PDA

View Full Version : taxi/FX taxi


xena15
05-08-2007, 06:53 PM
nais ko lang malaman kung maganda bang magkaroon ng ganitong negosyo sa pinas gusto kasi ng papa ko na bumiyahe at wala kc siyang trabaho bale ako lang ang bumubuhay sa kanila ngyun ang mama ko nman ay may maliit na negosyo e-load po naguguluhan ako kung ano ang gagawin parang hindi na po ako maubusan ng problema at isipin mga ka TF pasensiya na kayo makaktulong ba sila sa akin kung bibigyan ko sila ng sasakyan o mas lalo lang akong mamumublema????bale naisip ko ako ang mag da down then yung mothly pay si papa na ang magbabayad para mag ganbatte siyang ilabas ang sasakyan hayyyyy tama ba gagawin ko kau anu po ba sa palagay ninyo??????

proud me
05-08-2007, 07:00 PM
xena 15 san~~~kung me alam ang papa mo siguro sa Taxi maganda rin siguro~~~yung
binili ko sa mga anak ko...ni hindi ko man lang nakita...mga bata at wala parin alam kasi...:)

summergirl
05-08-2007, 07:02 PM
hi,my fathers business when he was still alive was jeepney naman,alam mo ok yun kung ang mag mamanage at mag mamaneho ang pamilya mo.we have 6 jeepneys before,,Kulang pa sa boundary pag nasisisraan ,pag nakabundol,etc..Tapo s ang babalang ng boundary..Tapos ma hoholdap pa,Pag isispan mong mabuti dahil hindi maliit na pera ang ilalabas mo dyan..This is just my opinion ,im ot telling you not...pag isipan mo dear..

xena15
05-08-2007, 07:23 PM
yah salamat summergirl eto nga eh sumasakit na ulo ko at sinabi ko na rin sa asawa ko ito and ayaw nya pero kung tutulong daw cya at parang walang d mangyayari kangkinai na daw cya:eek:nga pla bale father ko ang mamamasada d kami kukuha ng driver kasi nga bale magkano lang ang boundery diba.......... mura lang hayy bakit ba kasi ganito mga tao sa pinas porke lam nila nandito tau sa japan para lang bang namumulot lang tayo ng pera dito lalo pat may aswa taung iba ang lahi .................... .hay buhay....

Autumn
05-08-2007, 08:06 PM
@Xena. sa totoo lang wala akong nakita sa mga kakilala ko na hindi namublema pagtapos mag bigay ng sasakyan sa kamag anak...ang daming reklamo galing pinas na kesyo nasira,nagkasakit kaya di nailalabas sasakyan..etc...so sumatotal mas malaki problema..
ewan ko lang yun iba na bumili ng sasakyan eh natapos na ang kakabigay ng pera sa pinas....pero duda ko wala.:rolleyes: .tsaka kahit na anong business pa gawin nila wala kang maasahan..depende din sa pamilya mo..ikaw nakakaalam kung may kakayahan sila oh wala..
ako kasi sawang sawa na ..kung ano anong business na tinayo nila ..may talyer.may mini grocery..walang tumagal..

kung dati ng taxi driver tatay mo siguro walang magiging problema..ang tanong lang naman dyan eh papaano bayarin monthly..? baka saiyo pa iasa...

mahirap talaga mag decide..malay mo rin..........

kyla06
05-08-2007, 08:15 PM
pareho tayo xena 15san,ang akala din sa pinas,namumulot lang ako ng pera dto,dati panay din \ang padala ko sa min,kc 5 pa nag-aaral n mga kapatid ko,d naman ako panganay,pero palagi cla sakin humihingi,d k naman obligasyon kc mga kapatid k lang naman cla sa mother side,kaya lang bkt ganun,pag d ka nakapagbigay,parang ang sama-sama mo na?minsan nag-aaway na kami ng asawa ko,nakakapagsalita kc sya ng masama sa pamilya ko sa pinas,syempre nasasaktan dn naman ako.tapos pag pinadalhan m cla,wala ka man lang daw marinig na thank you,kaya nagagalit din asawa ko.Ang gnawa ko,nung umuwi ako last jan,pinag-business ko mama ko ng baboy.sana nga maging maayos para naman hndi na ko mmmrblema pgdating nga pasukan sa school,may gagastusin na cla.

sachi807
05-08-2007, 10:06 PM
...xena15 ask mo si miyuki san baka makatulong siya sa iyo kasi yan ang negosyo niya sa pinas:)

makino
05-08-2007, 10:33 PM
hi!xena15,makikisali na rin ako ha!kasi yan din ang business ko sa 'pinas,kaya nga lang VAN ang sa akin.tama ang sabi ng mga ka tf natin,pag-isipan mo munang maigi bago ka mapasubo.haayyy,naku 100% sakit sa ulo.ganyan din sabi sa kin ng mga kapatid ko,ako lang daw sa downpayment at si kuyang panganay na ang monthly payment.ang nangyari,sa una maganda ang kita pero habang tumatagal,ayan na ang problema...ang pagpapagawa,huli ng pulis at kung anu-ano pa.kulang pa ang boundary nya sa lahat ng yan.so abono pa ako.ngayon,1 year pa lang ang sasakyan.pero balak ko ng ibenta kasi nga wala akong kinikita,wala pang naibabalik sa ibinayad ko.so sana magkaroon ka ng idea sa lahat ng information na mababasa mo,sana makatulong sayo itong pahayag ko.GOODLUCK!!!:)

