalapitan ka.

Buti na lang lagi akong walang pera.:p

mOtt_erU
04-14-2007, 10:02 PM
haaay naku gud san may mga taO talagang ganyan.....:(
tinulungan mo na lahat lahat, kagaya nyan pinautang mo ; pero sa singilan parang ikaw pa`tong nagmamakaawang maningil..kagigil noh....haaay sana bayaran ka na nya...wag na pabukas bukasin pa...inutang naman nya yun sayO ng maayos eh di dapat ibalik nya din ng maayOs....

McBONG
04-15-2007, 12:07 AM
eto kantahan nyo na lang yang mga mangungutang dami nyo kasi pera eh!

"Wag mo akong tingnan na para bang uutang ka!....at halos nag-mamakaawa ang iyong mata...wag,kang lumapit at baka,..matuklasan mo pa...oh! mangungutang layuan mo ako...

Kaydami ng winasak na tahanan,kayrami ng bulsang kinutongan,..kayrami ng matang pinaluha,..ohhh!! utang layuan mo akooooo....di dapat mangyari ang ganito,bagkus tayoy tao lamang at nagigipit rinnnnn,,,ohhhhhhhh! utanggggg!!!!Layuann nnnn moooo akooooooooo!

Autumn
04-15-2007, 10:13 AM
hi @gud welcome back.long no see here in tf nah......
katuwa naman mga experienced mo.sabagay totoo yan.karamihan sa pinay ganyan ..ang kakapal (sorry) .meron din akong kilala dati .pahiram daw ng pera sabi ko wala dahil wala naman akong trabaho pa noon. aba sabi ba naman isangla mo muna mga alahas mo :eek::eek:..laglag panga ko..sabi ko eh bakit ako pagsasanglain mo eh mas marami alahas mo iyon ang isangla mo sagot ba naman eh hindi pwede kasi mamahalin itong mga alahas ko at bigay ng asawa ko..sabi ko sa kanya sobrang kapal ng mukha mo ang lakas ng loob mong ismolin ako eh ikaw na nga nangungutang(kasi mas mura daw alahas ko hindi daw nakakahinayang na maremata ):eek:....
ewan hindi pa kasi ako nakakautang sa tao kahit isang beses ..kasi nahihiya ako..di ba nakakahiya na mangutang.hindi mo alam kung paano sisimulan na magsabi..?kahit sa kapatid ko hindi pa ako nakahiram..meron siguro talagang mga tao na walang kahihiyan.
ngayon pag may tumawag at mangungutang sinasabi ko welcome kayo sa Aiful .takefuji etc...:D doon matututo silang magbayad ontime...:)

Inday_36
04-15-2007, 12:15 PM
yes ms. inday.. dapat me word of honor talaga para d madala an taong inutangan..

sus me! nun andyan kmi sa osaka, ganyan din friend ko, pero d ko pinautang...
why ?
kse magkasama kmi sa work, d ko alam sinilip pala nya wallet ko...

wow! spy's girl pala sya ng wallet ng iba? :p

gabriel
04-15-2007, 12:19 PM
kapitbahay ko pa ! sa halagang 13,000 yen pagbubukas bukasin, tas di magpapakita sayo...
Hindi ka pa pagbubuksan ng pinto ng bahay nya kahit nakita mo sa pinto na me sumilip...
nagmamadali lagi pag natyempuhan ko... pag d nagpakita at nasa bahay naman, laging rason TULOG DAW !
binigyan ko lan sya ng chance at baka d sya katulad ng iba... dhil nung dec last yr, naka confine asawa ko pati in-law ko, na alam nya, inuutangan pako ng 3 lapad... so nang makalabas galing opera asawa ko, ayan na 13,000 yen...
bakit kailangan sirain ang pagkatao sa ganyan halaga lamang ?

tayo tayo na dapat magtulungan dhil nasa ibang bansa tayo, eh tayo tayo pa ba ang dapat maglokohan ?

Kung bakit naman kasi nagpapa-utang ka ano? Bangko lang ang inu-utangan ngayon amiga. Dapat maging matalino na tayo ngayon ano. Kaya ang advice ko huwag na huwag magpa-utang kahit kanino. Pareho lang tayo na nandito sa Japan. Ang daming trabaho diyan.:mad:

gud
04-15-2007, 12:30 PM
thanks @autumn...
tagal ko nawala kse dami nangyari eh, last yr namatay mama ko...
dec., confine magkasunod in-law ko at hubby ko... (gnyan tym, inuutangan din ako ng 3 lapad nun pinay sa baba).. tas un nga, nitong march na, at nangako ng aprl 10 pero nagtatago... (pati mga anak nya binata, itinatago sya..) nasabi nga ng asawa ko, malamang daw na ganyan talaga gawain nyan dahil pati mga anak nya, tinatago nanay nila...

next month may, ooperahan na naman asawa ko na alam nya, tas ganyan pa na di sya nagbabayad...

WAG SANA MANGUTANG KUNG DI KAYA MGBAYAD ! di ba?
WAG DIN GUMAMIT NG MGA BRAND KUNG CANNOT AFFORD ! tigilan sana un kayabangan... kun puro utang naman...

hindi naman nakakahiya kun malaman nila wala kang pera, kesa naman puro kayabangan tas puro utang naman... kakagigil talaga ganyan tao

BEEP BEEP ... busina lan po ako (psensya na po kun me masasagasaan ha...)

[quote=Autumn;273639]hi @gud welcome back.long no see here in tf nah......
katuwa naman mga experienced mo.sabagay totoo yan.karamihan sa pinay ganyan ..ang kakapal (sorry) .

honey
04-17-2007, 10:35 AM
Ganun talaga e may mga tao kasing kapag namulat o nakasanayan na laging maraming pera hindi mapalagay kapag naubusan kaya nangungutang:(.

Pero sana magbayad kahit paunti-unti atleast hindi nakalimot nagbabayad tas kinakausap ng maayos yung pinag-kautangan.

miraldc
04-17-2007, 12:58 PM
may mga taong para makaporma lang eh todo kung mangutang..tapos iingitin ka pa sa mga bagay na nabili nya na inutang nya sau...tapos ang tagal tagal kung magbayad..huhuhuhu.. kainis...pag di mo naman pautangin sasama loob sau...SA MGA TAONG KAGAYA N2...magbago na kayo!! klangan alam nyo mga priorities nyo sa buhay..pra di kau nakkperwisyo ng tao...buti sana kung sa maganda gagamitin ung perang hiniram sau...

aj_4983
04-17-2007, 04:42 PM
Wla sigurong blak magbyad,or gustong ipalista yung perang inutang nya s tubig:lol: meaning TY...
Hay naku mahirap pabayarin ang taong ayaw magbayad. Don't worry me batsu on her way. Kung ganyan ugali nya next time wla n syang malalapitan. Makakatagpo din sya ng ktpat nya.
Parehas man kayong pinay, iba ka, iba sya...
Ikaw me pagkatao, sya ewan ko...
:food: ikain mo n lng yan sis...

ICHIBAN08
04-17-2007, 07:21 PM
Hello sayo @gud san!... grabe kapal nang mukha nung nangutang na yan sayo:( ...wala atang konsensiya...wag ka titigil sa kakasingil sa kanya baka sa kaling makulitan sayo e bayaran ka na...next time dapat bago ka magpa utang may papanghawakan ka na ng kasunduan ninyo para at least e mapipilitan na silang magbayad di ba?:D

gud
04-18-2007, 05:52 PM
ito naman news ko sa inyo ngaun...
aksidente nasalubong ko anak nya sa hagdan kanina...
so sabi ko, nanay mo asan ? tulog na naman ba ?

sagot nya, oo
sabi ko, bat di sya nagbabayad ha ? nagtatago ba sa ?

lam mo sagot ng anak ? d sya nagtatago !!! nagta-trabaho sya

so sabi ko, bat d sya magbayad ? puro bukas bukas hanggan sa d nagpapakita...
sabi ng anak, magkano ba ? sagot ko, 13,000

tmawa ba naman un anak ! sabi nya, DAKE ?

sa inis ko, nasabi ko, oo 13,000 yen dake, bakit di magbayad !

an na onna, hazukashi wa ! sa ganyan ba kayo nabubuhay ?

un tawanan pako talaga tumaas dugo ko !!

nagpunta tuloy ako sa police stn, nireklamo ko sya...

sabi ng pulis, pag pinuntahan mo uli at di nagbayad tawag agad dto sa 110... para puntahan sya ng pulis...

para sakin ngaun, ganyan binatos nila ako, ibibigay ko sa kanila ang dapat na para sa kanila kahit di nila ako bayaran...

matino akong tao pero ganyan ginawa nya sakin... tinataguan na nga ako, tatawanan pako

kahihiyan cguro bagay sa kanila... isa pa, susulatan ko ung oyasan dto para malaman nya kun bakit lagi me pupu ng aso at suka sa 2nd flr...tignan ko lan kun ano mangyari sa kanila

ngaun, di nako nagtataka kun bkit sa kwento nya eh lagi cla narereklamo...

