PDA

View Full Version : good japanese depende sa lugar mo sa japan.

pinaygurl
04-17-2007, 09:04 PM
totoo ba na may mga mabubuti at mababait sa mga gaijin na tulad natin pero depende daw kung saan lugar ka sa japan meron naka pag sabi sa aking isang haponesa na bakit hindi ko daw subukan lumipat sa mga lugar na halimbawa..
eto sabi nya..
In japan there are various area.
Osaka people like talking.
Tokyo is too big city.
Tohoku area people is shy and kind.
okinawa people is warm.

t0too ba na may mga lugar na mababait sa mga gaijin na tulad natin..

lalen16loves
04-17-2007, 09:19 PM
sa palagay ko , kahit saang lupalop ng japan , may mabait at matataray na hapon....kaya kahit saan ka pa siguro pumunta , wala ring pagkakaiba ang makakasalamuha mong hapon..:D importante , wala kang bad record kaya kahit saan ka man tumira ok lang....magtaray man sila sayo , KIBER....

mrs-mymelo
04-18-2007, 08:36 AM
People are the same wherever you go..there is good and bad in everyone...
:) Ebony and Ivory 'yan...hehehe

Oo nga..kahit saan may mabait at di mabait.Like sa kapitbahay ko..may mababait mayroon ding hindi...

summergirl
04-18-2007, 08:51 AM
I think its not the place,its a person's personality,kahit saan ka pumunta iba-iba ang tao ,ang mga fingers nga natin iba iba di ba?Why' do you have to rlocate ang hirap noon panibagong adjustment at umpisa ka na naman sa Grade 1..

la_tina512
04-18-2007, 09:14 AM
Tama ang mga ka-TF natin. Kahit saan ka pumuntang lugar dito sa Japan, merong mabait, merong salbahe, merong approachable, merong snobbish, merong maingay, merong tahimik. Depende na rin sa flexibility ng tao ang pakikisama sa mga tao sa paligid nya. One doesn't need to relocate if he/she found out that the place he/she lives in doesn't suit his/her taste. Puwera na lang kung ginugulo ka or talagang magulo ang lugar na nilipatan mo.

Nasa may katawan din ang ikababago ng pakikutungo ng mga tao sa paligid natin. Halimbawa, kung ang community na kinalalagyan mo ikaw lang ang foreigner, try to be friendly and nice by smiling and greeting them lalo na the elderly. I tell you, it'll pay off. Ako kasi palibhasa napaka-friendly na tao kahit hindi ko pa kilala lalo na at may edad chika-chika blah blah ko na 'yon lalo na pag nakakasabay ko sa elevator. There was one time na may tinulungan akong elderly woman na buhatin ang basura nya mula non naging kaibigan hindi lang ako kundi pati mga anak ko. Kung anu-ano na dinadala sa bahay namin as a sign of appreciation sa pagtulong ko sa kanya. Kahit na dito sa supermarket na malapit sa amin being a resident here for 13 years trademark ko ang pagiging palabati.

HINDI DEPENDE SA LUGAR ANG CHARACTER NG HAPON.. DEPENDE ITO SA PAKIKISALAMUHA NATIN SA KANILA AS FOREIGN NATIONALS OF THEIR COUNTRY. Pakitaan mo sila ng kasupladahan, tyak hindi ka rin nila papansinin. Pakitaan mo sila ng kabastusan, mas higit pa don ang igaganti nila, baka hindi magtagal at ireklamo ka nila. Pero pakitaan mo sila ng kabutihan, higit pa ron ang ipapalit nila :)..

fremsite
04-18-2007, 09:20 AM
t0too ba na may mga lugar na mababait sa mga gaijin na tulad natin..

pinaygurl san ~~~ hello :)

totoo siguro ... meron siguro ...

pero sa palagay ko , hindi naman sa lugar naibe-base yan eh ..

