PDA

View Full Version : Nalilitong kaibigan...tungkol sa hiwalayan

kaori
05-12-2007, 11:27 AM
Last week...naka-kwentuhan ko ang dalawang kaibigan..pareho sila may problema..unahin ko muna si kaibigan A...matagal na raw nya problema ang husband nya.Magbuhat daw ng ipanganak nya ang kanilang panganay ay nde raw nagbibigay ng panggastos sa kanya.Nag-work si kaibigan A...ang nagyari daw...siya na ang nagbibigay ng pera sa byenan nya.Husband nya wala nibibigay.Siya ang madalas lapitan ng byenan nya..wala naman kasi work na byenan nya kasi matanda na.Sa kanya ibinibigay mga resibo ng gastusin sa hauz nila..para bayaran nya..Natiis nya ng ilang years yun..Kaso..ngayon palala na ng palala ang situation nilang mag-asawa.Nde na raw cya pinapansin,sa taas na raw naglalagi ang husband nya..bababa lang pag kakain.Hiwalay cla ng tulugan.Nde na siya pinapansin ng husband.Naawa kami sa sitwasyon niya ngayon.Pinayuhan siya ng husband ko na try nya wag muna magbigay ng pera sa byenan nya,sabihin nya anya na wala syang pera...sinunod naman nya ang payo ng husband ko.Makaraan ang isang buwan..nilapitan daw cya ng byenan nya..sabi daw...nung nakaraang buwan nde ka nakapagbigay ng pera sa akin..kailangang magbigay ka ng pera ngayon.Sagot daw niya..bakit nde ang asawa ko ang hingan nyo?Anak mo yun..sagot naman daw ng byenan,wala pera anak ko.Sagot naman daw nya..ako rin wala pera.Nagulat daw siya sa sagot ng byenan nya..sabi daw..kung nde ka makakapagbigay ng pera...lumayas na kayo dito sa bahay...
Gusto nya na lumayas sa bahay na yun...kaso nalilito siya..baka daw nde ibigay sa kanya yung anak nila.Ngayon pinapakitaan na siya ng masamang ugali ng mga in-laws nya.Sabi ko..iisa lang ang ibig sabihin niyan..gusto na nila umalis ka na sa pamamahay na yan.
Sabi nga ng isa naming kaibigan..nakakaawa na nga raw..kasi minsan nakita niya nagkakaimono nakatulala tong si kaibigan A...Husband niya uuwi lang kung anong oras gusto umuwi..laging nag-iinom sa labas...mas daiji pa raw ang gma kaibigan...Bakit kaya nde pa naman sabihin ng husband niya na maghiwalay na lang cla kesa ganun na pinahihirapan pa nya kalooban ni kaibigan A..?:rolleyes: Tama raw ba kaya na si kaibigan A ang maunang magsabi na maghiwalay na lang sila?Makukuha raw ba kaya niya ang anak niya?Mga ka tf...ano po ba ang maipapayo nyo sa kanya..?Mababasa po nya ito..sobra na po kasi cya nalilito at naguguluhan...gusto nya ng mga payo...onegaishimasu po...:bowdown:

nikkichibi
05-12-2007, 12:38 PM
kung ako si kaibigan A ay pupunta ako sa city hall para mag sodan doon , sabihin nya sa city hall yung situation nya , napinalalayas na sya ng biyenan nya kc wala syang maibigay na pera at yung asawa nya ay walang job at di nagbibigay ng pera sa kanya kahit mang lang para sa bata , siguro naman ay matutulungan sya ng city hall tungkol sa problema nya at baka turuan pa sya kung ano ang dapat nyan gawin . dapat din makipaghiwalay na sya sa asawa nya kesa naman ng titiis sya ng ganyan , at saka bakit nya kailangan bigyan ng pera biyenan nya , imposibleng walang pera yung may natatangap na pera yan mga matatanda d2 sa japan ( nenkin ang tawag doon ) :mad:
sana ay makapag isip na frend A mo kaori kasi wawa naman sya :)

