View Full Version : STUPID ba itong GIRL?
pinkpanther
04-19-2007, 01:02 PM
PANGIT ba tingnan kng ang isang babae pumatol sa may pamilyang lalaki?pano kung ung guy nag lie na his not married then suddenly nalaman mo na may fmily siya pero dika makailag na kasi your falling inlove with the guy,what do you think kailan pa bang pagpatuloy pa.
makulit
04-19-2007, 02:07 PM
tell the guy to leave you alone. ano ba ang plano nya? nanliligaw sya sa yo, may asawa pala sya. hindi man lang pinaalam sa yo umpisa pa lang na meron pala. ano ba talaga ang pakay nya? :mad: (sensya na po, galit ako sa mga lalaki na ganyan)
life is already complicated as it is, huwag mo na pong dagdagan. hindi po magandang makipagrelasyon sa isang lalaki na may asawa. pangit tignan kahit saang angulo. hindi mo po dapat ipagpatuloy.
opinyon ko lang po.
infinite_trial
04-19-2007, 02:17 PM
well stupid siguro yung girl kung di pa nya alam gagawin nya the fact na nalaman nya na may asawa na yung guy.
just my 2 cents
summergirl
04-19-2007, 02:50 PM
I think the guy was stupid,because he lied.Ang girl naman akala totoo hanggang sa ma inlove.Pero better make a decision na makalayo sa kanya dahil kahit bali baliktarin mo pa ang storya uuwi at uuwi pa rin iyan sa asawa..
mrs-mymelo
04-19-2007, 02:59 PM
:) A girl isn't stupid when she knows she is stupid!!
nikkichibi
04-19-2007, 03:04 PM
kahit mahal na nya yung guy ay dapat makipaghiwalay na sya , tama cla babalik at babalik din din yung guy sa asawa nya :rolleyes:
mOtt_erU
04-19-2007, 04:16 PM
tingin kO stUpid si girl kung wala siyang mOve na gagawin ngayOng nalaman nya na pamilyadOng taO na si guy...kung pwedeng papipiliin, eh papiliin nya; kung siya ba O yung pamilya nya...kung siya eh dapat patUnayan siya ( perO at the same time tuloy pa rin suportahan yung pamilya nya & occasionally i-meet yung mga bata..depende sa magiging usapan) ~perO~ kung yung pamilya ang pinili eh dapat alam na ni girl ang gagawin nya....lumubay na siya.... mahirap manlimos ng pagmamahal at oras sa lalakeng may panangutan na.... perO honestly, sa una palang na tinagO nun guy na pamilyadong taO na siya dun palang eh hindi siya naging honest sa girl....sO si girl dapat mag-esep-esep:D.....Opinyon ko lang `to;)
docomo
04-19-2007, 05:19 PM
Certain feelings are universal .. I can accept other people doing it, but, I dont really see the benefit or the good in it to be honest.:)
lalen16loves
04-19-2007, 05:27 PM
hindi pa stupid si girl nung hindi pa nya alam ang totoo..
pero nung nalaman nya na na may asawa pala, at makikipagrelasyon parin , yan ay BIG STUPID :D ..
parang kanta to ng salbakuta .....STUPID STUPID STUPID :band:
tisay
04-19-2007, 05:31 PM
...tingin ko kailangan ng hiwalayan ni girl si guy,,magpapaka stupid lang sya lalo kung itutuloy niya pa rin ang pakikipag relasyon samantalang nalaman nya nang pamilyado pala si guy...:( mas lalo lang syang masasaktan kung itutuloy nya pa ang relasyon nila na alam naman nating walang patutunguhan sa huli kundi ang mapag-iwanan din sya....masakit man pero hangga't maaga pa na nalaman nya na married guy pala ay humiwalay na si girl....:( :)
miyuki
04-19-2007, 05:54 PM
talagang may matatamis magsalita kaya di talaga maiiwasan na mahulog ka sa boladas.. kahit mahal mo na sya at nalaman mong may pamilya na sya .dapat kang lumayo, kasi malaki ang karmang babalik sayo dahil ilang tao ang natatapakan at nasasaktan mo.