miyuki
05-09-2007, 06:57 AM
hello xena san.. ako po ay may apat na taxi sa ngayon... kung balak ng tatay mo na sya mag maneho at may alam sya sa sasakyan sa mga minor na sira ay ok lang ... kailangan kasi yung driver may alam sa sasakyan hindi lang yung puro upo at paandar .. konteng iba pa lang ng andar at tunog ay alam na nya at agad na maaayos ang sira ay konteng gastos lang ..kapag kase napabayaan ay magdadamay na ng ibang parts at malaki ang magiging gastos.noong UNA kong taon sa negosyo ay talagang nangangapa pa ako... nag umpisa lang ako sa isa ..ilang bwan lang ay nagdagdag ako ulit ng isa kase pag nasira ang isa ung kita ng isa ang ipantatabon ko pang pagawa ...hanggang naging 4 na nga sila. isa lang ang ikinatalo ko nung nakaraang taon naaksedente ang 1 taxi ko ng di ko ikinuha ng OWN DAMAGE na insurance kaya ako lahat sumagot ng gastos at talagang napakasakit. kaya naging aral sa akin antimano lahat ng apat ay naka OD na.at sa ngayon ok na kase yung tatay ko ang nag mamanage at nalaman na nya ang paikotikot ng negosyo at may 1 kaming driver na mekaneko din kaya di na kami masyado sa maintainance. dati naranasan namin ang MALOKO ng mga talyer at pati na din DRIVER mismo....Magastos din sa mga papers ang negosyong ito.. hindi biro .. kailangan mo ng ...sasakyan , franchice, DTI , papers sa LTFRB for meter , BIR ,mayors permit , insurance , registration bago ka makapag umpisang makapag paandar ng taxi.malaki din ang responsibilidad mo bilang may ari ng taxi ..in case ng aksidente ang may ari ang may pananagutan kankinai ang driver ., ang driver once na nasira lilipat sa ibang mapagmamanehoan.. pero yung sayo tatay mo naman kaya ok lang...ang natutunan ko lang sa negosyong sasakyan......

important :

1. Mapagkakatiwalaan ang mag mamanage.

2. Ang driver ang puhunan mo hindi ang sasakayan .. kase kung matino ang driver mo at may alam kahit papano di ka masyado sa maintainance.

3. Naka insured ang mga sasakyan mo ng OWN DAMAGE na kahit na ano mangyari na aksidente ang insurance ang magpapagawa.

4. Naka SSS at PHIL-HEALTH ang driver mo para in case din ng aksidente di masyado masakit .

xena15
05-09-2007, 01:56 PM
naku myuki sang maraming salamat sa time mo sa pagsagot marami akong natutuhan ipapabasa ko ito sa mother ko nandito kasi siya ngyun bale ang taty ko lang naman ang nangungulit kasi eh dati pa kaya lang 50/5o ako sa pagsagot sa kanya kc medyo may ugali kasi cya na ningas kugon eh:eek:

miyuki
05-09-2007, 02:05 PM
ok ang taxi kung may 2-3 units ka kase if masira man may umaandar para sa gastos pero kung iisa lang once na nasira patay na walang kita.maglalabas ka talaga ng pera from your pocket...good luck...

xena15
05-09-2007, 05:53 PM
sa inyo din autum sang kyla06 sachi 807 and makino sang arigatou ne.....ayyyyy akala qo masyado lang akong mapagisip ng negative sa papa but then kau rin pala nakakarelate sa akin sana nga kapag nakapag desisyon na ako maintindihan naman ako ng mama ko..........

xena15
05-09-2007, 05:58 PM
autum sang dun sa tanong mo eh sabi nila ako lang sa initiall payment then dun sa monthly eh dun daw kukunin sa kita araw arw bale sila daw ang maghuhulog buwan buwan........d nman ako sure kung kaya nman nila hulugan yun ksi magkano lang ba kita sa isang araw diba?

xena15
05-11-2007, 05:52 PM
Ewan ko po kung kasama parin eto sa topic na ito sa mga mods paki lipat na lang kung mali ako............hay ganun c mama kahapon nagusap kaming 3 kasama aswa ko `bout dun sa taxi cinabi ko kung bakit ayaw ko tapos ang sabi ba namn eh mayabang na raw ako porke may pera na ako...........sakit sakit talaga ng loob ko hanggang ngyun d rin niya ako kinakausap para cyang bata lam ko nman na d siya maluho eh na kahit minsan alam ko na di nya winawaldas mga padala ko ang point ko lang is d rin namn sapat ang kita sa taxi and ganun din namn magpapadala rin ako sa kanila monthly eh at eto namang asawa ko nagalit na kc felling da w niya anu daw bang akala ng pamlya ko na marami siyang pera na ganun ganun lang na madaling maglabas ng pera??????Niipit na ako sa kanila pero may point din asawa ko at sa inyo lam ko nakakrelate kau d ko tuloy alm kung mali ba itong ginawa ko sa pamilaya ko o tama lang naging desisyon ko...........Kayu kung kayo nasa nasa sitwasyon ko anu ang gagawin nyo??????

katty0531
05-12-2007, 01:24 PM
Ewan ko po kung kasama parin eto sa topic na ito sa mga mods paki lipat na lang kung mali ako............hay ganun c mama kahapon nagusap kaming 3 kasama aswa ko `bout dun sa taxi cinabi ko kung bakit ayaw ko tapos ang sabi ba namn eh mayabang na raw ako porke may pera na ako...........sakit sakit talaga ng loob ko hanggang ngyun d rin niya ako kinakausap para cyang bata lam ko nman na d siya maluho eh na kahit minsan alam ko na di nya winawaldas mga padala ko ang point ko lang is d rin namn sapat ang kita sa taxi and ganun din namn magpapadala rin ako sa kanila monthly eh at eto namang asawa ko nagalit na kc felling da w niya anu daw bang akala ng pamlya ko na marami siyang pera na ganun ganun lang na madaling maglabas ng pera??????Niipit na ako sa kanila pero may point din asawa ko at sa inyo lam ko nakakrelate kau d ko tuloy alm kung mali ba itong ginawa ko sa pamilaya ko o tama lang naging desisyon ko...........Kayu kung kayo nasa nasa sitwasyon ko anu ang gagawin nyo??????