katty0531
05-12-2007, 12:54 PM
Kung ako nasa sitwasyon ni kaibigan A, iibahin ko na istorya ng buhay ko...hihiwalayan ko na si walang silbing asawa at walang hiya at pride na byenan.
Nametong janai yo! hehehe lalabas yata Osaka ben ko dito...:D
Nasanay na kasi sa mga abot nyang pera (kaibigan A) kaya di na nagsusumikap si asawa at asa naman si byenan. Siguro naman si kaibigan A may matibay nang visa, umalis na sya sa pamamahay na yan, malawak naman ang Japan...hanapin nya ibang pahina ng buhay nya.
Tungkol sa mga anak, syempre, mahabang usapin pa yan sa korte, yan nalang paghahandaan nya, walang magagawa ganyan talaga, pero kung ano desisyon ng saiban para naman yon sa mga bata, tiisin nalang nya, atleast makakawala na sya sa sitwasyon nya ngayon.
Gambaru shika arimasen, shikatanai desu...hindi ganyan kadali siguro makipag hiwalay sa asawa pero kung kinakailangan na at mas matimbang na pipiliin ko nalang sigurong mahiwalay at tatahakin ang ibang landas ng buhay.:) Yan lang po maipapayo ko.

adechan
05-12-2007, 01:55 PM
tama si nikkichibi

papuntahin mo ang kaibigan mo sa city hall, counsel for foreigners, mag sodan siya doon. Sa case niya, maaaring ang ipapayo din sa kanya eh divorce, iyun e kung iyun na ang gusto niya. Matutulungan siya nang city hall, gawin na kaagad nang madalian bago pa siya mauhan, dahil mukang lamang siya sa case. Baka maunahan pa siya nang mga in laws niya na baligtarin siya at hindi siya magkaroon pa nang karapatan sa anak niya.

dito sa city hall namin may nakausap akong pilipina na nag sodan, dahil din sa financial problem and irresponsible acts of her husband, ayun sige lang daw ituloy ang divorce, sa kanya ang anak at tutulungan pa siyang magkabahay, at kung paano niyang maipapasok sa hoikusho/hoikuen ang maliit pa niyang anak.

kaori
05-12-2007, 02:33 PM
kung ako si kaibigan A ay pupunta ako sa city hall para mag sodan doon , sabihin nya sa city hall yung situation nya , napinalalayas na sya ng biyenan nya kc wala syang maibigay na pera at yung asawa nya ay walang job at di nagbibigay ng pera sa kanya kahit mang lang para sa bata , siguro naman ay matutulungan sya ng city hall tungkol sa problema nya at baka turuan pa sya kung ano ang dapat nyan gawin . dapat din makipaghiwalay na sya sa asawa nya kesa naman ng titiis sya ng ganyan , at saka bakit nya kailangan bigyan ng pera biyenan nya , imposibleng walang pera yung may natatangap na pera yan mga matatanda d2 sa japan ( nenkin ang tawag doon ) :mad:
sana ay makapag isip na frend A mo kaori kasi wawa naman sya :)
Tenk yu sistah....ang pinakamasaklap pa po ay...may JOB naman po si husband...nde lang nag-iintrega ng sweldo...saan kaya napupunta yung sweldo?di ba....?may natatanggap na nenkin yung mga ganun?last year namatay yung father in law ...imposibleng walang pera yung mother in law no?

