PDA

View Full Version : made in Japan o US


summergirl
05-04-2007, 08:44 PM
Anong product ang mas gusto nyo?Made in japan o US..?Ako mas gusto ko ang US made kasi kahit maliit na details kaya kong basahin reasonable pa ang presyo.Dito sa Japan mag magandang product madugo ang presyo..Di ko pa mabasa..Lalo na sa mga make up ..allergy ka na pala ..di mo mabasa kaya buy ka..

EllahMauiMar
05-04-2007, 09:25 PM
Mas gusto ko Made in US, kapag mga gamit and damit ng mga bata. Magaganda mga colors ng mga damit and laruan sa US, and mas mura pa. Napansin ko kasi na halos dark colors mga damit ng mga bata dito sa mall. Meron namang magandang colors rin minsan, kaso mahal talaga. :)

dianne
05-04-2007, 10:33 PM
made in japan po super pulido , kahit american's bilib sa gawa ng japan mahal man sigurado naman sulit ang bayad mo dahil sa quality pa lang iba na ang gamit nila hindi basta-basta :)

japina
05-05-2007, 12:11 AM
ako sa akin lang made in us kasi nababasa ko at nasa style. sa japan kasi medyo kailangan pa na nakakabasa kana ng katakana, hiragana at kanji bago malaman yun isang product. kung okay ba na bilin o hindi. sa japan kasi yun stle ng fashion nila parang medyo may pag ka baduy.

nasty
05-05-2007, 09:13 AM
products po ng japan for me ,durability and kawaii yung mga styles nila sa mga children's wear and pati mga damit ng mommies ,enjoy ako:D

sachi807
05-05-2007, 09:27 AM
...pag electronic items gusto ko made in japan,pag make up at damit naman made in USA.:)

proud me
05-05-2007, 10:10 AM
ako naman depende sa Products...kung pang matagalan made in Japan...kung okey lang
basta meron magamit kahit made in china na nga lang okey na ako eh! mas Cheap pa...
gusto ko naman sa made in U.S yung mga Curtains,Bedsheets ,sofa coverings etc...kasi yung Design nila at mga colors iba talaga compare ng made in japan...at yung Levi's nila...

katty0531
05-05-2007, 11:26 AM
Hihihihi ako rin made in Japan, pero totoo nga pag maganda produkto madugo presyo hehehehe.....pero parang andon kasi yong palagay ako sa nabili ko kahit sabihing may kamahalan kasi pangmatagalang gamit talaga...kaya pag Japan brand never ko tinatapon, lalagay ko talaga sa box padala Pinas.:D

oswald
05-05-2007, 11:29 AM
For me of course........MADE IN PHILIPPINES mura na isang labahan lang sira na..ngyakngyakngyak: lol:..tapos bili ka namn ulit di bago naman gamit:tiphat: mo....

honey
05-05-2007, 02:45 PM
^^^:biglaugh: nakakatawa ka naman :D meron na bang damit na made in the philippines karamihan nang nabibili ko sa malls o bangketa puro made in china :p.


Made in japan ako syempre kahit nga sa 100 yen shop na lang ako bibili kapag meron namang made in japan yun ang binibili ko ;) pero gusto ko rin yung made in US.

fremsite
05-06-2007, 10:53 AM
hello summergirl san ~~~ pasali dito ~~~~ :)

definitely ... made in japan po ang gusto ko .

worth naman kasi ang pagkakagawa kahit pa sabihing

madugo ang presyo .. meron din namang mura lang pero maganda rin

ang quality . yung kasi sa america .. hindi ko naman nilalahat ,

pero mostly ... sa ibang bansa rin sila nagpapagawa ng mga goods ...

and sad to say ... yung iba ... hindi maganda ang quality ...

para sa akin lang naman ito ... :)

ichimar
05-08-2007, 09:12 AM
para sa akin mas maganda ang gawa ng Japan,quality talaga siya kaya lang may kamahalan.......pag pangmatagalan gamitan made in japan ang binibili ko,pero pag mga gamit lang sa kitchen tama na sa akin ang 100yen shop:p :D