Hold on dear, wag kang patatalo....ganyan talaga ako naman brother ko nag sabi saken, matagal na nya gusto may sasakyan pero hindi pang negosyo ha, pang own service lang....yaks! talaga kapatid ko sosyal! ngayon ako pabibilhin nya?:confused: hehehe noong una tawa lang ako, segi pag may pera...pero never kung tinupad:D , kasi alam kong di importante atsaka baket? may work naman sya maganda naman sahod nya, single...nakikitara na nga sa bahay ko kuryente lang bayad nya eh di sya na bumili....anong klase daw akong nasa Japan di daw ako maka bili ng sasakyan....hahahaha .....kung ibang tao sana nagsabi ok lang, pero sariling kapatid tumagos sa puso ko, pero di ako nagpatalo sa emosyon ko, iniyak ko lang isang beses...tapos....wal a na ulet, kahit anong pambabato niya (kuya ko) di ko sya pakikinggan...total nanay ko at college ko na kapatid sagot ko naman. Palayasin ko sya eh...hehehehe dyok!.:D Gambatte ne...kaya mo yan.

proud me
05-12-2007, 02:14 PM
Ewan ko po kung kasama parin eto sa topic na ito sa mga mods paki lipat na lang kung mali ako............hay ganun c mama kahapon nagusap kaming 3 kasama aswa ko `bout dun sa taxi cinabi ko kung bakit ayaw ko tapos ang sabi ba namn eh mayabang na raw ako porke may pera na ako...........sakit sakit talaga ng loob ko hanggang ngyun d rin niya ako kinakausap para cyang bata lam ko nman na d siya maluho eh na kahit minsan alam ko na di nya winawaldas mga padala ko ang point ko lang is d rin namn sapat ang kita sa taxi and ganun din namn magpapadala rin ako sa kanila monthly eh at eto namang asawa ko nagalit na kc felling da w niya anu daw bang akala ng pamlya ko na marami siyang pera na ganun ganun lang na madaling maglabas ng pera??????Niipit na ako sa kanila pero may point din asawa ko at sa inyo lam ko nakakrelate kau d ko tuloy alm kung mali ba itong ginawa ko sa pamilaya ko o tama lang naging desisyon ko...........Kayu kung kayo nasa nasa sitwasyon ko anu ang gagawin nyo?????? Bakit hindi mo sabihin sa kanila yung hinaing din ng asawa mo...tutal sabi mo tumutulong ka naman pala sa kanila...huwag mong pahirapan yung sarili mong ikaw lang yung nagdadala sabihin mo sa kanila yung nararamdaman
mo pag-nakakarinig ka ng salita o hinaing ng asawa mo sa pamilya mo...maiintindihan karin nila... mabuti nga yung asawa mo rin marunong mag-labas sa iyo ng hinaing nya rin sa pamilya
mo...atleast alam mo rin yung nararamdaman ng asawa mo sa pamilya mo...pag-ganyang time sila sa iyo...:)

sam_227
05-12-2007, 06:02 PM
Makasingit nrin,mairap talga mag negosyo dito sa pilipinas,ngyon nandito ako sa atin damang damang ko ang hirap dito.Tama ang mga advise nila.tutal naman tumutulong ka naman sa kanila hindi mo naman sila pinababayaan.Ako marami din ako binigay sa pamilya ko.Sa umpisa maayos ang kita pero malaunan abono pa,Ilang negosyo din ang naipundar ko carwash,vidoeki,lend ing ang huli computer shop,pero wala din nangyari Ako pa ngayon nagka utang.Hindi ko na sisishin pa, nangyari ng lahat,Nakakahiya tuloy kung minsan sa mga hubby natin.Kaya ako pag uwi ko diyan sa japan ganbaru ulit ako,Tutulong na lang ako sa pangastos nila...:cry: Minsan kasi nakakasakit narin ang hirap ng kumita ng pera tapos masakit pa maririnig sa kanila.Pag isipan mo mabuti,ikaw rin naman mag de decide nyan mas ikaw ang nakakaalam kong ano dapat. Ganbatte ne

LORIE
05-15-2007, 06:12 PM
:confused: Naka relet ako sa mga eksper~yens dito:doh: lalong lalo na kay katty prehas tayo napagsabihan rin ng " kuya" na nakapag asawa ka ng jpon tapos nasa jpn nakatira walang kotse sa pinas masakit kasi pamilya mo yan nakapagsabi sayo deba, sabi ko sa kanya ok lng wala akong sasakyan kasi di naman kami lalagi ng pinas darating yong oras kung doon na kami maninirahan saka lng kami bibili at walang mag aasikaso at nahirap ipag katiwala ang isang bagay na may kinalaman sa pera kahit pa kamag anak mo sasabihin na wala kang poproblemahin na kesyo ganito ganyan, basta pag may kinalaman na sa pera magiging :devil: <<ganito ang isispan nyan basta pera na pag uusapan....
:halo: buti nalang natanggap na ng nanay ko yong pension nya mula sa SSS minsan lng ako nag papadala sa kanya kung may matindi syang pangangailangan.

Sa ngayon kami ng asawa ng kuya ko ang war:fence: as in war:fence: kami kasi di ko raw pinagbigyan si kuya sa gusto nitong magkaroon ng mini jeepney ba yan,yan ba tawag nyan sa akin naman daw nakapangalan ang jeepney si kuya lang daw naman ang magdadrive, sabi ko ano palagay mo sa asawa ko tumatae ng pera para ipamigay at ibigay ano mang gustohin nyong ipagbili swerte mo di na nga nangungulit si kuya sa pakiusap nya ikaw pa nangungulit na asawa nya di naman kami magkadugo deba kahit pa parte na sya pamilya namin kapal ng apog nya deba, ayon:gossip: i~chinichismiss pa nya ako porkit nakag asawa ng jpon nagkapera na naging makasarili na daw ako at koripot daw dami nyang pinag iimbintong:gossip: estorya tungkol sa akin kaya pati ate ko:fence: war rin sila.:scratch: :confused:

sinsya na po mod kung naekwento ko family prob ko di ko naman maisabi sa asawa ko kasi baka maaga akong mabyuda nito baka sa tindi ng galit atakihin wag naman, dito ko na lng ibuhos galit ko sa bayaw ko hayyyyy buhayyyy talaga ano kahit pa kamag anak mo ano?