CooL^MoM^
04-19-2007, 06:35 PM
stupid ang girl kung ipagpapatuloy pa nya and makipagrelasyon sa taong may asawa... kahit naman hindi tyo payuhan... automatic na alam natin na talagang MALI yun. Siguro sa umpisa maiitindihan pa natin kung hindi nya alam na may asawa ito..dahil ang babae ang kawawa at biktima...PERO kung nalaman na nya ang totoo.... it is time to move on! masakit pero dapat tanggapin....magkaka sala ka lang at maraming lalaki sa mundo.
Haaaaayyy....bakit kase may mga lalaking babaero....hindi na nakuntento sa isa!!! gusto pa yatang dumami ang lahi!!! Grrrrrrrrrrrrrrrrrrr !!!!!!! MAy asawa ako kaya masakit kung ang asawa ko ay may babae...baka mapatay ko sya...:mad:
la_tina512
04-19-2007, 08:36 PM
Kailangan pa bang sabihin na MALAKING KATANGAHAN na ipagpatuloy ang isang relasyon na alam nating mali? Kailangan pa bang itanong kung dapat ba itong ipagpatuloy o hindi? Ito 'yong mga pagkakataon na hindi na natin kailangang magtanong. This reminds me of the thread about mistresses, kabit, aijin.. whatever we call it. Nakakainis talaga ang mga lalakeng hindi makuntento sa asawa, pero mas lalong nakakainis ang mga babaeng alam ng may sabit ang lalake papatulan pa. Alam naman natin na ang mga lalake kung makakalusot, lulusot talaga. Pagkatapos nyang malaman na may asawa pala 'yong lalake at ipagpatuloy pa nya pakikipagrelasyon, STUPID ba ang GIRL? Ano sa palagay mo???
ICHIBAN08
04-19-2007, 08:46 PM
For me, alam na pala ng girl na may family yung guy e hinid na niya kelangang ipagpatuloy pa ang bawal na relasyon... habang maaga palang yung girl e kelangan niya nang makipaghiwalay...san a gumawa siya ng tama para hindi habang buhay e sundutin siya ng konsensiya...:)
Autumn
04-20-2007, 08:09 PM
eh kahit naman sabihin pang stupid or Gaga...Tanga.si babae dahil alam or nalaman na, na may asawa si lalaki di naman siguro ganoon kadali matanggap ni babae na boba sya dahil bulag pa sya sa pag ibig (daw) .kasi naman mahirap kontrolin ang damdamin...
eh kung madali ba di sana wala nang mga kabit ....kahit saan ka luminga makikita mo kakilala mo na kabit ni Pedro oh juan
tsaka bahala sila sa ginagawa nila..sila naman ang mag dadala nun...mapapagod din sila..:D
cressa
04-20-2007, 08:27 PM
Pasali po ha..stupid ang girl dahil nalaman nya na miron pamilya c lalaki at hindi nya parin kaya hiwalayan yan ay dahil sa pagmamahal ang pinaiiral nya sa kanyang puso,kahit na alam nya na hindi tama,kahit na may masaktan love nya parin c lalaki...Just move on nlang sa mga tao nakakaranas ng ganito & always pray to god becouse sya ang lahat para iguide tayo sa mabuting pamumuhay at ara araw ng ating buhay...
makulit
04-20-2007, 09:05 PM
tsaka bahala sila sa ginagawa nila..sila naman ang mag dadala nun...mapapagod din sila..:D
paano kung hindi mapagod at magdesisyon si lalaki na iwanan ang asawa at anak. halimbawa ikaw ang asawa ... bahala pa rin ba sila?
sorry po sa moderators, nalihis ang usapan ... hindi ko mapigil na magtanong ... sensya na po...