Tarena314
05-08-2007, 09:46 AM
kahit man ako mas gusto ko ang made in Japan..,kuntento ako sa mga produkto nila..,kahit mahal ok lang ,sigurado naman ..,:)

lalen16loves
05-09-2007, 08:37 AM
actually , wala akong maicomment kasi wala pa yata akong naging gamit na made in japan and US...wawa naman ako :cry: eto kasi ang mga bigating brand ko, pangcelebrity: SHIMAMURA , 100 yen shop.....bought in japan, made in china :D

proud me
05-09-2007, 10:12 AM
actually , wala akong maicomment kasi wala pa yata akong naging gamit na made in japan and US...wawa naman ako :cry: eto kasi ang mga bigating brand ko, pangcelebrity: SHIMAMURA , 100 yen shop.....bought in japan, made in china :D:D :king: Daisuki!!!!....kaya pati pambigay ko sa pinas 100yen Shop karamihan made in China...

yuto
05-09-2007, 11:04 AM
mas gusto ko made in japan kase magaganda ang produkto gawa nila medyo may kamahalan nga lang:confused: pero suki din ako ng shimamura at 100yen shop:D

coffee
05-09-2007, 04:29 PM
ok sa kin ang made in Japan kasi nga iba talaga ang quality nya. yun na nga , mahal sya no
, buti na lang marami ng mga shops na naglabasan at malaki na ang natitipid. Sana nung
panahon na talento pa ko e, nagalabasan na mga super mura like of today.... haayyy...

ritzyu
05-09-2007, 11:30 PM
Made in Japan rin ako maganda talaga ang quality..kaya lang di makabili mahal kasi:D

yukio_cris
05-09-2007, 11:41 PM
Made in Japan rin ako maganda talaga ang quality..kaya lang di makabili mahal kasi:D



pagdating sa quality, sa japan ako...pero pagdating sa fashion, sa US tayo...affordable pa ang price:)

ritzyu
05-10-2007, 12:03 AM
pagdating sa quality, sa japan ako...pero pagdating sa fashion, sa US tayo...affordable pa ang price:)

Naku nagdalawa pa..lalo na akong di makakabili :D :D

yukio_cris
05-10-2007, 01:06 AM
Naku nagdalawa pa..lalo na akong di makakabili :D :D


hehehe esep esep:D

TR250
05-10-2007, 03:24 AM
Kung palpak ang mechanical at electrical stuffs ng Japan ay siguradong nagbebenta na ako ngayon ng talong sa bangketa :D OK din ang made in tate kaya lang nung pinadalhan ako ng katropa ng pantalon at t-shirt ay sa kiddie corner daw niya nakita ang size ko tapos kailangan pang tabasan yung ilalim ng pantalon dahil siguradong matatapilok ako sa haba :biglaugh: Tapos yung isang pinadalang pantalon sa akin ay sa ladies corner niya kinuha :lol:

Adik din ako sa 100Yen shop at paborito ko rin ang made in China. Kelan lang ay bumili ako ng long coat na super el cheapo pero naibenta ko sa kakilala ko ng x300 pagkatapos kong gamitin ng 6 months :D

Autumn
05-10-2007, 08:39 AM
Adik din ako sa 100Yen shop at paborito ko rin ang made in China. Kelan lang ay bumili ako ng long coat na super el cheapo pero naibenta ko sa kakilala ko ng x300 pagkatapos kong gamitin ng 6 months :D


ang lala talaga ni lolo alembong :biglaugh:

ako japan made..pero madalang makakita ng talagang japan made ..dahil halos karamihan na eh sa china galing..:rolleyes:

proud me
05-10-2007, 08:45 AM
Yappari mas marami ata ang Made in Japan kahit na Madugo TOYOTA sekai ichi
Best Seller na daw...:p :) Omedeto TOYOTA !!!

