PDA

View Full Version : opening an account


xena15
05-03-2007, 08:02 PM
konbanwa po ask ko lang kung paano po ba mag open ng account dito sa bank ng japan like shizuoka bank gusto ko po sanang mag open ng sarili kong account dito eh kailangan pa bang kasama asawa ko or pwede na kahit ako na lang ba?and anu ano po ba ang dapat dalhin thank`s po ...............:O

docomo
05-03-2007, 08:35 PM
kahit ikaw lang naman makakapag open ka po ng sarili mong account. dalhin mo lang yung alien card mo... hanko ..yung hindi 100 yen na hanko ha.. pwede ka magpagawa ng sarili mong hanko mura lang naman yon , pwede din yung ginagamit nyo ng husband nyo , pero kung ako sa yo pagawa ka sarili mo ... dalhin mo na din yung passport mo... baka sakaling hanapin . :)

Autumn
05-03-2007, 08:36 PM
kahit ikaw mag isa lang pwede..
req; Identification .(passport or alliencard) .hanko (stamp) iyan lang ang kailangan.

katty0531
05-04-2007, 10:33 AM
Kung wala kang dalang hanko pwede ka nilang bigyan, kasi ako noon 3 years ago sa kanila(banko) galing yong hanko ko.

proud me
05-04-2007, 11:24 AM
Kung wala kang dalang hanko pwede ka nilang bigyan, kasi ako noon 3 years ago sa kanila(banko) galing yong hanko ko. pwede ba yun ganun...ngayon ko lang nalaman na pwede kahit walang hanko at hanko ng bank ang gagamitin ...

aviationlady
05-04-2007, 11:32 AM
@xena san :)
Nabanggit na po nila lahat dapat nyong dalhin at syempre wag kalilimutan, 1000 yen pang first deposit ;)

katty0531
05-04-2007, 11:32 AM
pwede ba yun ganun...ngayon ko lang nalaman na pwede kahit walang hanko at hanko ng bank ang gagamitin ...

Yes, ako noon wala ako dalang hanko noong pumunta ako sa Senshu bank dito samin:D , kasama ko pa asawa ko, gumawa ako account, binigyan nila ako ng hanko, tingin ko free yon, wala kaming binayaran ng asawa ko eh, ang dala kong pera nilagay ko don sa ginawa kong account lahat, pag uwi ko dala ko na yong tsucho(bank book) ko...after one week dumating naman yong cash card ko thru mail. Yon kasi ang una kong account, noong gumawa ako ulet sa post office, yon na rin yong ginamit kong hanko para iisang hanko na lang dala dalahin ko, kaya diko ma palit palitan yong hanko na yon, kasi yon ang original kong hanko bigay pa ng Senshu Ginko.

Teka, pagka intindi mo yata hanko nila (banko) binigay saken, syempre po hindi pwede yon, syempre pangalan ko, ako gumawa ng account eh.

proud me
05-04-2007, 11:39 AM
Yes, ako noon wala ako dalang hanko noong pumunta ako sa Senshu bank dito samin:D , kasama ko pa asawa ko, gumawa ako account, binigyan nila ako ng hanko, tingin ko free yon, wala kaming binayaran ng asawa ko eh, ang dala kong pera nilagay ko don sa ginawa kong account lahat, pag uwi ko dala ko na yong tsucho(bank book) ko...after one week dumating naman yong cash card ko thru mail. Yon kasi ang una kong account, noong gumawa ako ulet sa post office, yon na rin yong ginamit kong hanko para iisang hanko na lang dala dalahin ko, kaya diko ma palit palitan yong hanko na yon, kasi yon ang original kong hanko bigay pa ng Senshu Ginko.

Teka, pagka intindi mo yata hanko nila (banko) binigay saken, syempre po hindi pwede yon, syempre pangalan ko, ako gumawa ng account eh. ay! sorry po...ganun nga pag-kaka-intindi ko sa post mo...service pala sa iyo bale ng senshu bank yun...:D

katty0531
05-04-2007, 11:44 AM
ay! sorry po...ganun nga pag-kaka-intindi ko sa post mo...service pala sa iyo bale ng senshu bank yun...:D

:D ok lang po...pasensya na din.

aviationlady
05-04-2007, 11:47 AM
@ proud me san :)

baka namn yung surname ni Katty san common na, ibig ko sabhin gaya ng Yamamoto , Kawazaki, Nakayama, etc.. kaya may mga hanko na rin silang nakahanda doon sa bank para sa mga hindi nakapagdala ng hanko. :) Ako namn dati nung wala pa kong hanko sign lang ginawa ko. Pero nag pagawa na rin ako ng hanko (in Katakana) kase kailangan talaga dito sa Japan ang hanko . :)

katty0531
05-04-2007, 11:51 AM
OT...

