View Full Version : Same-sex couple, Visa Sponsorship
naruto
05-12-2007, 12:41 PM
hello po! andito pa po ako sa PH. pero inaasikaso na po namin ang long-term resident visa ko. ang mama ko po permanent-resident na sa japan. tanong ko po sana eh, sa anong paraan ko po kaya makakasama sa japan ang partner ko? parehas kasi kami lalake. haha. tama po kayo ng basa.
sana hindi po ako ang unang beses na nag-post ng ganitong inquiry para may makatulong naman sa akin. kasi alam ko hindi sakop ng spouse visa ang same-sex couples. so, sa batas, wala talaga kami magagawa para magkasama sa japan.
pero baka meron po kayo kilala na mga kaibigan na parehas ang kaso ko. baka meron jan mga nagtagumpay na mamuhay sa japan magkasama. nahihirapan na po kasi ako. ayaw ko man umalis ng PH ng hindi sya kasama eh iniisip ko naman ang kinabukasan ko at ang mama ko na matagal ng walang kasama sa yokohama.
kelangan ko po ng mga payo niyong lahat. nagmamahalan po kasi kami at ayaw talaga naming maghiwalay. maraming salamat po sa mga makakabasa at sana matulungan niyo po ako.
salamat na marami. :)
summergirl
05-12-2007, 05:04 PM
Sorry you might not like ang sasabihin ko sa iyo,bakit di mo muna unahin ang future mo sa pan-sarili mo,una punta ka muna dito,then mag tanong tanong ka or isipin mo talaga kung your both ment for each other...Malay mo pag dating mo rito may mas magandang future ang nag-hihintay sa iyo or mag trabaho ka muna then saka mo isipin na kunin sya ...Alam mo ,sa pag kakaalam ko wala pang ganyan sa kaso mo,unless ikaw ang permanent visa..Mother mo muna ang unahin mo at pag di nabago ang feling mo then ...saka mo isipin kung ano ang dapat mong gawin..batter consult here..
Ibaraki International Association...029-2443811
Thursday ..Tagalog ....Mon & Fri. English
From 9:00 to 4:30 pm
kelangan ko po ng mga payo niyong lahat. nagmamahalan po kasi kami at ayaw talaga naming maghiwalay. maraming salamat po sa mga makakabasa at sana matulungan niyo po ako.
salamat na marami. :)
Hullo naruto!:)
Mahirap yan, kasi walang law dito sa Japan ng same sex marriage or the like.
Hindi naman sa pagmamarunong at nao-observe ko lang, mukhang hindi magandang lugar ang Japan para sa mga gays and lesbian. If not hostile, indifferent yata ang society ng Japan sa mga homosexual. Pero syempre hindi naman siguro masyadong grabe, di lang talaga open ang mga homosexual dito sa Japan dahil narin siguro sa society.
Anyway, di ko naman pwedeng sabihin sa U.S. nalang kayo kasi mas free mga tao doon, kasi dito mo nga gustong pumunta kasama ng nanay mo. Ang pinaka-advise ko na lang siguro ay pumunta ka dito at padalawin mo na lang yung boyfriend mo dito, at sana maghanap sya o maihanap mo sya ng trabaho dito habang nandito sya. Ganun lang ang paraan wala na sigurong iba, unless by illegal means. At di pwede siguro yung mga kakilala-kilala lang kasi napaka rigid ng Japan sa mga visa procedures.
Goodluck sa inyo naruto. :)
aki^-^
05-13-2007, 10:47 AM
siguro mas maganda kung mauna ka muna pumunta sa japan..pag naging stable ka na pwede mo naman syang iinvite as tourist visa....yun lang ang pwedeng paraan para makuha mo sya...or habang nasa japan ka hanap ka kung sinong pwedeng magsponsor sa kanya like company ...para mabigyan sya ng working visa.
Sammy
05-14-2007, 11:46 AM
Kalokohan lang ang iniisip mo.
First tignan mo muna kung makakarating ka nang Japan.
At magsikap ka.
v_wrangler
05-14-2007, 12:45 PM
mukhang hindi magandang lugar ang Japan para sa mga gays and lesbian. If not hostile, indifferent yata ang society ng Japan sa mga homosexual. Pero syempre hindi naman siguro masyadong grabe, di lang talaga open ang mga homosexual dito sa Japan dahil narin siguro sa society.
I do not think this is true as a general case, Japan is more accustomed to members of the third sex compared to a society like that of the Philippines. while Japan does not have any laws to legitimize their contributions to the society, You will find most of them as topics in tv programs (as new-halves) - and they remain productive in the entertainment industry. Their presence in our everyday life simply means that the Japanese society is aware, open and not indifferent (if that would mean frowned upon).
While dcat is correct that there is no legal means to bring your partner as a future legal member of your family (family-based/spousal visa sponsorship), there are other avenues for your partner to reach Japan, that could be thru employment or temporary permission as a visitor or even as a student.
vBulletin® v3.7.0 Beta 4, Copyright ©2000-2008, Jelsoft Enterprises Ltd.