View Full Version : Meron akong Kwento.
Inday_36
05-01-2007, 10:15 PM
Turning 2-months na rin ako sa trabaho ko this month. Maganda ang napasukan kong trabaho kahit medyo nakakapagod ay okey lang, nagpapasalamat talaga ako dahil halos lahat ng nakasamang kong mga haponesa ay mababait.
Meron akong kasa-kasama sa table na haponesa, 2yrs ang age gap naming dalawa. Maganda at laging nakangiti, dalawa na raw ang anak nya at 14yrs na rin syang kasal. Lagi kaming nagku-kwentuhan tungkol sa mga asawa namin, lalo na yung kwentong tungkol sa utot ng asawa, akala ko ang asawa ko lang ang nakakagawa sa akin ng mga karumaldumal na gawain pagdating sa "kwentong utot", yun pala ang asawa nya rin, hindi mapatid patid ang pigil namin tawa sa mga kwentuhan. Likas din daw sa mga matatandang haponesa ang dumighay, okey lang daw yung kung sa harap lang naman ng pamilya, pero sabi nya rin nung huli, iba-iba daw ang tao.
Noong minsan, napakatahimik nya. Di na rin ako gaanong kumibo kasi naisip ko baka masama ang pakiramdam nya, pero di ko natiis, tinanong ko na rin kung okey ba sya? Nagulat ako sa biglang sagot nya na, matagal na daw nyang gustong hiwalayan ang asawa nya, kaso iniisip daw nya palagi ang kapakanan ng kanyang mga anak, dai kirai na nya daw ang asawa nya, pagnakahanap daw ng trabaho, sugu yameru. Shitsurei daw kapag kinakausap sya. Sinasaktan din daw sya, nanginginig daw ang mga anak nya kapag nag aaway silang mag-asawa, nagilid ang luha ko sa awa, sumisiksik sa isip ko ang dalawang anak ko sa pinas. Hindi ko ma-imagine, paano kung ang mga anak ko ang nasa ganung situation?
Sabi nya pa sa akin, wag ko daw ikukwento kahit kanino sa mga kasama namin, 3yrs na raw syang part-timer sa trabaho, pero di daw sya nagkukwento kahit kanino. Sabi din nya, wag din daw akong magkukwento ng tungkol sa ano man ang meron sa buhay ko, kasi kahit daw mababait ang mga obasan naming ka-trabaho, may mga tsismosa din daw.
Alam nyo, duon ko lang narealize na may mga haponesa pa rin palang martir, buong akala ko, very practical sila. Kasi ang pagkakakilala ko sa mga haponesa, kapag "ki ga awanai" sila, divorce agad ang solution.
May nakakwentuhan din akong isang matandang haponesa, sabi nya, tingin nya lang masaya at swerte ako, kasi mabait daw tingnan ang asawa ko, pero sabi ko madalas din kaming mag away, pero ang sabi nya, ganun daw talaga, sya din nga rin nga raw mula ng ikasal sila hanggang ngayon na matanda na sila ganun pa rin, puro away. Nakakaranas din daw sya nuon na mabugbog ng asawa nya. Kahit makalima ka pa raw ng asawa, pareho-pareho lang daw ang ugali ng mga lalake, at ang shiawase na koto daw ay yung tumanda kayong parehong natiis nyo ang isa't isa, at very lucky daw sya at puro babae daw ang mga anak nya, iba daw kapag babae ang anak.. di na nya en-elaborate kung anong ibig sabihin nya sa pagiging swerte sa mga anak na babae.
yun lang.. salamat sa iyong matiyagang pababasa..
emyken1423
05-02-2007, 09:29 AM
wow mare....mag dadalawang buwan ka na pala diyan sa trabaho mo.....congrats..... .......binasa ko nga ang kwento......ako rin parang di ako makapaniwala na may martir rin palang haponesa.........kas i pag kaka alam ko kapag nag aaway ang mga mag asawang nihonjin......babae ang pinaka matapang.........sak a sila rin ang malakas na mag file kaagad ng divorce diba........kagaya nitong kapit bahay ko.....di naman sila mayaman talga...pero yung napangasawa niya daw mayaman na guapo pang hapon.....nag ka anak sila isa ,babae........dinivo rce ni babae ang lalake dahil puro trabaho daw ang nasa isip niya.....halos wala daw siyang time sa pamilya nila.........tapos ngayon nga nag hiwalay na sila....suportado na lang ni lalake ang anak niya....although may bago ng pamilya ngayon si lalake at may anak na rin sa kasalukuyang pamilya..........per o lagi pa rin niyang sinasabi daw na mas mahal pa rin daw niya ang nauna niyang pamilya....keysa yung kasalukuyan........y ung girl naman nirerespeto niya ang asawa niya...kumbaga tanggap naman niya........kaya lang yung kapitbahay ko naiinis siya kasi kada merong activities yung anak niya....umaattend yung husband niya saka asawa at anak niya.....sabi nung friend ko naaawa daw siya sa anak niya.......kasi kahit papaano syempre nasasaktan daw.....mas mabuti pa daw di na lang pumunta ang ama niya....kung bitbit naman daw ang asawa at anak niya...............
aki^-^
05-02-2007, 07:07 PM
NAbasa ko kwento mo...wow sarap naman at may maganda kang trabaho...