nasa pakikisama po ang lahat ... :)

mOtt_erU
04-18-2007, 09:56 AM
tama mga kaTF naten pinaygurl san.....hindi naman sa lugar yan...siguro nasasabi yan ng ibang Japanese siguro based sa naexperienced nila, siguro nung pumasyal silang Okinawa eh warm ang treatment sa kanila kaya naging ganun ang impression nila sa place....perO hindi naman naten masasabi na lahat ng Okinawan dun eh warm; for sure may mataray din jan o kaya naman ayaw sa gaijin, syempre may naiiba pa din jan...so hindi sa lugar yan nasa tao talaga yan...:)

honey
04-18-2007, 02:18 PM
pinaygurl dapat tinanong mo rin yung hapon kung taga saan sya kung halimbawa taga Kobe sya e bakit sa Tokyo sya nakatira e mas maganda namang pare-parehong taga Kobe ang makaksalamuha mo....:D sabay ganun! pilosopo:D.

Seriously iba iba kasi ang mga tao lalo na hapon meron may ayaw sa gaijin meron naman gustong gusto siguro pipili ka nalang ng friendly na tao pagpasensyahan na lang yung ibang ayaw talaga sa gaijin:).

Buti pa si la_tina512 napaka friendly ako kasi hindi masyado saka kapag natrauma ako hindi ko maibalik yung dapat e ako andyan na yung ilangan ba!Talo pa ako ng anak ko kapag nakakita ng tao kahit malayo sisigaw ng "Ohayo" o "Konichiwa" sya talaga gagawa ng paraan para mapansin sya ng tao buti hindi nagmana sa akin.Tahimik pa ako kapag malapit lang sa akin saka ko babatiin pero kapag malayo deadma lalo na kapag hindi nakatingin at lalo na rin sa mga hapon na binati ko pero hindi ako pinansin di ko na rin pinapansin ang sama ko diba!:D.

aj_4983
04-18-2007, 03:25 PM
HINDI DEPENDE SA LUGAR ANG CHARACTER NG HAPON.. DEPENDE ITO SA PAKIKISALAMUHA NATIN SA KANILA AS FOREIGN NATIONALS OF THEIR COUNTRY. Pakitaan mo sila ng kasupladahan, tyak hindi ka rin nila papansinin. Pakitaan mo sila ng kabastusan, mas higit pa don ang igaganti nila, baka hindi magtagal at ireklamo ka nila. Pero pakitaan mo sila ng kabutihan, higit pa ron ang ipapalit nila :)..

In fairness but may point ka. Alam mo share ko lng yung sinabi sa kin ng pinay n married n din s hapon, nagarubaito sya noon s omise nmin.Pag magaling k dw makisama/makisalamuha mapapaamo mo daw ang mga hapon... Kya nga sya khit dw di nya type ung taong un dahil s "pakikisama" nakikipag-plastikan n gusto mo sya wag lng magkaproblema.Mapapa nsin mo n lng close n kau...:sweeties:para ng ganito siguro...:D

honey
04-18-2007, 03:36 PM
dapat pala kapalan ko na mukha ko mahiyain kasi ako e! napapanisan ng laway kapag kaharap hapon parang mauubos lahat ng alam kong nihonggo.:D

la_tina512
04-18-2007, 04:03 PM
In fairness but may point ka. Alam mo share ko lng yung sinabi sa kin ng pinay n married n din s hapon, nagarubaito sya noon s omise nmin.Pag magaling k dw makisama/makisalamuha mapapaamo mo daw ang mga hapon... Kya nga sya khit dw di nya type ung taong un dahil s "pakikisama" nakikipag-plastikan n gusto mo sya wag lng magkaproblema.Mapapa nsin mo n lng close n kau...:sweeties:para ng ganito siguro...:D

Nasa pananaw na rin siguro ng bawat isa kung papano makikisalamuha. Kung hindi naman taos sa puso ang pakikisama at makikipag-plastican lang lalabas din ang totoo. Marami na rin naman kasi akong experience na kahit na ano pang pakita mo hindi mo mapi-please lahat. Sa school na lang ng anak ko merong mga nanay na hindi ka talaga babatiin kahit na ano pang ngiti ang gawin mo sa kanila. Pero mas marami ang ka-vibes ko at mismong mga haponesa na kasama kong nanay ang nagsasabi sa akin na huwag ko na lang pansinin. The point is nakikita nila ang sincerity ng pakikisama ko sa kanila kaya mas marami ang totoong nakikisama rin sa akin.