:halo: LORD Guide me always & Thank u sa mga pagsubok sa Buhay........

xena15
05-15-2007, 08:22 PM
eto na nman ako..............he he he grabe away namin ng mother ko as in ayaw na nyang tapusin stay nila dito na kesyo uuwi na raw sila kaya ayun grabe tumaas na tlaga dugo ko nakapagsalita na ako ng hindi maganda............. ......bakit kaya ganun noh admit ko naman na nagbago na ako kasi may asawa na ako d ko ring masikmura na kuwartahan ang sarili kong asawa kasi dati oo tingin ko sa lahat ng hapon may pera lahat sila pero ngyun alam ko na na mali
ako na sila kailangan nila ng pera kaya nag gaganbatte sila sa trabaho d katulad ng karamihan sa atin sa pinas na tamad at panay asa sa mga mayroon............. ...

Stacie Fil
05-15-2007, 09:37 PM
eto na nman ako..............he he he grabe away namin ng mother ko as in ayaw na nyang tapusin stay nila dito na kesyo uuwi na raw sila kaya ayun grabe tumaas na tlaga dugo ko nakapagsalita na ako ng hindi maganda............. ......bakit kaya ganun noh admit ko naman na nagbago na ako kasi may asawa na ako d ko ring masikmura na kuwartahan ang sarili kong asawa kasi dati oo tingin ko sa lahat ng hapon may pera lahat sila pero ngyun alam ko na na mali
ako na sila kailangan nila ng pera kaya nag gaganbatte sila sa trabaho d katulad ng karamihan sa atin sa pinas na tamad at panay asa sa mga mayroon............. ...

Pwedeng maki-sabit sa usapan? :D Maki-share na rin lang nang opinyon.
Kailangan sigurong maliwanagan ang mother mo na ikaw ay maybahay na lamang ngayon at umaasa rin sa asawa mo. Mahirap ipilit ang ilang mga bagay, lalo't di pwede. Hindi sa nagyayabang or nantitikis, pero hindi lahat nang sagot sa request nila ay puro Oo lamang. Papaano kung hindi mo nga kaya talaga. Dapat rin siguro na matuto silang gumalang/ respeto nang desisyon mo. Kung gusto nila na sila ang masusunod, OK lang, pero kanilang pamamaraan o resources nila. Hindi nila dapat ika sama nang kalooban kung di man sila mapagbigyan.

Sa inyong tampuhan kanina, OK lang siguro na mag sorry ka, lalo na kung nakabitaw ka nang hindi magandang salita. Mother mo pa rin yon na dapat unawain. Ganoon lang siguro kamo kapag maiinit pareho, nabibigla/ napapadalos pati salita. Pero di nyo dapat pahabain at isara ang bawat isa... mag-ina pa rin kayo.

Huwag na ika-mo magalit sa iyo at sana tapusin niya ang expected na haba nang stay/usapan nyo. Di man sa iyo, pakisama na lang kamo at nakahihiya sa asawa mo. Pag nagalit ka mo yon, lalong putol/ tapos lahat ang suporta na naipaaabot mo sa kanila. Dahil galing talaga iyon sa pinagtrabahuhan nang mister mo at di lang sa iyo.

Opinyo ko po lamang ito, at maaaring mali, para sa iyo. Iyo pa rin ang final na desisyon.

:)

wolfgang
05-15-2007, 09:57 PM
hello @ LORIE san..pasensiya na po pero naguguluhan po ako sa kuwento niyo...
Ano po ba talaga Kuya niyo po ba? asawa nang kuya niyo? o ate niyo? o bayaw? baka po hipag....:confused:
medyo na confused po ako doon??

pero ang masasabi ko lang wag niyo pong intindihin yan mga ganyan sakit lang sa ulo at puso ang mararamdaman niyo...kahit na chismiz ka nila ..wag mo silang intindihin...kasi di naman pinupulot ang pera dito ehh..atsaka ang mahalaga maayos ang pamilya mo dito..ang asawa at anak mo ang priority mo ngayon...dahil mga pamilyado na tayo..at kung sakaling medyo nakakaluwag saka na lang po tayo tutulong sa pamilya natin sa Pilipinas..

ayan po ay aking sariling pananaw..:)

makulit
05-16-2007, 08:51 AM
hi xena15.

may FX po sila Nanay. hindi na ako nagpapadala ng pera para sa pagkain nila, pambayad ng kuryente, tubig, etc. doon na nila kinukuha sa kita ng FX. hanggang ngayon kolorum pa rin sila kasi naloko sila nanay sa prankisa nung isang taon, for some reason hindi na transfer sa sasakyan hanggang mag expire na yung prankisa. itong july, maglalabas ng bagong prankisa sa ltfrb, pinag-a-apply ko sila o baka ako mismo ang umuwi para maayos na.

hanggang wala pang maayos na kita ang FX, ako pa rin ang nagbabayad ng insurance every year, change oil, ayos ng aircon etc. ang driver ng FX namin, kapatid at tatay ko, hindi nila pinahahawakan sa iba.

ang masasabi ko lang, kung may prankisa ang FX, maliit na ang kita 1000 pesos per day. kolorum ang sasakyan namin sa ngayon, ang kita nila sa isang araw 400-500 pesos lang. okey na din dahil sa umaga at gabi lang naman ang labas ng sasakyan.

maganda nga po na nagsasabi ang pamilya sa pilipinas ng pwede nilang pagkakitaan sa halip na umasa na lang sa padala. alam ko po na malaki ang investment sa pagbili ng sasakyan, pero kung kakayanin naman po, bakit naman hindi.

kung hirap naman po sa budget, pwede naman hulugan na lang yung sasakyan, downpayment ng mga 100-150K siguro plus monthly amortization. Isipin mo na lang po na yung buwan-buwan na padala mo ay ihuhulog mo sa monthly amortization, at least yung amortization may katapusan :D

pag isipan mo pong mabuti ... good luck!