Kung ako nasa sitwasyon ni kaibigan A, iibahin ko na istorya ng buhay ko...hihiwalayan ko na si walang silbing asawa at walang hiya at pride na byenan.
Nametong janai yo! hehehe lalabas yata Osaka ben ko dito...:D
Nasanay na kasi sa mga abot nyang pera (kaibigan A) kaya di na nagsusumikap si asawa at asa naman si byenan. Siguro naman si kaibigan A may matibay nang visa, umalis na sya sa pamamahay na yan, malawak naman ang Japan...hanapin nya ibang pahina ng buhay nya.
Tungkol sa mga anak, syempre, mahabang usapin pa yan sa korte, yan nalang paghahandaan nya, walang magagawa ganyan talaga, pero kung ano desisyon ng saiban para naman yon sa mga bata, tiisin nalang nya, atleast makakawala na sya sa sitwasyon nya ngayon.
Gambaru shika arimasen, shikatanai desu...hindi ganyan kadali siguro makipag hiwalay sa asawa pero kung kinakailangan na at mas matimbang na pipiliin ko nalang sigurong mahiwalay at tatahakin ang ibang landas ng buhay.:) Yan lang po maipapayo ko.
Sistah...salamat.... yan ang madalas naming sabihin sa kanya..hiwalayan na niya...natatakot yata cya na baka nde nya makayang buhayin ang mga anak nya..baka magutom lang cla pag bumukod na clang mag-iina...sagot naman namin...eh si kaibigan A nga ang nagpapakain sa asawa at byenan...bakit nde nya makakayanan yung magsarili silang mag-iina..bakit sila magugutom..?Tutal PR na siya dito sa japan..wala na cya gaano problema or iisipin pa na saan sya kukuha ng visa no...?
tama si nikkichibi

papuntahin mo ang kaibigan mo sa city hall, counsel for foreigners, mag sodan siya doon. Sa case niya, maaaring ang ipapayo din sa kanya eh divorce, iyun e kung iyun na ang gusto niya. Matutulungan siya nang city hall, gawin na kaagad nang madalian bago pa siya mauhan, dahil mukang lamang siya sa case. Baka maunahan pa siya nang mga in laws niya na baligtarin siya at hindi siya magkaroon pa nang karapatan sa anak niya.

dito sa city hall namin may nakausap akong pilipina na nag sodan, dahil din sa financial problem and irresponsible acts of her husband, ayun sige lang daw ituloy ang divorce, sa kanya ang anak at tutulungan pa siyang magkabahay, at kung paano niyang maipapasok sa hoikusho/hoikuen ang maliit pa niyang anak.
Maraming salamat Sistah...naku..kaila ngan pumunta na agad siya sa city hall...may isa pa siyang ikinatatakot...pano daw ba yun?magpupunta siya sa sodan sa city hall.tapos uuwi sya sa bahay.parang gusto nya lumabas muna siya ng bahay na yun bago mag-sodan.. Ang sa akin naman...Di ba mas maganda yung lalabas siya ng bahay na legal ang lahat?Maraming salamat sa mga payo nyo.. magkakaroon na cya ng idea kung ano ang gagawin nya...

proud me
05-12-2007, 02:44 PM
OO ng tama yung sinabi ni nikkichibi san...kung talagang buo na yung loob niya sa anumang maipapayo sa kanya ng City hall...sa tingin ko naman kung gusto nalang paalisin
si Kaibigan A sa house...meron siyang karapatan sa mga anak kasi diba nga walang trabaho si asawa niya...at siya pa ang nagbibigay ng money sa biyenan...mas maganda sa City hall kasi baka matulungan pa siya na malaman niya kung ano naman yung dahilan
ng side ng asawa kung sakaling alamin ng mag-tatanto sa soudan niya...baka malay natin baka meron lang namamagitan na hindi sila nagkaka-intindihan at malaman din niya kung
ano yung problema nilang mag-asawa...at kung bakit pati si biyenan niya eh! umaasta ng ganyan sa kanya...atleast malaman niya sa sarili niya kung ano yung tama para sa kanya..:) ay! sorry meron palang work si asawa niya...kaso nga hindi nagbibigay lang
ng money pala! hmmm...dapat pumunta nalang siya sa City hall talaga....siguro!

