PDA

View Full Version : BILMOKO


sensei
04-22-2007, 09:13 AM
Anong problema ni mister? Bili mo ako non, bili mo ako nyan !!!
Malapit na ang birthday niya, naglalambing...
First week ng April ang sabi niya:
"Okaasan, atarashii tokei ga hoshii" , yung gagamitin niya daily sa trabaho. Tumingin kami sa internet... (taka....iii :scratch: ) Ok sabi ko...katte ageru yo. Ang smile niya abot hanggang langit:halo: :kiss:

Second week ng April sabi niya...
"Golf yaritai "....pagkauwi galing trabaho. Nakaakap sa akin, mo sugu tanjoubi desu yo...
Regaluhan ko daw siya ng bagong golf club yung set na tinignan daw nila sa internet kanina ng nakama niya. Tinignan namin sa internet.... (taka...iii:scratch: ) "chotto kangaeru yo" sabi ko. Aba'y parang bata na sumimangot...umupo at nanood ng tv kuchi kikanai. Eh di ginawa ko that moment, inorder ko sa internet...ayun tuwang tuwa!!!

Ano ba tong asawa ko...talo pa ako ngayon sa gastos:scratch: Nagtitipid nga dahil dadating pa yung baby bed na inorder ko. Gusto eh unahin ko talaga siya....

Then last Friday, tumitingin ako sa leaflets na nakasalipit sa shinbun, mga baby dress...nakitingin siya. Sabi ko, bihan mo naman ako nito kasi hindi na ako makalabas. Kinuha niya yung nakasalipit sa ilalim, sabi niya bilhan mo naman ako nitong suits...tignan mo sale oh!!!

Hindi ako madamot pero at that time gusto ko punitin yung shinbun sa harap niya...
Nanggigigil ako....sobra !!!

Kung ipagpapatuloy niya yung luho niya, made drain ako. Kung kukwentahin yung ipinabili niya this month...baka sa loob ng 3 months lang eh tuyo at itlog na lang ipapaulam ko sa kanya. Haaay kung hindi lang niya birthday...paalis kami ngayon at bibilhan ko ng suits. Last na talaga...kaso pag nanghingi ulit at kung anong ipabili bakit hindi ko matiis? Para siyang bata na nagmamakaawa sa akin...hindi ako makapagdamot:ohlord: nandito pa rin yung feeling na masaya ako kasi nabili ko yung gusto niya galing sa allowance ko.

Haay mamaya nga pagtulog mag sneak ako sa wallet niya...wala ba siyang sariling pera?

Anong gagawin ko...bad ba?:confused: Sakit na BILMOKO ba nangyayari sa asawa ko? Naninibago ako...

mrs-mymelo
04-22-2007, 10:42 AM
Okey lang bilmoko sa labs mo..may pangbili naman eh..:)

Seriously;we have to get prepared for our future worries,lalo na we have
some kids to look at.Masama talaga pag subra-sobra.Sa panahon ngayon
kailangan talaga ang magtipid.Wheels of furtune keep on turning,paano
if time will come na wala tayong madudukot?:eek:

sensei
04-22-2007, 11:08 AM
Okey lang bilmoko sa labs mo..may pangbili naman eh..:)

Seriously;we have to get prepared for our future worries,lalo na we have
some kids to look at.Masama talaga pag subra-sobra.Sa panahon ngayon
kailangan talaga ang magtipid.Wheels of furtune keep on turning,paano
if time will come na wala tayong madudukot?:eek:

We just came back...ayun nagsusukat ng damit, naninibago talaga ako.
Nag grocery na rin kaming dalawa...hindi na kasi ako makapag isa eh.
Dati rati, kung ang grocery ko eh umabot ng ¥12,000 magaabot siya ng 1 lapad from his wallet...aba'y kuripot na ngayon. Ang lakas ng trip ng asawa ko ngayon...

Yun nga rin iniisip ko...for the future ikanga. Di tulad dati pag nag grocery, dampot lang ako ng hindi tinitignan ang presyo. But now, malapit na akong manganak, kung alin ang mura yun ang binibili ko. Shikkari shiteru ako ngayon sa monthly finances, pero paminsan bumibili rin naman ako ng para sa akin. Mostly nga lang para sa baby ko. Naiisipan ko tuloy magtago ng pera, as in patago sa asawa ko. Hindi sa lahat ng oras may pera...