Autumn
04-20-2007, 09:35 PM
paano kung hindi mapagod at magdesisyon si lalaki na iwanan ang asawa at anak. halimbawa ikaw ang asawa ... bahala pa rin ba sila?
sorry po sa moderators, nalihis ang usapan ... hindi ko mapigil na magtanong ... sensya na po...
Oo naman bahala sila..may magagawa ka ba pag nag desisyon yun asawa mo na iwan ka? eh desisyon nya yun?
kung ayaw mo ng OT huwag kang mag qoute..mag pm ka nalang .sumagot lang ako sa owner ng thread.
ayaw ko na na nag o OT ako eh..sorry din po mods..
honey
04-20-2007, 09:56 PM
Stupid hmmmm lahat naman nagiging stupid sa pag-ibig kaya lang kailangan din pairalin ang pag-iisip baka naman may taong nasasaktan na o masyado nang hindi alam ang ginagawa ng taong akala e stupid sya.
PANGIT ba tingnan kng ang isang babae pumatol sa may pamilyang lalaki? OO
pano kung ung guy nag lie na his not married then suddenly nalaman mo na may fmily siya pero dika makailag na kasi your falling inlove with the guy,what do you think kailan pa bang pagpatuloy pa. Hindi na kailangan ipagpatuloy kahit mahirap at masasaktan ka marami pa namang single na lalaki dyan na bagay sa pag-ibig mo.
Naransan ko rin umibig sa pamilyadong tao sobrang sakit at mahirap sya kalimutan kaso lang kailangan e! syempre inisip ko rin na gusto ko naman lumigaya magkaroon ng lalaking akin lang talaga.Payo sa akin ng mama ko yan bago ako tuluyang mahibang sa lalaking may asawa.Sana makatulong.
makulit
04-20-2007, 10:44 PM
@autumn
oo naman po meron and it doesnt include begging your husband to stay with you.
Stupid yung girl na yun kung ipagpapatuloy pa nya ang pakikipag-relasyon dun sa guy!:mad: ... Siguro naman may konsensya sya!...
ayumi
04-21-2007, 03:30 AM
PANGIT ba tingnan kng ang isang babae pumatol sa may pamilyang lalaki?pano kung ung guy nag lie na his not married then suddenly nalaman mo na may fmily siya pero dika makailag na kasi your falling inlove with the guy,what do you think kailan pa bang pagpatuloy pa.
Falling in-love to a married guy is really a STUPID thing.
Kaya lang,there's a famous line that says
"love is BLIND and lover's can't see"which is really true to people in-love.
but if you love & respect yourself,control the feeling and think of the RIGHT thing to do.
gokigenyo
04-21-2007, 10:31 AM
I've been both the scorned wife and other woman before, and I tell you, it hurts like hell both ways. The only way to learn from mistakes is to make them though. Just remember, what goes around comes around, One day it will be you~ mark my words, tigers cannot change their stripes.;)
aki^-^
04-21-2007, 02:56 PM
Yup... The girl is really stupid....if she continues........... ....:rolleyes:
mypeeps
04-22-2007, 02:29 AM
If he lied to and cheated on his wife, what made she think that he's not going to do the same to her? you cannot hide from the truth, sin is sin... and sin will find you out...!