Alam mo Avationlady, misurashii nga yong surname ko eh, dito sa Kishiwada City sabi ng asawa ko 8 lang kaming pareho ang surname, kaya maraming hakuyen shop na wala pangalan namin, totoo...sa Tokushima City(Shikoku) daw marami yong surname namin, don kasi pamilya ng asawa ko sa father side nya.

proud me
05-04-2007, 11:57 AM
@ proud me san :)

baka namn yung surname ni Katty san common na, ibig ko sabhin gaya ng Yamamoto , Kawazaki, Nakayama, etc.. kaya may mga hanko na rin silang nakahanda doon sa bank para sa mga hindi nakapagdala ng hanko. :) Ako namn dati nung wala pa kong hanko sign lang ginawa ko. Pero nag pagawa na rin ako ng hanko (in Katakana) kase kailangan talaga dito sa Japan ang hanko . :) OO nga siguro nandyan narin nga siguro yung common ng surname nila...maganda nga yung ganyan merong mga service ang mga bank sana lahat ng bank magkaron ng ganyang service...buti ka pa meron ng sariling pinagawa...ako kahit noon din gusto ko mag-pagawa pero no need na daw sabi ng bosing ko...yung kanya ang ginagamit pag-mga importante ...tapos ako yung binili ko lang ...at yung 100yen hanko lang ginagamit ko.:)

xena15
05-04-2007, 06:22 PM
naku salamat po sa lahat ng sumagot:dowave: tamang tama po myron akong nabiling hanko sa 100 shop yun nalang ang gagamitin ko...........nga po pala i memail po ba yun passbook? balak ko sanang secret account ko yun sa asawa ko eh hindi ko passabi na mag oopen ako ng account kc:confused: mayron pa pubang ibang option and paano ko ito sasabihin in japanese............ ...

docomo
05-04-2007, 07:23 PM
@xena15

wag po yung sa 100 yen shop nabibili ang ginagamit pag sa banko . mag pagawa ka na lang at mura lang naman yan :)

louvette_15
05-05-2007, 01:56 AM
kaka open ko lang po ng account sa suruga bank dito sa numazu last wednesday, wala po akong hanko kaya ok na po yong signature ko. hindi na po ako ni require nung hanko.

katty0531
05-05-2007, 10:47 AM
naku salamat po sa lahat ng sumagot:dowave: tamang tama po myron akong nabiling hanko sa 100 shop yun nalang ang gagamitin ko...........nga po pala i memail po ba yun passbook? balak ko sanang secret account ko yun sa asawa ko eh hindi ko passabi na mag oopen ako ng account kc:confused: mayron pa pubang ibang option and paano ko ito sasabihin in japanese............ ...

HI again xena,

Tama si doc, wag yang sa hakuyen shop ang gamitin mo kasi konbaga mula ngayon yan na ang pinaka importante mong hanko, kasi ako nagsisi sana nagpagawa muna ako talaga di nga naman mahal yong magpagawa...mga 3000 yen may maganda kanang hanko at kasama na lalagyanan, mula ngayon lahat ng gagawin mong transaction na ma iinvolve ang banko mo o yong gagawin mong account halimbawa, yang hanko na yan lang ang ma iidentify ng banko.
Suggestion lang po saken, kasi ako...yan ang iniisip ko ngayon kung papagawa ako hanko o hindi na...parang huli na...gusto ko kasing gawin nang "jitsu in" o yong may card na paparehistro sa city hall.

Makukuha muna agad yong passbook mo dala dala muna pauwi, ang i mi mail lang nila na aabot mga 1 week ay yong cash card mo, pag dating nong cash card kailangan yon ng hanko bago ibigay sayo ng postman, kaya yang nabili mo sa hakuyen shop na hanko yan na po gamitin mo.

xena15
05-05-2007, 06:36 PM
umm ganun pla yun katty0531 salamat huh..........and docomo sang san ba ako pwedeng magpagawa ng hanko??Iba po ba yung ipapagawa ko at duon sa asawa ko kasi parehas na kmi ng surname di ba nacoconfuse kasi ako eh:confused:

bangski_07
05-05-2007, 11:38 PM
halo po mga TF members! i've learned alot from this online community by reading the forum threads. timely talaga tong topic nato for me coz last tuesday i went to shizuoka bank in numazu to apply for a new account, unfornatunately i wasn't entertained simply because i do not know japanese..:( sabi ng information desk officer, it would be hard for me to fill in the account form kasi its in japanese and requested me to come again w someone who can understands japanese. and added i have to bring my hanko... i was more sad to hear that last detailed message. :( i was informed earlier that day by the city office people and the english literate library assistant that i can use my signature in opening a bank account... haaay, buti nalang sa paglakad lakad ko after that frustrating experience, i spotted a shop na mi displays na hankos and gumagawa rin sila. kailangan kong magpagawa ng isa coz di ko mabibili sa mga shops apelyido ko, foreign masyado dito sa japan. tama yong sabi ni katty0531 san, at 3000 yen pwede na magpagawa w case pa. im hoping na sana by monday ulit, i can open an account na. magandang araw sa lahat!