aki^-^
05-12-2007, 07:02 PM
grabe naman kakapal nila... mahirap talaga makisama sa byenan..sya na nga humihingi ng pera sya pa galit.... grrrrrrrrr!!!! tapos oobligahin pa syang magbigay... meron pala sa japan ang ganun no? at nakakainis naman ang asawa nya... isa pa ding makapal..di na lang makipaghiwalay kesa naman nahahang sya sa wala! haybuhay!! nakakaawa naman ang kaibigan mo... but she's lucky coz u are there to comfort her..ill pray for her na lang.

aki^-^
05-12-2007, 07:06 PM
btw, yung kaibigan B mo ha...kwento mo...naku lumabas pagkatsismosa ko, hehehe:D

McBONG
05-13-2007, 11:57 PM
makasingit na,marami nyan ganyan at halos siguro sa mga nakilala ko at nakakausap ganyan ang mga problema,kung hindi pag-alagain ng mga magulang ng mga asawa eh!gagawin palaanakan o kaya naman bangko!gambatte and goodluck sa iyong frendship!

neg
05-14-2007, 12:29 AM
makisingit na rin po.base on my experience last week lang po.months ago nagsodan na rin po ako sa city hall 2times kami pinabalik balik ng mga kids ko.bago nila pakinggan ang side mo i shishiraberu nila ang side ng husband and ng biyenan.by that time kung mabubuking ni hubby eh malaman maunahan siya sa mga kids.pero kung stable na may work si kaibigan A eh may laban siya.wag lang itatakas ni hubby o ng biyenan niya yun mga bata.at kung pipirma agad si hubby malaki pa chance na matulungan si kaibigan A ng city hall.malaki po ang maitutulong ng city hall basta makikipag cooperate lang talaga si hubby.kung hindi dun na siya magsaiban.huwag kamo siya matakot sa mga gastusin ng mga kids.kase may murang pabahay ang city hall,libre ang mga gomi bukuro,libre ang school,hoikuen,tubig ,at may makukuha ang mga kids na 6man(dito yun sa amin ha,ewan ko lang po sa lugar niyo),may PR na siya diba?wala na dapat ikatakot.kailangan niya lang tandaan at alamin ang mga pasikot sikot sa lugar na pupuntahan niya kung sakaling magbubukod na sila ng mga bata pinakamahalaga hospital.medyo mabusisi lang po sa mga pagchange ng address damay po kase lahat pati hokensho,alien card niya,at bostecho ng mga bata.sana makatulong.

kaori
05-14-2007, 11:34 AM

maraming salamat sa pag-share mo...karagdagan din to...bukas na siya pupunta sa city hall...sasamahan ko na siya para lumakas na ang loob nya...nakakaawa na kasi..sinabihan na pala ang musume niya na lumayas na sila sa bahay na yun...nagsumbong yung musume sa kanya..sabi daw ng tatay nila lumayas na raw sila....:mad: :hellfire: :furious: :grrr:

kaori
06-19-2007, 10:59 AM
Ako po ay lubos na nagpapasalamat sa lahat ng nag-share ng kani-kanilang payo.....Bagamat ako po at ang aking mga kaibigan ay nalungkot sa pangyayari na itong si Kaibigan A ay biglang umatras..sa kung anong kadahilanan ay nde na namin masyadong inulirat.Dapat kinabukasan ay sasamahan ko siya sa City hall ...para nga amg-soudan...bigla na lang tumawag na nde na daw siya tutuloy.kakausapin na lang daw niya habibi niya.OK lang sa akin...bagamat marami na akong natawagan at nakausap sa city hall saka nagtanong na rin ako sa kattei saiban...Siguro talagang lab niya habibi niya...ayaw niya cguro mahiwalay sa habibi niya...eh..wala naman kami magagawa na...tagapakinig na lang kami ngayon kung ano na naman ang susunod niya problema at litanya...ako namna nde na muna basta-basta kikilos...nakakahiya sa mga pinakikiusapan kong mga tao sa city hall at kattei saiban...Sabagay..wa la naman magagawa na..gusto niya siguro ng buong pamilya kahit naghihirap ang kalooban niya...MARTIR ba ang tawag dito?Kami naman naawa lang sa kanya tuwinang nagwewento siya...BULAG nga palang talaga ang pag-ibig....BINGI na...PIPI pa....ang pag-ibig nga naman......:rolleyes : :mad:

lenemen
06-19-2007, 01:18 PM
Kaori san, GOKUROSAMA deshita! talagang likas sa ating mga Pilipino ang dumamay sa kapwa pag kinakailangan kaya BOW ako sa iyo, sa mga efforts na ginawa mo para matulungan ang kaibigan mo. Pero yung mga oras at pagod na ginugol mo sa paroo't parito para makipag-usap sa ibat-ibang tao for "soudan" ikanga, yun ang hindi naiisip ng iba nating kababayan. Sa tinagal natin dito, minsan nararanasan nating mapahiya tayo sa mga kausap natin para sa favor ng "kaibigan" na pag dating ng oras ay nagbabago ang isip at maiiwan tayo sa ere. Tayo pa ngayon ang hihingi ng paumanhin sa mga taong naging kausap at na kompromiso natin. Kaya alam mo, hindi na rin natin masisisi yung iba na ayaw na umulit sa pag tulong dahil minsan sila ang nalalagay sa alanganin o kompromiso. Sana lang hindi nagkamali ng desisyon yung kaibigan mo at naway maging matahimik na ang buhay niya sa asawa niya.

geminiaries
06-19-2007, 06:15 PM
Hi! mga ka TF,

hello kay Kaori (chan) gusto ko lang magbigay ng comment tungkol kay kaigiban A.
Siguro na realize din ng kaibigan mo na baka pwede naman nya mapagusapan pa nila
yung problema nila baka kulang lang sila ng communication sa isat-isa kasi kailangan
siya ang gagawa ng para-an para magusap sila.kasi ang mga japanese karamihan sa kanila
kulang ng communication sa family,kaya di nga ba marami sa kanila ang nag di-divorce
na kung minsan luck 0f communication lang.
Cguro iniisip din nya ni kai.A,na mahirap magpalaki ng mga bata ng nag iisa,tutal
di naman siya buttered wife,kay pwede pa nya pagti-isan.
I Pray for them that God,will guide them,in there daily living
MAY THEY GOD WLL BLISS THEM.

la_tina512
06-19-2007, 07:59 PM
Katatapos ko lang basahin lahat ng mga posts and I want to extend my admiration to Kaori San with her all-out support sa isang nangangailangan ng tulong. Hats off ako sa 'yo kabayan. :)

Sa experience ko hindi iilang beses na naka-encounter ako ng kababayan nating Pinay na pareho ng kaibigan A ni Kaori. Ngayon, cautious ako sa pagbibigay ng advice at sa mga gagawin kong pagkilos. Hindi rin ako basta nagbibitaw na rin ng mga comments kasi parang unfair din sa asawang hapon lalo na kung hindi naman natin naririnig ang kabilang side. Ang natutunan ko ay maging neutral sa bawat situation. Okay, nandon ang awa at simpatiya lalo at kabayan natin pero kung hindi rin natin babalansehin baka lalong makabigat lang sa situation kung puro pabor lang sa kababayan natin ang maririnig nila. We have to know both sides of the story.

Para kay Kaori San alam ko ang frustration na naramdaman mo after na gawin mo lahat ng dapat mong gawin at mag-back-out ang kausap mo. Huwag ka sanang madala at huwag kang magsawa sa pakikinig at pagtulong. Usually kasi sa mga kababayan nating Pinay kailangan lang nilang may tengang makikinig at balikat na maiiyakan. Lagi naman nasa may katawan ang decision. If she decided not to listen to your advices anuman ang mangyari at least you've done your part. Hindi kayo nagkulang ng mga paalala. Prayer ko lang para sa kaibigan A mo sana huwag syang magkamali sa mga decisions na gagawin niya and I wish na maging buo ang family nya for the sake of the children.