EllahMauiMar
04-22-2007, 07:14 AM
Falling in Love with the wrong person is a choice. Now that U have known that He's married, would you still continue?...There is someone really meant for U. Move on. Love yourself, U know that it won't go nowhere.:mad:
nasty
04-22-2007, 12:12 PM
actually hindi naman lahat ng nagiging mistress or gaya ng situation nung girl topic dito sa thread ah kailangan nating i judge na masama na sila talaga ,minsan biktima lang din sila between their feeling called love ,and the main suspect for this karumal dumal na krimen eh yung mga lalaking walang magawa kung hindi isatisfy ang mga ego nila :mad:ngayon kung alam nya na yiung situation nung guy tas she'll continue for that intimate relationship with the guy ,STUPID nga sya
ritzyu
04-22-2007, 09:17 PM
Stupid nga ba talaga ang girl...mahirap magpakatanga sa pag-ibig. kung ang girl
ay ginagamit ang puso....iisipin niya na pakakasalan siya ng lalaki at iiwanan ang asawa nito. Kung isip ang gagamitin.....marara mdaman niyang hindi tapat ang intensyon sa
kanya ng lalaki....ang lalaking hindi rumerespeto sa isang relasyon o sa marriage nito, malamang na wala ring respeto sa mga susunod niyang makakarelasyon. Sa lalaki walang mawawala, kahit saan mang anggulo natin tignan, ang babae ang talo sa ganitong relasyon.:)
Sammy
04-23-2007, 11:00 AM
Sa mga Ka TF Ko.
Here is my opinion. I am one of those Guys. I met this Girl in Japan and i know she is a single mother. And she knows i am married but we fall in love with each other and still going on
weve seen each other for two years. I provided what i need to to her child send her to a private school, provided this girl business capital for her future and anything she likes that i can afford to. She is a hard working girl and honest that i feel in love with her and trust her.
I dont think she is one of those "they call Bili mo ko girls. In fact i was planning this year to
buy her the house and lot which she is renting now now.
FYI, I am not very rich but i have few millions of pesos to spare.
My kids were all College graduates.
Now Do you think this Girl who falls in love with me is Stupid.
Face reality maraming babae diyan sa Japan na nag-aasawa rin nang japanese na may asawa
, minsan dahil sa hirap nang buhay sa pinas at nagagawa nila ito for their family.
So advice ko sa mga taong hinuhusgahan nila na stupid ang kababaro nila na stupid
to just shut their mouth.
For your info also Pinoy ako.
Write me if you have comment.
infinite_trial
04-23-2007, 11:20 AM
So advice ko sa mga taong hinuhusgahan nila na stupid ang kababaro nila na stupid
to just shut their mouth.
hypothetical question lang sir...
pareho din kaya ang opinion mo kung ang asawa mo ang gumawa nito sayo? whatever reason a guy or girl may have for pursuin an affair, it doesn't justify the fact that it is wrong. a mistake, even for the right reasons is still a mistake.
ang importante ay kung marerealize ng taong yun ang pagkakamali nya at magbago sya.
another 2 cents
Soju6
04-23-2007, 11:39 AM
Stupid si Cupid..
lalen16loves
04-23-2007, 02:00 PM
Sa mga Ka TF Ko.
Here is my opinion. I am one of those Guys. I met this Girl in Japan and i know she is a single mother. And she knows i am married but we fall in love with each other and still going on
weve seen each other for two years. I provided what i need to to her child send her to a private school, provided this girl business capital for her future and anything she likes that i can afford to. She is a hard working girl and honest that i feel in love with her and trust her.
I dont think she is one of those "they call Bili mo ko girls. In fact i was planning this year to
buy her the house and lot which she is renting now now.
FYI, I am not very rich but i have few millions of pesos to spare.
My kids were all College graduates.
Now Do you think this Girl who falls in love with me is Stupid.
Face reality maraming babae diyan sa Japan na nag-aasawa rin nang japanese na may asawa
, minsan dahil sa hirap nang buhay sa pinas at nagagawa nila ito for their family.
So advice ko sa mga taong hinuhusgahan nila na stupid ang kababaro nila na stupid
to just shut their mouth.
For your info also Pinoy ako.
Write me if you have comment.
mawalang galang napo:
ano po ba ang dapat naming maging reaction as babae, misis....?matuwa ba dapat kami....kailangan pa ba naming suportahan ang relasyong alam nating mali na.....?dapat bang magalak kami sa tuwa at sabihin sa kanyang, "kaya mo yan , ipaglaban mo yung pag-ibig mo dahil mahal ka nya, kahit masaktan pa yung asawa nya't mga anak nya."..ganun po ba dapat?
