PDA

View Full Version : Mga Pilipino, may image problem nga ba sa Japan?


constance808
04-14-2007, 10:22 AM
Kamusta kayong lahat mga kababayan. Medyo may pagka-sensitibo ang thread na ito kaya lamang nais kong malaman ang inyong mga opinyon tungkol dito. Usually, kapag sinabi mong Pinoy na nasa Japan, kung hindi entertainer, member of a band, nakapag-asawa ng Japanese national at ngayon naman mga caregiver. Hindi ko sinasabi na ito ay masamang image. Ang mga Pilipino ay well known din sa kanilang pagiging hardworking at masayahin. Sila rin ay madaling makapag-adjust sa kanilang kapaligiran, sa workplace at community.

Nais kong malaman ang inyong mga experiences at paraan kung paano ninyo nata-tackle ang ganitong image problem sa inyong paligid. I will give you an example sa aking experience. I worked sa isang Japanese firm at noong unang pumasok ako doon ay medyo aloof sa akin ang aking mga kasamahan dahil ako lang ang foreigner doon, not necessarily Pilipino ako. Basically, ang mga Japanese ay hindi masyadong open sa umpisa.

Pero noong nakapag-trabaho na ako, I tried to follow lahat ng kanilang rules sa loob ng workplace. Pumasok ako ng 15 minutes before mag-umpisa ang trabaho, hindi ako nagpa-late ni minsan at kung ako ay mag-aabsent, tumatawag ako sa opisina nang maaga para mag-paalam.

Sa ganito pamamaraan, nakuha ang kanilang trust at ngayon wala na akong maramdamdaman na barrier o hadlang dahil ako ay foreigner. Nasabi rin nila sa akin na hindi namin alam na ang mga Pilipino ay hardworking din pala. Natuwa naman ako dahil somehow, na-represent ko ang kapwa Pilipino ko sa aking workplace at nagkaroon sila nang magandang image sa mga Pilipino.

Sana mga Kababayan, mai-share ninyo ang inyong mga payo para we can learn from one another at makapag-set tayo ng magandang example sa mga bago pa lang maninirahan dito.
Maraming salamat po.

gokigenyo
04-14-2007, 12:06 PM
In my case naman we're almost the same, I'm working now sa isang Pattiserie, before 3 kaming Filipina but now 2 n lang kami! At first ang hirap makisama kase ang init ng mga mata ng mga japanese sa amin! parang lahat na lang ng gawin namin mali for them! although hindi naman lahat ganun may mababait din naman in fairness, tas tipong pag may mistake parang sa amin lagi ang sisi! talagang may discrimination! Sa work ko kase kailangan you know how to read and write hiragana and katakana, naku po patay!:confused: that time I can read only hiragana! So dahil sa I don't know how to write Katakana, nagpaturo ako dun sa sempai ko na Filipina, abay hindi ba naman ako tinuruan! salbahe! kaya ang ginawa ko self study talaga ako after ng work ko luto muna, asikaso si mister, tapos nakababad na ako sa computer nyan. Di pa ako nakontento talagang nag-enroll ako sa Kotoba-No-Kai. Kaya kung ano man ako ngayon I can say na this is the fruit of my hardwork. Ang sarap ng feeling na bigyan ka ng authority na mag decide kung dapat ba o hindi yung isang bagay, asking for your opinions, giving me more sensitive duties like paperworks, mahirap sa umpisa but nasanay na rin, nauna pang nag-increase yung salary ko sa 2 sempai ko! so in return pinag-huhusay ko talaga trabaho ko co'z I don't want to dissapoint them! ngayon ok naman na wala na talagang discrimination, actually nag yameta ako once due to health problem, (but not that serious naman gusto ko lang mag-unwind) halos lahat nag-mail, tumawag na once na ok na daw ako eh bumalik agad ako. nablitaaan ko rin na may iba pang lahi ang pumasok pero di nagtagal! Firipinjin ga ii datte! omoshiroi daw tayo eh, akarui toka, yasashii, malinis daw magtrabaho! (sarap ng feeling diba? actually yung 3 kong kasama na japanese Firipinjin to Kekkon shitai datte!:D ) Eto nakabalik na ulit ako! nothing change, mas naging relax ang trabaho ko ngayon.:D Sarappp ng feeling working but relaxing!!!!!:p