shakey
06-19-2007, 08:29 PM
naku sad to hear naman wento ni kaibigan a..wel maipapayo ko sa kanya tama yung mga ka tf natin go agad sya sa city hall para mag sodan,mababait naman yang tao sa city hall aasikasuhin ka nila talaga.may frend ako mga ka sis buntis sya ang asawa nya hapon,1 yr.lng ang visa nya,makapal lalo ang asawa nun di na nga nag bibigay ng pera bug bog sarado pa sya lagi,di na kami nakatiis punta kami ng city hall tinulungan sya,wala kc syang trabaho dahil buntis ang ginawa ng city hall libre bahay,libre lahat tubig,ilaw,may pera pa sya every month..tsaka take note libre din yung panganganak nya..kaya ikaw kaibigan a go to city hall na

kaori
06-19-2007, 10:24 PM
Kaori san, GOKUROSAMA deshita! talagang likas sa ating mga Pilipino ang dumamay sa kapwa pag kinakailangan kaya BOW ako sa iyo, sa mga efforts na ginawa mo para matulungan ang kaibigan mo. Pero yung mga oras at pagod na ginugol mo sa paroo't parito para makipag-usap sa ibat-ibang tao for "soudan" ikanga, yun ang hindi naiisip ng iba nating kababayan. Sa tinagal natin dito, minsan nararanasan nating mapahiya tayo sa mga kausap natin para sa favor ng "kaibigan" na pag dating ng oras ay nagbabago ang isip at maiiwan tayo sa ere. Tayo pa ngayon ang hihingi ng paumanhin sa mga taong naging kausap at na kompromiso natin. Kaya alam mo, hindi na rin natin masisisi yung iba na ayaw na umulit sa pag tulong dahil minsan sila ang nalalagay sa alanganin o kompromiso. Sana lang hindi nagkamali ng desisyon yung kaibigan mo at naway maging matahimik na ang buhay niya sa asawa niya.
Napaka-busy ko panang tao...isinisingit ko lang yung time sa pag-aasikaso.....kaso nalaman naman namin sa anak na panganay na nde naman pala nagbabago pa yung ama nila.Ganun pa rin...walang pagbabago na nangyari...Sabi lang sa amin nagbago naman daw asawa niya...kaso ibinuko ng panganay na anak...

kaori
06-19-2007, 10:33 PM
Hi! mga ka TF,

hello kay Kaori (chan) gusto ko lang magbigay ng comment tungkol kay kaigiban A.
Siguro na realize din ng kaibigan mo na baka pwede naman nya mapagusapan pa nila
yung problema nila baka kulang lang sila ng communication sa isat-isa kasi kailangan
siya ang gagawa ng para-an para magusap sila.kasi ang mga japanese karamihan sa kanila
kulang ng communication sa family,kaya di nga ba marami sa kanila ang nag di-divorce
na kung minsan luck 0f communication lang.
Cguro iniisip din nya ni kai.A,na mahirap magpalaki ng mga bata ng nag iisa,tutal
di naman siya buttered wife,kay pwede pa nya pagti-isan.
I Pray for them that God,will guide them,in there daily living
MAY THEY GOD WLL BLISS THEM.
Thank you kapatid...ginawa niya talaga lahat..para wag mawasak ang pamilya nila...kinausap nga niya husband niya...tas sabi niya sa akin...ayos na sila...husband na niya magpapaaral sa anak nila na bunso...ilang taon yung tiniis niya na cya ang nagpapaaral sa anak niya...nagbibigay ng pera sa byenan,gumagastos sa bahay...pakakainin pa ang byenan...kaya naman niya buhayin ang mga anak niya kahit mag-isa lang siya...tutal nabuhay nga niya ang byenan niya at husband niya....kaya lang ..talaga cgurong mahal niya husband niya...ayaw niya mawalay sa husband...gusto nya cguro lumaki ang anak na may ama.....na buo ang pamilya nila....