P.S. Tingin ko po, hanggang walang prankisa ang FX hindi kakayanin na bayaran ang amortization buwan-buwan.

LORIE
05-16-2007, 02:29 PM
[quote=wolfgang;28350 2]hello @ LORIE san..pasensiya na po pero naguguluhan po ako sa kuwento niyo...
Ano po ba talaga Kuya niyo po ba? asawa nang kuya niyo? o ate niyo? o bayaw? baka po hipag....:confused:
medyo na confused po ako doon??


Pasinsya na wolfgang san kung na confused ka sa kwento ko, bali asawa ng kuya ko ang ka war:fence: ko at nangungulit sa akin na bumili ng mini jeep ba yan ewan ehhh asawa lng naman sya, sya itong nag kanda uga-ga sa pangungulit na bumili ako/kami ng mini jeep para sa kuya ko,at sa katunayan pa ha may trabaho naman ang kuya ko, kapal ng fes deba ang kuya ko nga di na ngungulit sya pa na asawa lng kahit pa parte sya ng pamilya namin deba.

kagabi nga tumawag ako sa nanay ko naekwento nya na :fence: war naman sila ng ate ko kasi nangungulit naman daw tungkol sa mini jeep ano ba yan kapal talaga ng fes nya grabe grrrrrrrr:mad: nag bibigay naman ako/kami ng asawa ko ng pera pag kinakailangan wag lng yong lubusan...

Hayyyyy :confused: buhayyyy:scratch: nga naman ano, susubokin talaga ang samahan at tatag ng pamilya kahit pa kadugo o kapamilya mo gagawin lahat para masira.

Autumn
05-16-2007, 02:43 PM
[quote=wolfgang;28350 2]hello @ LORIE san..pasensiya na po pero naguguluhan po ako sa kuwento niyo...
Ano po ba talaga Kuya niyo po ba? asawa nang kuya niyo? o ate niyo? o bayaw? baka po hipag....:confused:
medyo na confused po ako doon??





Hayyyyy :confused: buhayyyy:scratch: nga naman ano, susubokin talaga ang samahan at tatag ng pamilya kahit pa kadugo o kapamilya mo gagawin lahat para masira.



Malinaw naman yun kwento mo eh..ganun talaga kung sino daw yun mga sampid..siyang sobrang kapal ng fes(face):D
anyway hindi mo naman siguro katungkulan na bigay mga kapritso nila..pag ichizmiz ka uli ng mahadera mong hipag ibato mo sa HK or saudi ..sya kamo magtrabaho..:D para malaman nya kung madali ba kitain ang pera..at kung magigingg ganoon kalaki puso nya para sa iba.....

lalen16loves
05-16-2007, 03:39 PM
SiSteR LORIE,

same tayo ng problema..ang hipag ko rin ang napakawalanghiya...: mad:isa rin naman syang nakikinabang pag galing akong japan...ang kapal talaga g mukha..tapos , pag di mo na natulungan, itsitsismis kana..malalaswa na ang lumalabas sa bibig..kesyo , ang work daw dito sa japan eh, puro kababuyan kaya kumikita daw ng pera..kaya kailangang ipamahagi daw .....san ka pa nyan sa tigas ng mukha :eek:

kaya nga ang sabi ko sa kanya kng gusto nyang mag-abroad tutulungan ko sya para maranasan nya ang hirap dito sa ibang bansa...aba, ayaw ba naman...dahil alam nyang mahirap....at sa ugali nya baka chapchopin pa sya ng amo nya..:D

pero, ganun pa man, at hanggang ngayon , bukas palad parin akong tumutulong sa kanya, dahil sa asawa sya ng kuya ko..ayokong masira ang mga kinabukasan ng mga pamangkin ko..

tapos nagkasakit....malala pala ang sakit...eh, hindi tuloy sya nakaimik na ako pa ang nagpapagamot hanggang ngayon sa kanya..ewan ko lang kung naiisip nya yung mga ginawa nya....

minsan, mahirap ang sobrang bait....pero, hindi ko naman sila kayang tikisin...pwede nga raw akong tumakbong mayor eh..:D

GOD BLESS US :)

xena15
05-16-2007, 05:45 PM
hi makulit sang mukha ngang mganda ang Fx kaya lang ano ba ang ibig mong sabihin sa kolorum,,prangkisa ng FX:confused: pasensya na dahil di ko masyadong alam ang tungkol sa negosyong ito................. .
Stacie fil salamat nag kaayus na kami di ko lam kung talagang naintindihan niya ang gusto kong mangyari but than`k god ok na .................sal amat sa inyong lahat
Napag usapan pala namin ni hubby na magbigay ng downpayment tapos sila na ang magbayad monthly kukunin dun sa kikitain ng sasakyan yan din kasi ang gusto nila ang sa aswa ko naman ok na rin daw un para d sila nakaasa sa amin.

makulit
05-16-2007, 06:23 PM
@xena15

kolorum ibig pong sabihin puti ang plaka ng FX at hindi yellow plate. Walang lisensya para mag operate as public conveyance yung sasakyan. yung franchise ibig sabihin may permit ka (business) para mag operate ng public conveyance in this case FX. ang FX na binili, hindi basta-basta maibibyahe, kailangan bumili ng prankisa sa ltfrb. sa case namin, walang prankisa (wala kasing available),.

