PDA

View Full Version : Budol-budol gang Mother ko na biktima!!!


chanel_ar
04-30-2007, 03:51 PM
Mga ka tf, gus2 ko lang ishare s inyo ngyari s Mother ko ngaun sa pinas. Na biktima po sya ng Budol-budol gang or sindikato grabe po lahat ng pera at mga alahas n pinaghirapan ko binigay ng mother ko s nagpakilala n klassmate ko daw po ng high school ngtiwala po sya ng husto at prang may gayuma daw n pina amoy s kanya kaya napa amo sya. Sana may makatulong po s akin dito pra mahuli yan sindikato n yan, pera at alahas ko nawala bigla. Tulong po...

aki^-^
04-30-2007, 05:22 PM
grabe naman....taga saan ka? marami talagang manloloko ngayon... haaaayyyy!!!!!

chanel_ar
04-30-2007, 05:46 PM
Bagong Silang Kalookan city ako. Grabe ... nireport n s pulis un daw ngaun gumagala s Bagong silang. Meron din dw na biktima teacher pina withdraw p s bangko ang teacher. Nappa amo nila ang biktima nila kaya sumusonud s mga utos nila...

katty0531
04-30-2007, 07:12 PM
Meron pala ganon, totoo pala yong may pa amoy tapos bibigay agad...katakot naman, pasensya na ha may narinig na kasi ako dati nabiktima din tita nya mga alahas din same sa nanay mo....so sad naman, taga Bulacan naman yong kaibigan ko na yon....
Ingat nalang po parati, at sabihin mo sa nanay mo baka mag alala masyado ang material na bagay magsikap ka lang ulet makikita mo pa yon buti kamo walang nangyari sa kanya masama...marami talaga mandurugas ngayon, sa sobrang kahirapan ng buhay.

chanel_ar
04-30-2007, 07:45 PM
Meron pala ganon, totoo pala yong may pa amoy tapos bibigay agad...katakot naman, pasensya na ha may narinig na kasi ako dati nabiktima din tita nya mga alahas din same sa nanay mo....so sad naman, taga Bulacan naman yong kaibigan ko na yon....
Ingat nalang po parati, at sabihin mo sa nanay mo baka mag alala masyado ang material na bagay magsikap ka lang ulet makikita mo pa yon buti kamo walang nangyari sa kanya masama...marami talaga mandurugas ngayon, sa sobrang kahirapan ng buhay.
Salamat katty0531. Oo un una ko naisip c Nanay sabi ko nga pera lang at alahas yan mrami d2 s japan yan( di nila alam hirap din ako d2). Salamat s Diyos ligtas sya un ang mahalaga. Ang nakakatakot pa sinakay sya s Van dun sya pina amoy ng pabango kunwari un pla gayuma na at pinahiran p sya s braso. Anim na tao 3 babae at 3 lalaki nkakatakot tlaga. Bahala na ang Diyos s kanila...Beware po sa mga ganun tao kahit kilala o hindi ntin mag isip muna.

la_tina512
04-30-2007, 08:06 PM
Matagal ng raket 'yan meron pa rin pala hanggang ngayon. Mother ko nabiktima rin nyan sa Las Pinas naman. Kabibigay ko lang ng kuwintas sa kanya suot-suot nya ng umalis pagbalik wala na. Nong tinanong ko meron daw kumausap sa kanya babae at lalake parang hipnotismo ginawa sa kanya. Mula noon hindi ko na sya pinagsuot ng alahas at baka sa susunod hindi lang hipnotismo gawin sa kanya.

summergirl
04-30-2007, 08:20 PM
Grabe lahat na lang ng modus operanti nasa pilipinas,makapanlok o lang ng tao,ayaw mag-trabaho,malalaki naman ang katawan.nakakainis ang ganitong naririnig ko.

chanel_ar
04-30-2007, 08:44 PM
OO lahat ng panloloko nasa ating bansa na. Kilalang kilala kami cguro plano lhat un. Masakit pa un gift ko na kwintas s Father ko hindi ni Nanay pina pasuot s Papa ko dhil takaw tingin s iba, un pla binigay nya lang dun s mga manloloko un! @la_tina san buti kwintas lng nkuha s Mother mo, at safe din sya...Kapapadala ko lng ng pera ngaun 26 April Yen pa nbigay at mga pesos n tago nya. Buti d p cnabi n mag withdraw sya s bangko grrr...Grabe tlaga n pasunod sya n lhat ng pera at lahat ng mga alahas. Ubos at simot sila ngaun dun...GOD help us...

baphi
04-30-2007, 08:55 PM
Naku akala ko wala na yan,my nanay also was victimized by that gang and they got all the jewelries I gave to her pati na rin bigay ni tatay (he's working in Saudi at that time)and yes she said as if she was being hynotized kasi never na magtiwala ang nanay sa di nya kakilala but unbelievably she even envited them to our house to show them the jewelries.I thought that only happened in Mandaluyong and that was 10 years ago.Sometimes they are also called "newspaper gang"because they will returned the jewelry case or whatever bag containing the jewelries only to find out that its full of newspaper. Thats their modus operandi before no idea now
But don't worry @chanel ar nangyari na yan lets just pray and trust the Lord na hindi sila pababyaan and this gang,bahal na ang Just God sa kanila.