la_tina512
04-14-2007, 12:34 PM
As an entertainer before meron talagang image problem ang mga Filipinas and I've experienced that before. Mukhang pera, puro drama, suksok bakari (pardon the term). Hindi ko ma-blame ang mga customers na naging biktima na rin ng ganitong set-up dahil na-witness ko rin kung papano dumiskarte ang iba sa mga kasama ko. Makahingi lang ng pera 'yong tatay na buto na lang sa libingan pinatay uli. Nanay na napakalakas bigla magkakasakit. Katatapos lang ng birthday dahil gustong magka-regalo at magka-pera magbe-birthday uli. Magka-dohan lang kahit ipasok sa 'loob' sasama.

Sa ilang biyahe ko ni hindi ko naisip dumiskarte sa okyakusan. Bigyan ako ng tip dahil nagustuhan ang klase ng trabaho ko, well and good. Umaalis ako ng omise na maganda ang image na naiiwan. Pinaka the best sa akin ay ang biyahe ko sa Tokamachi, Niigata-ken. Grabe ang trust na pinakita sa akin ng naging mama ko to the point pinagkatiwalaan nya ako sa dempyo and kaha. Hindi sya makapaniwala sa pagiging hardworking ng isang Filipina pareho ko. Atama ga ii raw. When she requested my promoter for another 6-month contract she asked me to enroll and take hiragana and katakana lessons which I did. I took up crash lessons kaya pagbalik ko sa omise nya ako na halos ang nag-manage na ikinagulat ng mga kasama kong haponesa. Magkasama kasi kami sa bahay and halos ituring akong anak. Alahas, pocket money... I worked hard for it.

As a parent naman ngayon who have 3 kids in the elementary level and 1 in the chugakko level, I'm proud to say that I've made an impression hindi lang sa mga kasama kong nanay kundi sa school mismo in particular. Syempre, nanay who can speak 3 languages fluently and a little of Spanish. One of the mothers is even requesting me to hold English lessons for the kids. My kids are very proud of me and they're proud of themselves being half-half (that's what they call themselves). Kaya whatever bad image na inaakala ng iba meron ang Filipinas mawawala naman 'yon pag pinakita natin what we're worth.

summergirl
04-14-2007, 04:57 PM
Alam mo minsan depende sa mentality ng mga kasama mo sa trabaho,sa akin naman so far walang problema,minsan nakakabato dahil halos puro magagalang na salita lang ang maririnig mo at wala akong naririnig na kahit anong pamimintas sa kapwa nila.Siguro depende na rin paniwala nila.At least kung wala silang makikita na butas para paniwalaan ang image ng pinoy na ganon..hindi sila nag ko comment pwera na lang kung nang-yari sa kanila.

constance808
04-14-2007, 06:48 PM
I am proud sa inyo, Gokigenyo, La tina 512 and summergirl. Isa kayo sa mga nakakapag-set nang magandang example ng mga Pinoy, matalino, hardworking, madaling maka-pick-up nang kahit na anong situation(flexible) at nag-eenjoy sa trabaho at kanyang gawain kaya masayahin tayo.
I wish you more power and luck at ipagpatuloy ang inyong magandang gawain!