Ganbarimashou minna san.. :)

Tarena314
04-18-2007, 04:09 PM
tayong mga tao ay ipinanganak sa magkakaibang lugar at panahon o ng maging oras ..,kaya kahit saan tayo pumunta ay ibat-ibang klaseng tao ang ating makakasalamuha..,sa ating mga sarili magsisimula ang lahat ng magagandang bagay na gusto nating manyari sa ating buhay..,:)

mamimo
04-18-2007, 04:48 PM
I dont believe in regional stereotyping........ make no sense.:)

chester
04-18-2007, 04:54 PM
Sa pinas meron din naman regional stereotyping. Even sa US meron din. Di maiwasan and sometimes its true. Sa japan narinig ko na rin sa mga japanese mismo na meron talaga. Iba daw ang ugali ng people from tokyo, nagoya, osaka. May parang promdi, kuripot, mayabang. Match the following na lang sa places na sinabi ko. :D

aj_4983
04-18-2007, 05:17 PM
Nasa pananaw na rin siguro ng bawat isa kung papano makikisalamuha. Kung hindi naman taos sa puso ang pakikisama at makikipag-plastican lang lalabas din ang totoo. Marami na rin naman kasi akong experience na kahit na ano pang pakita mo hindi mo mapi-please lahat. Sa school na lang ng anak ko merong mga nanay na hindi ka talaga babatiin kahit na ano pang ngiti ang gawin mo sa kanila. Pero mas marami ang ka-vibes ko at mismong mga haponesa na kasama kong nanay ang nagsasabi sa akin na huwag ko na lang pansinin. The point is nakikita nila ang sincerity ng pakikisama ko sa kanila kaya mas marami ang totoong nakikisama rin sa akin.
Ganbarimashou minna san.. :)

Siguro nging effective ung strategy nyang ganon kya nasabi nya s amin un. Minsan me good outcome nmn ang pakikipag-plastikan gya ng s knya:) .

mamimo
04-18-2007, 05:17 PM
Sa pinas meron din naman regional stereotyping. Even sa US meron din. Di maiwasan and sometimes its true. Sa japan narinig ko na rin sa mga japanese mismo na meron talaga. Iba daw ang ugali ng people from tokyo, nagoya, osaka. May parang promdi, kuripot, mayabang. Match the following na lang sa places na sinabi ko. :D

Di ko po sinabing di nag-eexist yan kaya nga may word na ganyan to describe that concept pero ako ("I", "ME") is not a believer.:)

chester
04-18-2007, 10:25 PM
Di ko po sinabing di nag-eexist yan kaya nga may word na ganyan to describe that concept pero ako ("I", "ME") is not a believer.:)

ano po ang term sa ganyan in japanese? the closest thing i could think of is racism pero we are talking about regions within the country so regionalism na lang parang sa pinas. parang samahan ng bicolano, samahan ng visaya, etc.
sensya na po but if you know it exists why dont you believe? its just a part of life, some people are even proud to be from their own region talaga.

mamimo
04-19-2007, 12:43 PM

Its a misquote......my apology!:O Im not questioning your usage of that term and if you really want to ask me wakarimasen. Anyway, di porket nag-eexist ang isang bagay kelangan paniwalaan maraming naniniwala sa God pero bakit may Atheist? But still I owe you one I cant delete my previous post.:)

pinkpanther
04-19-2007, 01:12 PM
hi,i think wala un sa place nasa tao un,everyplace and every different country is different people all u need to do is to adopt the place and characteristic of people,nasa maganda communication lang yan

nikkichibi
04-19-2007, 03:25 PM
kahit saan lugar po tyo mapunta ay depende sa pakikisama natin , totoong may mabait pero meron din supladang nihongin:D

ICHIBAN08
04-19-2007, 08:49 PM
saking pananaw e magkakaiba ang ugali ng tao...nasa sa tao na yan kahit pa siya saan nakatira...

nasty
04-22-2007, 12:50 PM
yun din po sana sasabihin ko ichiban san ,kahit ano pa ang nationality nia ,may iba ibang ugali ang tao and of course pwede ding i base sa mood ng tao siguro ,lalo n kung kagaya kong GEMINI hehe:O