angela777
04-30-2007, 09:01 PM
ay naku..chanel ar san.. ako din ng umuwi ako last year mabibiktima din sana ako ng budol-budol gang nayan..buti nalang anjan ang mama at papa ko,sinabhan ako hidi daw ako basta maniwala sa 3 babae nayon..ang dami drama nila...buti nalang nagkataon na marami tao sa bahay dahil miron ako pinapaayos sa bahay...nakahanda na sana ung 25thow. & mga alahas ko maiibibigay kona sana ng bigla pumasok sa kwarto ang mama ko at hinarang sila..hindi ko alam kung bakit ko sila pinaakyat sa kwarto ko,humihingi pa ng mga damit...marami sila drama hangat sa mahipnotismo ka nila...naawa pa asawa ko dagdagan ko daw ang pera kasi daw kawawa naman...umiiyak kasi sya sa harap namin...kya grabi talag experience ko sa budol-budol nayan...kaya sabi ko sa papa ko wag basta magpapasok na hidi kilalang tao...kaya bumili talaga ako ng baril b4 ako umalis doon sa bahay sa pinas dahil nakakatakot na talaga ngaun sa pinas marami magnanakaw...

ayumi
04-30-2007, 09:01 PM
kahit dito sa Japan maraming nanloloko,hindi lang budol-budol,bundle-bundle pa! :)
kahit nga dito sa TF meron din~kahit saan talaga pag gawain gagawin.
Bahala na ang diyos sa kanila.

chanel_ar
04-30-2007, 09:09 PM
Pinakita raw kay Nanay ang bag puno ng pera tpos ni-lock iniwan kay Nanay kpalit lhat ng pera at alahas wag daw ssbihin s ksambhay at wag daw bubuksan dhil babalik sila. Dun plang cnbi ni Nanay s pinsan ko ang bag daw puno ng pera nghinala n pinsan ko tinanong kung my binigay c Nanay n pera kaya pinilit ng pinsan ko buksan ang bag un puro papel nga ang laman ng bag. Ilan pa bang biktima pra matapos ang panloloko nila?

Autumn
04-30-2007, 09:21 PM
Sobrang katamaran ng mga taong iyan oo..talaga naman :mad:..yun kaibigan ng nanay ko muntik na daw..pinapasok pa sa bahay..mabuti may mga dumating na grupo ng mandadasal..sabay tabo ng masamang loob na budol budol gang na yan..
ingat mga kapatid

mOtt_erU
04-30-2007, 09:26 PM
totoO pala yan:( .....dati may narinig na`kOng ganyang kwento na kinausap lang daw tas ayun parang "na~hypnotized" at ayun natangay lahat ng pera at alahas na suot.....
haaaay anO ba yang mga budol-budol na yan!!!.........mukat suku!:mad:
chanel ar ingat nalang kamo ulit mama mO....at pag hindi nalang kakilala eh wag nalang pansinin at kausapin; kase kagaya nyan nagpanggap na classmate mo dati ayun pala budol budol na!!...grabe na talaga panahon ngayon!...haaay:(

angela777
04-30-2007, 09:30 PM
b4 ako umuwi last dec. sa pinas pumunta na daw ung 3 babae nayon sa bahay...ung isa babae nagtatanong daw sa papa ko kung miron pa daw vacant lot na ibibinta sa katabi ng bahay ko..miron din daw kasi sya anak andito din daw sa japan gusto din daw magpagawa ng bahay...miron daw sila bahay sa tagaytay ang yaman daw ng napangasawa ng anak nya na hapon ang kwinto pa sa papa ko..& nagtanong daw sa papa ko kung kaylan daw ako uuwi sa pinas tas sinabi naman ng papa ko na dec. nga ako uuwi...un bumalik ang 3 babae nayon miron mga alahas na dala mga diamon na pike...pinakain ko pa sila ng lunch sa bahay dahil hindi ko rin alam na budol-budol pala ang mga babae nayon...

angela777
04-30-2007, 09:38 PM
Pinakita raw kay Nanay ang bag puno ng pera tpos ni-lock iniwan kay Nanay kpalit lhat ng pera at alahas wag daw ssbihin s ksambhay at wag daw bubuksan dhil babalik sila. Dun plang cnbi ni Nanay s pinsan ko ang bag daw puno ng pera nghinala n pinsan ko tinanong kung my binigay c Nanay n pera kaya pinilit ng pinsan ko buksan ang bag un puro papel nga ang laman ng bag. Ilan pa bang biktima pra matapos ang panloloko nila? kaya sabihan mo mama mo kahit sa labas ng bank mag ingat sya kasi marami nagsabi sakin sa pinas na sa labas ng bank marami din daw budol-budol..