Kahirapan sa kolorum, ...
(1) pag may pulis, nagtatago, pag nahuli, hinihingan ng lagay o naglalagay. kapag honest yung pulis, kukuhain ang lisensya o tatanggalin ang plaka. hindi pa naman kami nagtanggalan ng plaka sa awa ng Diyos.
(2) hindi ka pwedeng magpickup ng pasahero sa daan. baka mahuli ka!
(3) kailangan maging myembro ng mga samahan (another bayarin po ito ...) para makapila sa mga EKI o Pilahan ng FX para sa pasahero. I think kahit my franchise required pa rin ito.

ang franchise kung kukuhain mismo sa lftrb ay magkakahalaga ng 30,000 pesos. yung namang may mga prankisa na, binebenta nila yung franchise nila ng 50,000 to 80,000 (eto ang current rate ng sellers ngayon :mad:). sa ngayon wala pa pong available na bagong prankisa mula sa ltfrb, hinihintay pa pong matapos na mag convert ang lahat ng franchise holder to P2P. Deadline nila June 30. Yung mga hindi mag file ng conversion, automatic na i-ka-cancel yung franchise nila at ibibigay sa mga bagong aplikante. sa ngayon, walang katiyakan kung mag-a-accept ba ng application for new franchise ang ltfrb ng mga bandang July. Sabi-sabi lang ... pero nung isang taon pa po nila sinasabi na hintay-hintay lang. Namumuti na ang buhok ko kahihintay. kaya yon, maliit ang kita ... pero kagandahan, natuto ang kapatid ko na maging responsable, sya ang masipag maglabas ng sasakyan.

xena15, base doon sa income ng FX namin, kapag walang prankisa, hindi kayang makabayad ng amortization ... hirit ka pa ng konti kay hubby mo, at least hanggang makakuha ng franchise sabihin mo :D

xena15
05-17-2007, 06:13 PM
ganun pal yun salamay ha medyo naintindihan ko na siya.............ang parent`s ko kaya alam kaya ito:confused: di rin pala madaling magpasada ng sasakyan ano? Maiba pala ako ung sasakyan u ba ay cash o loan?at san ka ba kumukuha ng sasakyan para mag karoon rin ako ng resourses ( tama ba yun? )

makulit
05-17-2007, 08:07 PM
@xena15

tama ka po, hindi madaling magpasada ... sa umpisa nga mga 3 months, supported ko pa rin sila nanay (pagkain, utilities) habang pinag-aaralan pa nila kung paano ang diskarte. hindi kasi talaga sila driver. yung brother ko nag-aral lang mag drive para sa FX namin. father ko naman hindi rin driver. may mga kaibigan sila na tumulong sa kanila at nagturo kung saan ang mga terminal, anong route ang maganda para malaki ang kita at yung mga lugar na dadaanan.

nakuha ko po yung FX thru bank loan. sa diamond motors valle verde, pasig po ako kumuha, mabait at maasikaso yung sales person na na-assign sa akin. magaling din ang after sales service nya, kasi kahit hanggang ngayon tinatawagan ko pa rin ... kahit walang kinalaman sa sasakyan mismo basta may gusto akong gawin at hindi ako sigurado kung paano ba ang tamang paraan, tinatawagan ko sya, tinutulungan naman ako. itong january lang, after 1 year tinawagan ko ... tinulungan pa rin ako :D

xena15
05-17-2007, 09:20 PM
ganun ba sa bank loan u pala kinuha ito pwde u bang sabihin sa akin kung magkano 1st pay u n mothly kahit paki pM nalng sa akin para magkaroon ako ng idea kc balak ko ng i2loy ang gusto nila mama pag uwi nila this june kasi eh..........Salamat ng marami makulit sang N sa inyung lahat mga ka TF..........:)

proud me
05-17-2007, 09:30 PM
lalen16love san...lorie san...nakakatawa naman pala mga hipag ninyo pag-hindi natapalan o hindi nasusunod yung mga gusto nilang mangyari...
panakot ata yung pagiging chismosa nila...hirap talaga pag-makapal na ang fes: D :D

bilog1@mie
05-25-2007, 12:15 AM
kudos, miyuki, for a well-thought response! kahit hindi ko ito linya, nakikita kong pulido ang inyong obserbasyon.

yung buddy ko dito sa japan, at pansamantalang nagretiro na sa Pinas ay may katulad na pananaw sa inyo. obserbasyon ng buddy ko:

a.) pag 1 unit lang, mahirap na negosyo ang taxi lalo na pag meron sira, kaya ang suhestiyon niya at least 2 -units kung mag-umpisa

ftwcp955
02-17-2008, 03:21 AM
yah salamat summergirl eto nga eh sumasakit na ulo ko at sinabi ko na rin sa asawa ko ito and ayaw nya pero kung tutulong daw cya at parang walang d mangyayari kangkinai na daw cya:eek:nga pla bale father ko ang mamamasada d kami kukuha ng driver kasi nga bale magkano lang ang boundery diba.......... mura lang hayy bakit ba kasi ganito mga tao sa pinas porke lam nila nandito tau sa japan para lang bang namumulot lang tayo ng pera dito lalo pat may aswa taung iba ang lahi .................... .hay buhay....
Xena, Transpostation is the worst investment. I keep telling this to my fellow filipino. Hindi natin tinutulungan ang ating kamag-anak pag sila ay ating pinadadalhan. Manapat sinisira natin ang kanilang buhay. Sa kadahilanang hindi sila matututong tumayo sa sarili nilang mga paa. At aasa na lamang habang buhay. Tanong noong ngang nasa pilipinas ka nabubuhay din sila di ba.Let them stand -up for their own.Listen