Haay...hindi ko magawang magalit sa asawa ko. Ayun nakangisi na...di ko alam kung anong sunod na trip niya. Sana ok na lahat ng presento ko...matapos lang ang April 30 wala na siyang reason magpabili ng regalo.

barabara
04-22-2007, 05:22 PM
hi sensei, non nasa tokyo pakami me work pa ako si bilimoko din si hubby ko ng mga damit niya.kasi di siya marunong pumili at di palabili ng damit...pagbigyan muna siya kasi birthday naman niya.pag tapos na saka mo sabihin in good way na ipon naman kayo dahil sa new baby need me ipon kayo..ingat and ganbatte..:D :wavey:

aki^-^
04-22-2007, 09:50 PM
wow...sarap mo naman maging asawa...ahihihihi
si mister di bilmoko pero ugali ko talagang bilhan sya na kung ano ano....
Siguro nasanay lang sayoo asawa mo kaya panay pabili nya sayo...ang mahalaga may pambili.. ahihihihi!!!! :D

sensei
04-23-2007, 08:40 AM
hi sensei, non nasa tokyo pakami me work pa ako si bilimoko din si hubby ko ng mga damit niya.kasi di siya marunong pumili at di palabili ng damit...pagbigyan muna siya kasi birthday naman niya.pag tapos na saka mo sabihin in good way na ipon naman kayo dahil sa new baby need me ipon kayo..ingat and ganbatte..:D :wavey:

ako rin pumipili ng gamit niya dati...pero siya nagbabayad, di tulad ngayon sa akin pa hihingi...
binibilang ko nga kung ilang araw na lang... takas muna ako kasi baka kung ano na namang maisip eh hindi pa ako kumpleto sa gamit ng baby ko. Ewan ko nagseselos yata kasi pag nagbanggit ako tungkol sa baby dress etc sabihin niya ako na lang mag decide. Ni isang lapad hindi pa niya nabibilhan baby ko eh malapit na ako manganak, basta lang magbibigay ng pera:O ...ano kaya yun!!!

sensei
04-23-2007, 08:48 AM
wow...sarap mo naman maging asawa...ahihihihi
si mister di bilmoko pero ugali ko talagang bilhan sya na kung ano ano....
Siguro nasanay lang sayoo asawa mo kaya panay pabili nya sayo...ang mahalaga may pambili.. ahihihihi!!!! :D

Sa loob ng 4 years naming nagsasama, first time lang nangyari ang ganito...kaya nakakapanibago. First time as in sa loob ng 1 month, yung allowance ko naubos sa luho niya kaya yung pang grocery ko eh galing sa iniipit kong savings. Hindi ko naman maisip na nambababae dahil binuklat ko yung wallet meron naman sariling pera. Nag check ako ng keitai pero wala naman okashii...on time kung umuwi, laging nakadikit sa akin. Wala akong maisip na dahilan ng kaartehan niya kundi selos...

hindi na praktikal yung ginagawa niya kaya pinakikiramdaman ko...

mOtt_erU
04-23-2007, 08:49 AM
....nakakatuwa ka naman sensei.............. pinagbibigyan mo lambing at konting wagamama at bilmoko habit ng asawa mo...kaso medyO nasasanay yata...hehehe..... baka maspoiled at madisbudget kamo...gOOdluck nalang kung paanong strategy gagawin mo para macontrol pagkabilmoko ni habibi mo saikin`:)....sa case ko naman, hindi kase bilmoko si habibi ko eh, minsan nga ako pa nangungulit na bili ko siya ng ganito ganyan,hindi talaga mahilig magpabili/ magbibili, pag kailangan saka lang siya bumibili, kaya minsan pag anniv namen eh binibigla ko nalang siya; nabili ko na yung item:p...hehehe:p

proud me
04-23-2007, 08:55 AM
Sensei~~~Binebirthda y pala si habibi...:p ...pero tama ka baka nagseselos lang O kaya baka kulang na sa pansin mo~~~dahil nasanay na nga sa naka-ugalian nya sa iyo bago ka
nabuntis~~~tama rin yung pag-bigyan mo muna at habang hindi pa lumalabas si baby..
yung mga gagamitin ni baby unti-untiin mo nalang iraos meron pa namang Time. pag-Birthday yin mo muna si habibi...00 nga ang mahalaga merong pambili~~~mas mahirap
siguro kung wala!... :p~~~~pero pag-pinang araw-araw na ni habibi yung bine-birthday!
hahah!~~~~kalangan na ng ~~~Ano ka sinusuwerte!:D ~~~ joke! pina-pa Smile lang kita sensei....