Siguro kanya kanya talaga ang ugali ng tao...kahit hapon ka pa or pinoy ... meron talagang martir sa mundo... okay lang maging martir pero kung sinasaktan ka physically, parang diko yata makakaya yun... Blessed na din tyo dahil nakatagpo tyo ng asawa na mapagmahal... at ni minsan di ako sinaktan.
Nakakaawa naman ang kaibigan mong haponesa..haaaayyy!! !! Bakit kase may taong nananakit, ano?:mad:
summergirl
05-02-2007, 10:38 PM
Mapa hapon mapa pilipino basta nananakit nananakit ,mg bakla ang ganon dahil ang kaya lang nila ang mga mahihinang tao..image lang ng haponesa ang konting kibot divorced agad,pero hindi marami ring martir..Akala lang nati yun.
proud me
05-03-2007, 10:00 AM
wala talaga sa lahi ang ugali...nasa tao nga talaga...
katty0531
05-03-2007, 11:49 AM
tinitingbang timbang din kasi yan, kung mas maganda parin na di maghiwalay at magtiis nalng di walang divorce na mangyayari, pero kung ma pera si babae at bata pa kayang kaya akuin mga anak yon hiwalay agad, may kasama ding utak yong desisyon, lalo na ngayon magtiis lang hanggang sa pension age (nenkin) ni lalake, kahit maghiwalay tatanggap parin nenkin si babae o di magtiis nalng muna sya, pero kung ako, thank you nalang sa nenkin mo, hehehehe.
Inday_36
05-03-2007, 08:13 PM
wow mare....mag dadalawang buwan ka na pala diyan sa trabaho mo.....congrats
salamat frend:p okey din yung asawa ng dati nyang asawa huh! :D
Mapa hapon mapa pilipino basta nananakit nananakit ,mg bakla ang ganon dahil ang kaya lang nila ang mga mahihinang tao..image lang ng haponesa ang konting kibot divorced agad,pero hindi marami ring martir..Akala lang nati yun.
nagulat din ako @summergirl. :)
wala talaga sa lahi ang ugali...nasa tao nga talaga...
siguro nga, siguro meron silang mga dahilan. :)
may kasama ding utak yong desisyon, lalo na ngayon magtiis lang hanggang sa pension age (nenkin) ni lalake, kahit maghiwalay tatanggap parin nenkin si babae o di magtiis nalng muna sya, pero kung ako, thank you nalang sa nenkin mo, hehehehe.
hahaha! oo nga naman.
Guys, thank you for giving time to read this thread.
Pwede rin kayong mag post dito, kung meron kayong ibang kwento.:) :D
summergirl
05-04-2007, 08:34 PM
Inday since pumayag kang makuwento kami,eto ang kwento ko,marami akong friend dito na hindi nga nananakit pero di naman binibigyan ng pang pagkain na pera..Kasama sila ng asawa sa pamimili,wala silang hawak na pera pang sarili nila,lahat asawa ang humahawak ng pera..Para anong asawa ka kung lahat pat pera ng asawa mo di mo mahawakan..Iba iba ang storya,paano kung wala kang trabaho..di namo monitor ng aawa mo pati pang bili mo ng napkin mo..
Inday_36
05-04-2007, 10:26 PM
ay may ganyan palang mga asawang hapon?
dianne
05-04-2007, 11:28 PM
Turning 2-months na rin ako sa trabaho ko this month. Maganda ang napasukan kong trabaho kahit medyo nakakapagod ay okey lang, nagpapasalamat talaga ako dahil halos lahat ng nakasamang kong mga haponesa ay mababait.
Meron akong kasa-kasama sa table na haponesa, 2yrs ang age gap naming dalawa. Maganda at laging nakangiti, dalawa na raw ang anak nya at 14yrs na rin syang kasal. Lagi kaming nagku-kwentuhan tungkol sa mga asawa namin, lalo na yung kwentong tungkol sa utot ng asawa, akala ko ang asawa ko lang ang nakakagawa sa akin ng mga karumaldumal na gawain pagdating sa "kwentong utot", yun pala ang asawa nya rin, hindi mapatid patid ang pigil namin tawa sa mga kwentuhan. Likas din daw sa mga matatandang haponesa ang dumighay, okey lang daw yung kung sa harap lang naman ng pamilya, pero sabi nya rin nung huli, iba-iba daw ang tao.