ftwcp955
02-17-2008, 03:29 AM
yah salamat summergirl eto nga eh sumasakit na ulo ko at sinabi ko na rin sa asawa ko ito and ayaw nya pero kung tutulong daw cya at parang walang d mangyayari kangkinai na daw cya:eek:nga pla bale father ko ang mamamasada d kami kukuha ng driver kasi nga bale magkano lang ang boundery diba.......... mura lang hayy bakit ba kasi ganito mga tao sa pinas porke lam nila nandito tau sa japan para lang bang namumulot lang tayo ng pera dito lalo pat may aswa taung iba ang lahi .................... .hay buhay....
Xena, Transpostation is the worst investment. I keep telling this to my fellow filipino. Hindi natin tinutulungan ang ating kamag-anak pag sila ay ating pinadadalhan. Manapat sinisira natin ang kanilang buhay. Sa kadahilanang hindi sila matututong tumayo sa sarili nilang mga paa. At aasa na lamang habang buhay. Tanong noong ngang nasa pilipinas ka nabubuhay din sila di ba.Let them stand -up for their own.Listen to your husband you have your own now ito ang pagbutihin mo at hindi sila. I'm telling you they will survive.
I'll set our family as an example, We are seven and we went to school with our own initiative. And natira ang buso namin. well we already survived the challenge of life. Our youngest keep on asking us something. He even ask for a car during his graduation. well natulong tulong kaming magkakapatid and we provided him with a car. ang siste every time pumupunta sa mga sisters ko ask for some money for his gasoline. Then one they I decided to talk to all of my sisters. Napagkasunduan naming hindi na sya bigyan. Aba'y nagalit darating daw ang araw na aasenso din sya by himself.( our very intention) Now he owned the biggest Racing car supplies in Quezon city. ANG ARAL DITO. Kung patuloy namin siyang binigyan noon maaring hanggang ngayon ay nanghihingi parin sya sa amin.

sharpener
02-17-2008, 03:42 AM
nais ko lang malaman kung maganda bang magkaroon ng ganitong negosyo sa pinas gusto kasi ng papa ko na bumiyahe at wala kc siyang trabaho bale ako lang ang bumubuhay sa kanila ngyun ang mama ko nman ay may maliit na negosyo e-load po naguguluhan ako kung ano ang gagawin parang hindi na po ako maubusan ng problema at isipin mga ka TF pasensiya na kayo makaktulong ba sila sa akin kung bibigyan ko sila ng sasakyan o mas lalo lang akong mamumublema????bale naisip ko ako ang mag da down then yung mothly pay si papa na ang magbabayad para mag ganbatte siyang ilabas ang sasakyan hayyyyy tama ba gagawin ko kau anu po ba sa palagay ninyo??????

kung nakakatawa ka pa ngayon...tumawa ka na!

makulit
02-17-2008, 07:16 AM
nabuhay na po pala ang thread na ito .... may prankisa na po ang sasakyan namin. mga 5 buwan na po sa ngayon. hindi po sa ltfrb nabili ang prankisa, mula po sa isang franchise holder at transfer po sa amin. wala pa rin pong available na prankisa ltfrb hanggang ngayon.

mamimo
02-17-2008, 12:02 PM
@xena Siguro kung ituloy mo ang pagkuha ng FX para sa parents mo kelangan pa rin magpadala minsan ng financial assistance pag may ma-encounter na malaking problema ang sasakyan tulad kung mabangga o makabangga ito (mas maganda kung ikuha mo ng comprehensive insurance). Okay ang daily income para sa pangkabuhayan nila sa pagkain at maliliit na and pangangailangan sa pang-araw-araw but to demand them to be totally liable for the vehicle mahirap po umasa na di natin sure yun makukuha natin sa mga tao. Nagawa ko na po ang pasukin yan at nagcreate lang sya ng maraming sakit ng ulo sa kin. Masyado akong nagtiwala pero mahirap talaga yang ganyang negosyo. Your intention is very noble, but sometimes problems just pop up when you least expect it. Pangkabuhayan: YES For Profit: NO

xena15
02-17-2008, 06:24 PM
naku sharpener palagi kong iniicip yan kahit sakit sa ulo alway`s smile pa rin po tau........hirap na baka maaagang magkaroon ng wrinkles.......

xena15
02-17-2008, 06:33 PM
ftwcp955 thank u poh sa advice nyo tama po kau napakaganda ng shi nare nyo po sa amin.....nakausap ko po si mama sa madaling salita pinanindigan ko ung desisyon namin ng asawa ko na bibigyan namin sila ng pambili ng car pero d na kami magpapadala sa kanila tutal naman kukunin na namin ung anak ko dito........ayan ciguro napag isip isip nila na mas mabibigatan sila sa expense mothly imbes na maginhawaan sila.......sa side kasi nila eh itong year na starting mag collge kapatid ko kaya naisipan nilang magnegosyo at ito napag diskitahn ng magaling kong ama ang sasakyan......bakit kaya sa pinas palaging easy go lucky sila di muna nila iniisip ung mangyayari after o mga consenquences ng mga bagay bagay..........sana sa ngayun naintindihan nila kung bakit ko ito ginagawa hindi ung dahil sa kuripot o pinagdadamutan ko sila.......

titakoring
02-17-2008, 06:51 PM
akala ko ako lang ang me drama sa buhay na ganito....salamat naman
at me kasama pala ako....2 years ago lang ng malaman ko un panloloko
ng pamilya ko sa akin....sa haba ng panahon.....:( kahit anong negosyo
din ang isipin nila at ibigay ko....ala ding nangyayari....ako pa masama
masakit pa nyan pati mga anak ko....siniraan ng kapatid ko sa akin kaya
nagkakaproblema kaming mag-ina....ngaun naku manigas silang lahat
tutal malalaki na un mga anak ko....talagang tinikis ko...kahit magulang
ko...tama naman ang asawa ko me 3 pa akong kapatid bakit ako lang ang
laging sumasagot ng mga pangangailangan nila....ngaun sarili ko na
lang ang iniintindi ko at pinaghahandaan un pagtanda ko....naisip ko
kasi na pag ako ang nawalan tyak na nd nila ako matutulungan;)
sapat na un 20 years na sa kanila halos lahat napunta un pinagpa-
guran ko dito....alang kwenta un pamilya ko....:(






@Xena. sa totoo lang wala akong nakita sa mga kakilala ko na hindi namublema pagtapos mag bigay ng sasakyan sa kamag anak...ang daming reklamo galing pinas na kesyo nasira,nagkasakit kaya di nailalabas sasakyan..etc...so sumatotal mas malaki problema..
ewan ko lang yun iba na bumili ng sasakyan eh natapos na ang kakabigay ng pera sa pinas....pero duda ko wala.:rolleyes: .tsaka kahit na anong business pa gawin nila wala kang maasahan..depende din sa pamilya mo..ikaw nakakaalam kung may kakayahan sila oh wala..
ako kasi sawang sawa na ..kung ano anong business na tinayo nila ..may talyer.may mini grocery..walang tumagal..