lenemen
05-10-2007, 11:01 AM
makikisali na nga rin sa topic niyo na ito at nakakatuwa ! Brother ko last time ay namili ng ipapadalang mga stuffs sa door to door box niya naku nahilo na sa kahahanap ng MADE IN JAPAN mula shoes ng mga kids, damit at etc. bakit daw kahit NIKE na sapatos bihira ang Japan made karamihan made in China, Korea. Indonesia, Taiwan, etc. Ayaw niyang bumili ng hindi made in Japan katwiran niya nandito ka sa Japan tapos made in China ipapadala mo sa Pinas eeeeeewww! daw! Sabi ko sa kanya, naku mahihirapan ka nang makakita ng made in Japan sa ngayon dahil kahit Japan Brand pa ang product halos mas marami na ang gawa sa mga factories nila sa neighboring countries kasi nga mas mababa ang pasahod doon. Minsan nga may nakita akong made in Philippines yung ink ng printer ko Fuji Xerox yun. Naku, sorry ! parang OT yata ako. U.S. or Japan made? siguro depende nga sa item. Pero kung mga gadgets like cameras, videocams, electronics, lalo na sasakyan i'll prefer Japan made kahit pa assembled sa ibang bansa. When it comes to beauty products naman mas gusto ko siguro U.S. or foreign brands (para medyo sosyal ?) ha!ha!ha!

TR250
05-10-2007, 11:04 AM
ang lala talaga ni lolo alembong :biglaugh:

ako japan made..pero madalang makakita ng talagang japan made ..dahil halos karamihan na eh sa china galing..:rolleyes:

Tumpak ka sa sinabi mo. Minsan nga ay nakakatawa na maski made in Tate o Japan ay kadalasang pag binuksan ang loob ay malamang may makitang piyesang made in China. Marami nito lalu na sa appliances at syempre pati na sin sa loob ng computers. Ilang beses na akong nakakita ng yung box ay lang ang "made in" pero yung piyesa sa loob ay "made in China Taiwan o di kaya ay assembled in China o Taiwan" :D

dianne
05-10-2007, 05:38 PM
my husband bought me a digicam pentax Optio A20 in yodobashi cam. laking gulat nya ng makita nya assembled in the philippines ngeekkk!!!!!:eek: pero the materials naman is made in japan kaya ok lang :p

maimai
05-10-2007, 05:59 PM
made in japan..lalo na sa mga appliances...good quality.. high standard...ur in good hand ika nga':D :p

shuin0120
05-10-2007, 10:14 PM
para poh sakin d2 sa japan the best ang mga product, kung ibabatay mo sa america mas mataas ang tech d2 sa japan kung baga ang america is 1 ang japan nmn 1.2 or 1.5.

saka sa presyo poh ng product d2 akala nio lang poh na mahal kasi mataas ang currency ng pera d2 unlike sa america same as same pa rin ang currency ^^

summergirl
05-11-2007, 09:22 PM
actually , wala akong maicomment kasi wala pa yata akong naging gamit na made in japan and US...wawa naman ako :cry: eto kasi ang mga bigating brand ko, pangcelebrity: SHIMAMURA , 100 yen shop.....bought in japan, made in china :D

Bilib ako sa pagiging frank mo,i think i like you.Thanks..

barabara
06-16-2007, 08:39 PM
gustong-gusto ko ang made in japan..kahapon nga sale dito nakabili ako ng medyas ng asawa ko 6 na pcs. made in japan- Gunze pa. kahit laban di nagbabago haku yen lang..matibay siya..kahit sa Ref, style ng japan gusto saka washine machine.. sa america di ko gusto ang style ng Ref. don saka washine machine..malinis maglaba ang washine machine sa japan..

luckycharm
06-19-2007, 01:42 AM
I would prefer Made in Japan .Pero kahit mga taga US na mga friends at kakilala ko hanga sila sa gawa dito sa JApan.Matibay talaga kasi.Pero kumpormi rin kasi kung anong bagay ang bibilhin mo.Minsan Made iN USA ang pipiliin like for example NIke,Adidas shoes or Make up Cosmetics that are originally from the states :)