sensei
04-23-2007, 02:15 PM
....nakakatuwa ka naman sensei.............. pinagbibigyan mo lambing at konting wagamama at bilmoko habit ng asawa mo...:p

minsan naman gusto ko magpabili sa kanya...nauna akong magbirthday noh.
Sabi pa niya, anong gusto ko regalo...siguro gamit ng baby no???
Ngumiti lang ako...
Dinala niya ako sa Mishima nung birthday ko, paikot ikot ako sa pagpili ng gamit.
Ang sabi niya...haaah haaah pagod na ako, hintayin kita sa kuruma sabay abot ng isang lapad.:nono: :nono: :nono:

...sa tingin mo aabot ang isang lapad sa gamit ng new baby ko? Abono ang birthday girl...

Pagbalik ko sa kuruma, tuwa pa siya at ang dami ko daw naipamili sa isang lapad. Aba'y walang alam ang abno sa gastos... Nadatnan ko siya kumakain ng frankfurto habang nanonood ng dvd, naiiyak ako sa inis. Ang sa akin lang, mas masarap mamili ng gamit ni baby na kasama siyang namimili kung anong kulay, kung cute ba, kung malaki or mura ba, kahit ako magbayad.:mad: Ang katwiran nahihiya siya...:cry: :cry: :cry:


Nangingilid lang yung luha ko sa mata...
tapos magtatanong, kung bakit ako umiiyak. Nagpaalam naman daw siya na maghihintay na lang sa kuruma. Kung nabigatan daw ba ako eh gomenne, sabay bili ng frankfurto at baka daw nagutom ako sa kalalakad.

Haaay ok lang...pinakain naman niya ako sa kaiten sushi pagkatapos.

sensei
04-23-2007, 02:20 PM
Sensei~~~Binebirthda y pala si habibi...:p ...pero tama ka baka nagseselos lang O kaya baka kulang na sa pansin mo~~~dahil nasanay na nga sa naka-ugalian nya sa iyo bago ka
nabuntis~~~...

Iba na nga kasi ngayon, pagkahilata ko eh nakikipaglaro sa baby kung nasaan yung paa. Minsan tumatawa ako mag isa, kasi nagugulat ako sa sipa ng baby. Pero wag ka, pag tulog ako nakikihimas siya sa tyan ko. Basta lang tina timingan niya kung kelan ako bibili ng para sa baby eh sasabay din...kulang na nga sa pansin. Lagi kasi ako unang matulog sa sobrang antok at nawala na yung kwentuhan sa gabi...

Sana ako na lang si bilmoko para masarap ang feeling...

mr.kuripot
04-23-2007, 03:38 PM
:Dhahaha kakatuwa naman kayong mag asawa sensei san. C hubby ko kasi di bilmoko. Dati pagnamimili ako dinadawit ko sya sa pamimili, kaso kalimitan di nya type yung binibili ko:cry::cry:..Hiphop kasi ang mokong, kahit na 40yrs old na yun di patatalo sa fashion..Kaya ngayon pinababayaan ko sya mamili ng gamit nya. Ang nakakatuwa kay hubby kahit 1 pants o 1 book lang ang bibilhin e nagpapaalam pa kun pwede daw ba syang bumili...:D

lalen16loves
04-23-2007, 06:41 PM
naglalambing lang siguro.........:) ang cute nyo nga tingnana eh....lambing sya to the max sayo para lang bilhin mo yung gusto nya.......

baka sinusurprise ka lang nya,...tapos one day, yung lahat ng needs na gusto mo para sa baby nyo eh bitbit nya na pag-uwi dyan sa bahay....diba?? tapos balik nya naman ang tanong nya sayong .."hon, anong gusto mo ???kahit ano para s aikaliligaya mo..."....wow sarap..:D

ingat kayo ni baby :)

Autumn
04-23-2007, 10:26 PM
Sensei.... di kaya nag seselos at si baby lang lagi mo binibilhan? dinaan kunyari sa birthday gift.? :D

kailan due date mo sensei?

dianne
04-23-2007, 10:37 PM
hindi naman sya masyadong expensive & demanding relo lang naman :D