kung dati ng taxi driver tatay mo siguro walang magiging problema..ang tanong lang naman dyan eh papaano bayarin monthly..? baka saiyo pa iasa...

mahirap talaga mag decide..malay mo rin..........

simplymystic
02-17-2008, 07:07 PM
hi xena sis... share ko lang din ang experience ko ha... I bought 3 mitsubishi van 2 yrs ago lang ... thinkin na magandang gawing business .... nung nagpunta na ko sa LTFRB para mag kumuha ng linya.... sabi ba naman wala na silang available..... paano ko maipapa byahe kako kung wala ng available na linya... may nagbulong mismo sa kin na taga loob ng LTFRB na ipa kolorum ko na lang daw at yung linya ng asosasyon sa pilahan ang bayaran ko para maging member wich is 80.000k bawat isa... pero illegal pa rin daw yun.... kaya palpak talaga sya.. so nangyari binenta ko na lang uli yung 2 van at iniwan ko yung isa for personal use...

mamimo
02-17-2008, 07:50 PM
@xena

pwede ka mag-auto loan sa car dealer or banko, to give you an idea see this page from PNB website > http://www.pnb.com.ph/content/view/65/75/

wag gano impulsive inquire muna ng inquire compare the given prices pati terms and conditions ng loan.

sa kikitain naman ng sasakyan compute mo kung posible sila makapagtabi pang-maintenance at kung mahulugan nila yun habang kumukuha ng part ng kita para naman sa pangangailangan nila.

lastly, learn from other people`s mistakes para di ka dumagdag sa stat nila....lol

titakoring
02-17-2008, 08:05 PM
naiintidihan kita.....galing ako sa sitwasyon mo....at least sana meron
silang pagkukunan ng ikabubuhay sa araw-araw at wala na tayong
intindihin pa.....ikaw ang nakakakilala sa pamilya mo....kung masinop
sila o hindi.....kakambal na ata ng mga nandito sa japan ang isang
katerbang problema.....kahit sako sakong pera ibigay mo sa kanila
laging kulang....at me hirit pa....minsan mali din tayo...tinuturuan din
natin silang umasa na lang sa atin.....kasi doon tayo mahina.....pag
dumaing sila kahit nahihirapan na tayo dito nd tayo makatangi......
pag-isipan mong mabuti yan......pdeng makagaan sau o lalong pang
madagdag sa problema mo....wish u luck:)






nais ko lang malaman kung maganda bang magkaroon ng ganitong negosyo sa pinas gusto kasi ng papa ko na bumiyahe at wala kc siyang trabaho bale ako lang ang bumubuhay sa kanila ngyun ang mama ko nman ay may maliit na negosyo e-load po naguguluhan ako kung ano ang gagawin parang hindi na po ako maubusan ng problema at isipin mga ka TF pasensiya na kayo makaktulong ba sila sa akin kung bibigyan ko sila ng sasakyan o mas lalo lang akong mamumublema????bale naisip ko ako ang mag da down then yung mothly pay si papa na ang magbabayad para mag ganbatte siyang ilabas ang sasakyan hayyyyy tama ba gagawin ko kau anu po ba sa palagay ninyo??????

sharpener
02-17-2008, 08:41 PM
naku sharpener palagi kong iniicip yan kahit sakit sa ulo alway`s smile pa rin po tau........hirap na baka maaagang magkaroon ng wrinkles.......

ang gusto ko pong sabihin...
kung nakakatawa ka pa ngayon ...tumawa ka na
dahil pag inumpisahan mo na yan...di ka na makakatawa, dahil na nga sa kunsumisyon:banghead :

pag nasira iyan...may pinagagawa ka na, may hinuhulugan ka pa:banghead::banghea d::banghead:

summergirl
02-17-2008, 08:57 PM
Thats right...sakit ng ulo,na holdap,nasira ,bibili ng pyesa..Maliit ang boundary,malaki pa ang gastos..Hay naku...nakakapagod.. kaya talagang tinigilan namin ang transportation business ...

thermometer
02-17-2008, 09:56 PM
BTW.. meron pa ba FX at Taxi ngayon na pumpasada ???
sa bandang valenzuela wala na ako nakikita... parang terminal to terminal nalang sila eh

xena15
02-17-2008, 10:29 PM
he he natawa namn ako sa sarili ko di ko na get`s ibig ung sabihin sa akin sis sharpener......oo nga pag isipan ko tlagang mabuti eto.......baka abutin ng taon o dekada sa kakaisip un pala di na uso Fx at taxi sa pinas hhe he he he......
salamt po sa lahat ng sumagot bumuhay ng tread na ito di pala ako nag iisa minasan ganbaru ne.....

mamimo
02-17-2008, 11:09 PM
BTW.. meron pa ba FX at Taxi ngayon na pumpasada ???
sa bandang valenzuela wala na ako nakikita... parang terminal to terminal nalang sila eh


Mahirap kumita sa terminal to terminal na yan dami nyong nakapilang sasakyan tapos on the way pabalik sa pila trapik na kaya makailan trip lang hanggang abutin na ng pagdalang ng dating ng pasahero. Syempre oras ng pasok sa trabaho o eskwela ang mas maraming sakay kaya after 10am mahirap na rin, di sulit ang pamember sa pila o ang kaltas nila sa bawat trip. Kainaman naman jan tipid sa konsumo ng gasolina unlike yun pulot sa daan ng pasahero. Waahhh ang hirap kumita ng pera sa lungsod, sa bundok kaya?:confused::D

Flippy Aze
02-21-2008, 05:14 PM
uso na rin ang mga van sa probinsya, mas pinipili na ng mga pasahero ang sumakay sa air-conditioned van kesa bus. so far okey naman, kumikita naman kahit papano...