mamimo
04-14-2007, 07:56 PM
Di rin kaya impression ng mga Hapon sa Pinoy ay reflection ng kung ano ang perception nila sa Pinas? Bakit gaijin na galing sa maunlad na bansa tulad ng Britanya o America di nila mamata? Dahil alam nila na kahit bumalik ang mga to sa sarili nilang bansa kayang magkaron ng maayos at maunlad na pamumuhay? This is just my opinion.:)

vectra1123
04-14-2007, 10:47 PM
Di rin kaya impression ng mga Hapon sa Pinoy ay reflection ng kung ano ang perception nila sa Pinas? Bakit gaijin na galing sa maunlad na bansa tulad ng Britanya o America di nila mamata? Dahil alam nila na kahit bumalik ang mga to sa sarili nilang bansa kayang magkaron ng maayos at maunlad na pamumuhay? This is just my opinion.:)Yup! May punto ka dyan! Maging maayos man tayo at ipakita natin ang galing sa Japan kung ang lagi na lang makikita sa Television ay mga pangit sa ating bansa nahihila pa rin tayo pababa!

Soju6
04-14-2007, 11:23 PM
Saan man tayo nanggaling o ano man yung makita nila sa televsion or sa diyaryo, Kahit anong trabaho mo/ natin Janitor, programmer, entertainer, cook(ako yun) or manager wag intindihan ang mga sinasabi nila at wag punahin kung paano sila tumingin....just give it all you got, give it your best shot. Good things will happen, guaranteed.
Constance, gokigenyo, La_tina......good job. :king:

Ganun kasi ginawa ko kaya wala ng nakikialam sa akin, magtrabaho ako o hindi, late man o kaya umuwi ng maaga....is that a good thing? hehehe for me it is.

McBONG
04-14-2007, 11:48 PM
Walang image problem ang Pinoy dito sa Japan,lahat magaling,matalino,ma sipag at nag-susumikap na mai-ayos ang imahe ng mga Filipino rito sa Japan.Ang media isa na ang Media ng Pinas ay isa sa mga nag-papasira sa mga imahe ng mga Filipino,wala ng inisip kundi kumita lang at mabili,mabasa or mapanood ang kanilang exaggeratted news,isama mo na rin ang NHK news japan na bias ang pag-babalita.

constance808
04-15-2007, 02:10 PM
I surely agree sa inyo Mamimo, Vectra 1123 and McBong about the media problem tungkol sa mga palabas nila sa Pilipinas. Naitanong ko na once yan sa asawa kung bakit panay ang mga krimen, marumi at mahirap na lugar, street children, at iba pang nakakasira ng image ng Pilipinas ang ipinalalabas dito wherein marami naman tayong magagandang lugar at marami rin ang mga "celeb" sa atin na nakatira sa sobrang yaman na mga lugar. Through this documentary films, nami-mislead ang mga ibang Hapon lalo na yung hindi pa nakarating sa atin, naniniwala sila na ganito lahat ang lugar na makikita nila sa Pilipinas kaya ayaw na nilang puntahan.

Pero I also salute you Soju 6 kasi hindi mo ginawang hadlang yun para maging maunlad ka. I think kahit na ganoon ang akala nila sa atin sa umpisa, kung maipakita natin sa kanila ang ating kakayahan at kagalingan sa pamamagitan ng pagtatrabaho nang mahusay at honest tayo sa pakikisalamuha sa kanila, later on, they will feel differently dahil nakikita nila ang isang best example na pinakamalapit sa kanila, TAYO na nandito na nakatira at nagsusumikap na ma-achieve ang kanilang standard sa trabaho, sa school or whatever field you belong, inspite of the fact na tayo ay isang foreigner dito. Tayo ay mga Ambassador of Goodwill ng ating bansa.
Sa ganitong paraan, sa palagay ko, naipapakita natin ang tinatawag nilang "Aikokushin" o Patriotism.

love0308
04-15-2007, 04:22 PM
Im proud to say na mataas po ang image ng mga filipina dito sa aming lugar inumpisahan po kasi ng sempai nating filipina din dito sa amin sa saitama kaya naman po iniingatan ko ang magandang image na naitatak sa isipan ng mga kapit bahay kong hapon dito. Actually naiinggit nga po yung iba kay okaasan kasi ang oyomesan dito ay ako filipinjin, naka ii kasi kami at talaga namang ibang samahan namin kesa sa mga nihonjin na oyomesan:)

mamimo
04-15-2007, 07:41 PM
Saan man tayo nanggaling o ano man yung makita nila sa televsion or sa diyaryo, Kahit anong trabaho mo/ natin Janitor, programmer, entertainer, cook(ako yun) or manager wag intindihan ang mga sinasabi nila at wag punahin kung paano sila tumingin....just give it all you got, give it your best shot. Good things will happen, guaranteed.
Constance, gokigenyo, La_tina......good job. :king:

Ganun kasi ginawa ko kaya wala ng nakikialam sa akin, magtrabaho ako o hindi, late man o kaya umuwi ng maaga....is that a good thing? hehehe for me it is.

amen to that:) kantahan na lang.........

Pinoy ikaw ay pinoy
Ipakita sa mundo
Kung ano ang kaya mo
Ibang-iba ang pinoy
Wag kang matatakot
Ipagmalaki mo pinoy ako
Pinoy tayo

Philipinessa
04-16-2007, 03:02 AM
MABUHAY TAYONG MGA PILIPINO!!!:)

mae_angel
04-16-2007, 07:51 AM
Kamusta kayong lahat mga kababayan. Medyo may pagka-sensitibo ang thread na ito kaya lamang nais kong malaman ang inyong mga opinyon tungkol dito. Usually, kapag sinabi mong Pinoy na nasa Japan, kung hindi entertainer, member of a band, nakapag-asawa ng Japanese national at ngayon naman mga caregiver. Hindi ko sinasabi na ito ay masamang image. Ang mga Pilipino ay well known din sa kanilang pagiging hardworking at masayahin. Sila rin ay madaling makapag-adjust sa kanilang kapaligiran, sa workplace at community.

Nais kong malaman ang inyong mga experiences at paraan kung paano ninyo nata-tackle ang ganitong image problem sa inyong paligid. I will give you an example sa aking experience. I worked sa isang Japanese firm at noong unang pumasok ako doon ay medyo aloof sa akin ang aking mga kasamahan dahil ako lang ang foreigner doon, not necessarily Pilipino ako. Basically, ang mga Japanese ay hindi masyadong open sa umpisa.

Pero noong nakapag-trabaho na ako, I tried to follow lahat ng kanilang rules sa loob ng workplace. Pumasok ako ng 15 minutes before mag-umpisa ang trabaho, hindi ako nagpa-late ni minsan at kung ako ay mag-aabsent, tumatawag ako sa opisina nang maaga para mag-paalam.

Sa ganito pamamaraan, nakuha ang kanilang trust at ngayon wala na akong maramdamdaman na barrier o hadlang dahil ako ay foreigner. Nasabi rin nila sa akin na hindi namin alam na ang mga Pilipino ay hardworking din pala. Natuwa naman ako dahil somehow, na-represent ko ang kapwa Pilipino ko sa aking workplace at nagkaroon sila nang magandang image sa mga Pilipino.

Sana mga Kababayan, mai-share ninyo ang inyong mga payo para we can learn from one another at makapag-set tayo ng magandang example sa mga bago pa lang maninirahan dito.
Maraming salamat po.

IM VERY PROUD OF U!!! And to ALL THE FILIPINOS na itinataas ang ating image sa ibang bansa... I SALUTE ON U :dowave:

Kahapon ng magsimba ako... Madami ang mga Pinoy sa simbahan. And nabanggit ng pari about our country that the Divine Mercy prayer is recited every 3pm nationwide on television and radio.

Sana lang...Yung mga Pinoy kapag nakakita ng kapwa Pinoy na gustong humingi ng konting tulong sa ibang bansa(yung legal ha!) MAGTULUNGAN. I already expected that when ur already in a different country...ang mga Pinoy...still have CRAB MENTALITY na sana maalis. Kc sino ba ang magtutulungan sa ibang bansa...kung di tayong kapwa Pinoy.