nasty
04-22-2007, 12:59 PM
thanks @autumn...
tagal ko nawala kse dami nangyari eh, last yr namatay mama ko...
dec., confine magkasunod in-law ko at hubby ko... (gnyan tym, inuutangan din ako ng 3 lapad nun pinay sa baba).. tas un nga, nitong march na, at nangako ng aprl 10 pero nagtatago... (pati mga anak nya binata, itinatago sya..) nasabi nga ng asawa ko, malamang daw na ganyan talaga gawain nyan dahil pati mga anak nya, tinatago nanay nila...

next month may, ooperahan na naman asawa ko na alam nya, tas ganyan pa na di sya nagbabayad...

WAG SANA MANGUTANG KUNG DI KAYA MGBAYAD ! di ba?
WAG DIN GUMAMIT NG MGA BRAND KUNG CANNOT AFFORD ! tigilan sana un kayabangan... kun puro utang naman...

hindi naman nakakahiya kun malaman nila wala kang pera, kesa naman puro kayabangan tas puro utang naman... kakagigil talaga ganyan tao

BEEP BEEP ... busina lan po ako (psensya na po kun me masasagasaan ha...)

[quote=Autumn;273639]hi @gud welcome back.long no see here in tf nah......
katuwa naman mga experienced mo.sabagay totoo yan.karamihan sa pinay ganyan ..ang kakapal (sorry) .cool ka lang friend siya naman magdadala non ,at least yung pagkatao niya nakilala mo sa napakaliit na halaga ,mas maganda na din yung ikaw ang may masasabi sa kanya kesa siya ang may nasabi sayo ,padalan mo na lang ng dvd ng MATAKOT KA SA KARMA ,by gretchen b.

gud
04-26-2007, 08:28 PM
nagpunta sya ngaun sa bahay ko, nagbayad nga, sya pa galit :D

wag daw kun ano ano cnasabi ko sa anak nya, sagot ko, anong anong pinagsasabi ?
ilan beses kita tnanong sa anak mo walan ibang sagot kundi tulog ka, d sumagot ng maayos...

tas cnabi ko nga na sabihin sayo, magbayad ka sagot nya sya magbabayad...

sabi ko, tama yan ! kampihan mo, anak mo yan eh... pero turuan mo ng modo yan...
kaya ganyan yan dahil ganyan ka, pareho kayo :p kaya ganyan buhay nyo...

tsaka kaw pa me ganang magalit, ikaw na nga tong d nakikipag usap... maayos ako nakipag usap sayo... mataas boses namin, narinig ng kapitbahay...
intindihin ko raw sya, eh pano ko nga sya iintindihin, d sya nakikipag usap, lagi syang tulog DAW !!! kundi tulog WALA!!! ano iintindihin ko ron :cool:
kundi ba naman sya sira eh :p

pati pala mga kapit bahay ko, galit na sa mga pupu at ihi ng aso na dun iniiwan sa hallway/walkway...

gumawa ng sulat un kapitbahay ko sa oyasan... kinausap nya kse ako...

ang kakapal !!! sila na me atraso cla pa me ganang magalit :mad:

dapat lan magbayad sya, dhil d pinupulot ang pera no!

tignan ko lan ngaun kun ano mangyari sa kanya... gayung kapitbahay ko na gumawa ng letter na dapat ako ang magsusumbong sa oyasan...

aki^-^
04-26-2007, 08:36 PM
ako ilang beses na nautangan ng mga kaibigan...yung iba nagbayad at yung iba...deadma.
Iniisip ko na lang na "Buti na ako ang nagpapautang kesa ako ang nangungutang....."
Pinapasa Diyos ko na lang sila... and I thank God kase madaming blessings dumarating sa akin..:)

gud
04-26-2007, 08:44 PM
oo ganyan masasabi talaga kahit sino...

pero d mo maiwasan d manggigil sa mga taong katulad nya... lalo nat pareho kayo ng mansion na tinitirahan at nadadaanan mo bahay nya sa araw araw...

puro kayabangan, kesyo khit 10 lapad daw utangin nya, in spot sya magbayad... tas magba brand pa... di ako bnabayaran, di ako kinakausap, pero nagpakabit pa ng SKY perfect...
khit sino, hindi magdidiwang sa ganyan...
susme!!! bat kaya me sinilang na taong walang konsensya :confused:

kaya nga di nakakapagtaka kun bakit sila palipat lipat ayon na rin sa kwento nya...