chanel_ar
04-30-2007, 09:40 PM
oo ngpanggap n classmate ko sya ng high skul at may kapatid dito s japan n nkasama ko ng talento pa ako. Nakapag Canada daw sya at kararating lang nya Makinis dw ang babae at maganda sya para tlagang nkapag abroad. Kinamusta daw ako kung may anak n rw ako tpos nga dahil krarating nya lng galing Canada may pasalubong kay nanay nsa Van daw nya kya pinasok sya s Van. Pagpasok s Van wala nman binigay n pasalubong at naiba ang usapan nila.Salamat s inyong lahat ha... TF friends

disney
04-30-2007, 11:03 PM
naku budol budol gang pala tawag jan, nabiktima din ate kyo nyan, nasa canada kasi 3 hipag nya saka byenan nya, ang sabi naman nung babae sa kanya kakauwi lang daw nya ng pinas galing canada at kapitbahay daw nya sa canada yun mga hipag ng ate ko, may ipinapabili daw na gamit, sya na daw ang bibili dahil mamimili sa divisoria, tapos may ibinigay na pasalubong DAW kuno,pinasakay din sya sa van, ma kwento pa daw yung babae, parang kilalang kilala nya yun pamilya ng mr. ng ate ko kaya ayun nagbigay sya 5000 pesos... :mad:

take note po, sa probinsya namin ito, ibig sabihin malayo nararating ng budol budol gang na yan.

chanel_ar
05-01-2007, 09:04 AM
naku budol budol gang pala tawag jan, nabiktima din ate kyo nyan, nasa canada kasi 3 hipag nya saka byenan nya, ang sabi naman nung babae sa kanya kakauwi lang daw nya ng pinas galing canada at kapitbahay daw nya sa canada yun mga hipag ng ate ko, may ipinapabili daw na gamit, sya na daw ang bibili dahil mamimili sa divisoria, tapos may ibinigay na pasalubong DAW kuno,pinasakay din sya sa van, ma kwento pa daw yung babae, parang kilalang kilala nya yun pamilya ng mr. ng ate ko kaya ayun nagbigay sya 5000 pesos... :mad:

take note po, sa probinsya namin ito, ibig sabihin malayo nararating ng budol budol gang na yan.
@Disney san parehas pla lhat ng style nila pinasasakay sa van at galing rin sya s Canada. Buti 5000 pesos lng nbigay ng Ate mo. Mother ko inubos tlaga pera nya s bahay ibigay s gang n un. 5man yen, 11thousand pesos, buti n lng nahiram ng Kuya ko 20thousand pesos s Nanay ko kya n-save at malaking kwintas ng Papa ko, bracelet ni Nanay mga singsing nya 5 rings po. Buti n lng n-save bracelet ni Papa nsa sanglaan kc. Gus2 p nga ni Nanay ipadala ko n pang plaka ng van nmin(10 man yen) ipapasada n kc ggawin FX pra may kita nman cla dun s pinas ibbangko dw nila pra d mgastos. Buti nlng d ko p pinadala dhil my kutob ako n mggastos nila s June p nman i-aaplly un. Yun pinadala ko ngaun 26 ng April panghulog s van at allowance nila 11man yen, monthly po yan...Kala nila d ako ng hihirap d2, tipid ko s pagkain nmin d2 pra s knila, gus2 lagi silang meron yoko nkikita silang kawawa...grabe po ngyari s amin. Mahuhuli rin cla pero paano kung un pinuno nila malakas ang kapit s gobyerno???

miyuki
05-01-2007, 09:39 AM
pano kaya ang ginagawa nila para mapaamo ang tao at mapasunod sa utos nila? ano kaya ang ipinapahid? may ritwal kaya silang dinadasal? curious lang po... kakatakot naman talaga .. minsan din nanay ko daw may tumawag at nagtanong ng kung ano ano sa phone lang naman ..sagot naman daw sya ng sagot... about daw sa akin at sa ilang tao at sino sino yungnasa bahay, exact address ,..pupunta daw yun taong nasa phone... nung matapos bigla daw sya natauhan kung bakit di nya kilala give sya mga information...tas mga hapon may kumakatok daw sa gate.. eh nakapag usap na kami nun at nasabi ko nga na baka budolbudol ..hindi na nilabas ni nay pinasabi na lang sa maid na wala sya...kahit kaya sa phone lang mahypnotize? :confused: :scratch:

emyken1423
05-01-2007, 09:53 AM
my gosh .....buhay pa pala mga gumagawa ng ganyan.....naka experience ako ng ganyan......mga 1997--98.........nasa disco house kami kasama ko mga tita at tito ko saka cousins.,.....imagin e isang grupo na kami ah.......may nakipag usap lang sa akin....tapos nag tataka yung tito ko bakit ko inaabot yung bag ko dun sa taong kausap ko.........nakangiti pa daw ako...kaya inisip nila na kakilala ko...........kaya ayun nakuha nila ang bag ko....bale may pera sa loob.....mga 10 thou lang kaya lang nasa loob din ng bag ko yung mga alahas ko....saka that time kauuso pa lang ng mga cellphone......kaya ang sakit sakit talaga ng loob ko.......hinimatay ako sa daan habang pauwi kami.............kay a mula nun....medyo nag iingat na ako.....di ako nakikipag usap kung kani-knino na.....mahirap na kasi baka ........masalisihan na naman ako............so naiintidihan ko kung anong nararamdaman ng mother mo........as in wala siya sa sarili nung nang yayari yun.............grab eeeeee...........san a yung mga ganyang grupo biktimahin nila yung mga mayayaman na lang talaga...lalo na yumaman dahil sa pagnanakaw sa mga taong bayan.......kaiiiiii iiiiiinnnnnnniiiiiis sssssss...........mg a walang kunsensya sila.......

Inday_36
05-01-2007, 09:55 AM
alam nyo na experience ko yan, na hypnotized ako. Kaya wag kayong maging mabait sa mga strangers, yan lang ang payo ko.. ignore nalang nyo sila.

sasuke
05-01-2007, 10:38 AM
buhay pa pala grupo na to..kahit sa probinsiya bumabanat sila.na ganyan na lolo ko nun around 1995,tagal na.dalawang guy dinala niya daw sa bahay.ayon sa pinsan ko na andun sa eksena na nanonood lang akala kasi kabarkada.inilabas niya lahat alahas niya at pera.after nun di niya alam kung ano nangyari.tanghaling tapat pa nangyari un..parang ito ang pinakadelikadong sindikato ah..kaya nilang gawin ang lahat sau,ng hindi mo namamalayan..:mad:

majasnjn
05-01-2007, 12:26 PM
Nang yari narin yan sa mama ko,nasa labas sya, then may nagpakiklala daw sa kanya.Tapos isinakay sya sa van din, usap daw sila pinakitaan sya ng maraming pera..tapos kinuwentahan daw sya nung babae na marami syang business etc..hanggang sa inaalok na si mama na mag franchise sakanila,to the point na hinihingian sya ng pera..(hindi naman kasi mama ko humahawak ng pera, kasi sobrang bait non..alam namin na pamimigay lang nya..ipapautang.) Tapos pagbalik ni mama sa bahay (inaantay sya nung babae sa labas)sinabi sa amin ng mama ko about don.. Sabi namin naku! wag ka maniwala don ma.. Malas nila wala silang nakuha:D :bouncy: :grinny:

Tapos, meron din japanese pumunta sa bahay (hindi ko alam to kasi nasa school ako..kwento lang nila..) May nagpunta daw na japanese man sa bahay,kesyo kaibigan daw sya ng ate ko.. take note kilala nya ang ate ko.. So, sila mama at yung kapatid ko nag tiwala naman "kasi japanese" :D pinapasok sa bahay.. nihongo daw ang salita at konting english..sabi daw nung hapon, ninakawan daw sya lahat daw ng pera nya kinuha... Ngayon daw wala daw syang pamasahe pauwi ng japan.Nakausap na raw nya ang ate ko (na nsa japan) para manghiram ng pera ok. na raw. Sagot ng kapatid ko (sya ang humahawak ng pera) tatawagan ko muna ang ate ko.. kasi wala kaming pera na ganyan kalaki. (salita nya sa english mix w/broken nihongo:D .) sabi daw nung hapon, huwag na kung wala daw kahit 1000 pesos nalang pamasahe nya punta nalang daw sya sa isa nya pang friend.. tapos sinabihan daw yung kapatid ko na you are beautiful . Kaya yon. nagbigay tuloy ng 1000 yung kapatid ko..:D :biglaugh: . Tapos non tamang tama pag alis nung lalaki mga ilang minuto lang, tumawag ang ate ko.. nakwento nila yung ng yari.. Nagulat ang ate ko.. Hindi daw nya kilala yon..:confused: :confused: Hindi ko na meet yung lalaki kasi nasa school ako.
Hindi ko alam kung kasama sya sa budol-budol gang.. pero hinala naman namin baka isa sa mga friend ng mama ko na pinatira nya sa bahay na halos 3 buwan. dalawang mag asawa yung lalaki 10yrs. na dito sa japan nag o.s tapos nahuli napauwi ng pinas.yung lalaki maraming bisyo hanggang sa nawalang sila ng bahay. nakiusap sa mama ko na sleep over lang muna sila sa amin.. hanggang inabot ng 3mos. mahigit din.. lahat libre sila.. kahit panigarilyo nung lalaki bbigyan ng mama ko..luluwas sila ng maynila pamasahe nila sa mama ko pa mangungutang.. Ganyan kabait ang mama ko..sobra..hindi lang yan ang pinatira nya sa bahay namin..
Hinala namin yung lalaking yon kasi base sa mga kwento nya may mga friend daw syang jap. at yung pag alis nila sa bahay after 1week lang sabay sulpot nung hapon. Tapos non 1-2 lingo sabay balik naman ulit nung lalaki sa amin.. Hindi na namin kinuwento sa kanya ang ngyari.