..baka hindi nyo po alam kung ano ang nararamdaman ng niloloko ng asawa..?kung masasaktan man, si babae kung hihiwalayan nya si lalakeng may pamilya, mas sampung doble ang ang sakit na nararanasan ng tunay na misis...........
kung sa bagay, sa kwento nyo naman , na may asawa kang nakipagrelasyon sa iba, eh kbaka hindi nyo nga nauunawaan ang mga pinapayo namin sa babae...hindi namin sya nilalait, ang gusto lang namin mapaganda nag buhay nya at mga concern lang din kami bilang mga babae...
at ang tanong mong kung stupid ba si girl na nainlove sa yo....??OO ang sagot ko, at palagay ko hindi lang sya,,...kundi pati ikaw....:)
dianne
04-23-2007, 02:02 PM
if you will allow yourself to be stupid I think so:)
makulit
04-23-2007, 02:20 PM
sammy, sammy, sammy ....
hindi stupid ang gf mo, she's very smart. binibigay mo lahat sa kanya ang mga materyal na bagay na kaya mong ibigay. matapos lahat ng materyal na bagay, isa na lang din ang gusto nya sa huli, ang maikasal sya ...
hindi ba ikaw ang asawa ni greta :) just wondering ...
musta kaya ang wife and children mo? accepted kaya nila ang sitwasyon as long as marami silang pera ...
i know i wont care kung ako ang legal wife kung wala rin lang napapabayaan ... at kung ako ang legal wife mo, i will not consent to annulment or divorce kung kinasal tayo sa labas ng bansa. mamatay kayo kahihintay na sumakabilang buhay ako para maikasal kayo :mad:
Soju6
04-23-2007, 03:38 PM
I bet.... the answers that she's getting were/are the ones that she doesn't want to hear or listen to.
It happens to the best when you're stupid/ly (bagong word) in love.
You may call her stupid or what not but are we/ you all saints here?
docomo
04-23-2007, 03:49 PM
I can understandly know how you feel soju .. it's an unfair world alright :p
And to the thread starter ,I really hope things work out how you want them too . Goodluck :)
cressa
04-23-2007, 03:52 PM
Hayyyyyy...ang buhay nga naman......isa lang po ang sagot sa ganyan tao,hindi makuntinto sa isa kaya kung saan ka maligaya supurtahan taka.....:eek: :p
Soju6
04-23-2007, 03:56 PM
;) I can understandly know how you feel soju .. it's an unfair world alright :p
And to the thread starter ,I really hope things work out how you want them too . Goodluck :)
Apir....give me some!
aj_4983
04-23-2007, 04:48 PM
I provided what i need to to her child send her to a private school, provided this girl business capital for her future and anything she likes that i can afford to. She is a hard working girl and honest that i feel in love with her and trust her.
I dont think she is one of those "they call Bili mo ko girls. In fact i was planning this year to
buy her the house and lot which she is renting now now.
FYI, I am not very rich but i have few millions of pesos to spare.
Now Do you think this Girl who falls in love with me is Stupid.
NO...bec me "lover" na siya me "financer" pa...:D
Face reality maraming babae diyan sa Japan na nag-aasawa rin nang japanese na may asawa minsan dahil sa hirap nang buhay sa pinas at nagagawa nila ito for their family.
About ur statement na "nagaasawa rin nang japanese na may asawa" clarification lang po. Di po pwedeng maging asawa ang isang hapon na may asawa not unless he will divorced his wife. After that his "FREE" to have a relationship again w/ other girl. So kung may pinay mang magpakasal sa kaniya for whatever reason it is. No prob bec his "SINGLE" not "DOUBLE":D
So advice ko sa mga taong hinuhusgahan nila na stupid ang kababaro nila na stupid to just shut their mouth. For your info also Pinoy ako.