Reiko
11-15-2007, 12:57 PM
Anong product ang mas gusto nyo?Made in japan o US..?Ako mas gusto ko ang US made kasi kahit maliit na details kaya kong basahin reasonable pa ang presyo.Dito sa Japan mag magandang product madugo ang presyo..Di ko pa mabasa..Lalo na sa mga make up ..allergy ka na pala ..di mo mabasa kaya buy ka..


same tayo summergirl san:D

danasan143
11-15-2007, 11:51 PM
since japanese napangasawa ko proud akong sabihin made in japan ang bibilhin ko may quality din naman kasi sya

kazz314
11-16-2007, 02:06 AM
made in japan gusto ko...;) nakasanayan ko na kasi:D

malibuPine
11-16-2007, 05:57 PM
I prefer Made in Japan, mostly, kasi pulido and quality talaga. Ibang-iba. Kaso bihira na ang authentic Made in Japan, even those branded products, RL, Burberry, etc all are Made in China na. I usually check the labels for Made in Japan, esp the RTWs, and if I find one, bili ko agad. Tamani arimasu. Pero sa bags, shoes/boots, and winter coats marami pa rin ang Made in Japan.

Same is true in the US. you seldom see Made in USA labels. China conquered the 1st worlds' markets. Lately however, nagkalat na rin ang Made in Vietnam, Indonesia, and Philippines lol. Yung GAP na mga nabili ko, I was surprised to find out, Made in RP na rin.

bubblegum
11-17-2007, 01:06 AM
yup!marami sa atin na humahanga sa mga made in japan made pero ,as in pero ,.............ang mga buhin o mga parts of this ay karamihan made from like....china and taiwan,thailand etc.etc.?i know kasi ....sa work ko kita ko ginagawa namin made in japan na pagkayari pero ;;;;;pero...mostly ang gamit is from other country na!

bubblegum
11-17-2007, 01:44 AM
ay sus !sorry po mga kabayan na doble ang post ko!iisa lang naman din ang ibig kong sabihin sorry po!yurushite ne!

louvette_15
11-17-2007, 07:27 PM
maganda po gawa ng japan, ang kaso sobrang mahal at d ko mabasa sa i opt for us made products...pero sa totoo lng, most of my things even before are from japan kasi pdala lang ni mom...

louvette_15
11-17-2007, 07:29 PM
yup!marami sa atin na humahanga sa mga made in japan made pero ,as in pero ,.............ang mga buhin o mga parts of this ay karamihan made from like....china and taiwan,thailand etc.etc.?i know kasi ....sa work ko kita ko ginagawa namin made in japan na pagkayari pero ;;;;;pero...mostly ang gamit is from other country na!

ay, totoo sis..kahit sa food factory, i was shocked kasi ung mga raw meat and ingredients ay galing sa ibang bansa pala..

yasashi
11-17-2007, 08:15 PM
ako gusto ko rin mad e in japan kasi kada lasan pag made in ja pan matagal masira.. . okey din naman yun g made in us kasi ma tagal din maluma ang  product nila.. pero  made in japan pa ri n ako..(ang gulo koo o:D  heheh)

Hensoldt
11-17-2007, 08:45 PM
I'm driving a Japanese car made in the US. :D

roses_pink
11-17-2007, 09:54 PM
Made in japan. Kasi wala pa akong brand na galing US.

mtwalton
11-18-2007, 11:49 AM
depends sa item that I want. some are good if its made in U.S. , make sure it is made in U.S. not in China....
some mura nga but easy naman ma damage....

same sa made in Japan...but made in Japan , worth ng item ang prize at may guarantee most. at puwede mo pang iclaim pag may trouble.
some items in U.S. pag may damage , well , you did not check it so its your mistake,,not all any way..

so for me, 50/50..at depende sa item... same sa product natin desho....:) ....

yuki_luv
12-22-2007, 02:02 PM
pag po sa electronics made in japan po. sa damit make up syempre made in usa.pero sa damit po pag sa america ka bumili mahirap makahanap ng size mo, kaylangan sa children section ka maghahanap.:p laki kasi nila eh.. pero yung psp ko binili ko dito sa japan , sa yamada denki po, napansin ko yung saksakan niya nakasulat MADE IN THE PHILIPPINES po,:oops: