View Full Version : BAKIT BAWAL MAGPABUTAS NG TENGA ANG BABY SA JAPAN??
SWEET_REINA
04-17-2007, 11:37 AM
hello po sa mga mommy ng TF,,ask ko lang po bakit bawal angmagpabutas ng tenga ang baby??at kailan naman sila pwedeng butasan ng tenga??tinanong ko sa hubby ko ang sabi nya lang ganon daw talaga sa japan,urusay daw kasi?!eh bakit nga?gusto ko kasi sana butasan ng tenga baby ko para kawaii lalo cia..di naman pala pwede!,kainis naman,,
docomo
04-17-2007, 11:59 AM
hindi naman in general bawal .... may ibang schools kasi na hindi pwedeng may hikaw . nakakailang din yan para sa bata halimbawa na sya lang may hikaw tapos yung ibang kaklase nya walang hikaw pag nagkaisip yang anak mo tapos sya lang naiiba ayaw nya din yan for sure kasi naiiba sya. .. yung iba may butas din yung tenga pero hindi lang nilalagyan ng hikaw pag pumapasok ... sa mga japanese kasi ang katwiran nila .. bakit mo bubutasan hindi mo naman tenga yan.. kumbaga binibigay nila yung desisyon na yon sa may katawan.. pag dumating sa tamang isip yung anak nila saka sila mag~decide kung anong gusto nilang gawin sa katawan nila .. which i agree... pero nasa sa yo pa rin yan kung gusto mo o hinding pabutasan ng tenga yang anak mo... :)
wildflower
04-17-2007, 12:06 PM
hello po sa mga mommy ng TF,,ask ko lang po bakit bawal angmagpabutas ng tenga ang baby??at kailan naman sila pwedeng butasan ng tenga??tinanong ko sa hubby ko ang sabi nya lang ganon daw talaga sa japan,urusay daw kasi?!eh bakit nga?gusto ko kasi sana butasan ng tenga baby ko para kawaii lalo cia..di naman pala pwede!,kainis naman,,
hello sweet_riena san..iba talaga dito noh pag baby di pa pwede butasan ang tenga di tulad sa pinas kahit ilan buwan palang pwede n butasan.yon sis ko sya lang nagbutas sa tenga ng baby nya gamit nya karayom lang...try mo karayom tapos lagyan mo lang ng alcohol:D
hi!yung anak ko may hikaw,nung baby pa sya binutasan namin.asawa ko pa nga nag butas,kasi takot ako.tsaka gusto ng asawa ko na may hikaw anak namin!yung biyenan kong babae nung una ayaw ng may hikaw,di daw maganda paglaki ng bata.di daw majime pag laki ng bata,yun ang sabi ng biyenan ko.kaso wala syang nagawa kasi gusto din ng asawa ko at di rin ako papayag na walang hikaw.wala naman yatang kinalaman yun sa pag laki ng bata,sa pag papalaki ng magulang yun!pero mabait naman biyenan ko,ayaw nya lang may hikaw.madalas nga napapasin anak ko kasi may hikaw...kawaii daw!lalo na yung mga lola dito pag nakakasalubong namin:D
wolfgang
04-17-2007, 12:42 PM
hello sweet reina...tama si mods docomo..hindi bawal butasan nang tenga ang bata...yun nga lang di pa kasi tanggap na bata pa may hikaw na...karamihan sa school dito bawal ang may hikaw lalo na sa elementary...
meron akong pamangkin na may hikaw elementary siya...minsan nakakalimutan nang ate kong tanggalin yun hikaw niya...kaya yun bata laging pinagsasabihan nang sensei niya na tanggalin yun hikaw..atsaka pinagtatawanan din siya nang mga classmates niya...
ako ilan beses ko nang binalak na pabutasan ang tenga ang anak ko..pero ayaw nang asawa at biyenan ko...inisip ko siguro nga may dahilan..ipinaliwana g naman sa akin nang biyenan ko at asawa ko na bawal kasi sa gakko yun...atsaka sabi naman ni obasan mukhang babae naman anak ko ehh kahit di mo hikawan di siya mapagkakamalan na lalake:D :D
honey
04-17-2007, 03:05 PM
ganun pala yon, hindi ko alam yan, salamat sa inyo.
Anak ko walang butas sa tenga takot kami ng hubby kong butasan sya sa tenga bahala na lang anak ko magbutas sa sarili nya.
SWEET_REINA
04-17-2007, 04:45 PM
thanks po sa mga reply nyo,hindi ko na lng din bubutasan siguro yun anak ko,kasi ayoko naman ma-hijiwaru sya kung sakali mag-aral na!sabi nga kasi bawal may hikaw sa skul,kaya wag na lng tsaka na lng pag malaki na cia,tutal kahit wala cia hikaw kawaii parin cia hehe,,
ozy_m3
04-17-2007, 05:54 PM
ganyan talaga dito di tulad sa atin dito pag baby di nila binubutasan kasi daw bata pa at bawal sa school pag nag dadalaga na ok daw..napapansin mo ba na karamihan sa earings na suot nila is kabit lang sa tenga..anak ko ng first tym nya sa hoikyein pinapatanggal ng teacher niya abunai daw kasi lalo na pag nakipag away baka daw maharot maraming mga katwiran just like what DOCOMO said, is true...
