PDA

View Full Version : Japanese Stalker


myk
05-06-2007, 11:27 PM
hello to all.

i just wanna ask you guys regarding stalkers here in japan. i asked this because of a recent experience concerning this matter.

3 nights ago, we were shopping at a grocery when we noticed a japanese woman who tried to get our attention because she wants to walk in front of us while we were looking at a rack of soaps. but of course my wife and i got surprised, talked in tagalog, but we gave her way so she walked in front of us. my wife said that the japanese girl is quite strange for that action whom i saw stared at her. she said feeling nya pulis daw yun or some sort kasi daming cases ngayon dito sa osaka na mga police na nag-o-observe sa mga gaijin. we have nothing to worry kasi valid pa naman ang visas namin. but then she noticed na may kinausap pa daw na old lady sa dulo ng aisle na yun so she said na baka hindi naman pulis.

until kanina we were at a mall far from where we live nagpakita sa amin yung girl as in nasa harap namin. we were with a filipina friend and she said na baka daw abnoy lang at nagkataon lang na nagkasabay kami sa mall. pero andun lang yung girl sa harap namin na nakatulala sa damit pero tumitig din daw sa akin. until nagpunta sa ibang section yung girl and we tried to follow pero yung girl na yung sumusod sa amin tapos yung filipina friend namin yung sumusond sa kanya. na-confirm namin na talagang sinusundan kami kasi kahit saang section kami, mayamaya andun na siya. nag-uusapn kami nung filipino friend namin sa ketai. tapos later sabi niya sa salamin daw tumitingin yung girl para makita kami. gusto na sana namin tanungin ko ano bang gusto nya kaso di naman kami masyadong marunong mag-nihonggo kaya we opted na umalis na nung mall. then our friend said na nung umalis kami hinanap at sinundan pa rin kami at may tinawagan pa raw sa ketai. nagparinig daw yung friend namin na kung pwedeng tumawag ng police tapos umiwas daw sa kanya yung girl.

ano kaya yun? stalker? immigration officer? police? valid naman visa namin... kapag nakita pa ulit namin siya na susunod-sunod tatawag na kami ng friend namin at magpapasama sa pulis.

the girl is long-haired hanggang bewang, naka-green na blouse long-sleeves tapos black skirt na knee-length... slim siya at mga around 5'2 ang height. our location is at osaka. mga nasa around 30 years of age yung girl. sabi nga ni misis parang multo kung kumilos yung girl. nakaka-freak-out din diba.

ano sa tingin nyo?

do you have the same experience?

Autumn
05-07-2007, 12:17 AM
Yeah i had the same experienced just last week...napansin ko na nalang na kung nasaan ako nandoon yun may edad na lalaki..naka orange na jacket..pag nag ka eye to eye kami galit yun mukha nya at pabulong bulong pa..patay mali ako nun una..pero kahit saan talaga ako nandoon sya..pati sa bus..kaya ginawa ko pumasok sa convinience store malapit sa bahay ..doon talaga natiyak ko na ako nga sinusundan..di alam noon mama na may exit sa kabila..itinago ako ng tao sa tindahan..ala eh nag panic sya sa kakahanap sa akin..
sobrang takot ako..hanggang ngayon nag aabang yun mama sa may malapit sa convinience store na yun..kaso sa iba na ako dumadaan..

hindi naman police yan babae na sinasabi mo..or immigration..kasi yun mga police at immigration officer direkta silang mag tatanong sa inyo at hahanapan kayo agad ng id..
ingat po at kung magkita uli kayo at ganoon pa din isuplong ninyo na sa pulis..maraming weird talaga dito..or umiba na lang kayo ng pamilihan..maganda na yun nag iingat..

myk
05-07-2007, 12:27 AM
thanks for sharing your story and thoughts. grabe no, may mga taong ganun dito sa japan.

nakakapagtaka lang kasi it was 3 days ago after our last encounter with the girl sa grocery close to where we live tapos kanina she was wearing the same clothes at mga around 7 train stations yung layo nung mall mula house namin pero andun siya. weird diba. stange. :confused: :eek:

yung isang filipina friend namin nagka-stalker din daw sila dati na akala nila abnoy pero pulis pala tapos in the end hiningi yung aliend card nila, resident na sila dito.

summergirl
07-30-2007, 02:54 PM
Ok lang kung immigration man o ploice iyon dahil safe naman kayo may visa at everything legal.mahirap iyon kung talagang stalker iyon.Ingat lang at minsan parinig ulit kayo ng police..Para tumigil...

shakey
07-30-2007, 08:03 PM
myk lam mo naranasan ko narin yan once tuwing uuwi ako ng bahay namin may laging mamang naka abang sa apart ment namin,nakatingin lang naman sya sa akin..cguro mga one week ganun ang laging ginagawa nya..ang kinatakot ko ng husto ay may time na umuwi ako ng bahay mga 7 am nakita ko sya pasalubong sa akin naka bike sya..tapos pag tapat nya sa akin biglang huminto tapos binuksan yung zipper nya at nilabas nya yung sa kanya at nag masturbate!!!! grabe nangatog ako sa takot..di nga ako ma ka hakbang sa hagdan sa sobrang takot..yun na yung huli kong kita sa kanya..gago diba!!!

marivic
08-03-2007, 01:30 PM
here's my experience naman:

One summer afternoon, natutulog ako. Since mainit ang panahon at electric fan lang ang meron ako, iniiwan kong nakabukas ang verandah. Nasa ground floor ang room ko. Medyo madilim na nang maamlimpungatan ako. Akala ko panaginip lang.

May mukha akong nakita na nakatinigin sa kin. Hinihila pababa ang pajama ko. Nasa early 20s at may bigte. E wala namang bigote jowa ko. Then, I realized I wasn't dreaming. Bigla akong bumalikwas.

Tinanong ko kung sino siya. Tumakbo ito at narinig ko pa ang pagtalon sa bakod. Ilan minutes din akong di nakagalaw at talagang nangatog ako sa takot. Paano kung may itinutok sa kin?

Nung mahimasmasan ako, check ko kung anong nawala. Yung barya na 3,000 na nasa ibabaw ng dining table lang ang nakuha.Di naman ako nakapagreport kasi OS ako non.

Simula non,pakiramdam ko lagi nang may nasilip sa curtains ko. Di na ko masyadong nakakatulog. Once,lumabas ako ng madaling-araw para bumili ng yosi. For whatever reason, naisipan kong magdala ng flashlight.

Pagbalik ko,sinilip ko yung likod ng apato. May tao. Dahan-dahan akong lumapit. Akmang tatalon siya sa loob ng verandah ko,binuksan ko ang flashlight at itinutok ko sa mukha niya.
Huli ang loko! Ngayon siya naman ang natakot. Nagkandahulog na sa pagbaba sa bakod sabay takbo!

Simula non, di na bumalik.

Just_ME
08-03-2007, 04:40 PM
Grabe pala mga naranasan nyo...kakatakot!:eek : ...sana wag ko ma experience yan baka makauwi ako ng pinas na wala sa oras!!...lalo na sayo marivic san, grabe ang naranasan mo wala kang malay nung pasukin ka sa bahay nyo ng istranghero na yun....