PDA

View Full Version : Visa Sponsorship, LGBT Rights


naruto
05-12-2007, 12:53 PM
Hello po. :p

Andito po ako sa PH ngayon. Pero malamang next year andyan na ako sa Yokohama, kapag naayos na long-term resident visa ko. Mama ko po kasi permanent-resident na din jan.

Ito po ang ihihingi ko ng tulong at payo:

Meron po kasi akong partner. Parehas kami lalake. Kaso wala siya paraan para makapunta at makasama ko sa JP. Ayaw ko pong maghiwalay kami. Sa batas ng JP, alam ko walang magagawa. Pero baka may mga
kakilala po kayo o mga kaibigan na parehas ng kaso ko. Ano po kaya ginawa nila para magkasama sila ng mga partners nila? :)

Nahihirapan na po kasi ako magisip ng paraan. Sana kung sa Canada lang eh posible talaga. Kelangan ko po payo niyong lahat. Maraming salamat sa mga nagbasa.

Aantayin ko po mga sagot niyo. ;)