ICHIBAN08
04-17-2007, 07:43 PM
tamang tama ang thread na to kasi nug sang araw e nagkausap kami ng hubby ko tungkol sa paghihikaw sa baby ko...kasi tanong sakin sa pinas kung pinabutasan ko na ba daw ang tenga nang anak ko? sabi ko hindi pa...kaya naitanong ko sa hubby ko na kelan namin pabubutasan ang tenga ng baby namin...sabi niya bawal daw:confused: kasi pag pinahikawan daw ang baby e warui tingnan :confused: ...wala daw na nagpapahikaw na mga bata pa dito...kung teenager na daw pwede na....:O
bakit mo bubutasan hindi mo naman tenga yan..Tama si doc, ganyan ang paniniwala ng karamihan sa mga Hapon. Actually sang-ayon ako sa kanila (kaya binutasan ko sarili kong tenga nung teenager pa ako :p). Ano ba ang negative na pwedeng mangyari kung di natin pabutasan ang tenga ng anak natin? :confused: Papangit ba siya? Di naman siguro, kasi para sa isang magulang ang sariling anak ang pinakamaganda sa lahat ng bata sa mundo. :)
Autumn
04-17-2007, 10:10 PM
patakaran kasi sa japan na ang bata bawal mag alahas..bawal mag dala ng pera sa school hanggang bago mag high school..mayroon silang time para dyan..
tsaka mas maganda nga na Anak mo mag desisyon kung gusto nya may butas tenga nya o wala..
kasi ako ayaw ko sana na may butas tenga ko ..kaso nakagisnan ko na na may hikaw .ang laki tuloy ng butas.napapangitan ako.
kaya yun mga anak ko hinintay ko pa na lumaki.tapos sila na nagsabi na gusto ng hikaw.
lenemen
04-19-2007, 02:19 PM
Tama sila hindi nga naman bawal mag butas ng teynga ng mga bata dito sa japan. May mga magulang din na OK lang kawaii nga pag baby pa lang may hikaw na. Pero pag nag kindergarten na o Hoikuen, ipapatanggal din dahil nga one reason is "ABUNAI" talaga pag nag hablutan mga bata may posibilidad na masugatan anak mo pag may hikaw. Ganun din sa Elementary lalo na pag may "TAIKU" (P.E.) delikado pag may suot na hikaw, e kung masabit yun di napigtas tenga ng anak natin. Ang aking dalaga ay nagpabutas ng tenga noong 18 yrs.old siya after she graduated from KOKOSEI, siya ang nag decide so dinala ko siya sa clinic mas mabuti na sa clinic para may after care just in case na magkaroon ng infections.
barabara
04-27-2007, 12:56 PM
storya ko si baby ko.sa pinas ako nanganak at tuloy butas na ng tenga niya. sinulid ang nilagay.sa japan nga pag nasa supar ako nakababy cart siya lagi siyang pinagtitinginan ng mga oksan. kawai daw at may pias na gold na bilog na maliit nilagay ko. non nasa hoikeyen nasa siya pinaalis ng sensei kasi hinihili ng mga bata don.. kaya nilagyan ko nalang ng sinulid para di magsara.di sa bawal kaya lang abunai kasi siya lang ang meron kaya napapansin ng ibang bata..:)
katty0531
04-27-2007, 04:16 PM
I see, mag iisip pa pala din muna ako pag girl naging baby ko, maganda nga may hikaw ano....kasi kahit ako noong maliit pa ako may butas para sa earings, and I'm so thankful sa nanay ko na pinabutasan nya tenga ko, ewan ko lang sa baby ko baka ayaw nya din pagdating ng time kawawa naman, bawal pala talaga sa school kahit si husband sabi rules daw kasi yon.
proud me
04-27-2007, 07:33 PM
pasali din dito...ako din maliit pa yung anak ko nung pinabutasan ko ng tenga pero nag-paalam naman ako muna sa otosan niya bago ako nagdesisyon...tapos nung pinasok na siya sa Day Care...hindi ko na siya hinihikawan pag-bakasyon nalang dun lang! kahit hanggang ngayon ganun parin pag-yasumi lang siya naghihikaw at pag-umaalis...