la_tina512
05-01-2007, 12:54 PM
Bigla tuloy akong nag-text sa sister ko na kasama ng mama ko sa bahay at baka may magpunta sa kanila mahirap na. Grabe na kasamaan ng tao sa mundo. Kaya nga kailangan nating maging aware lagi sa atake ng demonyo sa paligid natin. Mga demonyo lang naman ang puwedeng gumawa ng ganyang klase ng kasamaan at ginagamit lang ang mga tao sa paligid natin. Kahit naman dito sa Japan uso na rin ang budolbudol gang, Japanese style. Naniniwala kayo sa mga demonyo?

Dobleng ingat lang po mga kabayan ko..

proud me
05-01-2007, 12:58 PM
kahit dito sa Japan maraming nanloloko,hindi lang budol-budol,bundle-bundle pa! :)
kahit nga dito sa TF meron din~kahit saan talaga pag gawain gagawin.
Bahala na ang diyos sa kanila. kakatakot pala....baka imbis na bunding-bunding ng kababayan yung hanap....eh! bundle-bundle ng mga mandurugas yung makatagpo!:eek: :D wala na talagang pag-asa yung mga ganyang tao...naranasan nilang mag-karon sa madaling paraan eh!.....ingat nalang tayong lahat na wag ma-biktima ng budol-budol O ng Bundle-Bundle Grupo!:)

chanel_ar
05-01-2007, 04:40 PM
Dami n pla nk experienced ng ganitong panloloko. Subrang tahimik daw po Nanay ko ngaun ayaw mkipag usap s mga tao s bhay. iniisip p rin po nya ngyari s knya khapon. Kilala ko po Nanay ko n magaling mag budget at matalino s pera d basta basta naniniwala un pero bkit khapon lng npakasandaling oras nwala bigla pera at alahas nmin s bhay. Dahil s GAYUMA totoo po pla mayroon un at HYPOTISMO... tama k la_tina devil ang gumagawa ng ganun. Lets as pray always...

biloglog
05-01-2007, 05:00 PM
sabihin mo sa nanay mo Chanel ar na next time huwag kalimutan magdala siya palagi ng medyas na walang laba. Itong medyas ko pwedi na ito,
kapag may mag pa amoy sa akin pa amoyin ko rin yung Budol-budol gang ng medyas ko, mag amoyan kami hangang sa huling langhap ng hangin hehehe...http://i7.photobucket.com/albums/y270/urbantokyo/icon_lol.gif

ICHIBAN08
05-01-2007, 06:34 PM
yun lola ko rin nuon na biktima ng budol-budol gang....lahat ng pera at alahas niya naibigay din sa strangherong yun...namamalengke lang siya at nilapitan lang din ng dalawang babae...tapos umuwi ang lola ko at kinuha ang pera't alahas niya...at bumalik daw siya dun sa dalawang babae para ibigay ang pera't alahas niya,..para siyang gianayuma nun...kasi natiktikan pala ang lola ko nun na malimit magpapalit ng dollars nun kasi nasa amerika ang anak niya...tapos ang ipinalit sa kanya e dalawang supot na parang mga kung anong laman meroon na na-adun sabi ng lola ko nun e pera daw ang laman nun nasa milyon daw...nun binuksan puro papel na blanko...nung kausap palang daw niya mga babaeng yun e puro lamang pera daw yun lilibuhin bakit daw nung umuwi na siya at binuksan na niya lamang\ ng supot e naging papel....tulala ang lola ko nun at napaiyak....hindi na niya makita at matandaan ang mga manlolokong yun! sana nakarma na sila....

sumalangit nawa ang lola ko...nangyari to nung nabubuhay pa siya...

Saling Pusa
06-01-2007, 04:18 PM
pano kaya ang ginagawa nila para mapaamo ang tao at mapasunod sa utos nila? ano kaya ang ipinapahid? may ritwal kaya silang dinadasal? :confused: :scratch:

Wala silang ritwal kungdi simpleng psychology lang. Madali kasi utuin ang mga tao kapag pinangakuan ng pera, maraming pera ang kapalit ng kanilang mga ari-arian at tutuong pera.. Nasisilaw ang tao sa offer.. hindi ito hypnotismo kungdi sweet talk.. GREEDY kasi ang tao
kaya nag-eentertain ng ganyan. Akala ay makakaisa pero sila ang naiisahan ng budol-budol gang!:eek:

Saling Pusa
06-01-2007, 05:22 PM
'Modus operandi: Budol-budol'
Orihinal na pagtatanghal ng True Crime.
Alahas, pera o iba pang maaring pagkakitaan -- ang mga ito ang madalas ipinopronta ng Budol-budol Gang. Bunga nito, nagsagawa ng operasyon ng National Bureau of Investigation (NBI) laban sa sindikato dahil maraming tao ang naloko ng sindikato sa PAGHAHANGAD ng mga biktima na MAGING agarang MILYONARYO.
Budol-budol gang ang ibininyag ng mga awtoridad sa grupo ng mga swindler na gumagamit ng budol o pekeng pera kapalit ang tunay na salapi o alahas ng biktima.