Write me if you have comment.
if ever n mbsa ni misis ung "love story" mo ano kya husga nya:confused: :D
PEACE:)
PANGIT ba tingnan kng ang isang babae pumatol sa may pamilyang lalaki?pano kung ung guy nag lie na his not married then suddenly nalaman mo na may fmily siya pero dika makailag na kasi your falling inlove with the guy,what do you think kailan pa bang pagpatuloy pa.
to your friend...
You cannot continue to socialize with that person to whom you are attracted(loved). This maybe a difficult move but if you don't do it you are running the risk of needlessly harming lives.You are facing an important test.The question is: Will you do what you feel like doing or what you know is right?
infinite_trial
04-23-2007, 09:13 PM
I bet.... the answers that she's getting were/are the ones that she doesn't want to hear or listen to.
It happens to the best when you're stupid/ly (bagong word) in love.
You may call her stupid or what not but are we/ you all saints here?
e kasi ang tanong stupid ba ang girl..natural yes or no lang ang sagot :D
haaaaayy naku ang hirap magdisiplina ng matanda na :) gumawa ng tama para sa huli hindi magsisi:)
la_tina512
04-24-2007, 09:57 PM
Sa mga Ka TF Ko.
Here is my opinion. I am one of those Guys. I met this Girl in Japan and i know she is a single mother. And she knows i am married but we fall in love with each other and still going on
weve seen each other for two years. I provided what i need to to her child send her to a private school, provided this girl business capital for her future and anything she likes that i can afford to. She is a hard working girl and honest that i feel in love with her and trust her.
I dont think she is one of those "they call Bili mo ko girls. In fact i was planning this year to
buy her the house and lot which she is renting now now.
FYI, I am not very rich but i have few millions of pesos to spare.
My kids were all College graduates.
Now Do you think this Girl who falls in love with me is Stupid.
Face reality maraming babae diyan sa Japan na nag-aasawa rin nang japanese na may asawa
, minsan dahil sa hirap nang buhay sa pinas at nagagawa nila ito for their family.
So advice ko sa mga taong hinuhusgahan nila na stupid ang kababaro nila na stupid
to just shut their mouth.
For your info also Pinoy ako.
Write me if you have comment.
Wow! Bigat non ah! Shut your mouth daw...:rolleyes:
No one is condemning anyone here. We just answered the question - stupid ba ang girl? As Filipinos, kailan pa naging acceptable sa society natin ang mga kabit? Okay, sorry for the term.. Gandahan natin, gawin nating mistress. Teka, nasa Japan pala tayo so let's make it aijin.
Galit ako sa mga babaeng alam ng may asawa ang lalake patulan pa rin. Hindi lang kabit, mistress or aijin ang tawag ko don kundi homewrecker din.
Oh well, you have all the right to defend your mistress. I won't wish you well. For all your misdoings, meron lang naman yang katapat na consequence. What goes around comes around and you'll reap what you sow.
Have a nice evening, Mr. Sammy...
Sammy
04-25-2007, 11:12 AM
Hindi siya stupid kong binibigay lahat ang pangangalangan niya.
Financial support at iba pang tulong sa pamilya niya nang lalaki.
aki^-^
04-25-2007, 11:32 AM
Hindi siya stupid kong binibigay lahat ang pangangalangan niya.
Financial support at iba pang tulong sa pamilya niya nang lalaki.
ask ko lang po kung... tama po ba ginagawa ng isang taong may pamilya at may mistress? kung sa tingin mo po na tama yan...opinyon mo po yan...at nirerespeto kita pero kung sa tingin namin na stupid ang girl na pumatol sa may pamilya... opiyon ko yun.
Ang taong alam na mali pero biibigyan ng rason para itama ang ginagawa nya... Ano po tawag dun?