nung elementary na siya meron din siyang mga Classmate na gusto narin mag-pabutas ng tenga...ngayon ilan narin ata sa classmate niya yung may butas narin ang tenga kaya
nga minsan nasasabi niya sa akin...Okasan yokatta daw at maliit pa siya nabutasan ng tenga...heheh!...sig uro naririnig niya sa iba na nag-pabutas na masakit o kaya yung iba gusto mag-pabutas pero natatakot pa.:p
mokomichi
04-28-2007, 03:54 AM
siguro wala lang sa kultura ng mga japanese yan pierce sa baby, unlike sa pilipinas... sinasabi pa nga ng mga japanese, kawaisou daw(which i agree with them)!!!
la_tina512
04-28-2007, 11:28 AM
Kung naging part ito ng culture nila hindi magiging bawal. Sa States kasi ang mga baby girls hinihikawan din agad. There are also some countries who practice the same. Sa atin naman sa Pinas parte rin ng kultura natin na pag babae kailangang may hikaw agad para makita ang distinction. Pag baby kasi hindi mo alam minsan kung babae o lalake kaya para maiwasan ang paulit-ulit na tanong kung girl or boy ba ang baby hinihikawan agad ang girl.
I had my two daughters' ears pierced when they were still babies when we went to the Philippines for a vacation. When they entered school pinaalis ng teachers nila kasi abunai nga raw lalo na magalaw sila. Pag bakasyon sila na mismo ang naglalagay ng hikaw sa mga tenga nila.
izumiyagui
05-22-2008, 08:45 AM
tnanong ko po otosan ko regarding dis matter kse kht kme po ay wla dn butas ang tenga dhil nagagalet po tatay ko.. sbi nya po mhalaga daw po kse sa family namin ang magmuka disente lage.. ito po ay paniniwala nung unang panahon p po nung mga mayayaman pamilya.. kaya kung mpapansin po natn kramihan po na gamit na hikaw ng myayaman mtanda po ay un di clip lng po sa tenga.. nagkakaroon daw po kse ng descrimination pag my butas ang tenga..
la_tina512
05-22-2008, 08:55 AM
tnanong ko po otosan ko regarding dis matter kse kht kme po ay wla dn butas ang tenga dhil nagagalet po tatay ko.. sbi nya po mhalaga daw po kse sa family namin ang magmuka disente lage.. ito po ay paniniwala nung unang panahon p po nung mga mayayaman pamilya.. kaya kung mpapansin po natn kramihan po na gamit na hikaw ng myayaman mtanda po ay un di clip lng po sa tenga.. nagkakaroon daw po kse ng descrimination pag my butas ang tenga..
Pakibasa lang po ang TF Rules bawal ang text speak. Hindi po lahat nakakaintindi nito. Yoroshiku onegaishimasu. :)
brownman
05-22-2008, 09:11 AM
I agree with docomo san. the main reason why they don't do it is because it's not their body. not only that, they believe that it's the "perfect" body that your parents gave you. so, you have no right to do anything to it. (this is as per my wifey:))
well of course things are changing. nowadays, there are clinics where you can have your daughter's ears pierced here in Japan. we're also planning to do it and we've found a couple of clinics within our area.:D
kiyomiangelk
05-27-2008, 12:12 AM
well tayong mga pilipina mahilig talaga sa fashion ...tayo mahilig mag-ayos kaya ginagaya natin atin mga anak lalo na girl na anak,but not generally po ha.my friend ako gusto pabutasan at lagyan hikaw anak nya ayaw ng asawa nya,mada hayai pa daw let the child decide daw sa sarili nya pagnagka-isip na kng gusto nya maghikaw o hindi.but in my situation naman ok lng sa asawa ko may hikaw anak ko.kaya nong umuwi ako sa pinas 9 months palang pinalagyan ko na hikaw anak ko but sa hospital ko sinagawa yun. pagnakikita cya ng mga haponesa na may hikaw.tuwang-tuwa sila kasi bihira lng naman talaga may hikaw ang mga baby pa na anak kasi dito sa kanila may paniniwala na bawal magbutas ng tenga habang maliit pa. hehehehe... iba iba talaga beliefs ng mga tao specially here i japan.maraming pagkakaiba po:)
masahiro
05-27-2008, 05:50 AM
ang byenan ko naman nung tinanong ko about sa pagbutas ng tenga sabi nya magkakaroon daw ng diperensya ang pandinig pagtanda kaya hindi daw dapat.. and yun din pangit daw tingnan,,,pero ang babes ko naman bahala nga daw ang anak namin kung gusto nya magbutas paglaki nya..
elyurika
05-27-2008, 09:36 AM
hindi naman sa bawal pabutasan ang tenga ng bata dito sa japan ....kaya lang bawal talaga sa school dahil bukod sa iijiwaruhin(tutuksuh in) ng kapwa bata ,pagtatawanan pa and abunai daw kung halimbawa masabit yung hikaw kung saan ,kega suru (masugatan) to taihen daw...di talaga kinasanayan sa Japan ang hikawan ang baby...
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.