Taas Noo ako na Pinoy ako. I love our culture and beliefs. D ko ipagpapalit yon!

neneng
04-16-2007, 09:53 AM
I was working pa noon sa isang telephone company . May nakausap akong filipina married to a japanese Very smooth ang naging conversation namin and as an SOP of our office i sent her give-aways as "pasasalamat". A week after, her japanese husband called our office and looked for me and ang bungad sa telephone was...p...tng i..na mo!, gaga, tanga,bobo!!! (all in tagalog), sasatto philippine kaeriiiiiii (umuwi ka na ng pilipinas!) anata mitai na firipin jin nihon ni iteiru kara firipin no image ga warui ni nateiru!!!! ahu!!!!
ore kojiki jannai (hindi ako pulubi)!!!!! sabay bagsak sa telephone.
My point here is, bakit yong kapwa nating pilipino could not defend us? For me wala akong ginawang masama para murahin ng ganon na lng at sasabihin pang ako ang nagpapasama ng image ng mga pilipino. Nasaan yong pilipina na could not even justify our image sa mga asawa nila??? na pumapayag na laiitin tayo ng mga tao na supposed to be the very person that should defend us. Dapat our good IMAGE should start sa BAHAY .
Here's another one.
I have a filipina friend here and told me na everytime na mag-away sila ng japanese husband niya ang bukambibig is "anata firifin dakara". Kunting mali lang sa pagluluto, yon na agad ang sasabihin. Pag may argument din sila, sasabihin na agad, filipina ka kasi kaya di na natuto!Sana naman we should not allow this na maging "kuse" (habit) ng mga asawa natin. They're the first person na dapat maging kakampi natin . How could we boast our good image outside if sa bahay palang natin sirang-sira na ang ating image?

lalen16loves
04-18-2007, 07:59 AM
:thumb: I was working pa noon sa isang telephone company . May nakausap akong filipina married to a japanese Very smooth ang naging conversation namin and as an SOP of our office i sent her give-aways as "pasasalamat". A week after, her japanese husband called our office and looked for me and ang bungad sa telephone was...p...tng i..na mo!, gaga, tanga,bobo!!! (all in tagalog), sasatto philippine kaeriiiiiii (umuwi ka na ng pilipinas!) anata mitai na firipin jin nihon ni iteiru kara firipin no image ga warui ni nateiru!!!! ahu!!!!
ore kojiki jannai (hindi ako pulubi)!!!!! sabay bagsak sa telephone.
My point here is, bakit yong kapwa nating pilipino could not defend us? For me wala akong ginawang masama para murahin ng ganon na lng at sasabihin pang ako ang nagpapasama ng image ng mga pilipino. Nasaan yong pilipina na could not even justify our image sa mga asawa nila??? na pumapayag na laiitin tayo ng mga tao na supposed to be the very person that should defend us. Dapat our good IMAGE should start sa BAHAY .
Here's another one.
I have a filipina friend here and told me na everytime na mag-away sila ng japanese husband niya ang bukambibig is "anata firifin dakara". Kunting mali lang sa pagluluto, yon na agad ang sasabihin. Pag may argument din sila, sasabihin na agad, filipina ka kasi kaya di na natuto!Sana naman we should not allow this na maging "kuse" (habit) ng mga asawa natin. They're the first person na dapat maging kakampi natin . How could we boast our good image outside if sa bahay palang natin sirang-sira na ang ating image?



ang tigas naman ng mukha ng hapon na yan......ano lang sabi ng pinay ??di ka man lang pinagtanggol ??nakakagigil lang ang ganyan.....:mad:


actually , wala akong masyadong alam na bad image ng pinay dito sa japan....mas marami ang PAPURI :thumb: sa pamilya palang , no. 1 na ang pinays..maasikaso, masipag , mapagmahal , maaruga sa mga bata at magaganda....yan kasi agad ang mga naririnig ko sa mga hapon eh..

sa work din , di rin pahuhuli ang mga pinoys dyan..matatalino , at dedikado sa trabaho..

kaya sa tingin ko , konti lang siguro as in katiting lang ang image problem ng mga pinoy dito sa japan:)