Opinyon ko lang to...THou shall Not......... (based po sa bible)
thanks:)
ritzyu
04-25-2007, 11:39 AM
Hindi siya stupid kong binibigay lahat ang pangangalangan niya.
Financial support at iba pang tulong sa pamilya niya nang lalaki.
Kakaengget naman ang girl mo, kung mapapakasalan mo nga lang siya ano, ay baka
pinakasalan mo na sa lahat ng simbahan :D
aki^-^
04-25-2007, 11:44 AM
Kakaengget naman ang girl mo, kung mapapakasalan mo nga lang siya ano, ay baka
pinakasalan mo na sa lahat ng simbahan :D
Alam ko sa pinas pwede na ang annullment eh.. para malaya ng makipag relasyon sa iba..at para maging LEGAL na.... :)
ritzyu
04-25-2007, 11:53 AM
Alam ko sa pinas pwede na ang annullment eh.. para malaya ng makipag relasyon sa iba..at para maging LEGAL na.... :)
Ikaw aki san ha, binibigyan mo ng idea si Sammy :D :D :D (sorry po ot )
aki^-^
04-25-2007, 12:09 PM
Ikaw aki san ha, binibigyan mo ng idea si Sammy :D :D :D (sorry po ot )
hehehe... OO nga noh? me and my big Mouth~:D
aki^-^
04-25-2007, 12:12 PM
Baligtarin natin..ano pakiramdam ng lalaki kung ang asawang babae ay may kabit? Stupid ba si lalaki dahil pumatol sa may asawa? ano naman ang itatawag natin sa babaeng nanlalalaki?
infinite_trial
04-25-2007, 12:35 PM
Hindi siya stupid kong binibigay lahat ang pangangalangan niya.
Financial support at iba pang tulong sa pamilya niya nang lalaki.
hindi sya stupid, hindi rin smart.
practical ang tamang word dyan.
peace!
la_tina512
04-25-2007, 05:52 PM
hindi sya stupid, hindi rin smart.
practical ang tamang word dyan.
peace!
oo nga ano? :rolleyes: what if the guy cannot spare some "millions" to help? what if the guy is just an ordinary salary man who can only spare a few amount of yen here and there?
nagtatanong lang po on the practical side... hindi nga stupid ang girl pag may napapala. hmmmm.... getting into a relationship because of practicality? :rolleyes:
chester
04-25-2007, 07:12 PM
hanu ba yan ang haba na ng thread. andito naman ako singular not plural. :D:D
Forrest Gump: Stupid is as stupid does.
I had a friend in a similar situation. Nagkagusto sa super ganda and super bata na girl married to a super rich very old man. Syempre pinas practical ang babae. She said she wasn't happy and fulfilled. I went out with her for a few months before doing the smart thing. Wala kang mabuting mapapala kung ikaw ay third party. Well besides the pleasure and stuff :D:D. Joke lang.
Again friend ko po yun so dont call me stupid!:D:D
pinkpanther
04-26-2007, 01:16 AM
thanks sa lahat na nagbigay sa opinion nila sa moderator,soju6,infi nate-trial,chester kayong lahat,salamat po maasahan nyo may will change maka pag moved-on din ako,kaya i always visit this site para dme ma bored:) :) :)
pinkpanther
04-26-2007, 01:25 AM
maraming salamat sa lahat ng nagbigay ng opinion nila,i appreciate it.:D :D
pinkpanther
04-26-2007, 01:36 AM
bait mo na may situation kagaya ng thread na binigay konaman but by the way thank you na rin at d stupid ang tingin mo sa girl na pumatol sa may husband,good for your girl at alam nya side nyo dka nag lie po sa thread na nilagay ko kasi walang alam lately nalang sinabi kasi na inlove na si guy.to all TF na dis agree sa ganun you are all intittled to your opinion thanks na rin atleast narinig ko side ng iba
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.