yuto
04-27-2007, 09:06 AM
hello mg kaTF may ngyari din ganyan samin mag aswa actually sa asawa ko sya nangungutang eh,kase wala naman sya mauutangan saken pinay din yun araw arw sya tumatawag sa hubby ko para mangutang ng 200lapad sa banko pangalan ng asawa ko gagamitin sabi naman ng aswa ko hinde puwede kase at that time buntis ako nun,malapit na nga ko manganak ang sabi ng asawa ko dun sa pinay na yun eh ang kulit talaga ng pinay na yun babayaran daw before ako manganak ang kapal talaga ng face nya araw araw nag papanchiko kaya lumubog yun bussness nya tapos samin sya hihingi ng tulong pasaway talaga:furious: kaya ang ginawa ng hubby ko pinahiram nalang ng 5lapad 3days after yun tumakbo:rant: bkit kaya may ganun matitigas ang mukha...:grrr:

shinshinobi
08-28-2007, 07:13 AM
kung talagang 13000 yen lang yun, kalimutan mo na po....

babalik din po iyun sa inyo...

Faerie
08-30-2007, 12:09 AM
Money doesn't grow on trees, kahit sabihin nating 13,000 lang yan, pinaghirapan parin yan at ang utang ay utang, kailangan bayaran...

Napakaraming magaling mangutang, di naman marunong magbayad... Yung mom ko favorite biktimahin ng mga mangungutang na yan, palibhasa masayadong maaawain yung mom ko kaya madaling lapitan... Kahit di niya lubos kilala, pinapautang niya.

Ok lang yung "ma-delay" ng bayad, pero yung umasta as if walang utang sayo yung tao, taguan or takbuhan ka eh parang nakakagigil naman... Ikaw na nga tumutulong, tapos gaganunin kapa...

Kainis rin yung napakaraming alibi... Kung walang pambayad pwede naman sabihin ng diretso, yung iba nagda-drama pa... At may makakapal pa ang mukha na ang tingin sa iyo ay napakasama mong tao pag hindi mo sila pinautang!!! Grabe! Ikaw pa lalabas na masama! Tigas ng face! LOL!

jettmania
08-30-2007, 12:23 AM
kung talagang 13000 yen lang yun, kalimutan mo na po....

babalik din po iyun sa inyo...

Kaya maraming tao ang umaabuso dahil sa ganito. No offense just telling the truth.

Maski 1Yen lang yun pera parin pinag uusapan natin. Sabi nga sa pinas hindi makukumpleto ang piso ng walang 25cents dahil karamihan sa mga pinoy/pinay binabale wala yung maliliit na bagay.

13000Yen convert it to pesos sabihin natin nasa 5-6k pesos? (correct me if I'm wrong) aba malaking bagay na yun.

"lang" lang sayo ang 13000Yen. Whoa. :eek:

a_kiss
08-30-2007, 12:30 AM
Ang utang ay utang dapat bayaran............k undi marunong magbayad huwag mangutang mamatay syang dilat mata........:mad:

kahit saan talaga may mangagantso

shinshinobi
08-30-2007, 12:32 AM
Kaya maraming tao ang umaabuso dahil sa ganito. No offense just telling the truth.

Maski 1Yen lang yun pera parin pinag uusapan natin. Sabi nga sa pinas hindi makukumpleto ang piso ng walang 25cents dahil karamihan sa mga pinoy/pinay binabale wala yung maliliit na bagay.

13000Yen convert it to pesos sabihin natin nasa 5-6k pesos? (correct me if I'm wrong) aba malaking bagay na yun.

"lang" lang sayo ang 13000Yen. Whoa. :eek:

kung iisipin natin malaki nga, isang araw na trabaho din yun, pero sa pinas kung may umutang sa atin ng 300pesos at hindi na binayaran, medyo madaling pakawalan, to think na parehong isang araw na trabaho din yun......

hindi naman masamang maningil pero kung may utang na hindi binayaran, ito ang magiging marka para hindi na siya makautang ulit....mas lalong nakakainis yung mangungutang tapos babayaran and then next time mangungutang ulit....hanggang sa para ka nang bangko...deposit withdraw na ginagawa sa iyo....

ako naman, hindi ako basta basta nagpapautang...tinit ingnan ko muna kung talagang kailangan o totoo ang sinasabi para hindi ako maloko.....

kami nga, kamag anak pa eh, hindi na binayaran...mahigit P150,000 pa....

kahit anong singil na gawin namin ayaw magbayad talaga.....

kaya next time, be careful na lang sa pagpapautang....dahi l maraming hindi nagbabayad....

ikuwento mo na lang sa mga kasamahan mo ang nangyari sa inyo para hindi rin sila maloko......

o kaya papirmahin ng isang maikling kontrata na katunayang pinautang mo siya para alam niya na kapag hindi siya nagbayad eh may habol ka....

pero siyempre, kung tayo naman ang mangungutang, kailangan talaga magbayad...

sabi nga ng nanay ko:

"kung gusto mong malaman ang halaga ng pera, subukan mong mangutang"

makulit
08-30-2007, 01:37 AM
maraming circumstances kung bakit hindi makabayad ang isang tao matapos mangutang. wala sanang nagagalit, walang binabansagang mangagatso, o kung ano pa man kung ang nangutang mismo ay marunong makipag-usap.

iba-iba kasi ang ugali, may mga naglalaho na parang bula ... may galit kapag hinihingi mo na yung pinahiram mo ... may nagtatago ...

kung sana lang nakikipag-usap ng maayos katulad ng panahon na lumapit sa yo para manghiram ... wala sigurong problema.

shinshinobi
08-30-2007, 02:16 AM

ang nakakainis dito eh yung kasa kasama mo pa sa trabaho, at nakikita mong may mga bagong biling gamit....

tapos yung utang sa iyo hindi mabayaran:D

makulit
08-30-2007, 02:31 AM
he he walang sense of responsibility ang mga tao na ganyan. huwag mo na pong pag-aksayahan ng panahon. maiinis ka lang, wala naman mangyayari. learn from it na lang siguro at make sure na hindi na makakaulit.

proud me
08-31-2007, 11:08 AM
ang nakakainis dito eh yung kasa kasama mo pa sa trabaho, at nakikita mong may mga bagong biling gamit....

tapos yung utang sa iyo hindi mabayaran:D dibale atleast nakilala mo siya kung anong klase siyang tao ....malay mo tinatago nya sa iba yung ganung ugali niya:D

jayb00r
08-31-2007, 04:12 PM
actually eh pag nagpautang ka eh para mo na din nilaglag yung pera mo sa tulay kinain ng buwaya at pag sinubukan mo na kunin sasakmalin ka pa

marami nga ganyan dito bago mo palang kilala uutangan ka na tapos wala lang parang di ka na kilala at pag siningil mo sila pa ang galit and worst makakalat pa sa buong pamayanan ng sambayanang pinoy dito sa japan na wala kang kwentang kaibigan

may nagsabi sa akin noong bago ako dito sa japan (asawa ng kasamahan ko) na iiwasan ko yung kapwa ko pinoy dito kasi sila ang sisira sa akin
tinandaan ko yun kaso lang di ko nasabi sa misis ko noong una nya punta dito kaya siya ang nakulimbatan ang masaklap eh siniraan pa si misis na konting pera lang daw eh nagpakilala na agad
parang ang lumalabas pa eh si misis ang nangutang kaya iyak sya noon gusto na umuwi

sabi ko na lang wag na nya singilin kasi parang bayad (renta sa apartment ang hiniram) na din nya yun sa kanila kasi noong bago sya dito eh sila ang nagturo sa kanya kung paano malaman yung mga sale at yung suka, mantika, paano sasakay sa bus at bibili ng pass sa bus at sa tren pano mag withdraw sa atm at sa convenient at higit sa lahat kung nasan yung mga department store dito (sabi ni misis yung department store ang magandang natutunan nya dito kaya daig nya ako mas madami sya alam lugar)

fremsite
09-02-2007, 01:32 PM
sad to hear your story gud san ... " bakit kapwa mo pinay/ pinoy lolokohin ka pa " is not new at all ... kailangan lang siguro talaga na piliin natin at maging maingat kung sino ang karapat-dapat na maging friend(s) . :)

kyong
09-02-2007, 05:07 PM
sa akin naman mapakaibigan or mapamilya..ugali nanatin yang utang utang,,tapos mangangako ng bayad. well sabi nga learned for your experinced.. once na may humiram sa iyo ng pera dont expect na babalik pa sa iyo ung. ilagay mo na lng sa isip mo pag ganyan e BIGAY mo na lang. dami na din akong naranasan na ganyan hiram ng pera tapos pag sisingilin mo its either nag tatago e mangangako nanaman....so isip ko na lng na sige bigay ko na or abuloy ko na pag namatay siya:D