kaori
06-19-2007, 10:52 PM
Katatapos ko lang basahin lahat ng mga posts and I want to extend my admiration to Kaori San with her all-out support sa isang nangangailangan ng tulong. Hats off ako sa 'yo kabayan. :)

Sa experience ko hindi iilang beses na naka-encounter ako ng kababayan nating Pinay na pareho ng kaibigan A ni Kaori. Ngayon, cautious ako sa pagbibigay ng advice at sa mga gagawin kong pagkilos. Hindi rin ako basta nagbibitaw na rin ng mga comments kasi parang unfair din sa asawang hapon lalo na kung hindi naman natin naririnig ang kabilang side. Ang natutunan ko ay maging neutral sa bawat situation. Okay, nandon ang awa at simpatiya lalo at kabayan natin pero kung hindi rin natin babalansehin baka lalong makabigat lang sa situation kung puro pabor lang sa kababayan natin ang maririnig nila. We have to know both sides of the story.

Para kay Kaori San alam ko ang frustration na naramdaman mo after na gawin mo lahat ng dapat mong gawin at mag-back-out ang kausap mo. Huwag ka sanang madala at huwag kang magsawa sa pakikinig at pagtulong. Usually kasi sa mga kababayan nating Pinay kailangan lang nilang may tengang makikinig at balikat na maiiyakan. Lagi naman nasa may katawan ang decision. If she decided not to listen to your advices anuman ang mangyari at least you've done your part. Hindi kayo nagkulang ng mga paalala. Prayer ko lang para sa kaibigan A mo sana huwag syang magkamali sa mga decisions na gagawin niya and I wish na maging buo ang family nya for the sake of the children.
Hello kapatid...nahihiya na siya magwento ngayon...puro ok na cla ng habibi niya ang naririnig namin...happy na cya...At least...naipakita namin ang simpattiya namin sa kanya...kahit anong mangyari sa kanya nandito kami handang tumulong sa kanya...Sad to say...nibisto siya ng panganay niyang anak...20 yrs. old na panganay niya...anak niya sa Pilipino..3years pa lang dito sa japan ang panganay...nde naman daw totoo nagbago yung amang hapon..ganun pa rin daw...gusto na tuloy umuwi sa pinas ni panganay...wawa naman bata..kaya ko nasabi na BULAG ang pag-ibig...nde nakikita ang mali...PIPI pa..kasi nde masabi sa husband ang gustong mangyari sa buhay nila...BINGI...sa mga pangyayari...ayaw pakinggan si panganay....Gusto niya magkasma sila sa iisang bubong na nde naman nag-uusap...magkaiba ng tulugan...SAbagay yun ang desisyon niya..tama ka sistah...siya naman ang masusunod...pero kami nandito lang...makikinig lang sa kanya..pag kailangan niya ng balikat na miiyakan nandito kami..pero..kailanga n maging wise na rin ako sa pagtulong sa kanya...kailangang talagang siguradong-sigurado na cya sa desisyon niya bago ako umaksyon...Pero sa isang banda...humanga rin ako sa kanya...kasi talagang gusto niya buo pamilya niya...

kaori
06-19-2007, 10:55 PM
naku sad to hear naman wento ni kaibigan a..wel maipapayo ko sa kanya tama yung mga ka tf natin go agad sya sa city hall para mag sodan,mababait naman yang tao sa city hall aasikasuhin ka nila talaga.may frend ako mga ka sis buntis sya ang asawa nya hapon,1 yr.lng ang visa nya,makapal lalo ang asawa nun di na nga nag bibigay ng pera bug bog sarado pa sya lagi,di na kami nakatiis punta kami ng city hall tinulungan sya,wala kc syang trabaho dahil buntis ang ginawa ng city hall libre bahay,libre lahat tubig,ilaw,may pera pa sya every month..tsaka take note libre din yung panganganak nya..kaya ikaw kaibigan a go to city hall na
Sana nga magbago pa isipan niya....salamat kapatid...:sweeties: