PDA

View Full Version : left by japanese husband while pregnant


propinoy
05-14-2007, 11:44 PM
hello.

may kakilala po akong pinay na nasa pinas ngayun at papunta dito sa japan. umuwi siya dahil kailangan. to make the long story short, iniwan siya ng asawa niya habang buntis siya. 1 yr ang visa niya and its about to expire in 4 months.

ang tanong: puwede ba siyang mag-renew ng visa kahit wala yung asawa niya pero buntis siya? wala pong kahit anong papeles na pinirmahan yung asawa niya na sa kanya yung bata pero nabuntis siya habang kasal pa sila. nagyun, hindi na mahagilap ung hapon.

please reply. thanks

propinoy
05-15-2007, 07:49 AM
up ko lang po

lalen16loves
05-15-2007, 08:04 AM
ang gago naman ng hapon na yan,...:mad: sori wala akong maiadvice, nabubwesit lang ako s aganyang mga hapon...

palagay ko lang OO.....anak naman yun ng hapon diba ?......so , wag syang matakot....kailangan makapunta na talaga agad sya dito paramakapagsoudan na agad sya sa cityhall dito....at, mahahagilap din nya yang asawa nya, at pag nakita nya ganito gawin nya :fire: :hellfire: :karate: .....

GANBATTE nalang kamo sa friend mo....wait ka lang maraming nmakakapagpayo sa friend mo kung ano ang mga dapat gawin....maraming abogado dito for free legal consultation...:D

aki^-^
05-15-2007, 09:41 AM
tinanong ko friend ko regarding sa case na ito...pwede daw syang magparenew ng visa as long na may magsponsor sa kanya...like her mother in law....etc. dapat ireport na nya ito sa cityhall...regarding sa problema nya at matutulungan sya nito..... sasabihin nya na iniwan sya ng asawa nyang hapon....lalo na buntis sya.:)

Tarena314
05-15-2007, 09:56 AM
hello propinoy hajimemashite and welcome here on TF..,:)

Alam mo medyo mahirap ang magbigay ng payo sa kagaya ng kalalagayan ng Kaibigan mo..,kase unang- una hindi ko alam ang tunay na dahilan kung bakit sya iniwan na lang ng ganon ng kanyang esposo..,baka may mga kadahilanan kaya iniwan sya..,medyo palaisipan sakin na basta na lang ba iiwan ang isang babae ng kanyang asawa :confused: Kung ano man ang mga dahilan ay sila lang ang malinaw na nakakaalam at sila din ang makakalutas ng kanilang problema..,

Tungkol don sa katanungan mo palagay ko makakakuha sya ng VISA or makaka pag extend sya kung sa ngayon pa lang ay uumpisahan nyang ayusin ang mga papeles na kailangan nya..,at ang isa pang option nya ay ang pumunta sya kaagad sa city hall ..,isalaysay nya ang buong pangyayari at sabihin nya ang nararapat sabihin..,may mga in laws naman sya siguro kaya mas mainam na rin na lumapit sya at humingi ng tulong..,nasa paligid ligid lang yung asawa nya at makikita nya rin yun kung gugustuhin nya..,maraming paraan para mahanap ang taong nawawala dito sa japan..,

katty0531
05-15-2007, 10:13 AM
Ohayou guzaimasu....

Unang dapat gawin ng kaibigan mo ay ang bumalik na kaagad dito sa Japan, kokonti nalang pala natitira nyang bala dapat naandito na sya at asikasuhin ang papeles nya.
Maraming paraan at magagawa basta andito ka, wala syang magagawa pag nasa Pinas sya. Di naman bago istorya ng kaibigan mo, pero hangga't di pa sya hiwalay at wala syang pinirmahang hiwalayan may karapatan parin syang tumira dito sa Japan.Goodluck.

propinoy
05-15-2007, 09:30 PM
salamat po sa advice.

naghiwalay po sila kasi may ibang babae yung asawa niya. hanggang ngayung nasa pinas siya, hindi na sumasagot yung lalake pag tinatawagan niya. sadly, hindi pa naipapakilala ng hapon yung kakilala ko sa in-laws niya. ewan ko kung bakit. kaya out of the question yung i-sponsor siya ng mga biyenan niya. again, wala pa rin siyang papeles o record sa hospital na buntis siya. 1 month pa lang yung tiyan niya, umuwi na agad siya sa pinas. ang masama eh kung itanggi ng hapon yung anak kasi naghihinala din yung asawa niya dun sa kakilala ko na may ibang lalake.

ni-research ko po yung mga kailangan para makapag-extend ng visa. kelangan po yung papeles ng asawa niya diba? at kelangan ding meron siyang pinagkakakitaan. meron siyang kamag-anak dito. puwede bang iyon na lang ang mag-sponsor sa kanya?

aki^-^
05-15-2007, 09:57 PM
pwede po.... may case kase na ganyan.... yung friend nya or kamag anak nya ang nag sponsor sa kanya dahil ang asawa nya nawawala.... as long as ang mag sponsor sa kanya...na may stable job, nagbabayad ng tax..walang utang.. tell ur friend na pumunta na sya sa japan at asikasuhin ang dapat gawin at pumuta na sya sa cityhall and ask for help.... basta lahat sabihin nya....na umuwi sya sa pinas at di nakikipagcommunicate hubby nya.
Kainis namang hapon yan...babaero na at iresponsable pa!! grrrrrrrrrrrr!!!!

propinoy
05-15-2007, 10:48 PM
sinabi mo pa. walang bahay na sarili yang hapon na yan at hindi pa nagbibigay ng pera. grabe talaga. balita ko maraming ganyang hapon....

shakey
06-16-2007, 04:12 AM
sistah sad naman me sa frend mo..kakainis talaga minsan yang mga hapon na yan,walang mga puso! ang kakapal ng mga muka! ang maipapayo ko sa kanya umuwi na sya dito sa japan,den punta sya ng city hall huming sya ng advice tutal naman kasal sila diba..kumuwa sya ng marriage certificate nila sa city hall den humingi sya ng advice kung paano ang gagawin nya.wag syang mag sayang ng oras,kailangan hanggat may time sya kumilos na sya kc lam mo naman dito sa immig.kung ikaw mas maagap mas bibigyan ka nila ng chance to get visa lalo na pag kulang kulang yung mga papel or may problem ka.kaya sistah go na sa japan at asikasuhin mo na ang visa mo.

la_tina512
06-16-2007, 08:27 AM
hello.

may kakilala po akong pinay na nasa pinas ngayun at papunta dito sa japan. umuwi siya dahil kailangan. to make the long story short, iniwan siya ng asawa niya habang buntis siya. 1 yr ang visa niya and its about to expire in 4 months.

ang tanong: puwede ba siyang mag-renew ng visa kahit wala yung asawa niya pero buntis siya? wala pong kahit anong papeles na pinirmahan yung asawa niya na sa kanya yung bata pero nabuntis siya habang kasal pa sila. nagyun, hindi na mahagilap ung hapon.

please reply. thanks

That would be abandonment. Kung gusto nyang maayos problema nya dapat bumalik na siya dito at gawin ang mga dapat gawin pareho ng pagre-report sa city hall ng situation niya. Mendoksai dahil i-interview-hin ultimo pinakamaliit na detalye. Pakisabi sa kaniya ihanda ang sarili dahil ipapahanap sa kanya ng city hall asawa niya. Meron na akong mga ganyang cases na na-encounter na hindi na inuwian ng asawa at ang advice ng city hall hanapin. Magiging mahirap para sa friend mo kung hindi man lang sya kilala ng mga in-laws nya at worst wala man lang siyang alam lalo na sa employment background ng mister niya. Kumplikado ang situation pero the best ay bumalik sya dito at magpatulong sa mga taong may alam sa legal process ng magiging kaso nya para hindi sya ma-confuse. Pabalikin mo na siya dito at meron ding mga NGOs (Non-Governmental Organizations) na puwede tumulong sa kaniya as a foreign resident of this country. Huwag nyang hintayin pa lumaki ang tiyan nya at baka hindi na siya pasakayin ng eroplano abutin sya ng expiration ng visa sa Pilipinas lalo syang maperhuwisyo. Kung wala syang pamasahe gawan niya ng paraan importante makabalik siya dito the soonest possible time.

summergirl
06-16-2007, 09:07 PM
:confused: Sabihin mo sa friend mo punta agad sya sa City hall at mag sodan sya kung ano ang dapat nyang gawin at sabihin nya ang nang-yari.Sila ang uang makakapag bigay mg advise sa kanya at may ibibigay pa ako sa iyong no. na may libreng lawyer para masagot ka ng exact answer sa bawat katanungan mo..Sana makatulong ito.


Ibaraki International Association
0292-443811
English mon-fri 9:am to 4:30 pm
Tagalog thursday 9:00 to 4:30 pm


Tsukuba City Help Center for Foreigners
Tuesday English 10-12 1-4:45
029-8571870

Free consultation with lawyer via interpreter by appointment ang sa Tsukuba..
Consultation by phone or interview<appt needed>Free consultation with lawyer din sa Ibaraki International..