Noong minsan, napakatahimik nya. Di na rin ako gaanong kumibo kasi naisip ko baka masama ang pakiramdam nya, pero di ko natiis, tinanong ko na rin kung okey ba sya? Nagulat ako sa biglang sagot nya na, matagal na daw nyang gustong hiwalayan ang asawa nya, kaso iniisip daw nya palagi ang kapakanan ng kanyang mga anak, dai kirai na nya daw ang asawa nya, pagnakahanap daw ng trabaho, sugu yameru. Shitsurei daw kapag kinakausap sya. Sinasaktan din daw sya, nanginginig daw ang mga anak nya kapag nag aaway silang mag-asawa, nagilid ang luha ko sa awa, sumisiksik sa isip ko ang dalawang anak ko sa pinas. Hindi ko ma-imagine, paano kung ang mga anak ko ang nasa ganung situation?
Sabi nya pa sa akin, wag ko daw ikukwento kahit kanino sa mga kasama namin, 3yrs na raw syang part-timer sa trabaho, pero di daw sya nagkukwento kahit kanino. Sabi din nya, wag din daw akong magkukwento ng tungkol sa ano man ang meron sa buhay ko, kasi kahit daw mababait ang mga obasan naming ka-trabaho, may mga tsismosa din daw.
Alam nyo, duon ko lang narealize na may mga haponesa pa rin palang martir, buong akala ko, very practical sila. Kasi ang pagkakakilala ko sa mga haponesa, kapag "ki ga awanai" sila, divorce agad ang solution.
May nakakwentuhan din akong isang matandang haponesa, sabi nya, tingin nya lang masaya at swerte ako, kasi mabait daw tingnan ang asawa ko, pero sabi ko madalas din kaming mag away, pero ang sabi nya, ganun daw talaga, sya din nga rin nga raw mula ng ikasal sila hanggang ngayon na matanda na sila ganun pa rin, puro away. Nakakaranas din daw sya nuon na mabugbog ng asawa nya. Kahit makalima ka pa raw ng asawa, pareho-pareho lang daw ang ugali ng mga lalake, at ang shiawase na koto daw ay yung tumanda kayong parehong natiis nyo ang isa't isa, at very lucky daw sya at puro babae daw ang mga anak nya, iba daw kapag babae ang anak.. di na nya en-elaborate kung anong ibig sabihin nya sa pagiging swerte sa mga anak na babae.
yun lang.. salamat sa iyong matiyagang pababasa..
bakit kaya minsan palagi na lang lalaki ang parang merong pagkukulang lalo nat naghiwalay ang mag asawa or kapag may pamilya na ,parang lalaki rin ang may deprensya .
Sa mga girls kaya tingin kaya ng haponesa na yan wala syang pagkukulang sa asawa nya . think BIG, be open minded kasi minsan tayong mga girl's pag super stress na nawawala na ang sense of humor natin , meron na rin tayong pag kukulang sa asawa natin lalo na sa obligation as wife .
Kung gusto talagang tumibay ang pagsasama huwag mag bago ang feeling sa asawa kahit 10yrs. or 18 yrs. or more be yourself, cool, act as boyfriends and girlfriends kahit may mga anak na . kasi nag je-jeling din ang mga asawa natin lalo na kapag may mga anak na parang ang atensyon kasi sa bata na lang pano naman ang mga boys unfare diba .....
Para sa mga boy's kasi minsan yung hindi nila nakikita sayo nakikta nila sa ibang babae eh de bago ka maunahan ng iba unahan mo na kailangan mas magaling tayo kesa kanila ano sila hilo...alway's communicate w/ your husband .....pag tanda nyo kayo rin ang mag kasama habang buhay ,love each other , put GOD at the middle of your relationship :)
japina
05-05-2007, 01:21 AM
nagulat din ako may mga haponesa rin pala kaya i sacrifice ang pagiging isang asawa at matiis lahat ang sakit. kasi yun iba o kaamihan sa kanila pag hindi nagkaksundo divorce kaagad diba? naku sana kung ano man ang maging desisyon nya , eh!! maging maayos at maging masaya nang tuluyan ang mga anak nya.
freegirl
10-17-2007, 12:59 PM
hi Inday_36 san, congratulations sa bago mong job! Good news at nagkaron ka ng mga ka close sa workplace mo. Bad news naman para sa kasamahan mo sa trabaho na ganun ang sinasapit sa asawa niyang hapon. Sobrang bait pa rin niya para na lang siguro sa kapakanan ng mga anak niya kaya niya nagagawa ang mag paka martir. Sana naman kung anu maging desisyon niya ay yun ang maging tamang landas.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.