Ayon sa NBI, nangangahulugan ang terminong "budol" sa papel na pinutol at isinisingit sa totoong salapi upang magmukhang tunay na pera. Marami nang naloko ang grupong ito sa mga bayan ng Tanauan at Malvar sa lalawigan ng Batangas. Noong 1999, nagkaroon ng sunod-sunod na kaso ng panloloko sa mga lugar na ito.

Ayon kay Agent Palmer Mallari ng NBI anti-fraud division, mapili ang grupo sa kanilang bibiktimahin. Karaniwan umanong biktima ang mga taong inaakala nilang madaling makapaglalabas ng salapi sa sandaling panahon.

Sa listahan ng NBI, isa si G. Teodoro Lantin ng Malvar, Batangas ang may pinakamalaking halagang natangay ng sindikato.
Nangyari ang panloloko kay Lantin noong Hulyo, 1999. Noon, tahimik na nagtatrabaho si Lantin bilang isang ahente ng lupa nang lapitan siya ng grupo. Nagpakilala sa kanya ang isang nagngangalang "Salvon" at naghahanap ng mabibiling lupa na mapapagtaniman ng mga halamang gamot.

Makalipas ang tatlong araw, bumalik ang lalaki at may ipinakitang isang uri ng kemikal kay Lantin at sinabing naubusan siya nito at matindi ang pangangailangan niya at kailangan niyang makabili agad. Nagpatulong pa umano ang lalaki kay Lantin na makahanap ng taong nagbebenta ng kemikal.Makaraan ang isang linggo, isang tao ang lumapit sa biktima at nagsabing mayroon siyang ibinebentang kemikal at pinaghahanap si Lantin ng buyer.

Ayon sa lalaking ito, MALAKI ANG KIKITAIN ni Lantin. Sa isang balot umano ng kemikal na nagkakahalaga ng P25,000, limang libo dito ang mapupunta sa biktima.Dahil sa tawag ng malaking kita at salapi, NAENGGANYO si Lantin. Aniya, sinabi niya sa lalaki na kung maari, tumbasan na lamang nito ang lahat ng kanyang pera sa bangko na nagkakahalaga ng P700,000 kapalit ng isang kahon ng produkto na nagkakahalaga umano ng P1 milyon. Agad pumayag ang lalaki.

Sa pahayag ni Salvon noong huli silang mag-usap, babalikan nito ang kemikal makaraan ang dalawang araw ngunit hindi na ito muli pang nagpakita kay Lantin. Huli na rin nang matuklasan ng biktimang ordinaryong gawgaw lamang pala ang kemikal na ipinagbili sa kanya.

Tumataginting na P700,000 ang natangay na halaga ng Budol-budol gang kay Lantin. Ngayon, tinatawanan na lamang niya ang pangyayari at tanging isang supot na lamang ng sinasabing 'kemikal' ang nagsisilbing alaala sa kanyang sinapit sa kamay ng sindikato.

'Di na natuto
Aniya, isa itong aral sa mga taong tulad niya na NAGHANGAD ng malaking salapi ngunit sa huli'y maloloko pala ng mga manggagantso. Sa kabila ng nangyari kay Lantin, hindi sinunod ng isa niyang kaanak ang babala laban sa sindikato dahil makalipas ang isang buwan, naloko rin ito ng sindikato.

Magbabayad sana noon sa telepono si "Aling Fely" nang lapitan siya ng isang babae. Nagpapatulong umano itong mag-withdraw sa bangko.Naawa ang matanda nang sabihin sa kanya ng babaeng isa itong katulong ng mayamang negosyante at napag-utusan lamang.
Hindi umano nito alam ang pasikot-sikot lalo pa't inuutusan siya ng kanyang amo na mag-deliver ng isang trak na puno ng bigas sa Tanauan.

Noong araw na iyon, dala ni Aling Fely ang kanyang passbook ng dollar account. Kasunod noon, hindi na naipaliwanag pa ng matanda kung bakit siya sumama sa babae sa Lipa City at doon ay inutusan siyang i-withdraw ang $7,000 na laman ng kanyang dollar account.

Anang matanda, para siyang na-hypnotize noong mga sandaling iyon dahil lahat ng utos sa kanya ng babae ay kanyang ginawa.
Binigyan pa umano siya ng babae ng isang bag na puno ng "pera" ngunit huli na rin nang kanyang malaman na pawang papel-diyaryo lamang ang laman nito.
Natangay ang lahat ng dolyar ni Aling Fely na nagkakahalaga ng humigit-kumulang na P300,000.

Sa ginawang operasyon ng pulisya, tatlo kataong sinasabing miembro ng sindikato ang nahuli. Positibong kinilala ng biktima si Felix Soriano sa isa sa mga nanloko sa kanya.
Ayon sa pulisya ng Tanauan, matagal na itong gawain ni Soriano at nagsimula ito sa kanyang ilegal na gawain sa mga lalawigan ng Region III.

Tatlong buwan na nakulong sa Tanauan si Soriano ngunit nakapagpiyansa rin ito. Reklamo ng mga pulis doon, masyadong mababa ang parusang iginagawad sa mga akusado sa kaso ng budol-budol gang.
Ang lumilitaw daw tuloy, pumapabor sa akusado ang parusa.

Naglipana sa Maynila
Bukod sa mga biktima sa lalawigan, naglipana rin sa Kalakhang Maynila ang grupo ng budol-budol.Isa si Gng, Gertrudez Barredo, 63, ng Tondo, Maynila sa mga nabiktima ng sindikato. Sariwa pa sa kanyang alaala ang mga nangyari.

Tumatawid ng kalye si Barredo nang may sumabay sa kanyang isang lalaki na nagpakilalang "Peter Sy." Makatawid sila, may iniabot umanong papel ang lalaki na may nakasaad na truck for rent at nagkakahalaga ng P23,000.
Kasunod noon, may nakita siyang babae at lalaki na nakatayo sa waiting shed malapit sa kanilang tinawirang kalye. Dahil sa pag-aakalang masasagot ng mga ito ang pangangailangan ni Sy, sa dalawa niya ibinigay ang papel sabay alis.
Lingid sa kanyang kaalaman, nasundan siya ng babaeng kanyang pinag-abutan ng papel.

Nagtungo rin ang grupo sa ikalawang palapag daw ng Torres High School at doon siya pinilit ng mga ito upang sumama sa kanila.
Naging sunud-sunuran siya sa utos ng sindikato hanggang sa makarating sila sa kanyang bahay. Doon, inipon ni Barredo ang lahat ng kanyang mga alahas at ibinigay sa dalawa.

Aniya, kitang-kita niyang inilagay sa bag ang kanyang alahas sabay patong ng salapi sa ibabaw nito. Kasunod noon, nilagyan ng padlock ang bag.Samantala, halos nabaliw si Barredo nang makita niyang papel lamang pala ang laman ng bag.Kalahating milyong piso ang alahas na natangay mula sa matanda. Sa NBI line-up, nakilala ni Barredo si Soriano ngunit gaya ng dati, nakapagpiyansa muli ito.

Batay sa estadistika ng NBI, bata at matanda ay nagiging biktima ng Budol-budol gang at kahit pa marami nang miembro ng sindikato ang nahuhuli ng mga awtoridad, masyadong magaan ang parusa para sa mga ito.

Sa ngayon, karamihan sa mga miembro ng budol-budol gang ay nananatiling nakakalaya pa. Nag-iisip ng panibagong kuwento, naghahanap ng bagong biktima.

tomika_77
06-01-2007, 10:43 PM
Bagong Silang Kalookan city ako. Grabe ... nireport n s pulis un daw ngaun gumagala s Bagong silang. Meron din dw na biktima teacher pina withdraw p s bangko ang teacher. Nappa amo nila ang biktima nila kaya sumusonud s mga utos nila...

Taga Bagong Silang ka pala. Ang mother ko sa Camarin nabiktima rin sya ng Budol-budol Gang na yan two years ago. Sa palengke daw nya nakilala taos nun sinama nya sa bahay namin.Binigay nya lahat ng mga alahas at pera sa bahay tapos nun pinasakay sya sa van yun pala pumunta pa sila sa banko at pinalabas sa mother ko ung naka timedeposit na pera.Sabi ng kapatid ko nung time na yun di raw sila pinapakinggan ng mother ko kahit anong pigil nila parang wala raw sa sarili. Mama ko pa masyadong maingat sa pera di ko nga malaman kung bakit nagtiwala kaagad sya sa mga taong yun eh.

Saling Pusa
06-02-2007, 12:18 PM
Ang pinakahipnotismo ng Budol Budol gang ay ang pangakong yayaman ang taong binibiktima kung ibibigay niya ang kanyang mga pera.. GREED ang tawag dyan kaya nauuto!! Gusto maghangad kaya nadadale.. bakit nila kinukuha yung budol budol (bundle) na pera at pagbukas ay duon lamang mapapaiyak na budol budol na dyarlo o papel lamang pala! Ibig sabihin ay nasilaw sa kunnwaring perang ito kapalit ng mga tutuong pera niya! Kung kakausapin mo ang biktima ay ayaw na nilang magsalita dahil mapapahiya sila at sasabihin na hinotismo para makatakas sa kakahiyan ng sariling pagkasakim. Problema mas sakim yung manggagantsong budol-budol! Pareho lamang sila hahahaha! pero mas matalino yung mga budol-budol gang!

sitsukoime
06-04-2007, 09:09 PM
Tnx. sa thread na to at least nabgyan tau ng warnings na doble ingat tlga tau!! Ksi khit saan pede makapangbiktima yng mga mokong n yan!! Sa haus, s banko, sa kalsada, sa malls o kht sn man!! INGAT LAGI TAU AT MGING ALERTO s mga taong nkapaligid atin, kc hndi lhat ay tao ktabi natin pede DEMONYO!!( kaazar kc yng mga klaseng tao gnyan!!wlng puso't kaluluwa!!!!):mad: :mad:

justine
06-05-2007, 10:01 AM
Ganyan rin ngyari sa sister ko.May pwesto sya sa palengke (dry goods).Ng mamili sya ng paninda sinundan sya at nagpakilala,sinama nya sa bahay bunigay lahat ng alahas.May pinakita daw na pera sa bag kaya nagtiwala sya.Sinama nya sa bangko pina withdraw lahat ng pera nya.Hinabol pa nga sya ng asawa nya pero di nya inintindi.Ayun! nadale lahat ng pinag hirapan kapalit ng 2 thousand sa bag at puro papel na iniwan ng mga walang kunsensyang tao na yan...

Saling Pusa
06-05-2007, 04:24 PM
May pinakita daw na pera sa bag kaya nagtiwala sya.Sinama nya sa bangko pina withdraw lahat ng pera nya.

Kaya naman pala, nasilaw sa pera.. yang ang hipnotismo! Akala niya ay maiisahan niya ang budol-budol gang. Siya ang nadale! Ingat kayo sa inyong mga sarili at hindi sa budol-budol gang! Dahil SAKIM ang tao kaya nabibiktima!:p

la_tina512
06-05-2007, 06:16 PM
Ang pinakahipnotismo ng Budol Budol gang ay ang pangakong yayaman ang taong binibiktima kung ibibigay niya ang kanyang mga pera.. GREED ang tawag dyan kaya nauuto!! Gusto maghangad kaya nadadale.. bakit nila kinukuha yung budol budol (bundle) na pera at pagbukas ay duon lamang mapapaiyak na budol budol na dyarlo o papel lamang pala! Ibig sabihin ay nasilaw sa kunnwaring perang ito kapalit ng mga tutuong pera niya! Kung kakausapin mo ang biktima ay ayaw na nilang magsalita dahil mapapahiya sila at sasabihin na hinotismo para makatakas sa kakahiyan ng sariling pagkasakim. Problema mas sakim yung manggagantsong budol-budol! Pareho lamang sila hahahaha! pero mas matalino yung mga budol-budol gang!

Do we have to laugh at other people's misfortune? Whatever we call it, katangahan, greed, whatever, kailangan pa bang magtawa?

My mom was victimized by this gang although in a different manner. MATANDA na ang mom ko and she's not GREEDY about money. Basta ang alam lang nya inabot nya ang alahas nya hindi na nya sinabi kung may kasama pa na pera syang binigay. Ang nasabi ko na lang, marami pa akong maibibigay na alahas and pera sa kanya ang importante walang nangyari sa kanya.

I hope we'll be sensitive enough not to offend anyone with our posts.

Shalom..

Saling Pusa
06-05-2007, 11:44 PM
The hahahaha is a sarcasm about people's greed! I am not laughing at other people's misfortune. My hahahaha is a statement that people tend to trick each other and they get caught in between! Hahahahaah!:eek: Nothing personal. Its an objective analysis that it boils down to GREED thats why people are victimized by the Budol-budol gang. Study the profile of the victims and what were usually promised to them. NBI and police records and psychological analyses point to this conclusion: There is nothing magical or hynoptizing except the lure of EASY MONEY.:rolleyes:

chanel_ar
06-07-2007, 08:27 AM
Taga Bagong Silang ka pala. Ang mother ko sa Camarin nabiktima rin sya ng Budol-budol Gang na yan two years ago. Sa palengke daw nya nakilala taos nun sinama nya sa bahay namin.Binigay nya lahat ng mga alahas at pera sa bahay tapos nun pinasakay sya sa van yun pala pumunta pa sila sa banko at pinalabas sa mother ko ung naka timedeposit na pera.Sabi ng kapatid ko nung time na yun di raw sila pinapakinggan ng mother ko kahit anong pigil nila parang wala raw sa sarili. Mama ko pa masyadong maingat sa pera di ko nga malaman kung bakit nagtiwala kaagad sya sa mga taong yun eh.
Grabe !!! walang silang awa. Binigay n nga pera at alahas ng Mother mo s bhay nyo pina withdraw pa, Tomika_77. One month n po nkaraan wala pa rin balita sa mga pulis cguro nga hawak rin un ng mga pulis, Nahuhuli na nga nila pwede p mgpiyansa. Ano ba nman mga pulis sa atin dami n nabibiktima ano p gus2 nila!!!